Papa Dudut | TAGM Marketing Solutions Inc.
Papa Dudut Stories
Ang Papa Dudut Stories ay programa ni Papa Dudut na una nating minahal sa radyo, sumikat sa YouTube, at ngayon ay patuloy na umaabot sa mas maraming puso sa pamamagitan ng Spotify. Sa bawat episode, hatid nito ang mga kwentong puno ng pag-ibig, sakripisyo, at pag-asa na madaling makarelate ang kahit sino. Mga simpleng kwento, pero malalim ang tama sa puso mga kwentong magpapangiti, magpapaluha, at magpapaalala na kahit gaano kahirap ang buhay, laging may dahilan para magmahal at magpatuloy. For brand partnerships, advertisements, or other collaboration opportunities with our podcast, please co...
Não deixe de visitar o site do podcast e apoiar quem o produz: podcasters.spotify.com
Autor
Papa Dudut | TAGM Marketing Solutions Inc.
Categoria
Site do podcast
Último episódio
13 de out de 2026
Onde ouvir?
Podcasts no app Replaio Radio Em breveOs podcasts estão chegando ao app. Instale agora e seja o primeiro a descobrir um jeito totalmente novo de curtir podcasts
Episódios
EP440: Expect the Unexpected l Papa Dudut Stories 11.06.2026 40:04
Isang kwento ng pag-ibig na magpapakita na ang buhay at puso ay hindi kailanman mahuhulaan. Sa “Expect the Unexpected,” susundan natin ang isang relasyon na puno ng tamis sa simula, ngunit unti-unting masusubok ng mga pangyayaring hindi inaasahan, mga sikreto, desisyon, at pagkakataong magpapabago sa tadhana ng dalawang taong nagmahalan. Sa bawat tagpo, mararamdaman mo ang sakit, saya, at pag-asa...
EP439: Nagsisi sa Pinili l Papa Dudut Stories 10.06.2026 27:41
Isang kwento ng pag-ibig na puno ng pagsisisi at mga desisyong hindi na maibabalik. Sa “Nagsisi sa Pinili,” susundan natin ang buhay ng isang taong piniling sundin ang puso sa maling pagkakataon, iniwan ang tunay na nagmamahal, para sa pag-ibig na akala niya’y tama. Ngunit sa huli, darating ang araw ng pagbabalik-tanaw, kung saan ang lahat ng “sana” at “paano kung” ay huli na para ayusin. Isang ma...
EP438: Lapitin l Papa Dudut Stories 09.06.2026 31:09
“Hindi lahat ng lumalapit ay para manatili… minsan, para lang turuan kang masaktan.” 💔 Pakinggan ang kwento ng “Lapitin” isang love story drama tungkol sa pag-ibig, tukso, at mga taong madaling mahulog… pero hirap pumili kung sino talaga ang mamahalin. Handog ng Papa Dudut Stories.
EP437: Gagawin ang Lahat l Papa Dudut Stories 08.06.2026 27:08
Hanggang saan ka nga ba kapag tunay mong mahal ang isang tao? Sa kwentong ito, masusubok ang pagmamahal, sakripisyo, at mga desisyong kayang baguhin ang buhay. Isang madamdaming love story drama na tiyak tatagos sa puso mo. Pakinggan lamang dito sa Papa Dudut Stories.
EP16 :Pangarap Natin Para Sa Magulang | Papa Dudut POV series 08.06.2026 2:28
Ang tunay na pangarap ng isang anak, hindi lang yumaman... Kundi ang makita ang mga magulang niyang nakangiti, nakakapag pahinga, at hindi na kailangang mag sakripisyo araw-araw.
EP436: Isang Tawag Lang l Papa Dudut Stories 07.06.2026 30:17
Isang love story drama tungkol sa pag-ibig na kahit gaano kalayo o katagal ang pagitan, nananatiling buhay sa bawat tawag at alaala. Ngunit paano kung isang tawag ang magbabago ng lahat? Pakinggan ang nakakakilig at nakakabagbag-damdaming kwento dito lang sa Papa Dudut Stories.
EP435: Swerte l Papa Dudut Stories 06.06.2026 28:45
Minsan, may mga biyayang dumarating na akala mo ay sagot sa lahat ng problema… pero paano kung may kapalit pala itong hindi mo inaasahan? Isang nakakatindig-balahibong kwento tungkol sa suwerte, kapalaran, at mga desisyong kayang magpabago ng buhay magpakailanman. Handa ka na bang malaman kung hanggang saan ka dadalhin ng “Swerte”? 🎧
EP434: Screenshot l Papa Dudut Stories 05.06.2026 42:43
Isang simpleng screenshot… pero bakit parang may itinatago itong sikreto na hindi dapat nakita? Sa bawat larawan, may unti-unting nabubunyag na katotohanan na magpapabago sa buhay ng lahat ng sangkot. Hanggang saan ka dadalhin ng isang ebidensyang hindi mo inaasahang makita? Pakinggan ang nakakakilabot at nakakapanindig-balahibong kwento na tiyak mag-iiwan ng kaba sa inyong gabi, dito lang sa Papa...
