SBS

Smart Money - May PERAan

Business FIL ↓ 131 episodi

Your questions about money, savings, debt, insurance, tax, side hustle, and business matters, answered by experts. - May tanong ka ba tungkol sa pera? Mapa-utang man, ipon, insurance, tax, raket o diskarte sa negosyo, sasagutin yan ng mga eksperto.

Visita il sito del podcast e sostieni chi lo crea: www.sbs.com.au

Autore

SBS

Categoria

Business

Sito del podcast

www.sbs.com.au

Ultimo episodio

1 ott 2026

Dove ascoltare?

I podcast nell'app Replaio Radio In arrivo

I podcast stanno per arrivare nell'app. Installala ora e scopri per primo un modo tutto nuovo di vivere i podcast

Scaricala su Google Play Installala gratis Android quasi 10 mln di download · valutazione 4,8 iOS in arrivo

Episodi

Ex-pageant king: Full-time dad, part-time fitness coach para sa mga bata 27.02.2024

Para sa dating 2003 Mr. Philippines World title holder at ngayon ay part-time fitness coach, isinantabi muna ni Marco Antonio Tamayo ang karera para bigyan ng prayoridad ang pagbibigay ng oras sa kanyang mga anak.

Chocolatier couple: Pinagtagpo ang landas sa pag-ibig at negosyo 13.02.2024

Taong 2022, nagtayo ng chocolaterie sa Hobart, Tasmania ang mag-asawang si Dimitri at Jae Smet na parehas batikan sa pagiging pastry chef at chocolatier.

Negosyo tip: Ipako ang presyo ng mga produktong binebenta pagpasok ng Enero 09.01.2024

Kadalasan, maraming negosyo ang sinasalubong ng dagdag-presyo ang mga customers sa pag-pasok ng bagong taon. Bagay na iniiwasan ng negosyanteng si Marishell Evangelista.

Negosyo tip: 'Kahit gaano ka-liit ang kini-kita mo, ang importante ay umuusad ka' 19.12.2023

Inumpisahan ni Christine Suarez ang online store para suportahan ang negosyo ng kanyang partner na nag-bebenta ng insenso at smudges.

Some business owners experience financial pressure due to unpaid invoices - Ilang negosyanteng may matumal na kita, nag-aabono dahil sa hindi pa bayad na invoices 12.12.2023

Due to unpaid invoices of some clients this Christmas season, some business owners like Richard Labrador, carry the financial pressures until February. - Dahil nakakalimutan ng ibang kliyente bayaran ang invoices tuwing sasapit ang Pasko, ilang negosyante na gaya ni Richard Labrador ay nag-aabono hanggang buwan ng Pebrero.

Isang electrician nakabuo ng sariling kumpanya matapos makatulong sa online group ng Filipino community 28.11.2023

Para sa 31-anyos na si Rex Pangan, isang electrician, abot-abot ang saya at kapanatagan tuwing nakikita ang kliyente na ligtas ang pakiramdam kapag naaayos ang mga problemang elektrikal.

Pagbuo ng candle business naging daan sa pagpapakalma at extrang kita ng mag-asawang nurse nuong 2020 22.11.2023

Tinayo ng mag-asawang si Jess at Dan Abundo ang negosyong pag-gawa ng kandila. Dahil parehas na nurse, naisip nila itong pampakalma dahil sa stress na hatid ng pandemic nuong 2020.

Pwede bang bumili ng property sa Australia kahit naka student visa? 28.03.2023

Nais mo bang bumili ng bahay sa Australia pero ikaw ay naka temporary visa? Sa episode na ito ng #MayPERAan, ipapaliwanang ng finance broker na si Maria Papa ang proseso at halaga ng magagastos sa pagkuha ng property.

Legal ba kung hindi ko isama ang pangalan ng aking asawa sa itatayo kong negosyo? 21.03.2023

Nais mo bang magkaroon ng property o negosyo na hindi maibibilang sa inyong conjugal asset bilang mag-asawa? Alamin kung legal itong gawin mula sa payo ng Solicitor at family law expert na si Atty. Florante Abad.

Maari ba akong bumili ng bahay na kahati ang gobyerno sa New South Wales? 14.03.2023

Bitin ba ang naipon mong downpayment para sa gusto mong mabiling bahay? Alamin ang dapat gawin at paano makakatulong ang bagong 'Shared Equity' scheme ng pamahalaan sa New South Wales sa panayam sa mortgage broker na si Maria Papa.

Maari bang pumili ng trustee na hindi nakatira sa Australia para mamahala sa will o iniwang pamana? 07.03.2023

Ano ang responsibilidad ng isang 'Trustee'? Maari din ba nyang magampanan ang tungkulin sa mga ari-ariang nasa Australia kung sa Pilipinas sya nakatira? Pakinggan ang paliwanag ng Solicitor na si Atty. Florante Abad sa #MayPERAan.

Paano malalaman kung lehitimo ang mga employer at kumpanya na iyong papasukan? 28.02.2023

Nag-aaply ka ba ng trabaho? Para maka-iwas sa mga scam at ibang problema sa kumpanyang papasukan, mabuting alamin kung lehitimo ito. Pakinggang kung paano sa payo ni Jazmine Flores, myembro ng Australian Council of Multicultural Entrepreneurs.

