Barangay LS 97.1 Manila | GMA Network Inc.
Barangay Love Stories
These are the weekly stories of love, life and hope (ang mga kuwento ng buhay, pag-ibig at pag-asa) from the listeners of Barangay LS 97.1 FM. Listen to Papa Dudut as he reads the letters of our 'Kabarangays' heartfelt experiences. The dramatization will bring you closer in feeling the joy, pain and everything in between of love & life. Siguradong relate-much ka dito. Thank you for making this podcast NUMBER 1 in the Philippines.
Husk å besøke podkastens nettsted og støtte skaperen: www.gmanetwork.com
Forfatter
Barangay LS 97.1 Manila | GMA Network Inc.
Kategori
Podkastens nettsted
Siste episode
2. okt 2026
Hvor kan du lytte?
Podkaster i appen Replaio Radio Kommer snartPodkaster kommer snart til appen. Installer nå, og bli den første som ser en helt ny tilnærming til podkaster
Episoder
Episode 381: "Stage 2" 03.06.2024 53:48
Hindi inaasahan ni Dex na babalikan siya ng babaeng isang gabi niya lang nakasama. Nagbabagong buhay na si Dex sa piling ni Kate pero dahil sa isang pagkakamali, mapipilitan siyang magpanggap na boyfriend ng babaeng kanyang nabuntis. Pakinggan ang kwento ni Dex sa Barangay Love Stories.
Episode 380: "Stage 1" 28.05.2024 52:06
Past is past. Pero may nakaraan na hindi basta-basta lulubay kay Dex lalo pa't nagi siyang pakawala nung kabataan niya. Kung kailan naman siya nag-decide na magbabago na ay saka naman siya hahabulin ng buhay na sinusubukan na niyang kalimutan para sa babaeng gusto niyang pakasalan. Pakinggan ang kwento ni Dex sa Barangay Love Stories.
Episode 379: "Masidhi" 21.05.2024 1:06:41
Maayos ang pagsasama nina Paulina at Dado. Pero dahil may mga pangarap sila na hindi matupad dala na din ng kakulangan sa pera, may mga nangyari na hindi tama para sa isang relasyon. Pakinggan ang kuwento ni Pauline sa Barangay Love Stories.
Episode 378: "Alaga" 13.05.2024 1:08:35
Dalawa na lamang sa buhay ang mag-lolang sina Lola Mia at Patrick, pero kailangan munang iwan ni Patrick ang lola niya para magtrabaho sa barko. Kaya si Ramona, ang newly-hired caregiver ni lola, ang naging bagong kasangga ni lola. At kay Ramona niya rin naikwento ang nakaraan niyang hindi niya maisabi sa pinakamamahal niyang apo. Pakinggan ang kwento ni Ramona sa Barangay Love Stories.
Episode 377: "Electra" 06.05.2024 58:04
Mapalad ang bata na lumaki sa isang buo at maayos na pamilya. Pero hindi ganun si Monica, hindi siya pinalad na makilala ang kanyang ama. Hanggang sa magkasakit ang kanyang nanay, napilitan siyang ipaubaya si Monica sa tatay nitong matagal nang walang alam sa kanya. Naging maganda naman ang relasyon ng mag-ama, ngunit si Monica parang mas lumalalim pa ang tingin sa kanyang ama. Pakinggan ang kwe...
Episode 376: "Pahina ng Buhay" 29.04.2024 1:08:32
Maraming aral ang pwedeng maituro ng matatanda. Nasa tao na lang kung makikinig siya sa payong binigay sa kanya o ililihis ang gawa. Caregiver ni lolo Fonso sina Delia at Allan at sa mga panahon na silang tatlo ay magkakasama, maraming naibahaging karanasan sa buhay si lolo Fonso dahil araw-araw nilang binabasa ang diary ng yumaong asawa ni lolo. Pakinggan ang kwento ni Delia at Allan sa Barangay...
Episode 375: "Pagmamahal at Responsibilidad" 22.04.2024 57:54
May mga bagay na kaya mong palampasin kapag gumawa ng mali ang kapatid mo. Pero kapag sa iba na niya ito ginawa, kahit papaano may responsibilidad kang pagsabihan ito. Mahal na mahal ni Wendel ang nag-iisa niyang kapatid, bilang kuya kaya niyang magsakripisyo para kay Darwin. Pero hinding-hindi kukunsintihin ni Wendel ang panlolokong ginagawa ni Darwin sa sarili nitong girlfriend. Pakinggan ang kw...
