Barangay LS 97.1 Manila | GMA Network Inc.

Barangay Love Stories

These are the weekly stories of love, life and hope (ang mga kuwento ng buhay, pag-ibig at pag-asa) from the listeners of Barangay LS 97.1 FM. Listen to Papa Dudut as he reads the letters of our 'Kabarangays' heartfelt experiences. The dramatization will bring you closer in feeling the joy, pain and everything in between of love & life. Siguradong relate-much ka dito. Thank you for making this podcast NUMBER 1 in the Philippines.

Husk at besøge podcastens hjemmeside og støtte skaberen: www.gmanetwork.com

Forfatter

Barangay LS 97.1 Manila | GMA Network Inc.

Kategori

Society

Podcastens hjemmeside

www.gmanetwork.com

Seneste episode

7. okt. 2026

Hvor kan du lytte?

Podcasts i appen Replaio Radio Kommer snart

Podcasts kommer snart til appen. Installer nu, og vær den første til at se en helt ny tilgang til podcasts

Hent den på Google Play Installer gratis Android næsten 10 mio. downloads · 4,8 i bedømmelse iOS snart

Episoder

Episode 287: "When Love Blooms" 29.08.2022

Dahil mahirap ang buhay, focus lang sa pagtatrabaho ang flower shop vendor na si Dahlia. Gusto niya mang ma-experience din ang pag-ibig na nagpapasaya sa iba ay wala siyang panahon para dito. Pero nang ma-meet niya ang masungit na si Alec na ayaw sa mga bulaklak, 'di nila aakalain na may pag-ibig palang uusbong sa kanila. Pakinggan ang kwento ni Dahlia sa Barangay Love Stories.

Episode 286: "Hatol" 22.08.2022

May mga tao na gagawin ang lahat magkaroon lamang sila ng anak. Pero may mga tao ring nagiging magulang kahit hindi pa sila handa. Pareho itong naranasan ni Elena at ng kanyang asawa. Ang batang binitawan nila noong hindi pa sila handa ay ang batang aasam-asamin pala nila sa kanilang pagtanda. Pakinggan ang kwento ni Elena sa Barangay Love Stories.

Episode 285: "Heartthrob" 15.08.2022

The typical-bookworm Lovelle meets the crush-ng-bayan Deo. Kahit hindi makapaniwala si Lovelle ay magsisimula ang kanilang love story. Malaki ang contribution ng looks sa confidence ng isang tao. Pero imporante rin ang assurance na pinaparamdam sa iyo ng mahal mo para maging confident ka sa sarili mo at sa relasyon niyo. Pakinggan ang kwento ni Lovelle sa Barangay Love Stories.

Episode 284: "Sagad" 08.08.2022

Minsan, hindi natin hinahanap ang pag-ibig pero kusa itong dumarating. Ngunit hindi lahat ng pag-ibig ay totoo dahil ang iba ay gusto lang manggamit at manlinlang, katulad ng pag-ibig ni Lester kay Faye. Pero kahit na ganun, magagawa pa rin ni Faye na ipagpatuloy ang kanilang relasyon. Pakinggan ang kwento ni Faye sa Barangay Love Stories.

Episode 283: "Agwat" 01.08.2022

Nang mamatay agad ang pinakamamahal na asawa ni Manuel, sinabi niyang hindi na siya muling magmamahal. Iyun ay hanggang sa makilala niya si Clara na madalas ding dumalaw sa puntod ng yumao nitong ama. Mahirap makipagrelasyon sa taong malayo ang agwat sa edad mo. Pero minsan, mahirap makipagrelasyon dahil hindi mo alam kung hanggang kailan kayo magkakasamang dalawa. Pakinggan ang kwento ni&nbs...

Episode 282: "Pagpag" 25.07.2022

Marami ang mas naghirap dahil sa pandemya at isa dun sina Nida at Jojo. Matapos nilang mawalan ng trabaho, nanirahan sila sa kanilang tricycle at kumapit sa mga pagpag maitawid lanmang nila ang araw-araw. Bukod sa pagpag, kinaya rin ni Nida na kumapit sa isang gawain na labag sa kanyang kalooban. Para kay Nida, mas madaling sumuko kaysa lumaban pero ang mister niya, piniling ilaban silang dal...

Episode 281: "Ikalimang Utos" 18.07.2022

Malaki ang obligasyon ng mga magulang sa kanilang anak. Ngunit walang obligasyon ang anak sa kanilang mga magulang. Liban na lamang kung napalaki sa katuwiran ang anak, tiyak na hindi ito makakalimot na igalang, mahalin, at suportahan ang kanyang mga magulang katulad ng ginawa ni Bless sa kanyang nanay at tatay kahit may mga kapansanan na ito. Pakinggan ang kwento ni Bless sa Barangay Lo...

