uk

Papa Dudut | TAGM Marketing Solutions Inc.

Papa Dudut Stories

Society TL ↓ Епізодів: 589

Ang Papa Dudut Stories ay programa ni Papa Dudut na una nating minahal sa radyo, sumikat sa YouTube, at ngayon ay patuloy na umaabot sa mas maraming puso sa pamamagitan ng Spotify. Sa bawat episode, hatid nito ang mga kwentong puno ng pag-ibig, sakripisyo, at pag-asa na madaling makarelate ang kahit sino. Mga simpleng kwento, pero malalim ang tama sa puso mga kwentong magpapangiti, magpapaluha, at magpapaalala na kahit gaano kahirap ang buhay, laging may dahilan para magmahal at magpatuloy. For brand partnerships, advertisements, or other collaboration opportunities with our podcast, please co...

Обов'язково відвідайте сайт подкасту та підтримайте його автора: podcasters.spotify.com

Автор

Papa Dudut | TAGM Marketing Solutions Inc.

Категорія

Society

Сайт подкасту

podcasters.spotify.com

Останній епізод

10 жов 2026

Де слухати?

Подкасти в застосунку Replaio Radio Уже незабаром

Подкасти незабаром з'являться в застосунку. Встановіть уже зараз і першими побачте зовсім новий погляд на подкасти

Завантажити з Google Play Встановіть безкоштовно Android майже 10 млн завантажень · рейтинг 4,8 iOS незабаром

Епізоди

PAPA DUDUT STORIES / SURPRISES | Episode 179 08.09.2025

Tuklasin ang masalimuot na kwento ng pag-ibig, tiwala, at pagkabigo kung saan ibinahagi ni Bea ang kanyang karanasang nagpamulat sa kanya kung sino ang tunay na lumalaban sa relasyon. Sa kwentong ito, maririnig natin ang sakit ng pagka-indian, ang misteryong bumalot sa biglaang hindi pagdating ng kanyang nobyo, at ang papel ng isang “Direk” na may dalang rosas at balitang ikagagalit niya.

PAPA DUDUT STORIES / PAG-IBIG NA PARANG SUGAL | Episode 178 07.09.2025

Matutunghayan natin ang masalimuot na kwento ni Denmark mula Quezon City—isang lalaking handang magsugal ng lahat para sa pag-ibig, kahit ang kapalit ay sakit, luha, at pagkalugmok. Sa pag-alis ni Renalyn, ang babaeng minahal niya ng buong puso, masusubok ang kanyang tibay at hanggang saan ang kayang tiisin ng isang pusong umaasa kahit hindi na siya pinipili?

PAPA DUDUT STORIES / BESTFRIENDS | Episode 177 04.09.2025

Samahan si Miley sa isang emosyonal at matinding pagsubok kung saan isang gwapong lalaki ang magiging dahilan ng pagkawasak ng matagal at matibay na pagkakaibigan nila ni Glaiza. Dito mo maririnig ang lahat—mga lihim, selos, pagtataksil, at kung paanong isang matinee idol na chickboy ang sinira ang tiwalang itinaguyod ng taon. Isa itong kwentong sumasalamin sa realidad na hindi lahat ng matagal ay...

PAPA DUDUT STORIES / KAAGAW NI NANAY | Episode 176 03.09.2025

Maririnig natin ang mapait at kontrobersyal na liham ni Shiela—isang biyudang negosyante na hindi inaasahang mai-in love sa nobyo ng sarili niyang anak-anakan. Sa gitna ng pag-aaruga, sakripisyo, at pagmamahal ng isang ina, unti-unting nalusaw ang hangganan ng tama at mali nang pumasok ang isang lalaking naging sentro ng pag-aagawan ng dalawang pusong magkaugnay sa iisang tahanan.

PAPA DUDUT STORIES / LARUAN | Episode 175 02.09.2025

Isang kuwento tungkol sa pag-ibig, tiwala, at ang mapait na aral sa salitang “laruan.” Ano ang maaaring mangyari kapag ang relasyon ay itinuring na laro at hindi seryoso? Tuklasin ang sakit, pagkakamali, at mga realizasyon ng mga taong naglaro ng damdamin.

PAPA DUDUT STORIES / PAGNANAIS | Episode 174 01.09.2025

Isang matapang at emosyonal na salaysay ni Solenn ang magbubukas sa ating kamalayan sa tunay na halaga ng katawan, damdamin, at dangal ng isang babae sa mundong madalas nang mali ang sukatan ng pagmamahal. Dito mo maririnig ang mga tanong na bihirang sagutin nang tapat— mahal mo ba talaga kung katawan lang ang hanap, at pwede bang ituring na banal ang isang bagay kung wala namang tunay na pag-ibig...

