Barangay LS 97.1 Manila | GMA Network Inc.
Barangay Love Stories
These are the weekly stories of love, life and hope (ang mga kuwento ng buhay, pag-ibig at pag-asa) from the listeners of Barangay LS 97.1 FM. Listen to Papa Dudut as he reads the letters of our 'Kabarangays' heartfelt experiences. The dramatization will bring you closer in feeling the joy, pain and everything in between of love & life. Siguradong relate-much ka dito. Thank you for making this podcast NUMBER 1 in the Philippines.
Author
Barangay LS 97.1 Manila | GMA Network Inc.
Category
Podcast website
Latest episode
Jul 10, 2026
Where to listen?
Podcasts in the app Replaio Radio Coming soonPodcasts are coming to the app soon. Install now and be the first to see a whole new take on podcasts
Episodes
EP 571: "Malas" with Papa Dudut 12.12.2025 42:11
Walang may gustong makaranas ng pagpapasakit lalo pa kung magulang mo mismo ang magpapahirap sa'yo. Sa kasamaang palad, ang pamilya nina Dionna ay dumanas ng pagmamalupit sa kanilang padre de pamilya. Dumating ang panahon na dinemanda nila ito at nilayasan. Pero nang pinagdudusa na ng panahon ang tatay nila, nagawa pa rin siyang tulungan nina Dionna. Kaso ang kanilang ama, parang hindi pa rin tala...
EP 570: "Tagahugas" with Papa Dudut 11.12.2025 42:14
Nasanay na talaga ang iba sa ating mga kababayan na iasa sa kanilang mga anak ang pag-ahon nila sa kahirapan. Kaya nagkaroon ng hinanakit si tiya Luz kina Carissa dahil ito ang nagsakripisyo para iahon ang kanilang mag-anak noon. At bilang kapalit, si tiya Luz naman ngayon ang sa kanila'y magpapasakit. Pakinggan ang kwento ni Ito sa Barangay Love Stories.
EP 569: "Bantay na Pagtingin" with Papa Dudut 10.12.2025 48:13
Minsan, hindi naiiwasan ang pagkakaroon ng tampuhan at alitan sa pinagtatrabahuhan. Buti na lang ay may Desirey sina Dina at Domeng na handang makinig at umintindi sa kanilang kwento. Pero mahirap pagbatiin ang mga taong naubos na ang tiwala sa iba. Pakinggan ang kwento ni Desirey sa Barangay Love Stories.
EP 568: "Hintayan" with Papa Dudut 09.12.2025 45:07
Konduktor ang mag-asawang si Ito at Nene. Tulad ng iba, nahihirapan man sila sa buhay ay masaya naman sila kapag nagsasama-sama lalo pa't nakakilala sila ng anghel sa lupa sa katauhan ni lola Gertrude. Pakinggan ang kwento ni Ito sa Barangay Love Stories.
EP 567: "Kutis" with Papa Dudut 08.12.2025 51:50
Marami sa ating mga kababayan ang umibig sa banyaga at nagkaanak ng mga mestizo o mix-blood na tinatawag ng iba na foreignoy. Bagama’t foreigner ang kanilang hitsura, marami sa kanila ang lumaking may pusong Pinoy tulad ni Alejandro. At tulad ng inaasahan, nang mag-aral siya sa Pilipinas, nagi siyang usap-usapan lalo’t artistahin talaga ang itsura niya. Hindi nagtagal at niligawan siya ng kaklase...
EP 566: "Payaso" with Papa Dudut 05.12.2025 38:13
Isusubo na lang sa sarili, ibibigay pa sa mga anak dahil gawain 'yan ng magulang para mapanatili ang ngiti at maibsan man lamang ang kanyang pag-iyak. Pakinggan ang kwento ni Manny sa Barangay Love Stories.
EP 565: "Ginagampanang Papel" with Papa Dudut 03.12.2025 42:31
Ang buhay mo ay parang isang pelikula na ikaw ang bida. Maaaring alam mo ang bawat kabanata nito pero hindi mo pa hawak ang wakas ng istorya. Kaya huwag magpagapos, maaari pang mairaos ang karanasang masalimuot. Pakinggan ang kwento ni Brent sa Barangay Love Stories.
