702 DZAS Agapay ng Sambayanan
702 DZAS FEBC RADYOTV
Communicating Christ in our World until all have heard.
Обов'язково відвідайте сайт подкасту та підтримайте його автора: podcasters.spotify.com
Автор
702 DZAS Agapay ng Sambayanan
Категорія
Сайт подкасту
Останній епізод
4 жов 2026
Де слухати?
Подкасти в застосунку Replaio Radio Уже незабаромПодкасти незабаром з'являться в застосунку. Встановіть уже зараз і першими побачте зовсім новий погляд на подкасти
Епізоди
Reflections: Peace in the Chaos 28.05.2025 15:13
Sa gitna ng ingay ng deadlines, expectations, at damdaming 'di maipaliwanag minsan, pahinga ang pinaka-spiritual na bagay na pwede mong gawin. Hindi mo kailangang lutasin lahat ngayon. Huminto. Huminga. Makinig sa katahimikan.
Reflections: Tigilan ang Pagiging Self-Centered 26.05.2025 15:26
Sa mundong #MeFirst at ‘Ako Muna,’ nakakalimutan natin minsan: hindi lang tayo ang bida. Ang buhay ay hindi solo flight—designed ‘to para magmahal, mag-share, at magbigay. Kapag tumingin ka sa paligid, mas makikita mo kung gaano ka din ka-blessed
Reflections: Hindi lang Dapat Marinig, Dapat Nakikita 25.05.2025 9:49
Ang tunay na pananampalataya, hindi lang puro salita—nakikita sa gawa. Kapag totoo ang paniniwala mo, lalabas ‘yan sa kung paano ka magmahal, tumulong, at mabuhay araw-araw. Faith that moves hearts moves hands, too.
Legit: Erwin Barcelona Joya - 'Paglilingkod Hanggang Sa Huling Paghinga' 25.05.2025 59:30
Bakit ako pa ang dumaranas ng ganitong uri ng paghihirap? Minsan mo na rin bang natanong sa sarili mo ito? Mabait naman, matapat sa paglilingkod, at masigasig sa mga gawain... Pero, bakit dumadaan sa matinding problema? Sa episode na ito, ibinahagi ni Erwin "Darius" Barcelona Joya - isang missionary na diagnosed ng chronic kidney disease, kung paano niya hinaharap ang malaking dagok sa k...
Ehemplo: Eunice Jean Patron (Kita Kita Philippines) 24.05.2025 45:35
May lugar para sa iyo dito dahil kasama ka at tanggap ka. 'Yan ang pinaparamdam ng 'Kita Kita Philippines' sa mga young adults na neurodivergent o 'yung mga na-diagnose ng autism o attention-deficit/hyperactivity disorder (ADHD). Layon ng non-government organization na iparamdam sa sektor na ito na sila ay mahalaga. Sa pamamagitan ng mga programa, aktibidad, at seminars, kinukuha n...
Reflections: Your Story Matters 23.05.2025 8:29
Hindi mo kailangang maging preacher para makapagbahagi ng pag-asa. Romans 10:14 reminds us—bawat isa sa atin may papel. Sa simpleng kwentuhan, post, o pagdamay… you could be the reason someone believes.
Reflections: Stay in Your Lane 21.05.2025 13:37
Ang buhay ay hindi karera. ‘Wag mong i-compare ang chapter 3 mo sa chapter 10 ng iba. You’re on your own journey. Be faithful where you are, be content with what you have.
Reflections: Wag Kang Bibitaw 19.05.2025 7:06
Pagod ka na? Parang walang katapusan ang laban? Pero sabi sa James 1:12, may reward sa mga nagpapatuloy. Hindi mo kailangang maging perpekto pero wag kang bibitaw. There's blessing in endurance.
Ehemplo: Carla Paras-Sison (ICanServe Foundation) 17.05.2025 55:00
Mahirap ang magkasakit. Pero, mas mahirap kung wala kang kasama at kasangga sa proseso ng paggaling mula sa karamdaman. Layon ng 'ICanServe Foundation' na abutin ang mga breast cancer patients mula sa early detection hanggang sa mga malalang stage ng sakit upang maiparamdam na hindi sila nag-iisa. Mula sa mga referrals, counseling, at maging educational/awareness initiative, binibigyang pa...
Reflections: Masterpiece in Progress 16.05.2025 8:13
You’re God’s handiwork. Oo, may flaws ka, pero may purpose ka. May dahilan kung bakit ka narito—at may magagawa ka na ikaw lang ang pwedeng gumawa. Keep showing up. You're walking in purpose.
Reflections: Hindi Sayang ang Araw 15.05.2025 13:07
‘Wag hayaang masayang ang araw sa stress o comparison. Live fully, love deeply, and follow God’s lead. One day at a time, one step in faith. Kasi kung kasama si Lord, bawat araw may saysay.
Reflections: When Failure Feels Final 14.05.2025 15:16
Akala mo tapos na, pero si Lord pala nagsisimula pa lang. Romans 8:28 reminds us—kahit yung mga palpak, sakit, o pagkatalo, kaya Niyang i-weave into something good. Hindi sayang ang pain kung si God ang gumagawa ng ending.