PAPA DUDUT STORIES / PABIGAT SA ASAWA | Episode 173 31.08.2025

Isinalaysay ni Mau mula Tarlac ang kanyang paglalakbay bilang ina, asawa, at OFW na nilabanan ang panlilinlang at pagkakalugmok ng kanyang mister sa bisyo. Dito mo maririnig ang mga tanong na madalas nating itinatanong kapag nasasaktan tayo: "Bakit ganito ang nangyari?" at "Bakit siya pa?"—mga tanong na sasagutin ng sariling katatagan ni Mau.

PAPA DUDUT STORIES / MR. KLUTZ | Episode 172 28.08.2025

Isang beauty queen ang mag babahagi ng kanyang kwentong pag-ibig. Isang simpleng kwento ngunit kapupulutan ng aral at kilig. Pakinggan ang kwento ni Nicole sa panibagong episode ng Papa Dudut Stories!

PAPA DUDUT STORIES / UMALIS PARA MAKALAYA | SHORT STORY 28.08.2025

Pakinggan ang matapang na kwento ni Elaine—isang inang piniling wakasan ang siklo ng pang-aabuso para sa kinabukasan ng kanyang anak na si Mera, at para sa kanyang sariling kapayapaan. Dito mo maririnig ang mga hinaing ng isang babaeng niloko, sinaktan, at nilabanan ang takot para makalaya sa lalaking akala niya’y tagapagligtas, pero kalauna’y naging bangungot din.

PAPA DUDUT STORIES / BROKEN TRUST | Episode 171 26.08.2025

Ilalahad ni Chester, isang 37-anyos na data analyst mula Mandaluyong, ang masalimuot na kwento ng isang pamilyang sinubok ng tukso, sakripisyo, at sirang tiwala. Dito mo maririnig kung paano ang simpleng pangarap ng isang mag-asawa ay unti-unting nabahiran ng duda at sakit nang dahil sa paglalandi sa apoy ng kasalanan.

PAPA DUDUT STORIES / GUIDANCE COUNSELOR | Episode 170 25.08.2025

Ibinabahagi ni Elisse, isang 29-anyos na social worker mula Mandaluyong, ang isang masakit at mapait na yugto ng kanyang buhay—isang kwento ng pang-aabuso, pagkawala, at pagbangon mula sa pagkawasak ng tiwala. Dito natin maririnig kung paano ang isang babaeng dating punong-puno ng pangarap ay winasak ng trahedya at pananamantala ng taong dapat sana’y naggabay, ngunit naging dahilan ng sakit.

PAPA DUDUT STORIES / SINUMPA NG DIYOS | Episode 169 24.08.2025

Matutunghayan ang matinding kwento ni Evita mula Taytay, Rizal—isang babae na halos mawalan ng pag-asa sa gitna ng sunod-sunod na trahedya at kamalasan sa buhay. Isang makabagbag-damdaming paglalakbay sa dilim, hinanakit, at pananampalataya, kung saan maririnig natin ang kuwento ng unang pag-ibig, pagkawasak ng pamilya, at ang sandaling nasabi niyang isinumpa niya ang Diyos.

PAPA DUDUT STORIES / WALANG BIBITAW | Episode 168 21.08.2025

Maririnig natin ang kwento ni Nora, isang matatag na negosyante at tapat na asawa, na minsang nabighani sa talino at karisma ni Jordan—isang mayamang Chinese businessman na minsan niyang nakatunggali sa isang inter-collegiate debate. Sa muling pagtatagpo, unti- unting nahulog ang loob ni Nora kay Jordan, ngunit sa likod ng kanilang matamis na ugnayan ay may mga tanong— swerte nga ba siya, o hindi...

PAPA DUDUT STORIES / NAAKIT NG PAULIT-ULIT | SHORT STORY 21.08.2025

Pakinggan ang matinding kasalanan at matinding pagsisisi ni Trina—isang asawang naligaw ng landas at sumuko sa tukso habang malayo ang kanyang sundalong asawa. Isa itong nakakayanig na kwento ng pagtataksil, lihim na pagnanasa, at ang kahindik-hindik na tagpong nahuli sila sa akto na nauwi sa karahasan at pagkawasak ng isang pamilya. Dito maririnig mo ang matitinding tanong ng konsensya, ang hirap...

PAPA DUDUT STORIES / THE LAST SONG | Episode 167 19.08.2025

Samahan natin si Sharon, isang OFW sa Kuwait, sa pagbabalik-tanaw sa kanyang unang pag-ibig kay Eduard—isang masayahing kaklase na naging bahagi ng kanyang kabataan at pangarap. Isang kwentong puno ng kilig, sakripisyo, at tanong kung sapat ba ang pagmamahal kapag wala nang natitirang tapang na lumaban. Alamin kung ang pag-ibig nila ay humantong sa happy ending o naging simula ng isang sugat na ma...

PAPA DUDUT STORIES / GANTI | Episode 166 18.08.2025

Isang kwentong magbubunyag kung hanggang saan ang kayang tiisin ng pusong paulit-ulit na nasasaktan kapalit ng pag-ibig na walang kasiguraduhan. Maririnig dito ang luha, sakit, at mga desisyong bumabalot sa pitong taong relasyon na sinira ng pagtataksil at paulit- ulit na pagpapatawad na tila walang katapusan.