Episode 280: "Materialistic" 11.07.2022

Nang biglang bawian ng buhay ang papa ni Karina, nahirapan ang kanyang mama na itaguyod siya dahil sa mga naiwang utang ng kanilang padre de pamilya. At nang hindi na makuha ni Karina ang dating karangyaan at 'pagmamahal' na nais niya sa piling ng kanyang mama, kay Anjo niya ito nahanap. Maganda naman ang naging simula nila ni Anjo pero magbabago ito sa pagdating ng tatay ni Anjo. Pakinggan a...

Episode 279: "Pinagtagpo" 04.07.2022

Ang gusto lang naman ni Marie ay magkapagtrabaho nang maayos at tahimik para makapagpadala ng pera sa kanyang pamilya. Pero simula nang makilala niya si Ryan, lagi siyang nasasangkot sa gulo. At ang mas kinaiinis pa niya ay may gusto raw sa kanya si Ryan kaya hindi siya nito tinatantanan. Pakinggan ang kwento ni Marie sa Barangay Love Stories.

Episode 278: "Dalawang Isip" 27.06.2022

Lampas na sa kalendaryo si Lyca pero NBSB pa rin siya. Mas inuna ang pamilya kaya hindi naasikaso ang sarili niyang love life. Pero kahit na ganun ay never naman siyang na-pressure pero nainis, oo, sa laging pagtatanong ng mga kamag-anak niya kung kailan siya mag-aasawa. Kaya nang ma-meet niya si Erwin na mas bata sa kanya, maging willing kaya si Lyca na babaan ang standards niya para magkajowa na...

Episode 277: "Parokyano" 20.06.2022

Mahirap maging mahirap. Lahat gagawin ni Dado para mapakain ang kanyang pamilya kahit pa magbenta siya ng katawan. Kaya nang makilala niya si Tonya, isang mayaman na naghahanap ng lalaking tutugon sa pangangailangan ng kanyang laman, guminhawa bigla ang buhay ni Dado pati ng kanyang pamilya. Pero sa pagbabalik ng ex girlfriend ni Dado, makukuntento pa rin kaya siya sa kaligayahan na dulot ng pera?...

Episode 276: "Bagong Simula" 13.06.2022

Pagtitiis at mahabang pasensiya, iyan ang ilan sa mga kailangang ugali kung papasok ka sa isang relasyon. Pero hindi na nakapagtiis si Cristine kaya nakipag-break siya sa kanyang boyfriend na si Ronnel. Ang inaasahang bagong pag-ibig na magpapasaya sa kanya, mas nagdala lang ng mas malalim na sakit sa puso niya. Buti na lang handa pa rin si Ronnel na magsimula ulit sila ngunit handa na r...

Episode 275: "Lumalaban" 06.06.2022

Hindi inaasahan ni Carla na matutupad ang kanyang hiling na sana ay mawala na ang kanyang nanay para wala nang mang-utos at magpagalit sa kanya. Pero hindi naman talaga ganun ang nais niyang mangyari. Ang pagpanaw ng madiskarte niyang ina ay malaking kawalan para sa kanilang pamilya kaya kahit na mahirap, pinilit ng kanyang tatay na patapusin silang lahat sa pag-aaral. Pakinggan ang kwen...

Episode 274: "Best Ex Ever" 30.05.2022

Sabi nila you can't be friends with your ex, pero para sa iba mas mabuti nang maging kaibigan ang taong dati mong minahal kaysa hayaan siyang mawala at tuluyang lumayo sa buhay mo. Immature pa sina Kisses at Reese nang simulan nila ang kanilang relasyon, kaya hindi nagtagal ay naghiwalay rin sila. Ngunit kahit na ganun ay hindi nito napigilan ang paglago ng kanilang friendship na maituturing na "t...

Episode 273: "Dalagang Ina" 23.05.2022

Bago pa isilang si Shane ay binawian na ng buhay ang kanyang ama. Kaya lumaki siyang sinasalo ang lahat ng galit at init ng ulo ng kanyang ina na naiwan mag-isa para buhayin siya. Kaya nang maagang mabuntis si Shane ng kanyang nobyo, natakot siyang ipagpatuloy ito dahil sa tingin niya ay hindi niya kayang maging isang mabuting ina para sa magiging anak nila. Pakinggan ang kwento ni Shane...

Episode 272: "Abot" 16.05.2022

Marami nang naging karelasyon si Epoy at lahat ng iyun ay nag-fail. Kaya nang makilala niya si Maricar, ginawa niya ang lahat para mapanatili kung anong meron sila kahit pa kabit lang siya. Nalaman ng buong opisina ang kataksilan nila at pareho sila nawalan ng trabaho. Hindi man afford ni Epoy ang maluhong buhay ni Maricar, ibibigay niya ang lahat para lang sa pinakamamahal niya. Pa...

