uk

Jacob Maquiling and the Pod Network

Ganito Kasi 'Yan!

Society TL ↓ Епізодів: 267

Ganito Kasi ‘Yan is a Gen Z-led podcast by Ateneo Communication student Jacob Maquiling, tackling love, life, and growing pains through fresh, youth-centered conversations. It’s raw, witty, and heartfelt — a platform for young Pinoys to speak their truth and feel heard. Thanks for tuning in! You can help support our podcast by:TAPPING the FOLLOW button and NOTIFICATION BELLRATING this podcast with 5 STAR!If you're interested in collaborating with our podcast through brand partnerships, advertisements or other collabs, please send an email to our management: info@thepodnetwork.com.

Обов'язково відвідайте сайт подкасту та підтримайте його автора: podcasters.spotify.com

Автор

Jacob Maquiling and the Pod Network

Категорія

Society

Сайт подкасту

podcasters.spotify.com

Останній епізод

5 жов 2026

Де слухати?

Подкасти в застосунку Replaio Radio Уже незабаром

Подкасти незабаром з'являться в застосунку. Встановіть уже зараз і першими побачте зовсім новий погляд на подкасти

Завантажити з Google Play Встановіть безкоштовно Android майже 10 млн завантажень · рейтинг 4,8 iOS незабаром

Епізоди

student leader, lalandi ng member? 😲⁉️ 12.04.2025

Paano kung student leader ka, at nalaman mong type ka pala ng isa sa mga member mo sa org? Grabe namang sitwasyon ang na-unpack ng org besties din natin ngayong Sabado, kung saan tinalakay nila ang power dynamics at pagsunod sa code of ethics sa mga ganitong sitwasyon. If you're interested in collaborating with our podcast through brand partnerships, advertisements or other collabs, please send an...

what’s alter like nga ulit? 🤔💦 05.04.2025

Talaga namang reimagined din ang ating mga Tugon Po sa pagsisimula ng bagong kabanata ng GKY! Dahil nga naman marami na silang nalalamang bagong lesson, binalikan nina Jacob at Lance ang first Tugon Po letter na kanilang sinagot about finding your friend’s account in the alter world. For any collaboration, brand partnership, and campaign run inquiries, e-mail us at info@thepodnetwork.com.

ganito kasi ang 5 years! ask us anything special with jacob and lance 🌟🩵 29.03.2025

Limang taon na tayo sa kwentuhan, tawanan, at bardagulan, Podmates! Kaya naman sa 5th anniversary celebration ng ating ultimate Gen Z tambayan, sinagot nina Jacob at Lance ang ilan sa pinakamainit at eksplosibong katanungan tungkol sa inyong besties at sa GKY!.

confessions of an (ex) dds 👊✌️ 22.03.2025

March pa lang, pero entry na agad sa Ganito Kasi Ang 2025 na ang istorya ng paghuli kay ex-Pres. Duterte sa ICC. Kaya naman, hindi pinalagpas nina Jacob at Lance na himayin ang isyu at balikan kung ano bang buhay growing up sa panahon ng War on Drugs. At sino at anong aaminin ng isang podmate nating minsan nang naging Duterte supporter? For any collaboration, brand partnership, and campaign run in...

thesis, thesis, paano ka ba tatapusin? 💻😭 15.03.2025

Tatapusin ba nina Jacob at Lance ang thesis? O ang thesis nila ang tatapusin sa kanila? ‘Yan ang aalamin natin sa ating kumustahan sa ating favorite besties ngayong less than 100 days na lang ang graduation nila. Sa bilis ng panahon nila, binahagi rin nila ang kanilang reflections on the past few months.

face to face! jacob vs. tristan vs. lance edition 🥊💣 08.03.2025

Eto na ang most awaited face-to-face sa GKY universe! Sa simula ng ating anniversary celebration, finally ay nagharap na sina Jacob at Tristan Angelo para pag-usapan ang kanilang napagsamahan at pinagdaanan sa history ng podcast. Iniisa-isa rin nila kasama si Lance ang pinakang pasabog na comments na dinudulo sa GKY. For any collaboration, brand partnership, and campaign run inquiries, e-mail us a...

bakit ba may binoboto tayong party-list? 🗳️🏛️ (with Atty. Chel Diokno) 01.03.2025

Sa pagbabalik ng pagsagot sa ating mga bakit, sinamahan tayo ng kilalang lawyer and human rights advocate na si Atty. Chel Diokno para ipaliwanag ang pagpili natin sa isang party-list para sa Halalan 2025. Ano nga bang kahalagahan ng pagkakaroon nito at talaga bang may silbi ito sa ating mga mamamayan?