PAPA DUDUT STORIES / BULAG NA PAGTATAKSIL | Episode 165 17.08.2025

Isang lalaking bulag ay nakipaglaban sa pinakamahirap na desisyon sa ngalan ng pag-ibig. Maririnig dito ang mga luhang hindi makita ng mata ngunit ramdam ng puso, ang mga tanong na bumabalot sa tunay na pagmamahal, at ang matinding sakit ng pagtataksil na hindi inaasahan.

PAPA DUDUT STORIES / UNEXPECTED LOVE | Episode 164 14.08.2025

Isang guro at isang estudyanteng may espesyal na pangangailangan ay nahulog sa isang masalimuot na damdaming pilit pinipigil ng lipunan. Maririnig dito ang mga lihim na usapan, mga pusong sabay na nagmahal at nasaktan, at mga tanong na walang kasagutan tungkol sa kung hanggang saan ang kayang ipaglaban ang pag-ibig.

PAPA DUDUT STORIES / KURIPOT YUN PALA MAY KABIT | SHORT STORY 14.08.2025

Alamin ang mapanlinlang na kwento ng pag-ibig ni Nica, isang babaeng umibig ng tapat pero niloko ng lalaking ubod ng kuripot sa kanya ngunit sobrang galante pala sa tunay niyang kabit. Sa bawat minuto ng podcast, madarama mo ang sakit ng pagtataksil, ang galit sa lalaking marunong lang gumastos para sa iba, at ang aral na huwag kailanman balewalain ang mga (red flags) sa isang relasyon.

PAPA DUDUT STORIES / MASAKIT ISIPIN | Episode 163 12.08.2025

Pakinggan ang kwento ng isang pag-ibig na sinubok ng tadhana—punô ng luha, panghihinayang, at mga tanong na mahirap sagutin.

PAPA DUDUT STORIES / KASAL | Episode 162 10.08.2025

Dito mo mararamdaman ang bigat ng pagpili ng engrandeng kasal ba o praktikal na buhay may-asawa, puso ba o isipan, alaala ng kahapon o kasalukuyang pagmamahal? Maririnig mo ang mga emosyon at rebelasyon na siguradong tatagos sa puso mo, habang pinapaisip ka kung anong klaseng pag-ibig ang tunay na wasto at karapat-dapat ipaglaban. Kaya kung ikaw ay nasaktan, nagmahal, o naguluhan na rin sa pag-ibi...

PAPA DUDUT STORIES / COVER GIRL | Episode 161 07.08.2025

Tuklasin natin ang kuwento ng isang babae na sa likod ng kanyang maganda at kaakit-akit na anyo, ay may tinatagong sikreto at karanasang magbabago sa kanyang buhay magpakailanman.

PAPA DUDUT STORIES / ABUSADO SI BOSS | SHORT STORY 07.08.2025

Alamin ang nakakakilabot na kwento ni Carol, isang dalagang tubong Batangas na biktima ng pang-aabuso ng sarili niyang boss sa isang pribadong kompanya sa Maynila. Dito maririnig natin ang matapang na pagsisiwalat ng isang babae na halos mabuwag ang pagkatao dahil sa pananakot, pambablackmail, at kahalayan ng kanyang among si Sir Leo—isang demonyo sa anyo ng propesyonal.

PAPA DUDUT STORIES / BLIND LOVE | Episode 160 05.08.2025

Samahan si Jovie sa isang kwento ng pag-ibig na kahit ang dilim ay hindi naging hadlang sa liwanag ng damdamin—isang bulag na puso na natutong tumibok para sa guwapong guro na si Teacher Roman. Sa tulong ng kanyang matalik na kaibigang si Jovielyn, muling isinalaysay ang isang kilig na alaala mula 2008 na puno ng inosente, masayang araw ng kabataan, at pag-ibig na hindi batay sa paningin kundi sa...

PAPA DUDUT STORIES / LOVELIFE NI MAMA | Episode 159 03.08.2025

Isang emosyonal na liham mula kay Arthur na naghahayag ng sakit, sakripisyo, at pagmamahal sa gitna ng pagkabigo at pagkakabuo muli ng isang pamilya. Mapapakinggan dito ang masalimuot na kwento ng isang anak na pilit inuunawa ang bagong pag-ibig ng kanyang ina matapos mamatayan ng ama—isang kwento ng pagtanggap, paninindigan, at pagtatanggol sa dignidad ng isang magulang na nais lang muling lumiga...

Слухайте подкаст Papa Dudut Stories у Replaio

Радіо та подкасти в одному застосунку - безкоштовно й без реєстрації. Встановіть уже сьогодні та не пропустіть запуск

Завантажити з Google Play

Replaio не є видавцем подкастів; назви шоу, обкладинки та аудіо належать їхнім авторам і поширюються через публічні RSS-канали