Barangay LS 97.1 Manila | GMA Network Inc.
Barangay Love Stories
These are the weekly stories of love, life and hope (ang mga kuwento ng buhay, pag-ibig at pag-asa) from the listeners of Barangay LS 97.1 FM. Listen to Papa Dudut as he reads the letters of our 'Kabarangays' heartfelt experiences. The dramatization will bring you closer in feeling the joy, pain and everything in between of love & life. Siguradong relate-much ka dito. Thank you for making this podcast NUMBER 1 in the Philippines.
Husk at besøge podcastens hjemmeside og støtte skaberen: www.gmanetwork.com
Forfatter
Barangay LS 97.1 Manila | GMA Network Inc.
Kategori
Podcastens hjemmeside
Seneste episode
6. okt. 2026
Hvor kan du lytte?
Podcasts i appen Replaio Radio Kommer snartPodcasts kommer snart til appen. Installer nu, og vær den første til at se en helt ny tilgang til podcasts
Episoder
Episode 311: "Halik Sa Kamao" 13.02.2023 1:17:10
Maraming kayang gawin ang isang tao para sa pag-ibig. Kagaya na lamang ni Girlie na na-convince ng kanyang boyfriend na iwan ang kanyang pamilya. Pero nang siya ay mabuntis, imbes na mas tumatag ang kanilang pagmamahalan, nagsimulang maging impyerno ang buhay ni Girlie. Pakinggan ang kwento ni Girlie sa Barangay Love Stories.
Episode 310: "Sustento" 06.02.2023 1:11:29
Manggagamit. Ganyan ang tatay ni Jared. Kayang magpaikot ng mga tao at gagamitin kahit mismong anak niya makuha lamang ang mga luho niya. Pero dahil nga mahal siya ng nanay ni Jared, wala siyang magawa kun'di ang mamuhay kasama ang manggagamit nilang padre de pamilya. Pakinggan ang kwento ni Jared sa Barangay Love Stories.
Episode 309: "Happy Fiesta" 30.01.2023 55:38
Galit si Mau sa mga kabit at ayaw niya sa mga taong nanghihimasok sa relasyon ng iba lalo pa kung may asawa at anak na ito. Pero nang siya na ang malagay sa ganoong sitwasyon, nasabi niyang mahirap pala talagang kumawala doon kahit pa kaibigan niya ang nagawan niya ng masamang bagay na iyun. Pakinggan ang kwento ni Mau sa Barangay Love Stories.
Episode 308: "Oppa" 23.01.2023 58:43
Minsan, kahit tunay mong mahal ang jowa mo kung itsura lang ang habol niya sa iyo, iiwan at iiwan ka rin niya kapag hindi mo na naalagaan ang sarili mo. Pakinggan ang kwento ni Axel sa Barangay Love Stories.
Episode 307: "Crepe Paper" 16.01.2023 1:14:26
Mahalagang magpakatotoo sa sarili at nagawa na ni Jose o Josie iyun pero hindi sa harap ng kanyang kuya. Lalo pa kung ang pagpapakatotoo niyang ito ang magiging sanhi ng pagkawasak ng kanyang mahal na pamilya. Pakinggan ang kwento ni Josie sa Barangay Love Stories.
Episode 306: "Sapalaran" 09.01.2023 1:05:26
Mahilig sa sugal ang mommy ni Veron. Ayaw niya sanang tumigil sa pag-aaral pero dahil iyun ang gusto ng mommy niya sumunod na lang si Veron para magtrabaho sa Japan. 'Di nagtagal, siya ay nagkaroon din ng sariling pamilya pero nalaman niyang adik din sa sugal ang asawa niya at baon na pala sila sa utang. Pakinggan ang kwento ni Veron sa Barangay Love Stories.
Episode 305: "Sapi" 02.01.2023 46:37
Hindi lang pagtuturo ng lessons ang naging hamon para kay teacher Reynald, pati na rin ang pagtulong sa estudyante niyang si Arthur na may depresyon at problema sa pamilya. Pero ang problema ni Arthur ay nangangailangan din ng matinding pananalig sa Diyos para masolusyunan. Pakinggan ang kwento ni Reynald sa Barangay Love Stories.
Episode 304: "Hard To Get" 26.12.2022 51:50
Babaero si Hansel at alam ng lahat iyun. Kaya naman iwas ang matigas na si Trish sa gustong manligaw na si Hansel. Pero dahil talagang pursigido, mapapasagot din ni Hansel ang dalaga. Sa kung hanggang kailan sila magtatagal, si Hansel lang ang nakakaalam. Pakinggan ang kwento ni Hansel sa Barangay Love Stories.