tuloy niyo na ‘yang queer relationships na ‘yan!🧑‍🤝‍🧑🫶 (with Albert and Aikee) 24.02.2025

Mother Ricky Reyes, hindi matitigilan ang pagmamahalan ng kabaklaan ngayong Sabado! Dahil sa pagbisita ng queer artist couple na sina Albert and Aikee, alamin natin ang naging kuwento ng kanilang pagsasama at ang kanilang pag-debunk sa usual misconceptions sa queer relationships. Totoo ba talagang complicated ito, at bakit nga ba himala na lang ang magtagal ng 1 year sa mga bakla?

na-ghost kita before… okay ka lang? 💑❤️‍🔥 (with Marvin Agustin and Jolina Magdangal of Ex Ex Lovers) 15.02.2025

It’s our biggest Valentine’s special tonight sa GKY! Sa pagbisita ng OG love team nating sina Marvin Agustin at Jolina Magdangal, sama-sama tayong tumugon kay Crinkles at sa nagbabalik niyang ex-kalandian online in the same workplace. Mag-chuva choo choo na rin tayo sa hatid ng MarJo tungkol sa Ex Ex Lovers, at paano ba tayo makakarelate sa ating mga ka-love team!

nakakain ba ‘yang healthy relationships? 08.02.2025

Sana all na lang talaga may ka-bebe time… dahil this episode, bumisita ang Tiktok parents nating sina Bea and Kenshin para ibahagi ang kanilang kwento as a couple. Ipapaliwanag rin nila kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng healthy relationship for them, and paano ito subukang i-achieve para sa mag-jowa at sa magkakaroon pa lang

anong hindi mo gagawin for love? 🙅❤️‍🔥 01.02.2025

Valentine’s na naman… kaya bago kami maghatid ng kwento ng kilig, alamin nga muna natin kung ano bang mga bagay ang hindi mo kayang i-compromise kapag hiniling sayo ng partner mo. ‘Yan ang iisa-isahin nina Jacob at Lance ngayong Sabado, kasabay ng teaser sa pangmalakasan nating mga pasabog sa mga susunod pang episode!

pinagod na kami 😪🚶‍♂️‍➡️ 25.01.2025

Hay, January pa lang pero parang isang buong taon na ang pagod ng besties niyong part-time estudyante, full-time student leader at podcaster sa dami ng mga ganap. Sa mga pinagod na diyan, mag-debriefing muna tayo kasama sina Jacob at Lance at harapin ang nakakapagod na burnout, at ano pa bang magagawa natin para diyan.

boy best friend, who u na lang ako? 🤦‍♀️⁉️ 18.01.2025

Gasgas na ang mga boy best friend na nakakalimot sa mga kaibigan pag nagkajowa na, pero to the next level ang pambabalewala ng kaibigan ng letter sender natin tonight! Paano ba naman, gagawa lang ng excuse sa tropa niyang nangangailangan ng malalapitan para lang sa tinawag pang best f*ck niya?

going 2025! 🏃🌟 11.01.2025

Go, go, go tayo sa 2025 kung saan new year, new journey ang inyong ultimate Gen Z tambayan sa paghahatid ng kwentuhan, tawanan, at bardagulan. Ano nga bang nilolook forward nina Jacob at Lance (na malapit na ring grumaduate!), at bakit nga ba tila rollercoaster rin ang emotion na bumungad sa GKY this episode?

hindi invited si gabby at elijah 🔫 💵 (with Gabby Padilla and Elijah Canlas of Uninvited) 04.01.2025

Invited ang lahat ngayong Sabado sa pagbisita nina Gabby Padilla at Elijah Canlas sa GKY! kasabay ng patuloy na showing ng hit MMFF 2024 film na Uninvited. Pinag-usapan nila ang kanilang kuwento sa likod ng pelikula, ang reunion nilang dalawa sa isang proyekto, at ang pakikipagsabayan sa talaga namang star-studded ensemble.

GK24 | Ganito Kasi Ang GKY 2024! 28.12.2024

Sa pagtatapos ng isang rollercoaster na taon, samahan sina Jacob at Lance na balikan ang mga tawanan, kwentuhan, at bardagulan ng GKY! ngayong 2024. Alamin rin kung ano ang kanilang top episodes at guests, ang moments nila behind the scenes, at ang mga dapat abangan sa susunod na taon.

