Barangay LS 97.1 Manila | GMA Network Inc.
Barangay Love Stories
These are the weekly stories of love, life and hope (ang mga kuwento ng buhay, pag-ibig at pag-asa) from the listeners of Barangay LS 97.1 FM. Listen to Papa Dudut as he reads the letters of our 'Kabarangays' heartfelt experiences. The dramatization will bring you closer in feeling the joy, pain and everything in between of love & life. Siguradong relate-much ka dito. Thank you for making this podcast NUMBER 1 in the Philippines.
Husk å besøke podkastens nettsted og støtte skaperen: www.gmanetwork.com
Forfatter
Barangay LS 97.1 Manila | GMA Network Inc.
Kategori
Podkastens nettsted
Siste episode
2. okt 2026
Hvor kan du lytte?
Podkaster i appen Replaio Radio Kommer snartPodkaster kommer snart til appen. Installer nå, og bli den første som ser en helt ny tilnærming til podkaster
Episoder
Episode 358: "Saging ni Santa" 25.12.2023 1:01:26
Walang hanggan ang pagmamahal ni Ernesto, isang single father, sa kanyang mga anak na babae. At tulad ng ibang magulang, kailangan niya pa rin itong disiplinahin upang hindi sila maligaw ng landas. Pero sa pagtibok muli ng kanyang puso, mukhang ito pa ang makakasira ng relasyon nilang mag-aama. Pakinggan ang kwento ni Ernesto sa Barangay Love Stories.
Episode 357: "Ngiti" 18.12.2023 57:46
May isang magandang pamilya si Angelika kasama ng kanyang mga magulang. Pero nang nahirapan siyang maka-move on sa pagkawala ng kanyang ama, gimik ang naging solusyon niya at si Edsel ang nagi niyang takbuhan. Pero sa paglabo ng kanilang buhay mag-asawa, nakahanap ng bagong takbuhan si Angelika. Pakinggan ang kwento ni Angelika sa Barangay Love Stories.
Episode 356: "Repeat" 11.12.2023 56:28
Ang tunay raw na kaibigan, kayang isakripisyo ang sariling buhay para sa kanyang kaibigan. Parang si Tonton lang na pinaubaya na ang sarili niyang kasiyahan pati ang buhay na rin upang matulungan ang best friend niyang si Darling na basta na lamang iniwan ng boyfriend nito kahit buntis. Pakinggan ang kwento ni Tonton sa Barangay Love Stories.
Episode 355: "Mukbang sa Lamay" 04.12.2023 1:18:03
Mahirap ang buhay at dahil sobrang hirap talaga nito para sa magkakaibigang sina Onyok, Pong, at Natoy...burol ang hanap nila para makakain nang libre at minsan, may take-home pa! Pero hindi lang pagkain sa lamay ang naiuuwi nila dahil si Onyok mukhang dinidikitan din ng mga patay na pinaglalamayan nila. Pakinggan ang kwento ni Onyok sa Barangay Love Stories.
Barangay Love Stories: Best of 2023 29.11.2023 5:25:44
Limang kwento ng pag-ibig, buhay, at pag-asa na muling kukurot at tatatak sa inyong mga puso. Episode 329: Right Time Episode 323: Ikalawang Tagpo Episode 312: Love Letter Episode 322: Ipinagkasundo Episode 335: Acceptance is the Key
Episode 354: "Walang Maitatago" 27.11.2023 1:01:14
Ang stepsister ni Des na si Weng, plinano ang pang-aagaw sa buhay na meron si Des. Walang kaala-alam si Des na may masamang balak pala sa kanya ang bago niyang kapatid. Kaya itong si Des, tuloy-tuloy ang pagkahulog sa mga patibong na gawa ni Weng. Pakinggan ang kwento ni Des sa Barangay Love Stories.
Episode 353: "Dugtong ng Kaputol" 20.11.2023 1:01:45
Buo nga ang pamilya ni Deo pero malupit naman ang asawa niya sa kanilang anak. Kaya si Eli, sa ibang pamilya nakahanap ng pagmamahal. Suportado naman ni Deo ang kanyang anak pero ang pamilyang napalapit sa kanila nang lubos ay may mas malalim pa palang koneksyon sa pamilya nila. Pakinggan ang kwento ni Deo sa Barangay Love Stories.