Episode 303: "Loving Her" 19.12.2022 59:04
Nahulog si Ely Jean sa best friend niya. At patuloy niya itong minahal nang tahimik at sinamahan na harapin ang buhay sa iisang bubong. Mahal ni Ely Jean ang best friend niya pero wala siyang magawa dahil lalaki ang gusto ni Rose. Pakinggan ang kwento ni Ely Jean sa Barangay Love Stories.
Episode 302: "Kaligta" 12.12.2022 1:15:23
Kinder pa lamang si Celine ay crush niya na si Diego. Kaya nang maging sila nung siya ay 16 years old na, lubos talaga ang kaligayahan niya. Handa na si Celine at Diego na makasama ang isa't-isa habang buhay. Ngunit bigla siyang iniwan ni Diego at nang magbalik ito after more than 25 years, ang tanging naaalala nito ay ang mga panahon na magkasintahan pa sila. Pakinggan ang kwento ni Celine s...
Episode 301: "Kabutihan" 05.12.2022 50:52
Masarap sa pakiramramdam ang makatulong sa kapwa. Kaya naman kahit maasikaso, pinili pa rin ni Allaine na maging volunteer para ibsan ang hirap ng mga nangangailangan. At habang abala siya sa paggawa ng mabuti, isang kahindik-hindik na trahedya pala ang makakasalubong niya. Pakinggan ang kwento ni Allaine sa Barangay Love Stories.
Episode 300: "Manika ni Lola" 28.11.2022 54:28
Bukod sa pangongolekta ng mga manika, ang lola ni Chichay ay ring isang Espiritista. At ang mga manikang pagmamay-ari nito ay hindi lang basta manika, dahil bawat isa rito ay may kwento. Hindi naniniwala sa mga kababalaghan si Chichay pero mukhang magbabago ang isip niya dahil sa kanyang lola. Pakinggan ang kwento ni Chichay sa Barangay Love Stories.
Episode 299: "Pira-pirasong Puso" 21.11.2022 54:43
Dahil kinahihiya niya ang kanyang ina, lumaking rebelde si Febs. Naging kabit ang nanay niya noon at ni hindi nga nito nila alam kung sino ang nakabuntis sa kanya. Sa kabila ng pagsusumikap ng nanay ni Febs, hindi naibsan ang pagkamuhi niya rito. At habang tumatanda siya, hindi niya namalayan na sumusunod na pala siya sa yapak ng taong kinamumuhian niya. Pakinggan ang kwento ni Febs sa Barang...
Episode 298: "Obligasyon" 14.11.2022 1:13:49
Hindi panganay si Nel pero dahil sa pagmamahal niya sa kanyang pamilya, napilitan siyang kumayod nang maaga para matustusan ang pangangailangan nilang lahat. Kaya nang maging mag-asawa sila ni Marie, ang pamilya pa rin ni Nel ang laging nauuna. At dahil hindi pa magawang bumukod ng mag-asawa, kahit sumusobra na, sinusunod pa rin ni Marie ang biyenan niya at ang mapang-api niyang bilas. Pakinggan a...
Episode 297: "Insurance" 07.11.2022 1:04:29
Kung kailan naka-move on at nagsisimula na ulit sa buhay si Diane mula sa trauma at panloloko sa kanya ng kanyang boyfriend for 8 years, ay saka naman siya kokontakin ng insurance agent ng ex niya. Ang dahilan ay para i-claim ang naiwang insurance money ng yumaong si Jeffrey. Wala naman sanang problema ito kay Diane kaso may ibang asawa at mga anak na ang cheater niyang ex. Pakinggan ang kwen...
Episode 296: "Sumpa" (Halloween Special 2022) 31.10.2022 1:04:22
Sobrang kinilig si Jenna nang sa wakas ay magkaroon na siya ng nobyo. Pero laking gulat niya nang may magmakaawa sa kanya na makipaghiwalay na siya sa nobyo niya. May asawa na pala si Joe. Kahit na ganun, si Jenna pa rin ang pinili ni Joe kaya malakas ang loob ni Jenna tuwing lumalapit sa kanya ang misis nito. Sa sobrang galit, sumumpa ang asawa ni Joe na magiging impyerno ang buhay ng mga nagtaks...
