The Ordinary People Podcast

Ordinary People

Kung naghahanap ka ng podcast na magtuturo sa'yo kung paano maachieve ang Best Life™ mo, hindi ito yon. Chz. Pero kung gusto mong makinig sa kwento ng mga normal na tao mong tulad mo at tulad ko, then this show is for you!

Bezoek zeker de website van de podcast en steun de maker: podcasters.spotify.com

Auteur

The Ordinary People Podcast

Categorie

Society

Website van de podcast

podcasters.spotify.com

Nieuwste aflevering

28 jan. 2024

Waar luisteren?

Podcasts in de app Replaio Radio Binnenkort beschikbaar

Podcasts komen binnenkort naar de app. Installeer nu en zie als eerste een compleet nieuwe kijk op podcasts

Download het op Google Play Gratis installeren Android 10 mln+ downloads · beoordeling 4,7+ iOS binnenkort

Afleveringen

Episode 28: Dati Akong Alipin ng Corporate Ladder 28.01.2024

Sa episode 28 aking nakapanayam si Mitzi, ang aking roomie na hindi ko naman tunay na naging roommate. 😆 Nagchikahan kami tungkol sa kanyang trabaho as a freelancer at ang kanyang buhay as a cafe owner na sumusuporta sa local artists ng Paete. 💗 Napagkwentuhan din namin ang kanyang experience mag-asawa, kasama syempre ang love story nila ng kanyang hubby na minsang nabura sa kanyang alaala. 😂 Y...

Episode 27: This is the Next Best Thing 10.12.2023

Sa episode 27 ng ating mumunting podcast, aking nakapanayam ang isa sa pinakamamahal kong kaibigan, ang aking morning telebabad kachika na si Andei! Kinwento niya sa akin ang kanyang buhay as a victim of Philippine poverty, tulad ng maraming Pilipino 😟 Napagusapan namin ang kanyang pagkabata, pamilya, pagiging ex-Math major 🤯, mga sama ng loob sa UP, life choices, at kung anu-ano pa. Makinig at...

Episode 26: There’s A Tinge of Jealousy, A Sense of Mourning 26.11.2023

Sa ika-26 na episode ng Ordinary People, nagkwentuhan kami ng aking kaibigan mula sa Kalayaan Residence Hall (ang freshie dorm ng UP Diliman) tungkol sa kanyang buhay sa probinsya, unconventional life choices, astrology, hobbies, at marami pang iba! Ano na nga ba ang ginagawa nitong kaibigan ko "from a lifetime ago" na kapwa ko Pisces? Makinig na at makichika!

Episode 25: Mas Okay na na Friend Ko Yung Sarili Ko, Kaysa Yung Nagpi-People Please Ako 12.11.2023

Sa episode 25, nagbabalik ang aking kaibigan na si Tita Ella para ikwento sa atin ang kanyang naging karanasan sa kanyang second trip sa Korea kung saan siya ay sumali sa Seoul Illustration Fair 🥳 At bilang nagpakaturista din sya sa Land of Bangtan, marami syang opinion tungkol sa Instagram Reels at kung paano nagbago ang travel after ng pandemya. Nagchikahan din kami tungkol sa friendships in ad...

Episode 24: Mahirap I-Sustain Yung Ganung Buhay ng Musikero 29.10.2023

Sa panibagong episode ng Ordinary People (makaraan ang halos isang buwan!!!), aking nakapanayam ang isang kaibigan mula sa pinakaunang kumpanyang pinagtrabahuhan ko: si Gwen! Samahan kaming magreminisce tungkol sa aming call center days noong panahon ng emo, PSP, Ragnarok Online, at Yahoo Messenger! 🫣 Nagchikahan din kami tungkol sa trabaho, pagkakaibigan, pagbabanda, photography, at kung anu-ano...

Episode 23: Laging May Feeling na Kailangan Ako Yung Strong One 01.10.2023

Sa episode 23, inyong makikilala ang isa sa aking mga pinakamatalik na kaibigan: ang napakabait at napakasoft spoken na si Natz! 💖 Nagkwentuhan kami tungkol sa kanyang trabaho, at sa aming common experience of growing up in scarcity, pati na ang kaakibat na trauma at sense of duty na kasama nito, as an Eldest Daughter in an Asian Household™. 🫣 Nagpalitan din kami ng kwento at perspectives tungko...

Episode 22: Yun Yung Mga Panahon na Pinakamasaya Ako 17.09.2023

Sa episode 22, inyong makikilala si Miguel, isang high school teacher na ang childhood dream ay maging tulad ni Indiana Jones! 😆 Kinwento nya sakin kung paano sya nauwi sa pag-aaral ng Sociology, at eventually, sa pagtuturo. Nagchikahan din kami tungkol sa kanyang interes sa sports, kakulangan ng grassroot support sa mga sports na hindi volleyball at basketball, 90s commercials, love life, at mar...