Episode 271: "Star-Crossed Lovers" 09.05.2022

Nasira man ang pamilyang akala ni Gwen ay perpekto na, nakatagpo naman siya ng lalaking magmamahal at susuporta sa kanya. Kaso nga lang hindi pabor dito ang kanyang ama. Anong dahilan? Hindi rin alam ni Gwen at tila hirap na hirap ang papa niyang magpaliwanag. Iniwan na nga sila ng kanyang mama, pati ang lalaking minahal niya ay pilit na nilalayo ng kanyang ama. Pakinggan ang kwento ni&n...

Episode 270: "Pinakawalan" 02.05.2022

Dahil sa hirap ng buhay, pagtatrabaho sa abroad ang nakitang paraan ni Mimz para kumita nang mas malaking pera. Ito ay isang desisyon na matagal niyang iniwasan dahil ayaw niyang iwan ang kanyang pamilya at ang lalaki unang nagpatibok ng puso niya. Gusto ni Mimz na hintayin siya ni Renz pero tingin niya ay unfair iyun sa binata. Pakinggan ang kwento ni Mimz sa Barangay Love Stories.

Episode 269: "Battered Husband" 25.04.2022

Hindi mawawala ang away sa isang relasyon. Pero kung may kasama na itong sakitan, ibang usapan na iyun. Mahaba-haba rin ang panahon na hinintay ni Enrico para maging sila ni Wena. At dahil na rin sa wagas at tunay niyang pag-ibig para sa kanyang misis, hindi talaga siya bumitaw kahit pa mas naging malala ang pananakit nito sa kanya nang mawala ang first baby sana nila. Pakinggan ang kwento ni&nbsp...

Episode 268: "Third Party" 18.04.2022

Nasa kutson na, lumipat pa sa papag. Imbes na makipaghiwalay, nakipag-cool off lang muna si Oliver sa gf niyang si Kim. Diniretso niya na lang sana sa hiwalayan kung magtataksil lang din pala siya. Sa huli, nagmakaawa siya kay Kim na makipagbalikan muli. Tatanggapin ulit ni Kim si Oliver pero there's a catch. Pakinggan ang kwento ni Oliver sa Barangay Love Stories.

Episode 267: "Nalilitong Puso" 11.04.2022

First love ni Anne si Jeff, first relationship din. Pero kahit na gaano nila kagusto ang isa't-isa dahil hindi buo ang loob nila na ipaglaban at panatilihin ang pag-ibig na meron sila, nauwi rin ito sa hiwalayan. Sa muling pagsisimula ni Anne, babalik ulit si Jeff pero si Anne may bago nang karelasyon at hindi siya masaya, kaya tatanggapin niyang muli si Jeff. Pakinggan ang kwento ni Anne sa Baran...

Episode 266: "Love Scam" 04.04.2022

"Kung sino pa ang seryoso, sila pa ang madalas maloko." Ganyan ang love life ni Cyrus, kung kailan handa na siyang magpakasal ay saka naman siya iniwan ng dalawang babaeng pumasok sa kanyang buhay. Pero may mas masakit na katotohanan pa pala siyang mararanasan na dala rin ng dalawang babaeng ito. Pakinggan ang kwento ni Cyrus sa Barangay Love Stories.

Episode 265: "Placeholder GF" 28.03.2022

Maraming tao ang matalino pero pagdating sa pag-ibig, nagiging tanga. Walang ibang ginusto si Kate kun'di ang mahalin pabalik ng taong gusto niya. Pero kahit anong pag-aalaga at pagmamahal ang ipakita niya ay hindi talaga siya magawang seryosohin ni Joe. Ang mas masakit pa, okay lang kay Kate ang ganung set-up nila. Pakinggan ang kwento ni Kate sa Barangay Love Stories.

Episode 264: "Single Mother" 21.03.2022

Matapos mamatay ang asawa ni Miranda ay mag-isa niyang pinalaki ang apat nilang anak. Hindi naging madali ang buhay nila lalo pa't nagpatong-patong ang mga problema na kailangan niyang harapin. Hanggang sa tuluyan ngang nabawasan ang panahon niya para gabayan ang kanyang mga anak. Pakinggan ang kwento ni Miranda sa Barangay Love Stories.

Episode 263: "Pulang Bestida" 14.03.2022

Laging magkasama si Amy at ang kanyang lola tuwing bakasyon. Pero simula nang magkatrabaho si Amy, halos hindi na niya mabigyan ng oras ang tumatanda niyang lola. Ikaw, kailan mo huling dinalaw ang mga mahal mo? Pakinggan ang kwento ni Amy sa Barangay Love Stories.

Lyt til podcasten Barangay Love Stories i Replaio

Radio og podcasts i én app - gratis og uden tilmelding. Installer i dag, og gå ikke glip af lanceringen

Hent den på Google Play

Replaio er ikke podcastudgiver; programmernes navne, coverbilleder og lyd tilhører deres ophavsmænd og distribueres via offentlige RSS-feeds.