Episode 295: "Kalunos-lunos" 24.10.2022 1:04:51
Kahit na mahirap, buong puso ang pagtulong ni Yna sa ate niyang si Camille at sa anak nito. Naging sakitin si Camille matapos manganak kaya si Yna na ang bumuhay sa munti nilang pamilya. Sa kabila ng kanyang pagsusumikap, mararanasan niya ang isang nakagigimbal na pangyayari na magpapabago ng kanyang pagtrato ng mga tao sa paligid niya. At hindi lang siya ang makakaranas nito, pati na rin ang...
Episode 294: "Sanggang Dikit" 17.10.2022 58:11
Isang malaking kasiyahan para kay Gideon ang magkaroon ng kapatid na tulad ni Garrett. Para sa kanya, ang kuya Garret niya ang pinakamahalagang tao sa buhay niya. Pero hindi pwedeng habang buhay makakasama niya ang best friend, protector, at number-one supporter niyang kuya. Pakinggan ang kwento ni Gideon sa Barangay Love Stories.
Episode 293: "Putok Sa Buho" 10.10.2022 54:30
Simula pagkabata, iba na ang trato kay Eryn ng kanyang ina. Galit, inis at pagkamuhi ang laging bumubungad sa kanya kapag ang nanay niya na ang kaharap niya. Sa murang edad, walang araw na hindi pinaramdam kay Eryn ang pagkasuklam ng kanyang kinilalang ina. Pakinggan ang kwento ni Eryn sa Barangay Love Stories.
Episode 292: "First Heartbreak" 03.10.2022 1:10:32
Alam ni Hana na ang buhay ay hindi madali kahit na maganda, mabait at matalino ka pa. Kaya naman nang narealize niya na mahal niya na ang best friend niya, hindi niya magawang magtapat dito lalo na nung nalaman niyang may gusto na itong ligawan. Pakinggan ang kwento ni Hana sa Barangay Love Stories.
Episode 291: "Polygamy" 26.09.2022 1:00:13
Kapag nagmamahal ang isang tao, kailangan ng lakas ng loob para maipagpatuloy ang pag-ibig na iyun. Pero ganun din sa paghihiwalay, matinding lakas ng loob at tapang ang kailangan para iwanan ang taong dahilan ng pagiging malungkot at miserable mo. Ngunit kahit na mahirap at nakakapagod, hindi pa rin magawang iwanan ni Angel ang taong nagdudulot ng sakit sa kanyang damdamin. Pakinggan ang kwe...
Episode 290: "Revelation" 19.09.2022 1:00:20
May iba’t-ibang klase ng pag-ibig at hindi lahat ng ito ay dapat na pinaglalaban, lalo kung sa simula pa lang ay mali na ito. Dahil maagang naulila sa ama, kinailangan ng mama ni Josh at Aira na magtrabaho sa ibang lugar para matustusan ang kanilang pamilya. Dahil magkasamang lumaki, naging malapit nang husto ang magkapatid. At sa kanilang pagtanda, kasabay na umusbong ang pag-ibig ni Aira sa...
Episode 289: "Huwag Susuko" 12.09.2022 56:57
Amang lasenggo at inang cheater, iyan ang mga magulang ni Mae. Dahil dito hindi naging madali ang buhay nilang magkakapatid lalo pa nang iwan sila ng kanilang mama sa kamay ng mapanakit nilang ama. Ngunit hindi sila nawalan ng pag-asa at patuloy na lumaban sa buhay kahit pa aksidente siyang nabuntis ng kanyang kasintahan. Pakinggan ang kwento ni Mae sa Barangay Love Stories.
Episode 288: "Milagro" 05.09.2022 1:01:55
Ang isang anak ay kayaman ng mga magulang lalo na kung hirap magka anak ang mag-asawa. Kaya nang biyayaan ng sanggol sina Arceli at Domeng, abot langit ang tuwang kanilang nadama, lubos talaga nilang inaruga ang kanilang miracle baby. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay mapapahamak ang pinakamamahal nilang anak sa piling ng kanyang tiyuhin. Pakinggan ang kwento ni&nb...
Episode 287: "When Love Blooms" 29.08.2022 1:09:48
Dahil mahirap ang buhay, focus lang sa pagtatrabaho ang flower shop vendor na si Dahlia. Gusto niya mang ma-experience din ang pag-ibig na nagpapasaya sa iba ay wala siyang panahon para dito. Pero nang ma-meet niya ang masungit na si Alec na ayaw sa mga bulaklak, 'di nila aakalain na may pag-ibig palang uusbong sa kanila. Pakinggan ang kwento ni Dahlia sa Barangay Love Stories.
Lignende podcasts
Replaio er ikke podcastudgiver; programmernes navne, coverbilleder og lyd tilhører deres ophavsmænd og distribueres via offentlige RSS-feeds.