Episode 352: "Aliw 13.11.2023 1:15:37
Hindi lahat ay pinapalad na lumaki sa isang payapa at maayos na pamilya. Bata palang ay saksi na si Amos sa bangayan ng kanyang ina at ama. Kaya sa pagtanda niya, yosi at alak ang naging takbuhan ni Amos para makalimot sa mga problema. Kaso hindi lang pala siya ang mapapahamak ng mahal-na-mahal niyang bisyo. Pakinggan ang kwento ni Amos sa Barangay Love Stories.
Episode 351: "Perfect Combination" 06.11.2023 58:17
Masaya nang unang makilala ni Emong at ng kanyang nanay-nanayan na si aleng Lelay ang bagong tindero na si mang Marty. Habang tumatagal, parang tatay na nga rin ang naging turing ni Emong kay mang Marty hanggang sa biglang nagbago ang pakikitungo ni nanay Lelay sa kanyang tatay Marty dahil daw sa selos. Pakinggan ang kwento ni Emong sa Barangay Love Stories.
Episode 350: "Roleplay" 30.10.2023 56:49
Ang pakikipagrelasyon ay kasiyahan dapat ang dulot hindi sakit sa ulo at katawan. Mahal ni Isagani ang nobya niya pero hindi niya masabayan ang hilig nito sa kama. Pakinggan ang kwento ni Isagani sa Barangay Love Stories.
Episode 349: "Regalo" 23.10.2023 1:14:47
Masakit mabigo sa pag-ibig pero sinubukan pa rin ni Riyan na bigyan ng second chance ang sarili niyang magmahal muli at mahalin din ni Aries. Pero takot talaga si Riyan na maiwan ulit lalo pa't hindi niya masabi-sabi kay Aries na hirap siyang makabuo ng bata. Pakinggan ang kwento ni Riyan sa Barangay Love Stories.
Episode 348: "Unit 505" 16.10.2023 57:49
Minsan sa sobrang kasabikan mong makahanap ng kasiyahan, sa maling tao ka tuloy napupunta. Nang unang makita ni Doniel si Iya, talagang nabighani siya sa dalaga. Masaya si Doniel dahil sinusuklian ni Iya ang panlalandi niya pero si Iya, mukhang ayaw seryosohin ang relasyon nila. Pakinggan ang kwento ni Doniel sa Barangay Love Stories.
Episode 347: "Dahil sa Takot" 09.10.2023 52:03
Masarap makasama ang taong mahal mo at mahal ka. Pero kung nais niyo talagang makabuo ng isang pamilya at walang kakayanan ang isa sa inyo, baka mauwi ito sa hiwalayan. Pakinggan ang kwento ni Leo sa Barangay Love Stories.
Episode 346: "Pizza" 02.10.2023 1:11:56
Ang tamad kahit asawahin ng masipag ay hindi magbabago kung wala talaga itong plano. Matapos magkaanak ni Biboy sa kanyang nobya, hindi pa rin nagamot ang sakit niyang katamaran. Buti na lang ay talagang mahal siya ni Libbie kaya kahit hirap na hirap magtrabaho ay patuloy na kumakayod si Libie para sa munti nilang pamilya. Pero ang pagmamahal ni Libbie ay masusubukan nang makahanap ng iba si Biboy...
Episode 345: "Paurong" 25.09.2023 1:06:14
Araw-araw nag-aaway at nananakit kapag lasing, ganyan ang mga magulang ni Chona. Hanggang sa nakipagtanan sa iba ang kanyang ina. Ang dati nilang wasak na pamilya ay gumuho na nga. Wala namang ibang hiling si Chona kun'di ang magkaroon ng mapayapa at maayos na kinabukasan ang kanyang nakababatang kapatid pero mahirap ata iyun dahil nag-uwi ng bagong 'nanay' ang kanilang ama. Pakinggan...
Episode 344: "Awit ng Pag-Ibig" 18.09.2023 1:00:03
Matagal nang gusto ni Bogs na makaahon sa buhay. Simula nang maulila siya, sa musika at busking siya kumapit. Kaya nang may lumapit sa kanya at sinabing gustong maging manager niya, nasilaw si Bogs sa magagandang posibilidad na pwedeng makamit niya. Naniwala siya sa mga salita ng taong first time niya pa lang makilala. Pakinggan ang kwento ni Bogs sa Barangay Love Stories.