Episode 374: "Intensyon" 15.04.2024 1:00:12
Katulad ng marami, sinubukan ni Matt na makipagsapalaran sa Maynila sa pag-asang kikita siya nang mas malaki rito. Pero kakarating pa lang niya sa siyudad at wala pa nga siyang nahahanap na trabaho ay nadisgrasya agad si Matt! Pakinggan ang kwento ni Matt sa Barangay Love Stories.
Episode 373: "Isang Bakod" 08.04.2024 1:00:44
Ilang buwan nang hindi nakakabayad sa upa si Arthur kaya halos araw-arawin ni Ms. Connie ang paniningil. Hindi naman pasaway na tenant si Arthur, mahirap lang talaga ang buhay dahil pandemic. Kaya nang may dumating na bagong uupa, malaking ginhawa ang naramdaman ni Ms. Connie. Ang hindi alam ni Arthur, isang malaking ginhawa rin iyun para sa kanya. Pakinggan ang kwento ni Arthur sa Barangay Love S...
Episode 372: "User-Friendly" 01.04.2024 44:35
Masarap sa pakiramdam ang mga kaibigang katulad ni Art, maaasahan at lagi kang dadamayan sa anumang iyong pinagdaraanan. Pero si Raymond, walang balak suklian ang katapatan ng kanyang kaibigan. Pakinggan ang kwento ni Art sa Barangay Love Stories.
BLS Special: "The Estrella Story" (Full) 29.03.2024 3:35:20
Dalawang sugatang puso, tuturuan ang isa't-isa na umibig muli. Pero sapat ba ang kanilang mga oras o kailangan nang magmadali? Pakinggan ang kwento ni Estrella sa Barangay Love Stories. Episode 368: "Mahal Kong Buwan" Episode 369: "Aking Araw" Episode 370: "Pinagtagpong Bituin" Episode 371: "Kalangitan"
BLS Special: "The Blessy Story" (Full) 28.03.2024 3:52:14
Tatlong pagkakataon sa tatlong iba-ibang panahon, coincidence nga lang ba o may ipinahihiwatig ang tadhana? Sa isang bus terminal unang nakilala ni Blessy si Archie, isang pagkikita na akala niya ay hindi na masusundan pa. Pero mas lalong hindi niya inasahan na mahuhulog ang damdamin niya sa binata. Pakinggan ang kwento ni Blessy sa Barangay Love Stories. Episode 360: "Invisible String"...
Episode 371: "Kalangitan" (Part 4) 25.03.2024 56:02
Bilang apo ni Sol at Luna, malaki ang pagmamahal ni Estrella sa kanyang lolo at lola dahil sila rin ang tumayong magulang niya nang nawalan siya ng magulang. Kaya sinikap niya talagang maging isang nurse upang pagdating ng panahon, siya naman ang mag-alaga sa kanyang labs na labs na lolo Sol at lola Luna. At sana may panahon pa para doon. Pakinggan ang kwento ni Estrella sa Barangay Love Stories.
Episode 370: "Pinagtagpong Bituin" (Part 3) 18.03.2024 54:26
Sa wakas ay nagkita rin si Sol at Luna. Naging magkaibigan silang dalawa hanggang sa nahulog ang dalaga sa binata. Pero si Sol, hindi pa raw nakakamove-on sa kanyang first love. Kaya ang BFF ni Luna, to the rescue! Pakinggan ang kwento ni Estrella sa Barangay Love Stories.
Episode 369: "Aking Araw" (Part 2) 11.03.2024 53:26
Bihira lang makahanap ng kaibigang totoo na sasamahan ka sa kahit anong hamon ng buhay. Kaya nang magkagusto si Luna at Patricia sa iisang lalaki, hindi nagdalawang-isip si Luna na magpaubaya. Dahil para kay Luna, mas mahalaga ang pagkakaibigan nila ni Patricia kaysa sa nararamdaman niya para sa binata. Pakinggan ang kwento ni Estrella sa Barangay Love Stories.
Episode 368: "Mahal Kong Buwan" (Part 1) 04.03.2024 56:29
Ang mayayaman ay ginawa raw para sa kapwa nila mayayaman. Kaya ang mga hikahos na tulad ni Sol ay hinding-hindi makakapiling ang mga kagaya ni Belen - ang babaeng matagal na niyang gusto. Pero kung kailan desidido na si Sol na kalimutan ang dalaga, ay saka niya naman malalaman na mukhang may pag-asa pa pala siya! Pakinggan ang kwento ni Estrella sa Barangay Love Stories.