EP 564: "Litong-Lito" with Papa Dudut 01.12.2025 44:45
Matagal nang magkarelasyon si Patrice at Jay, nasa punto na rin sila kung saan gusto na nilang magpakasal pagbalik ni Jay galing ibang bansa. At kahit pa nagkaroon sila ng malaking pagtatalo, napatawad pa rin nila ang isa’t-isa. Hanggang sa magkaalaman na ng mga sikreto. Sa kasalanang nagawa ni Patrice, napatawad siya ni Jay. Pero ang sikreto ni Jay, hindi sigurado si Patrice kung mapapalampas niy...
EP 563: "Palda" with Papa Dudut 28.11.2025 39:29
Si Jaq ay isang babae na may pusong lalaki. At nang makilala na niya si Krissa - ang babaeng gusto niyang ligawan, problema naman ang dala ni Inno na kuya ni Krissa. Wala namang kaso kay Krissa ang kasarian ni Jaq pero hindi niya rin talaga bet si Jaq. Lalo’t hindi rin naman boto si Inno kay Jaq dahil si Inno, nagugustuhan na rin pala ni Jaq. Pakinggan ang kwento ni Jaq sa Barangay Love Stories.
EP 562: "Vacancy" with Papa Dudut 26.11.2025 40:35
Iwanang bakante ang puso para sa taong karapat-dapat at huwag sa tao na hindi alam kung paano maging tapat. Pakinggan ang kwento ni Laarni sa Barangay Love Stories.
EP 561: "Panimdim" with Papa Dudut 24.11.2025 53:52
Walang tao ang gustong maghirap sa buhay lalo na ang nanay ni Coleen. Kaso imbes na magulang ang magtaguyod sa malaki nilang pamilya, kay Coleen nila nakita ang pag-asa. At para sa batang Coleen na nais lang makitang masaya ang kanyang nanay, napilitan siyang gayahin ang ginagawa ng kanyang pinsan na sustentado na dahil sa pakikipag-video call sa mga banyaga. Guminhawa nga ang kanilang buhay kahit...
EP 560: "Karma ni Bes" with Papa Dudut 21.11.2025 45:13
Ang work bestie ni Frances, super galing gumawa ng kwento kaya kahit mga bagay na hindi niya ginagawa naibibintang sa kanya ng mga katrabaho nila. At pati ang lalaking bet sana ni Frances, nagbago bigla ang pagtingin sa kanya. Pero maniwala ka man o hindi sa karma, asahang babalik ang lahat ng ginagawa, mabuti man o masama. Pakinggan ang kwento ni Frances sa Barangay Love Stories.
EP 559: "Miyerkules" with Papa Dudut 19.11.2025 1:00:37
Misis, hinihintay pa rin si mister na matagal nang hindi umuuwi. Matagal na panahon na pero ang landlady ni Innana, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa na uuwi pa rin ang mister niya. Kaya sariwain ang bawat araw na nabubuhay ka sa mundo dahil walang oras ang pareho sa pagtakbo ng bawat segundo. Pakinggan ang kwento ni Innana sa Barangay Love Stories.
EP 558: "Alinlangan ng Puso" with Papa Dudut 17.11.2025 44:27
Kinailangan magsipag ni Ara para maging maayos ang kanyang buhay at syempre idadamay niya ang kanyang pamilya roon. Kaya kahit na nakuha na niya ang mga gusto niya, hindi niya tinigil ang paghangad pa nang mas mataas at malawak na pangarap. Kaso dahil sa pagiging workaholic niya, naging matamlay ang relasyon niya sa kanyang longtime boyfriend na si Ryan. Kasabay noon ang paghiling pa ni Ryan na ma...
EP 557: "Pagpapanggap na Pagtanggap" with Papa Dudut 14.11.2025 39:25
Kapag tanggap mo ang isang bagay, hindi ito kailangang pagtiisan nang sobra kaya maging tapat dahil panloloko lang sa sarili kung nagkukunwari ka lang pala. Pakinggan ang kwento ni Roda sa Barangay Love Stories.