EP433: Echoes of Love and Loss l Papa Dudut Stories 04.06.2026 31:50
Isang kwento ng pag-ibig na hindi natapos, mga pangakong iniwan sa alaala, at sakit na patuloy na umaalingawngaw sa puso. Hanggang saan ka kakapit kung ang taong pinakamamahal mo ay unti-unti nang nawawala sa’yo? Pakinggan ang emosyonal na kwentong magpapaalala sa atin kung gaano kasakit… at kasarap magmahal. 💔
EP432: Galit na Biyenan l Papa Dudut Stories 03.06.2026 43:24
Pag-ibig nga ba ang pinakamahirap ipaglaban… o ang pagtanggap ng isang biyenan? Isang nakakakaba at emosyonal na kwento ng pamilya, samaan ng loob, at mga lihim na unti-unting sisira sa tahanan. Hanggang saan ka lalaban kapag mismong biyenan mo ang gustong magwasak ng relasyon ninyo? Pakinggan ang panibagong kwento dito sa Papa Dudut Stories.
EP431: Two Timer l Papa Dudut Stories 02.06.2026 25:54
Pag-ibig na puno ng kasinungalingan… at lihim na unti-unting sisira sa tiwala. Hanggang saan ka lalaban kapag nalaman mong hindi lang pala ikaw ang mahal? Pakinggan ang kwentong puno ng pagtataksil, sakit, at matinding emosyon sa Papa Dudut Stories.
EP430: One True Love l Papa Dudut Stories 01.06.2026 28:16
Hanggang saan ang kayang isakripisyo ng isang taong tunay na nagmamahal? Sa kwentong ito ng pag-ibig, sakit, at tadhana, tunghayan ang isang relasyong susubok sa tibay ng puso at pangakong akala nila’y panghabang-buhay. May happy ending pa kaya kapag ang “one true love” mo ay dumating sa maling panahon? Pakinggan ang panibagong kwento dito sa Papa Dudut Stories.
EP15 :Gaano Kabilis Ang Oras | Papa Dudut POV series 01.06.2026 3:24
Habang tumatanda tayo, hindi pala oras ang nauubos... Kundi yung mga sandaling akala natin lagi pang nandiyan. kaya bago maging alaala ang lahat, yakapin mo sila, mahalin mo sila, habang may oras ka pa.
EP429: The Present l Papa Dudut Stories 31.05.2026 27:10
Sa buhay ay may mga pagkakataong kailangan mong mag let go at mag move on kahit mahirap.
EP428: Tamang Hinala l Papa Dudut Stories 30.05.2026 24:48
🎧 Isang love story na magpapa-isip sa’yo: “Tamang hinala ba… o maling akala lang na huli na nang nalaman ang totoo?” Abangan ang masakit pero makatotohanang kwento ng pag-ibig na baka ikaw mismo ang makarelate.
EP427: Pag-usad l Papa Dudut Stories 29.05.2026 32:29
Sa bawat pagluha ay may natututunan at nakukuhang lakas , wag nating kalimutan na ang sakit ay parte ng pag lago sa ating buhay.
EP426: Maibabalik ba ang Kahapon l Papa Dudut Stories 28.05.2026 30:00
Ang pamilya ay isang regalo na nagtatagal habang buhay , hindi natutumbasan ng pera ang kasiyahang hatid ng isang sama samang pamilya .
EP425: Seloso l Papa Dudut Stories 27.05.2026 30:09
Ang tiwala ay palaging kakambal ng pagmamahal pagdating sa isang realsyon dahil ang pundasyon ng isang relasyon
EP424: Dead End l Papa Dudut Stories 26.05.2026 31:45
Sobrang sakit na mabigo sa pag ibig at pagmamahal.
EP14 :Nahihiyang Umamin | Papa Dudut POV series 25.05.2026 3:40
Hindi lahat ng sugat galling sa hindi ka pinili. minsan, galling sa hindi mo sinubukan. Lakasan mo ang loob mo, bago ka pag sisihan ng panahon.
EP423: Pagbigyan Bang Muli l Papa Dudut Stories 25.05.2026 27:47
minsan, sa gitna ng sakit at katahimikan, may pag-asang muling kumakatok… Pagbigyan bang muli ? Pakinggan ang buong kwento sa bagong episode ng Papa Dudut Stories 🎙️✨
EP422: Taga Salo l Papa Dudut Stories 24.05.2026 29:51
Bago tayo pumasok sa isang relasyon siguraduhin natin na buo ang ating loob, siguraduhin handa tayo sa mga responsibilidad at siguraduhing handa kana sa mga bagay bagay.
EP421: Destiny's Plan l Papa Dudut Stories 23.05.2026 24:36
Totoo talaga minsan na mapaglaro ang tadhana pero palagi mong tatandaan "something happens for a reason".
EP420: The Path to Love l Papa Dudut Stories 22.05.2026 33:24
Hindi madaling mawalan ng mahal sa buhay lalo na yung taong matagal nating nakasama pero ano pa man ang mangyare kaialngan nating magpakatatag.
EP419: Takot l Papa Dudut Stories 21.05.2026 28:07
Karamihan sa dalawang taong nagmamahalan nangangarap ng engrandeng kasalan dahil isang beses lang daw itong magaganap sa ating buhay.
Podcasts parecidos
O Replaio não é o publicador dos podcasts; os nomes dos programas, as capas e o áudio pertencem aos seus autores e são distribuídos por feeds RSS públicos