Mababawi pa ba ang halaga ng asset na nilustay sa sugal ng asawa ko kapag naghiwalay kami? 14.02.2023

Alamin sa #MayPeraan kung 50/50 pa rin ang magiging hatian ng marital assets kung halos naubos na ng iyong asawa ang inyong ari-arian dahil sa pagsusugal sa paliwanag ng Solicitor at Family Law expert na si Florante Abad.

Paano hinahati ang ari-arian ng naghihiwalay na mag-asawa sa Australia? 07.02.2023

Alamin sa #MayPERAan kung anong bahagi ng inyong naipundar ang kasama sa paghahatian sakaling maghiwalay o mauwi sa divorce ang pagsasama ng mag-asawa sa payo ni Solicitor at Family Law Expert, Florante Abad.

Matatanggap ba ako sa trabaho kung walang local experience sa Australia? 31.01.2023

Kung naghahanap ka ng trabaho pero bagong graduate o kakarating mo pa lang sa Australia, may pag-asa bang mapansin ka ng employer kung wala ka pang karanasan o local job experience? Alamin ang payo ni Jazmine Flores ng Australian Council of Multicultural Entrepreneurs sa #MayPERAan.

Magagalit ka ba kung malaman mong may itinatagong utang ang iyong asawa? 24.01.2023

Maiituring bang financial infidelity ang pagtatago ng utang o gastos tulad ng online shopping sa iyong asawa? Alamin kung paano ito mareresolba sa payo ng Family Law expert na si Solicitor Bernadette Alonzo- Cortes sa #MayPERAan.

Paano maihahanda ang sarili at negosyo sa mga pagsubok ng bagong taon? 03.01.2023

Sa episode na ito ng #MayPERAan, ibinahagi ng entrepreneur mula Melbourne na si Jazmine Flores ang kanyang mga natutunan sa pagharap sa mga pagsubok ng nakaraang taon at kung paano maipagpapatuloy ang tagumpay sa negosyo ngayong 2023.

Paano mapapababa ang variable rate ng aking homeloan? 22.11.2022

Nahihirapan ka bang pumili sa pagitan ng fixed at variable rate para sa iyong mortgage? Ipapaliwanag ng finance broker na si Maria Papa ang pagkakaiba ng dalawang rate at kung paano ito maa-ayon sa iyong budget.

Saan ako dapat lumapit para iproseso ang ticket refund ng kanseladong flight? 15.11.2022

Pakinggan ang payo ng travel agent na si Atoy Sayas kung paano makakaiwas sa hassle kung kailangan mong magrefund ng ticket sa nakanselang flight dito sa #MayPERAan.

Dehado ba ako kapag binili ng dati kong partner ang aking bahagi sa naipundar naming bahay? 01.11.2022

Paano ba dapat paghatian ang naipundar na ari-arian kung De facto ang naging relasyon? Pakinggan ang payo ng Solicitor at bihasa sa Family Law na si Atty Florante Abad sa #MayPERAan

Anong pwedeng gawin kapag tinanggihan ng insurance company na bigyan ng flood cover ang aking bahay? 25.10.2022

Pakinggan kung bakit tinatanggihan ng ilang insurance company ang ibang gustong kumuha ng flood cover sa paliwanag ng risk advisor at insurance broker na si Richard Labrador.

Ano ang mga nagpapataas ng presyo sa insurance cover ng tahanan? 19.10.2022

Namamahalan ka ba sa iyong binabayarang home and content insurance? Alamin ang basehan ng mga insurance company sa pagpepresyo ng cover sa mga binabahang lugar mula sa Risk advisor at Insurance broker na si Richard Labrador.

Paano kumuha ng tauhan sa Pilipinas bilang virtual employee? 04.10.2022

Magkano ba ang magiging pa-sweldo kapag nag-outsource ng tauhan mula sa Pilipinas? Alamin ang mga dapat gawin bago ito simulan mula sa payo ng entrepreneur na si Jazmine Flores sa #MayPERAan.

Magastos bang mag-sponsor ng empleyado mula sa Pilipinas o ibang bansa? 27.09.2022

Wala bang mahanap na lokal na mangangawa sa Australia ang iyong kumpanya? Alamin kung magkano at paano ang pag-sponsor ng isang skilled worker mula ibang bansa sa payo ni Jazmine Flores ng Australian Council of Multicultural Entrepreneurs

Package tour o DIY? Alin ang mas tipid para sa pagpaplano ng bakasyon ng pamilya? 20.09.2022

Mas makakatipid ba ang pamilya sa pagbili nga package tour sa pagbiyahe o mas mabuting bumuo ng sariling itinerary sa pamamasyal? Alamin ang mga 'pros at cons' sa tulong ng travel agent na si Chris Centeno sa #MayPERAan.

Ascolta il podcast Smart Money - May PERAan su Replaio

Radio e podcast in un'unica app - gratis e senza registrazione. Installala oggi e non perderti il lancio

Scaricala su Google Play

Replaio non è un editore di podcast; i nomi dei programmi, le copertine e l'audio appartengono ai rispettivi autori e vengono distribuiti tramite feed RSS pubblici