EP 556: "Tribute" with Papa Dudut 12.11.2025 54:31
Huwag mong pansinin ang sinasabi ng iba dahil ikaw lang ang nakakakilala kung sino ka talaga. Pakinggan ang kwento ni Lorie sa Barangay Love Stories.
EP 555: "Mahigpit na Yakap" with Papa Dudut 10.11.2025 57:13
Nang maulila si Jeboy kaya napunta siya sa kanyang masungit na tiyahin. Pero nang humingi siya ng tulong dito dahil pinagsasamantalahan pala siya ng kanyang tito, imbes na ipagtanggol ay pinalayas pa siya nito. Masipag naman si Jeboy, maraming pinagdaanan pero walang sinukuan. Hanggang isang araw, nakilala niya sa inuman si Rafa. Lalalim ang kanilang pagkakaibigan at sa paglipas ng panahon, hindi...
EP 554: "Makasarili" with Papa Dudut 07.11.2025 37:26
Ang pag-ibig ay isang bisyo na kapag hindi na-kontrol, ginagawang sakim at makasarili ang isang tao. Pakinggan ang kwento ni Sabel sa Barangay Love Stories.
EP 553 - "Lata" with Papa Dudut 05.11.2025 43:31
Samahan mo ang iyong anak sa pag-abot ng kanyang pangarap at huwag siyang itali sa sarili mong mga layunin. Tulad ng mukhang-perang tatay ni Arlan, na binugaw siya sa foreigner para mas madali ang pasok ng salapi sa pamilya. Pakinggan ang kwento ni Arlan sa Barangay Love Stories.
EP 552: "Anino" with Papa Dudut (Halloween Special 2025) 03.11.2025 53:46
Aminado si Joana na matatakutin siyang tao. Pero sa kabila nito, mas pinili niyang manirahan nang mag-isa sa apartment dahil akala niya mas matatahimik siya kapag ganun. Hanggang sa isang araw, may nag-iwan ng box sa labas ng kanyang pintuan kasama ang isang sulat na para bang tinatakot at pinagbabantaan siya. Ang masaklap, nagpatuloy ang ganung pangyayari hanggang sa pati sa loob ng kanyang apart...
EP 551: "Baby Boy" with Papa Dudut 31.10.2025 43:38
Magandang abilidad ang pagiging determinado pero mas mainam ito kung mabuti ang hangarin mo. Pakinggan ang kwento ni Michael sa Barangay Love Stories.
EP 550: "Piso" with Papa Dudut 29.10.2025 44:40
Baka pwede kang maging milyonaryo kung may makukuhang piso sa bawat sinasabi ng mga taong naiinggit sa'yo. Pakinggan ang kwento ni Miriam sa Barangay Love Stories.
EP 549: "Labahan" with Papa Dudut 27.10.2025 52:41
Hindi madaling ibigay ang tiwala sa isang tao lalo kung nadurog ka na nang unang beses na binigay mo ito. Tulad ng naranasan ni Evelyn, hindi mabubura ng isang sorry ang trauma na inabot niya sa kanyang asawa. Kaya nang muling magparamdam sa kanya ang pag-ibig, imbes na yakapin nang buo, itinulak niya papalayo si Vino. Si Vino na walang sawang sinuyo si Evelyn pero kahit naging sila na, hindi maal...
EP 548: "Biyaya" with Papa Dudut 24.10.2025 44:48
Huwag umasang masusuklian sa ginagawang kabutihan dahil ang biyaya ay dumarating sa mga taong malinis ang kalooban. Pakinggan ang kwento ni Erol sa Barangay Love Stories.
EP 547: "Kalabit" with Papa Dudut 22.10.2025 41:53
Sadyang may mga tao na kung mag-deny ay todo pero isang kalabit lang, bibigay na agad sa tukso. Pakinggan ang kwento ni Mabel sa Barangay Love Stories.
Similar podcasts
Replaio is not a podcast publisher; show names, artwork and audio belong to their authors and are distributed through public RSS feeds.