Episode 343: "Ebidensiya" 11.09.2023 56:19
Matagal-tagal din ang panahon na hinintay ni Abraham upang mapagbigyan ang sarili niyang kaligayahan. Hindi rin naging madali ang paghahanap niya ng pag-ibig pero tinulungan pa rin siya ng langit nang muli niyang makita ang high school crush niyang si Shane. Nauwi rin sa proposal ang kanilang pagsasama ngunit kung kailan malapit na ang kanilang kasal, saka naman sila pilit sinisira ng taong close...
Episode 342: "Gitnang Silangan" 04.09.2023 57:06
Mahirap mamuhay mag-isa at mas mahirap 'yan kung may mga anak ka na at wala pang katuwang. Buti na lang kahit maagang nagkapamilya si May, tinanggap pa rin siya ng kanyang lolo't lola. At habang naghahanap ng work si May, nahanap naman siya ng pag-ibig - pero mas matanda nga lang sa kanya. Pakinggan ang kwento ni May sa Barangay Love Stories.
Episode 341: "Tunay na Babae" 28.08.2023 1:08:57
Maraming mag-asawa ang gusto ng sariling anak, isa na diyan sina Tere at Rowell. Pero nang hindi sila mabiyayaan ng sanggol, nag-decide silang magpatingin na nga sa doktor. Nang malaman ni Rowell na siya pala ang may problema, halos hindi niya ito matanggap hanggang sa mauwi siya sa isang napakabigat na desisyon na pati si Tere ay mahihirapang dalhin. Pakinggan ang kwento ni Tere sa Barangay Love...
Episode 340: "Makapiling Ka" 21.08.2023 54:27
Isang desisyon ang pagmamahal. Hindi ito magtatagal kung ibabase lang ito sa pakiramdam. Nang hindi na muling magparamdam ang first love ni Israel, matapos ang maraming taon ay nag-decide siyang pakawalan na ito at ibaling ang atensyon niya sa taong matagal na siyang gusto. 'Di kalaunan'y, natutunan niya ring mahalin si Rose at nakabuo sila ng isang simple at masayang pamilya. Pakinggan an...
Episode 339: "Timbang" 14.08.2023 1:02:39
Ang pag-aampon ay hindi dapat sapilitan dahil sa huli ang bata lang ang mahihirapan. Lumaki si Kate sa pamilyang hindi pala sa kanya ngunit sa kabila nito wala siyang ibang hinangad kun'di ang mahalin din siya ng mama at ate Sharon niya katulad ng pagmamahal ng mag-ina sa isa't-isa. Pakinggan ang kwento ni Kate sa Barangay Love Stories.
Episode 338: "Takwil" 08.08.2023 1:04:54
Hindi alam ni Joji at ng kanyang mga kapatid kung paano pakikisamahan ang kanilang ama na kung ituring sila ay parang hindi mga tunay anak. Ngunit sa kabila nito, hindi pa rin maiwan-iwan ni Joji ang amang malupit sa kanila. Pakinggan ang kwento ni Joji sa Barangay Love Stories.
Episode 337: "Daddy Drag Queen" 31.07.2023 52:36
Simula nang malaman ni Chano na siya ay may pusong babae, suportado na siya ng kanyang pamilya. At kahit pa naging tampulan siya ng tukso sa paaralan at kanilang lugar, lumaki naman siya sa isang mapagmahal na tahanan. Pero naging mas challenging pa ang buhay niya nang mag-decide siyang maging tatay ng anak ng BFF niyang si Rina. Pakinggan ang kwento ni Chano sa Barangay Love Stories.
Episode 336: "Hindi pa Huli" 24.07.2023 57:39
Habang inaayos ni Richard ang gusot na iniwan ng kanyang playboy na kapatid, hindi niya inaasahan na matatagpuan niya ang taong kukumpleto sa kanyang buhay. Pakinggan ang kwento ni Richard sa Barangay Love Stories.
Episode 335: "Acceptance is the Key" 17.07.2023 1:10:43
Sa loob ng labindalawang taong, hindi raw nagloko ni nagsinungaling si Jace sa relasyon nila ni Berlyn. Pero paano tatanggapin ni Berlyn ang batang bunga ng pagkalasing ng kanyang soon-to-be husband na si Jace habang nagtatrabaho ito sa ibang bansa. Pakinggan ang kwento ni Berlyn sa Barangay Love Stories.
Lignende podkaster
Replaio er ikke podkastutgiver; programnavn, omslag og lyd tilhører opphavspersonene og distribueres via offentlige RSS-feeder.