Episode 21: I Always Seek Novelty 03.09.2023

Welcome sa ika-21 na episode ng Ordinary People! Sa episode na ito, aking nakapanayam ang aking kaibigan na si Joy na may punctuation marks sa kanyang pangalan! Kinwento ni Joy kung paano sila nagkakilala ng kanyang tunay na pag-ibig at ang kanyang pinagdaanan sa pagbubuntis sa kanyang unico hijo. Bakit ba kasi ang hirap maging babae?! Nagchikahan din kami tungkol sa pagkakaroon ng ADHD at ang kaa...

Episode 20: The Eldest Daughters of Womanizing Fathers 20.08.2023

Sa ika-dalawampung episode ng Ordinary People, muling nagbabalik ang ating podcast admin/manager na si Yoyen para ikwento ang kanyang naging karanasan bilang panganay na anak na babae ng isang napakakalat at napakalabong nilalang. Bakit ba kasi nagpapakasal yung mga taong hindi naman pala kayang maging monogamous? At dahil pareho kaming may problematic fathers, nagpalitan kami ng kwento at ginawan...

Episode 19: Everybody Goes Through Loss 06.08.2023

Sa ika-labingsiyam na episode ng ating mumunting podcast, aking nakapanayam si Cho, na ni-refer-a-friend ni P.M. Yoyen 😁 Kinwento nya sakin ang prophesy ng isang random tita/lola sa probinsya nung bata sya na sya daw ay magkakasakit ng matindi! 😳 Any guesses kung anong sakit yun? We also talked about great loves, grief, recovery, at maraming marami pang iba! Samahan kaming magreminisce sa aming...

Episode 18: Hindi Nga 'Ko Nagpi-PHD, Model Nga 'Ko ng Sibuyas! 23.07.2023

Welkam sa isa na namang episode ng Ordinary People, featuring ang isa na namang not-so-ordinary person. Magpalit na kaya ko ng title? Char! Meet Drew, ang aking kaibigan na kasalukuyang nag-aaral sa UK at sumasideline bilang model ng sibuyas. Char lang ulit! 🤪 Sa episode na ito, nagkwentuhan kami ni Drew tungkol sa kung bakit nya piniling mag-aral ng English Studies at magmajor in Anglo-American...

Episode 17: Nag-Pray na ‘Ko Nun Eh, Nag-Sorry na Ko Kay Lord 09.07.2023

Sa episode na ito, nakilala ko ang isa sa mga nakababatang kapatid ng ating podcast manager na si Yoyen, si Issa! Kinwento niya kung bakit pinili nyang hindi magtrabaho sa ospital kahit na sya ay registered nurse, at kung bakit hindi din sya nagaabroad. Ibinahagi din niya ang kanyang naging karanasan as a super typhoon survivor. 😰 Nagpalitan din kami ng kwento tungkol sa pagiging babaeng anak ng...

Episode 16: Feeling Ko Patapon na ‘Ko Nung Panahon na ‘Yun 25.06.2023

Sa episode 16 ng Ordinary People, aking nakausap ang isa sa mga kabarkada ko nung high school na si Noriel! Nagreminisce kami tungkol sa aming mga karanasan noong high school at college, at nagkwentuhan tungkol sa kanyang buhay noon at ngayon—pag-ibig, pamilya, trabaho, mga kalokohan noong kabataan, at kung anu-ano pa! Bakit nga ba nya inakala na magiging patapon na sya? Anyare, koya? 🤔

Episode 15: May Time na Focusing on Myself Felt Selfish 11.06.2023

Sa episode na ito, nakakwentuhan ko ang aking mabuting kaibigan at kapwa Piscean-INFP na si Alex! Halos dalawang oras kaming nagchikahan tungkol sa kanyang pagkabata sa UP Diliman, Disney cartoons, Ghost Fighter, dial-up internet, Filipino food, ang bulok na sistema ng kapitalismo, at maraming marami pang iba! Tinanong ko din siya kung bakit niya napiling mag-major in Visual Communication sa Colle...

Episode 14: Minahal Ko Na Yung Sarili Ko 28.05.2023

Sa episode na ito, makikilala natin ang ating kababayan sa UK na si Mabelle! Nagkwentuhan kami tungkol sa kanyang pagkabata, ang buhay ng kanilang pamilya sa Batangas, kung paano sya naging nurse, at ang naging karanasan niya bilang nurse sa UK sa gitna ng COVID-19 pandemic. Kumusta nga ba silang mga nasa frontline? Paano nila inalagaan ang mga sarili nila habang nag-aalaga rin ng mga pasyente? 😔...

Episode 13: All My Life Nagtatago Lang Ako Lagi 14.05.2023

Sa ika-labing tatlong episode ng Ordinary People, aking nakapanayam si Sha, heiress to the Iced Gems empire. Char! We talked about what it was like to grow up as a Filipino-Chinese and how she used to hide parts of herself to feel safe within a conservative environment. Kinwento nya rin sakin ang love story nila ng kanyang better half, her relationship with water, identity, queerness, and many mor...

