Barangay LS 97.1 Manila | GMA Network Inc.
Barangay Love Stories
These are the weekly stories of love, life and hope (ang mga kuwento ng buhay, pag-ibig at pag-asa) from the listeners of Barangay LS 97.1 FM. Listen to Papa Dudut as he reads the letters of our 'Kabarangays' heartfelt experiences. The dramatization will bring you closer in feeling the joy, pain and everything in between of love & life. Siguradong relate-much ka dito. Thank you for making this podcast NUMBER 1 in the Philippines.
Author
Barangay LS 97.1 Manila | GMA Network Inc.
Category
Podcast website
Latest episode
Jul 10, 2026
Where to listen?
Podcasts in the app Replaio Radio Coming soonPodcasts are coming to the app soon. Install now and be the first to see a whole new take on podcasts
Episodes
EP 546: "White Flag" with Papa Dudut 20.10.2025 51:34
“Only hurt people, hurt people” – narinig mo na ba ang kasabihang iyan? Madalas nahihirapang magmahal ang ibang tao dahil buong buhay nila, wala silang natanggap na tamang pagmamahal. Ganyan ang ex GF ni Leon, aware din siya na red flag ang dalaga pero kahit na ganun, habol pa rin siya nang habol dito. Buti na lang ay nakilala niya si Lucy, ang babaeng magpaparanas sa kanya ng tunay na pagmamahal....
EP 545: "Sawsaw" with Papa Dudut 16.10.2025 39:07
Kapag ang relasyon ay hindi nailaban sa mga sumasawsaw, mapapagod lang ang puso at baka tuluyang bumitaw. Pakinggan ang kwento ni Janet sa Barangay Love Stories.
EP 544: "Last Will" with Papa Dudut 15.10.2025 44:05
Hindi mabubuwag ang pamilya kapag may tiwala sa isa’t-isa at ang respeto’y hindi dapat mawala hanggang sa huling paghinga. Pakinggan ang kwento ni Radni sa Barangay Love Stories.
EP 543: "Pangit" with Papa Dudut 13.10.2025 55:46
Bago ka pumasok sa isang relasyon, hilumin mo muna raw ang iyong trauma. Pero para sa tulad ni Patring na desperado nang makatakas sa tahanang puro pasakit ang binibigay sa kanya, wala na siyang oras para maghilom at ayusin ang buhay niya. Kaya nang dumating si Dennis, hindi na niya ito pinakawalan pa. Sobrang mapagmahal at mapagpasensiya ni Dennis bilang karelasyon pero inabuso ni Patring iyon. A...
EP 542: "Hindi Madapuan" with Papa Dudut 10.10.2025 45:21
May tao talagang hindi malapitan dahil siya'y pinoprotektahan at kung ayaw ng kaguluhan, wala nang pakialamanan. Pakinggan ang kwento ni Orson sa Barangay Love Stories.
EP 541: "Renta" with Papa Dudut 08.10.2025 44:05
Lahat ng bagay na may renta ay kadalasang pansamantala. At kapag ito'y hindi binalik sa tamang oras, baka maging sanhi ito ng sumbat at pintas. Pakinggan ang kwento ni Nieves sa Barangay Love Stories.
EP 540: "Sayang sa Kuryente" with Papa Dudut 06.10.2025 56:37
Sa pagkawala ng mama at lolo ni Jameson, kinailangan nila ng lola niya na umuwi sa isa pa nilang bahay para mas makatipid sa pera. Kaso ang bahay na iyon, tinitirahan ng bunsong kapatid ni lola Nancy. Wala naman sanang problemang tumira kasama ang isa pang lola ni Jameson lalo pa’t kina lola Nancy naman talaga ang bahay at nakikitira lang si lola Susan. Kaso nang dumating sa bahay ang maglola, par...
EP 539: "Lihim na Pagtingin" with Papa Dudut 03.10.2025 39:00
Inspirado ang isang tao kapag may napupusuan ito pero minsan ang pagmamahal nang palihim ay mahirap para sa iyong puso. Pakinggan ang kwento ni Jam sa Barangay Love Stories.
EP 538: "Sagwan" with Papa Dudut 01.10.2025 44:50
Ang sagwan ay instrumento para malakbay ang ilog na tatawirin pero kung dalawang ilog ang gustong pamangkaan, malamang ay hindi makakarating sa pupuntahan. Pakinggan ang kwento ni Naya sa Barangay Love Stories.
EP 537: "Telepono" with Papa Dudut (Barangay Live Studios) 29.09.2025 1:04:27
Masalimuot ang pamilyang kinagisnan ng kaibigan ni Dave. Iniwan na si Jaimee ng kanyang ina sa palabugbog nitong ama. Naging ka-phone pal ni Dave si Jaimee pero kahit sa telepono lang nagkakausap, totoo ang naging pagkakaibigan nila noong bata pa sila. Ngunit nang tumigil sa pagtawag si Jaimee, sinubukan pa rin sana siyang hintayin ni Dave pero para sa isang bata, mahirap talagang makahanap ng par...
EP 536: "Usapan" with Papa Dudut 26.09.2025 42:12
Lahat ng bagay ay nadaraan sa masinsinang usapan at makakaiwas sa problema kung susunod lang sa napagkasunduan. Pakinggan ang kwento ni Rich sa Barangay Love Stories.
EP 535: "Himpapawid" with Papa Dudut 24.09.2025 49:38
Nangangarap ang karamihan na lumipad at maglakbay sa labas ng bansa at nagbabakasakaling matakasan na nila ang hirap ng buhay. Pakinggan ang kwento ni Matteo sa Barangay Love Stories.
