Love Radio Manila
Raqi’s Secret Files with Titan Gelo
The program reflects various realities of the world that may create a sense of belonging, relatability, and controversies. Raqi’s Secret files was inspired by the trend “confession” pages on Facebook. We’ve seen that there is a huge buzz created by these confessions — from its contributors all the way to its community. We’ve thought of carrying that trend from online to on-air, retaining the same level of anonymity, giving the story a voice. Listeners who desire to relieve a bit of their burden are encouraged to send their stories, making the program, Raqi’s Secret Files a safe haven to tell t...
Auteur
Love Radio Manila
Catégorie
Site du podcast
Dernier épisode
10 juil. 2026
Où écouter ?
Les podcasts dans l'appli Replaio Radio Bientôt disponibleLes podcasts arrivent très bientôt dans l'appli. Installe-la dès maintenant et découvre en avant-première une toute nouvelle façon de vivre les podcasts
Épisodes
Isinakdal ko ang sarili kong anak para sa ikabubuti niya 10.07.2026 19:55
Ibinahagi ng sender ang masakit niyang karanasan bilang isang solo parent na buong pusong pinalaki ang kaisa-isa niyang anak matapos silang iwan ng ama nito. Habang lumalaki si Juancho, unti-unti niyang napansin ang pagiging sinungaling, tuso, at mapanlamang nito. Sa kabila ng lahat ng pangaral at disiplina, dumating ang puntong napilitan siyang isakdal ang sarili niyang anak, sa paniniwalang iyon...
Ginamit lang ako para guminhawa ang buhay nila 09.07.2026 21:53
Ibinahagi ng sender ang kwento kung paano siya naniwalang nakatagpo na ng panibagong pag-ibig matapos ang isang bigong relasyon. Ngunit habang nagpapakahirap siya sa abroad para sa kinabukasan ng kanilang pamilya, unti-unti niyang natuklasang ang mga pangarap at pinaghirapan niya ay napupunta pala sa unang pamilya at sa iba pang babae ng kanyang asawa. Sa kabila ng paulit-ulit na pagtataksil at pa...
Ang awa naming mga Anak ang ginamit niya 08.07.2026 19:05
Ibinahagi ng ating sender ang kwento ng muling pagbabalik ng amang matagal nang nang-iwan sa kanilang pamilya. Dahil sa awa, tinanggap nila ito matapos sabihin na hindi na ito makalakad at kailangan ng pag-aaruga. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, isang madaling-araw na eksena ang nagbunyag ng isang nakakagulat na katotohanan na muling sumira sa tiwalang pilit nilang ibinabalik. Ito ang secret...
Kaya raw ako dalhin sa Amerika basta pakasalan ko lang daw siya 07.07.2026 18:52
Ibinahagi ng sender ang kwento ng kanyang childhood friend na lihim palang nagmahal sa kanya sa loob ng maraming taon. Akala niya ay simpleng pagkakaibigan lang ang namamagitan sa kanila, ngunit isang pag-amin ang nagbunyag na siya pa rin ang mahal nito kahit may sarili na itong pamilya. At nang muli silang magkausap, isang alok ang tuluyang nagpayanig sa kanyang puso isang pangakong dalhin siya s...
Nahuli ko si Lolo at ang kasamabahay namin na nagbebembangan 03.07.2026 19:58
Ibinahagi ng sender ang kwento ng sikretong natuklasan niya habang wala sa bansa ang kanyang mga magulang. Matapos niyang mahuli ang kanyang lolo at kasambahay sa isang hindi inaasahang sitwasyon, nalaman niyang may mas malalim pa palang dahilan sa kanilang relasyon. Ngunit habang pilit niyang iniingatan ang sikreto ng pamilya, hindi niya namalayang unti-unti na rin siyang nahuhulog ang loob sa ba...
May pamilya ako, pero pakiramdam ko mag-isa ako 02.07.2026 22:07
Ibinahagi ni ang kwento ng paglaking may pamilya pero pakiramdam ay iniwan at nakalimutan. Habang pilit niyang binubuo ang sarili sa kabila ng sakit at pangungulila, isang diagnosis ang dumating na lalo pang nagpabigat sa kanyang pinagdadaanan. At doon niya muling natanong hanggang kailan ba kakayaning lumaban kapag pakiramdam mo mag-isa ka? Ito ang secret file ni Raquel.
Pumayag akong maging pangalawa 01.07.2026 23:11
Ibinahagi ng ating sender ang kwento ng pagmamahal na akala niya ay hahantong sa masayang pamilya. Sa loob ng dalawang taon, naniwala siyang mahal at tatanggapin siya ng lalaking minahal niya hanggang sa habang buntis siya, isang tawag ang nagbunyag ng katotohanan: may kinakasama at mga anak na pala ito. Sa kabila ng sakit at pagtataksil, dumating siya sa puntong pinag-isipan pa ring manatili dahi...