GK24 | You Miss My Chismis? The 2024 Pinoy Showbiz Recap (Part 2) 21.12.2024

Huwag magpahuli sa pangalawang pasok ng chismis! Tinutukan nina Jacob at Lance ang bahay ni Kuya para sa bardagulang Jas-Fyang, ang mga sinehan sa release ng Wicked at Hello Love Again, ang DRPH sa alaws galapap na pagkapanalo ni Maxie, at maraming iba pa dito lang sa ating showbiz recap ng 2024.

GK24 | Sa Ulo ng mga Balita, Tama Ka Na 2024! (Part 2) 18.12.2024

Timbog kay Quiboloy at Guo, Labanang Kamala Harris-Donald Trump. Bardagulan at hiwalayang Marcos-Duterte. Punong-puno ang second half ng 2024 ng takbuhan at alitang talaga namang nagpasakit pa sa ulo nating lahat. Pero siyempre, ‘yan ang mga balitang babalikan nina Jacob at Lance sa pangalawang bahagi ng pasok ng mga balita.

GK24 | 2024 Wrapped: State of the Nation na Laging Online 14.12.2024

Brainrot malala na lang talaga para sa ating lahat na laging online. From Diwata, Arman Salon, at kay Boy Dila, hanggang sa bardagulan kay Jen Barangan, Yulo Family, at healing your inner child, walang issue na hindi pinalagpas sina Jacob at Lance sa 2024 wrapped ng mga netizens na laging may pinag-uusapan at pinag-aawayan.

GK24 | You Miss My Chismis? The 2024 Showbiz Recap! (Part 1) 11.12.2024

Mga marites! It’s our time to shine sa ating pagbabalik-tanaw sa mga pinakang pinag-usapan at gumimbal sa Pinoy showbiz sa first half ng 2024. Mula sa hiwalayang Bea-Dominic, tambalang Kapamilya-Kapuso, balikan ni Kuya Wil sa TV5, at ang pagsikat ng Nation’s Girl Group, walang chismis na pinalagpas sina Jacob at Lance para sa inyo.

GK24 | Sa Ulo ng mga Balita, Tama Ka Na 2024! (Part 1) 07.12.2024

Nagbabalik ang GKY para balikan ang mga pinaka-trending, latest, at eksplosibong kaganapan ng 2024! Sa unang pasok ng mga balita, hatid nina Jacob at Lance ang eksena sa Bagong Pilipinas, Bamban, West Philippine Sea, at Gaza. Bakit nga ba bad shot na si VP Sara kay FL Liza? At lumaki nga ba talaga sa farm si Alice Guo?

HOY! SIGA AKO SA BUHAY!!! with one click straight 🤜😤🤛 30.11.2024

SIGA KA RIN BA?!?! ‘Yan ang sasagutin natin this episode kasabay ng pagbisita ng indie band na ONE CLICK STRAIGHT para ibahagi ang kanilang latest single. Alamin natin ang kwento ng mga magkakapatid din sa kanilang pagiging isang banda, at kung paano ka rin papalag sa mga hamon ng buhay.

para saan ba talaga ‘yang college orgs? 💻🤙 23.11.2024

Balik muna tayo sa usapang college, at samahan niyo kaming sagutin kung ano nga ba talagang value ng pagsali sa mga student orgs? ‘Yan lang naman ang pinagusapan ng mga certified BS Org na sina Jacob at Lance na nagsisimula nang malugmok sa finals season.

bakit ba ang daming (pa) sikat na gustong tumakbo? ✨🤮 16.11.2024

Hindi ito Star Magic o Sparkle, pero bakit nga ba tila ang daming gustong mag-audition na mga celebrity at influencer sa darating na halalan? Mula sa senador hanggang konsehal, inisa-isa nina Jacob at Lance ang mga celebrity na gusto ata ng side gig para sa iba at ang estado ng showbiz at pulitika sa bansa.

paano gawing malamig ang bf kong in heat? 🥵🥶 09.11.2024

Sa init ng panahon ngayon, mas malala pa ang in heat na boyfriend na pinoproblema ng letter sender natin. Kapag tila wala nang kontrol sa katawan ang partner mo, paano ba dapat palamigin ang problemang ito para marespeto rin ang boundaries and preferences mo?

Слухайте подкаст Ganito Kasi 'Yan! у Replaio

Радіо та подкасти в одному застосунку - безкоштовно й без реєстрації. Встановіть уже сьогодні та не пропустіть запуск

Завантажити з Google Play

Replaio не є видавцем подкастів; назви шоу, обкладинки та аудіо належать їхнім авторам і поширюються через публічні RSS-канали