EP 534: "Sagad sa Buto" with Papa Dudut 22.09.2025 55:05
May mga kasalanang madaling palagpasan pero mayroong ding nagiging ugat ng panghabang buhay na sakit. Kaya nang nalaman ni Maribel na hindi siya inako ng kanyang ama at pinagbintangan pang pakawalang babae ang kanyang ina, buo na ang desisyon niyang hindi na patawarin ang malupit at mayabang niyang ama. Pakinggan ang kwento ni Maribel sa Barangay Love Stories.
EP 533: "Passport" with Papa Dudut 19.09.2025 42:17
Pagmulat sa umaga hanggang sa pagpikit ng mata, hindi mawawalay sa isipan ang pag-ibig sa anak ng isang ina. Pakinggan ang kwento ni Calvin sa Barangay Love Stories.
EP 532: "Neighbor" with Papa Dudut 17.09.2025 43:31
Huwag gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila sa'yo. Kung gusto ng tahimik na buhay, tratuhin lalo nang maayos ang kapitbahay. Pakinggan ang kwento ni Prince sa Barangay Love Stories.
EP 531: "Nakakarindi" with Papa Dudut (Barangay Live Studios) 15.09.2025 1:05:14
Marami ang mga batang lumaki sa hirap at pilit na umaahon habang tumatanda sila. Kaya nang magkaroon ng kakayanan sa buhay si Mary Joy, kinuha niya ang kapatid niyang si Chelsea para suportahan at pag-aralin. Kaso si Chealsea, kahit lumaki rin sa hirap ay hindi yata marunong mag-appreciate sa mga bagay na binibigay ng ate niya. Alam niya namang grabe ang hirap ni Mary Joy para buhayin sila at pag-...
EP 530: "Paikot-ikot" with Papa Dudut 12.09.2025 43:38
Doble ang balik sa may mga masamang gawain dahil bilog ang mundo at hindi napipigilan ang pag-ikot nito. Pakinggan ang kwento ni Philip sa Barangay Love Stories.
EP 529: "Deserving" with Papa Dudut 10.09.2025 44:28
Deserve mo ang kaligayahan, kaya laban lang dahil makakamtan mo rin ang bagay na sa iyo ay tunay na nakalaan. Pakinggan ang kwento ni Tonton sa Barangay Love Stories.
EP 528: "Tamang Panahon" (Part 2) with Papa Dudut 08.09.2025 1:07:33
Matagal-tagal na ring naghihintay ng taong mamahalin si Eldrin. Kaya nang makilala niya si Celeste, nabuhay ang nananahimik niyang mundo. Bakasyonistang nag mo-move on si Celeste, at si Eldrin naman ang transient owner na nag-offer na maging tour guide niya. Mabilis nagkagaanan ng loob ang dalawa sa maikling panahon nilang pagsasama kaya kahit nakauwi na si Celeste, hindi nawala ang communicatio...
EP 527: "Excess Baggage" with Papa Dudut 05.09.2025 41:01
Matuto sa kamalian kung ayaw ng pasanin dahil nag-iiwan ng bagahe ang mga palpak na diskarte. Pakinggan ang kwento ni Willie sa Barangay Love Stories.
EP 526: "Sa Kanya" with Papa Dudut 03.09.2025 48:25
Masasabing tunay ang pag-ibig mo sa isang tao kung sa kanya pa rin ang iyong puso kahit gusto mo nang sumuko. Pakinggan ang kwento ni Doray sa Barangay Love Stories.
EP 525: "Bituin sa Lupa" (Part 1) with Papa Dudut 01.09.2025 1:08:29
Nahirapang mag-move si Celeste sa kanyang longtime jowa. Kahit alam niyang barumbado ito, naging magtiyaga siya sa pagmamahal rito sa pag-asang magbabago rin ang kanyang nobyo. Hindi naman siya nabigo dahil kahit papaano ay umayos ang buhay ni Anton dahil sa kanya. Hanggang sa nagkaroon na sila ng kanya-kanyang trabaho pero imbes na kasal ang pag-usapan, nauwi rin sila sa hiwalayan matapos ang 11...
EP 524: "Hagod" with Papa Dudut 29.08.2025 41:49
Madaling maging tao pero mahirap magpakatao at isa sa dahilan kung bakit ganito ay sa kawalan ng respeto. Pakinggan ang kwento ni Kareem sa Barangay Love Stories.
EP 523: "Hinayang" with Papa Dudut 27.08.2025 41:24
Kung tama ang pag-ibig ng magulang sa anak, magmamahal din ito nang lubos at walang panghihinayang. Pakinggan ang kwento ni Karina sa Barangay Love Stories.
EP 522: "Pangako Nating Dalawa" with Papa Dudut (Barangay Live Studios) 26.08.2025 1:04:48
Dahil naging malupit kay Lemuel ang tadhana, wala na siyang gana makipagmabutihan sa mga tao. Pero dahil sa pagiging caregiver niya, nakilala niya si lolo Cerilio. Una nilang pagkikita, sinindak agad ni Lemuel si lolo para mapasunod niya ito. Buti na lang ay makulit at mabagsik din si lolo. Si lolo Cerilio na may hawig na karanasan kay Lemuel; si lolo Cerilio na binago ang buhay para sa babaeng ka...
Similar podcasts
Replaio is not a podcast publisher; show names, artwork and audio belong to their authors and are distributed through public RSS feeds.