Gagalawin ng Mister ko ang ibang babae para sa pera 30.06.2026 24:30
Ibinahagi ng ating sender ang kwento ng labing-isang taon niyang pagsalo sa utang, responsibilidad, at paulit-ulit na pagkakamali ng kanyang asawa para lang mabuo ang kanilang pamilya. Habang siya ang walang tigil na nagtatrabaho at lumalaban para sa kanilang mga anak, nalaman niyang habang buntis siya sa kambal ay may iba na palang babae ang kanyang mister. At doon niya napagtanto na minsan, mas...
May gusto akong sabihin sa taong minsan kong minahal 26.06.2026 17:27
Ibinahagi ng ating sender ang kwento ng isang damdaming nagsimula sa simpleng pagkikita online at unti-unting naging mas malalim kaysa sa inaasahan niya. Sa bawat kwentuhan, kumustahan, at pagdamay sa mga pinagdadaanan ng babaeng minsan niyang minahal, unti-unti niyang nabuo ang pag-asang baka may lugar din siya sa puso nito. Pero, habang lumilipas ang panahon nagsimula siyasng magtanong na kung h...
Hindi lahat ng babalik ako, may kasunod na pagbabalik 25.06.2026 25:07
Ibinahagi ng sender ang kwento kung paano naging bahagi ng araw-araw nilang buhay ang rider na si Kuya Sonny sa gitna ng kanilang maliit na negosyo noong panahon ng pandemya. Sa una, tila hindi magkasundo ang alaga nilang aspin na si Bantay at ang palaging naghahatid ng kanilang mga supply, pero sa pagdaan ng panahon, napalitan ng paghihintay at pagkasabik ang dating tahol at pag-iwas. Ngunit isan...
Hindi na ako papayag na maging side chick 24.06.2026 24:43
Ibinahagi ng sender ang pinagdaanan niya sa isang relasyong unti-unting sumira sa tiwala niya at nag-iwan ng maraming sugat. Akala niya ay tapos na ang lahat nang piliin niyang lumayo, pero nang muling bumalik si Xian sa buhay niya, bumalik din ang mga damdaming pilit niyang tinatago.
Muntik na akong madali ni Father 23.06.2026 23:55
Ibinahagi ng ang ating sender ang kwento ng kanyang simpleng buhay bilang tindera sa palengke na biglang nagkaroon ng kulay nang makilala ang isang mabait, magalang, at misteryosong lalaking madalas mamili sa kanilang pwesto. Mula sa simpleng banggaan at paghingi ng numero, nauwi ang kanilang pagkakaibigan sa madalas na pagkikita at unti-unting pagkahulog ng loob. Ngunit, sa isang gabing akala niy...
Anak ng Ex ko ang Boyfriend ko ngayon 18.06.2026 19:13
Ibinahagi ng sender ang lihim na pag-ibig nila ng isang lalaking pamilyado at mas matanda sa kanya. Matapos ang tatlong taong, pinili niyang tapusin ito at magsimulang muli. Sa bagong trabaho, nakilala niya ang isang bagong lalaking nagparamdam sa kanya ng pagmamahal na hindi kailangang itago. Akala niya, ito na ang bagong simula na matagal niyang hinihintay. Ngunit nang makilala niya ang pamilya...
Niloko at ginamit lang ako ng babaeng pinakamamahal ko 17.06.2026 18:43
Ibinahagi ng sender ang pagsisikap niyang makaahon sa hirap para mabigyan ng mas maayos na buhay ang pamilya niya. Nang dumating si Fatima sa buhay niya, akala niya ay natagpuan na niya ang taong makakasama sa pagbuo ng mga pangarap niya. Pero habang ibinibigay niya ang lahat para mapasaya ito, unti-unti niyang napansin ang mga bagay na nakakapangduda—pagmamahal nga ba ang meron sa kanila, o may k...
Sinaktan ako ng Daddy ko 17.06.2026 16:36
Ibinahagi ng sender ang tungkol sa kanyang Daddy, na minsang naging kakampi at sandalan niya noong bata pa siya. Ngunit habang lumalala ang dementia, dumating ang araw na hindi na siya nakilala ng sarili niyang ama. Sa gitna ng sakit at pamamaalam, natuklasan niya na kahit nakalimutan ng isip ang pangalan at mukha niya, nananatili pa rin sa puso ng kanyang Daddy ang pagmamahal sa kanya bilang anak...
Ayoko na ituloy ang kasal dahil marami pala siyang utang 16.06.2026 19:19
Ibinahagi ng ating sender ang halos apat na taong relasyon nila ni Joy na nauwi sa engagement. Ngunit isang buwan bago ang kasal nila, may natuklasan siyang matagal na itinatagong lihim nito—isang katotohanang nagdulot sa kanya ng matinding pagdududa kung itutuloy pa ba niya ang pakikipag-isang dibdib o tuluyan na itong bibitawan. Ito ang secret file ni Niño.