Episode 12: Are These Feelings?! Hindi Ito Maaari! 30.04.2023

Sa episode na ito, nakachika ko ang aking kaibigan na si Jei, na kasalukuyang nakatira sa malayong lupain dito sa Japan. Kinwento nya kung paano sya nakarating ng Japan at kung bakit goal na nya ang tumira at magtrabaho sa Japan mula pa nung bata sya. But more importantly, kung paano sila nagkakilala ng kanyang Japanese boyfriend of six years! Ready na ba kayong kiligin? Kasi ako I was born ready...

Episode 11: I Had This Phase Where I Wasn’t Sure What to Do At All 16.04.2023

In this episode of Ordinary People, I had the opportunity to speak with Mirko (also one of my husband’s best friends) who lives in Germany. Mirko is German, so walang choice ang tita nyo kundi interbyuhin sya in English. The struggle was real mga besh. 😂 Mirko and I talked about what it means to be an ordinary person in Germany, his childhood, living and working in the Philippines, Filipino time,...

Episode 10: Nothing is So Much in A Hurry Anymore 02.04.2023

Sa milestone episode na ito, nakausap ko ang aking kaibigan na half-Filipino-half-colonizer (🤣) na si Carlos. Nagkwentuhan kami tungkol sa kanyang buhay sa Spain, the balancing act of being both Filipino and Spanish, finding social belonging, the challenge of finding a good therapist, at kung anu-ano pa! Kilalanin ang isa sa pinakamatalik na kaibigan ng aking asawa sa kanyang first ever podcast g...

Episode 9: Feeling Ko Talaga I’m Where I’m Supposed to Be 26.03.2023

Sa episode na ito, nagchikahan kami ng aking kaibigan at dating alipin (long story na di na namin maalala 😂) na si Gene! Halos isa’t kalahating oras na kwentuhan tungkol sa college memories, pagiging probinsyana, pagtuturo, life lessons, at ang past life ni Gene as a Mulawin 🦅🤣 Sorry in advance sa mga tenga ninyo dahil ang lakas ng tawa ko sa episode na to. Sana kayo din. 😆

Episode 8: 'Wag Kang Magwork for Somebody Else's Dream 19.03.2023

Sa episode na 'to, nakakuwentuhan ko ang younger sister ni Tita Ella from the previous episode na si Marie. 💜 Nagchikahan kami tungkol sa childhood dreams, ang kanyang award-winning undergraduate thesis, ang napakacute na passion project nila ng kanyang ate (Dollyeora Bangtan!), making art for yourself, at kung anu-ano pa. 😁 Kilalanin si Marie at ang kanyang mumunting pangarap sa episode 8 n...

Episode 7: Sobrang Insecurity Ko Kasi Na Self-Taught Ako 12.03.2023

Sa episode na ito, nakausap ko ang napakahusay na artist and illustrator na si Ella, who also happens to be my good friend, co-ARMY, at kapwa serial hobbyist! 💜 Nagchikahan kami tungkol sa kung paano sya naging artist, insecurities, skinfluencers, social media, life goals, at, syempre, BTS! 🤩 Ordinaryong tao pa ba si Ella Lama? Listen now and find out! 😎

Episode 6: Ang Hirap Po ng Buhay sa Japan 05.03.2023

Ang episode na ito ay hindi interview—legit na kwentuhan lang talaga. 🤣 Sa episode 6, binisita ako aking kaibigan, kapitbahay, at ex-coworker na si Kristine at nagchikahan kami habang nagkakape tungkol sa buhay sa Japan, mga desisyong ginawa dahil sa mga crush, dating as a twenty something Filipina in Japan, #MenAreTrash, #EatTheRich, at marami pang iba! Bakit nga ba walang ordinaryong Hapon na k...

Episode 5: I've Accepted That I Will Have Two Lives 26.02.2023

Sa ika-limang episode, nakausap ko ang aking kaibigan na si Jean, na lumipat sa malamig na bansa matapos sabihing, "Over my dead body am I moving to a cold country. Never!" 😂 Mahaba-habang kwentuhan ng millenial lolas tungkol sa mediocrity, living life in Hard Mode, domesticity, furparenthood, life-changing Tinder encounters, at ang therapist na nagsabing, "Excuse me. May I ask? Whoever told you...

Episode 4: My Life Has Just Been A Series of Next Steps 19.02.2023

For the first time mula nung magsimula akong magpodcast over two years ago, kamag-anak ko ang guest! 😳  Sa episode na ito, nakapanayam ko ang aking pinsan na si Ken tungkol sa aming kabataan, growing up in Canada, activism, teaching, gender identity, at iba pa. Samahan kaming magchikahan at magreminisce tungkol sa 10-20 at inuman sa tabi ng sapa. 🍻  Kung hindi ka pa nakafollow dito, an...

Luister naar de podcast Ordinary People in Replaio

Radio en podcasts in één app - gratis en zonder account. Installeer vandaag nog en mis de lancering niet

Download het op Google Play

Replaio is geen uitgever van podcasts; namen van shows, covers en audio zijn eigendom van hun makers en worden verspreid via openbare RSS-feeds