Reflections: Leadership with a Heart 13.05.2025 14:45
Madaling magsalita, pero ang tunay na lider—nakikita sa gawa. Yung may malasakit, may takot sa Diyos, at may layunin para sa kabutihan ng nakararami. Sa panahon ng pagpili, piliin ang hindi lang mahusay, kundi totoo
Reflections: Ikaw ang Payapang hinahanap-hanap ko 12.05.2025 9:49
Psalm 42:11 reminds us: kahit nababahala ka, may dahilan pa rin para umasa. Hindi mo kailangang ayusin lahat minsan sapat na ang umupo, huminga, at magtiwala. Tune in for a moment of peace and perspective.
Legit: Nathaniel David Dela Cruz - 'Your Vote Matters' 11.05.2025 1:05:31
Sa halalan, YOUTH matters! Malaki ang papel na ginagampanan ng kabataan sa eleksyon. Bitbit ang enerhiya, dami, at sigasig sa panghihikayat, isa ang mga kabataan sa may kakayahang baguhin ang nakagawiang sistema ng lipunan. Ano-ano nga ba ang dapat tandaan at paano yayakapin ang isang pambihirang pagkakataon na binigay sa ating mga kabataan ngayong eleksyon? Pakinggan sa episode na ito ang insight...
Ehemplo: Karen Mae Sofia (Ecpat Philippines, Inc.) 10.05.2025 58:20
Mahirap isipin na sa dami ng mga taong nakapaligid sa atin, hindi lahat sila ay maayos at maganda ang intensyon. Sa panahon ngayon, ang ilan ay nais 'i-take advantage' ang weaknesses, vulnerability at maging ang pagiging bata (minor) ng iba. Sa usaping ito, tumutulong ang 'End Child Prostitution and Trafficking Philippines (ECPAT) Philippines' na abutin at agapayan ang mga kabataan...
Reflections: Walang Iba Kundi Siya 09.05.2025 7:10
Maraming pangalan ang sinisigaw ng mundo, pero sa huli, iisa lang ang mananatili—ang Panginoon. Zechariah 14:9 is a quiet reminder that God is still in control. Let’s talk about what it means to live knowing that He alone is King.
Reflections: When Music Speaks for the Soul 08.05.2025 13:57
May mga panahon na hindi kayang buuin ng bibig ang bigat sa puso—but music steps in. Minsan isang kanta lang, ramdam mo na agad ang yakap ng peace at comfort. Let’s talk about how music helps us breathe, pray, and heal.
Reflections: Isulat Para Hindi Makalimutan 07.05.2025 13:28
Ang bilis ng takbo ng buhay, kaya minsan nakakalimutan natin kung gaano kabuti ang Diyos sa atin. Pero bakit hindi mo isulat? ‘Yung mga answered prayers, ‘yung mga times na sinagot Niya ang iyak mo, ‘yung mga blessings na akala mo imposible. Let’s talk about remembering His love and faithfulness by writing them down.
Reflections: Pakikinig na May Puso 07.05.2025 15:55
Ang totoong pakikinig, hindi lang gamit ang tenga—kailangan pati puso. Minsan, ang kailangan lang ng tao ay marinig, hindi masolusyonan. Let’s talk about listening that connects, not corrects.
Reflections: Wonderfully Made 06.05.2025 14:30
Ever looked in the mirror and thought, ‘Am I enough?’ Reminder lang, your uniqueness is not an accident. It’s a masterpiece. Your quirks, your strengths, even your struggles—they all reflect the goodness and greatness of God. Let’s talk about embracing your one-of-a-kind design.
Reflections: Go Back to His Word 05.05.2025 10:00
Maraming ingay sa mundo, pero may isang boses na hindi nagbabago. Psalm 119:97 reminds us—God’s Word is more than just text, it’s a treasure. Let’s talk about how it can change our hearts.
Legit: Darlyn Nalzaro - 'Life's Setbacks, God's Comeback' 04.05.2025 55:41
Nakaranas ka na ba ng sitwasyon sa buhay mo na parang hindi mo na maunawaan? Tila ba walang saklolo at lunas na dumarating? Kapag ito ay dinadaanan natin, kadalasan gusto na lang natin matapos ang buhay upang ang mga problema ay matigil na. God is never late! His timing is perfect and His ways are right for us. Pakinggan sa episode na ito kung paano kumilos ang Lord sa buhay ng ating guest na si D...
Ehemplo: Mark Ian Mendoza & Johnpet Glenn Misa 03.05.2025 51:53
Pangalawang pagkakataon. Dalawang simpleng salita, pero komplikadong ibigay sa mga taong nakasira na ng tiwala natin. Magagawa mo bang pagkatiwalaan muli at bigyan ng oportunidad para sa bagong buhay ang mga taong minsan nang nalulong sa ilegal na droga? Sa panayam natin kay Mark Ian Mendoza at Johnpet Glenn Misa ng Bridges of Hope Philippines , ikinuwento nila ang naging proseso ng kanilang pag-r...
Reflections: Hindi Exempted, Pero Ligtas 02.05.2025 9:08
Many are the afflictions of the righteous...’ Oo, kahit ‘yung may pananampalataya, dumadaan sa hirap. Pero ‘wag kalimutan ang susunod: ‘but the Lord delivers him out of them all.’ 🙌 Hindi ka exempted sa sakit, pero hindi ka rin nag-iisa. Let’s reflect on hope in hard times. 🎙️
Схожі подкасти
Replaio не є видавцем подкастів; назви шоу, обкладинки та аудіо належать їхнім авторам і поширюються через публічні RSS-канали