Episode 367: "Star Quality" 26.02.2024 1:00:10
Isang pangyayaring masakit sa tiyan ang magtutulak kay Angel or Angelito na magpanggap bilang isang beki. Dito niya makikilala ang future muse niyang si Star na verbally abused ng jowa. Kaya si Angel, makeover ang goal para sa alipin-ng-pag-ibig na si Star. Pakinggan ang kwento ni Angel sa Barangay Love Stories.
Episode 366: "Delivery Booth" 19.02.2024 57:01
Sa una lang masaya ang isang relasyon. Ganyan ang pakiramdam ni Yuri dahil ang kanyang boyfriend na si Aries, iba na ang kinikilos tuwing magkasama sila. At ang mas masakit pa, mukhang may iba nang nagpapakilig at nagpapasaya kay Aries kahit sila pa ni Yuri. Pakinggan ang kwento ni Yuri sa Barangay Love Stories.
Episode 365: "Magpakatotoo" 12.02.2024 1:02:06
Upang mabawasan ang malaking bayarin ni Demi sa kanyang inuupan, naghanap siya ng uupa rin sa kanyang extra room. Dahil diyan, naging housemate niya ang happy and jolly na si Lucky. Mabilis niya itong naging kaibigan at katuwang sa bahay. Hanggang sa kinailangan ni Lucky ng ipapakilalang girlfriend sa kanyang pamilya kaya ito namang si Demi, kusang-loob na inoffer ang sarili. Pakinggan ang kwento...
Episode 364: "Toyo" 05.02.2024 1:03:09
Alam ng buong barangay na gusto ni Kano si Jelay. Pero alam din ng lahat na ayaw ng dalaga kay Kano. Nang minsang makulitan si Jelay kay Kano, pinayagan niya itong manligaw kapalit ng maraming kondisyon. Ngunit hindi inaasahan ni Jelay na gagalingan ni Kano ang pagtupad sa mga kondisyong kanyang binigay. Pakinggan ang kwento ni Jelay sa Barangay Love Stories.
Episode 363: "Together Again" 29.01.2024 1:00:25
May mga ginawang desisyon si Blessy na lubos niyang pinagsisisihan. Pero kahit gaano pa siya magsisi ay hindi na niya mababalik ang panahon. Mabuti na lamang ay hindi siya iniwan ng mga mahal niya sa buhay pati na ng best friend niyang si Jessa. Pakinggan ang kwento ni Blessy sa Barangay Love Stories.
Episode 362: "Falling Apart" 22.01.2024 1:00:50
Lahat ng relasyon ay dumaraan sa mabigat na pagsubok pero paano kung ayaw na ni Blessy ng karamay sa kanyang pinagdaraanan? Walang makakaalam sa sakit na nararamdaman ng isang ina kapag nawala ang kanyang anak ngunit imbes na magdamayan ay mas pinili ni Blessy na lumayo sa lahat pati sa asawa niyang si Archie. Pakinggan ang kwento ni Blessy sa Barangay Love Stories.
Episode 361: "Chance Encounter" 15.01.2024 59:53
Kailangan ba talaga ng bagong mamahalin para makalimot? Hindi nagawang makapagtapat ni Blessy sa taong iniibig niya at ngayong nagmo-move on na siya, gusto na siyang ireto ng BFF niya sa iba para umusbong na raw ang love life ni Blessy nang bigla naman siyang makita ulit ni Archie. Pakinggan ang kwento ni Blessy sa Barangay Love Stories.
Episode 360: "Invisible String" (Part 1) 08.01.2024 58:10
Tatlong pagkakataon sa tatlong iba-ibang panahon, coincidence nga lang ba o may ipinahihiwatig ang tadhana? Sa isang bus terminal unang nakilala ni Blessy si Archie, isang pagkikita na akala niya ay hindi na masusundan pa. Pero mas lalong hindi niya inasahan na mahuhulog ang damdamin niya sa binata. Pakinggan ang kwento ni Blessy sa Barangay Love Stories.
Episode 359: "Wagas na Pag-ibig" 02.01.2024 48:10
From childhood best friends, to childhood sweethearts, hanggang sa naging official na nga ang relasyon nina Eddie at Clara. Walang ibang gustong mangyari si Eddie kun'di ang pakasalan at tumandang kasama ng kanyang greatest love na si Clara. Pero kahit gustuhin rin ito ni Clara, iba ang plano ng tadhana. Pakinggan ang kwento ni Eddie sa Barangay Love Stories.
Lignende podkaster
Replaio er ikke podkastutgiver; programnavn, omslag og lyd tilhører opphavspersonene og distribueres via offentlige RSS-feeder.