Naging kabit ako ng isang Pulis 12.06.2026 28:13
Ibinahagi ni ang kwento ng pagiging isang single mother na muling nasaktan matapos mabigo sa pag-ibig. Sa gitna ng kanyang mga pinagdadaanan, naging malapit siya sa isang pulis na may sariling pamilya hanggang sa nauwi ang kanilang pagkakaibigan sa isang bawal na relasyon. Akala niya ay matatapos na ang lahat nang piliin niyang lumayo, ngunit isang hindi inaasahang muling pagkikita ang nagbukas mu...
Inaral ko ang pagkuha ng ebidensya para mahuli ko ang BF ko 11.06.2026 29:14
Ibinahagi ng ating sender ang kwento kung paano niya iniwan ang kanyang nobyo para sa isang dating kaklase na nangakong mamahalin at paninindigan siya. Sa kabila ng mga babala at mga babaeng lumalapit upang ilantad ang tunay na ugali ng lalaki, pinili niyang magtiwala. Ngunit nang magduda siyang may itinatago itong lihim, inaral niya kung paano mangalap ng ebidensya at doon nagsimulang mabunyag an...
Ikaw pa rin ang pipiliin kahit tutol ang pamilya mo 10.06.2026 18:25
Ibinahagi ng ating sender ang kwento ng kanyang pagmamahal sa girlfriend niya, isang gurong buong puso niyang minahal at pinangarap makasama habambuhay. Ngunit, matapos magbago ang pakikitungo ng pamilya nito at pilitin silang paghiwalayin, unti-unting nasubok ang kanilang relasyon. Sa gitna ng sakit at pagsubok, isang insidente sa kanyang trabaho bilang pulis ang tuluyang nagpabago sa takbo ng ka...
Ngayon ko lang nalaman ang sikreto ng asawa ko 09.06.2026 21:33
Ibinahagi ng sender ang kwento ng kanyang tila perpektong pamilya at huwarang asawa na nakilala niya pa sa kanilang simbahan. Ngunit, matapos ang ilang buwan mula nang isilang ang kanilang panganay, unti-unting nagbago ang ikinikilos nito hanggang sa isang palihim na pag-check sa cellphone ang tuluyang nagbunyag sa isang napakasakit at nakakagulat na sikreto. Ito ang secret file ni Maricel.
Isang buwan na lang, hindi mo pa nakita ang anak natin 05.06.2026 34:35
Ibinahagi ng sender kung paano muling nagkrus ang landas nila ng kanyang high school crush matapos siyang maging single mom. Sa kabila ng distansya at mahigpit na pagsasanay bilang sundalo ng lalaki, nanatiling matatag ang kanilang komunikasyon at unti-unting nabuo ang isang pag-iibigan na puno ng pangako at pag-asa. Ngunit habang lumalalim ang kanilang relasyon, may mga hamong darating na susubok...
Tinawagan ko ang Asawa ko at nakarinig ako ng ungol 04.06.2026 23:38
Ibinahagi ng sender ang kwento ng kanilang 15 taong pagsasama ng asawa na minsan niyang inakalang perpekto. Ngunit, isang gabing hindi sumasagot ang kanyang asawa sa tawag, may narinig siyang mga ungol at boses ng ibang babae sa kabilang linya. Doon nagsimulang mabunyag ang isang pagtataksil na sumubok sa kanyang pagmamahal, pagtitiwala, at kakayahang magpatawad. Ito ang secret file ni Naya.
Iba ang naging parausan ng Boyfriend ko 03.06.2026 18:18
Ibinahagi ng sender ang kaniyang saloobin matapos matuklasan sa CCTV na ang kaniyang partner ay lihim na nanonood ng malalaswang video at doon nagpaparaos tuwing wala siya sa bahay. Dahil sa kaniyang pinagdaraanang menopause, labis siyang binabalot ng insecurity habang tinatanong ang sarili kung sapat pa ba siya sa paningin ng kaniyang pinakamamahal. Ito ang secret file ni Andrea.
Maraming humadlang sa pagmamahalan namin, pero hindi sila nagtagumpay 02.06.2026 24:05
Ibinahagi ng ating sender ang kuwento ng pagmamahalan nila ni Letli na nagsimula sa simpleng pagkikita sa pageant, ngunit biglang sinubok nang husto nang ma-diagnose si Letli ng pulmonary tuberculosis.
Hindi ko matanggap na ginawa niya akong kabit for 4 years 29.05.2026 26:10
Ibinahagi ng sender ang mabigat na pinagdaanan matapos ang relasyon kung saan ginawa siyang kabit for 4 years ng isang lalaking akala niya ay tapat. Unti-unting bumagsak ang mundo niya at hanggang ngayon, hindi niya tanggap ang masakit na katotohanan sa likod ng matagal nilang pagsasama. Ito ang secret file ni El.
Podcasts similaires
Replaio n'est pas éditeur de podcasts ; les noms des émissions, les visuels et l'audio appartiennent à leurs auteurs et sont diffusés via des flux RSS publics