Chariz Solomon, Buboy Villar

Your Honor

Comedy FIL ↓ 80 episodes

Welcome to the House of Honorables. Hindi ito Senado. Hindi rin ito Kongreso. Pero may hearing din dito. Kada session, may isu-subpoena na celebrity resource persons sina Madam Chariz Solomon at Mr. Buboy Villar para imbestigahan ang kahit anong isyu natin sa life. Lahat papatulan. Walang mahahatulan. Masayang hearing lang. ‘Yan ang Your Honor! New episode drops every Saturday night. This vodcast is produced by GMA Network’s YouLol Originals. Subscribe to @YouLolGMA on YouTube to access all Kapuso comedy content.

Author

Chariz Solomon, Buboy Villar

Category

Comedy

Podcast website

www.gmanetwork.com

Latest episode

Jul 11, 2026

Where to listen?

Podcasts in the app Replaio Radio Coming soon

Podcasts are coming to the app soon. Install now and be the first to see a whole new take on podcasts

Get it on Google Play Install for free Android 5M+ downloads · 4.8 rating iOS soon

Episodes

EP 28:In Aid of Moving On: Hugot ng mga Brokenhearted 12.07.2025

Matagal ka ba maka-move on? Shout out sa’yo! Maghaharapan sina Kokoy de Santos at Analyn Barro para imbestigahan kung babae ba o lalaki ang mas matagal maka-move on. Si Analyn ba na nahuli ang kanyang jowa na may kasamang iba? O si Kokoy na muntik nang may nakasuntukang aktor dahil sa babae? #KokoyDeSantos #AnalynBarro #YourHonor #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals

EP 27: In Aid of Culture Shock: Island Girl in Manila 05.07.2025

From Bahay ni Kuya, nasa House of Honorables na si Shuvee Etrata! Mula sa Bantayan Island, Cebu, grabe raw ang culture shock niya pagdating sa Manila, to the point na gusto niyang bumaba sa EDSA! Mula sa presyo ng mga bilihin hanggang sa style ng panliligaw, alamin kung paano nag-adjust ang Island Ate ng Cebu. #ShuveeEtrata #YourHonor #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals

EP 26: In Aid of Parenting - Kontrabida Na Namamalo? 28.06.2025

Kontrabida na sa TV, pati ba naman sa mga anak? Iyan ang ayaw na style ni Gladys Reyes pagdating sa parenting. Sa hearing na ito, sumama na sa kuwentuhan tungkol sa iba’t-ibang paraan ng pagdidisiplina sa mga anak. At alamin: epektib pa ba ngayon ang pamamalo?

EP 25: In Aid of Sakses: Istep By Istep Para Sumakses 21.06.2025

Hearing is back! At si Michael V. ang unang sinubpoena. Alamin kung paano sumakses ang comedy genius at parody king mula sa kanyang simpleng buhay sa tenement. Ang kwento ni Bitoy ay patunay na ang sakses ay hindi lang dapat sa imagine mo, may kasamang sipag, diskarte, at minsan suwerte ‘yan! #YourHonor #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals

Special Session - Meet Madam Cha 14.06.2025

Bago ang muling pagbubukas ng regular hearing sa June 21, kilalanin ang bagong chair ng House of Honorables. Samahan sina Chariz Solomon at Buboy Villar sa isang masayang laglagan sa 'Guilty or Not Guilty' game. Sino ang nag-send ng sexy photo sa jowa habang naka-Zoom meeting siya? Sino ang na-jebs sa salawal noong bata pa? Alamin ‘yan sa special session ng 'Your Honor.' #YourHonor...

Your Honor: Mga ISYU niyo, I-IMBESTIGAHAN na! (Full Trailer) 13.06.2025

Magbabalik na ang paborito nating session! Panoorin ang mga bagong isyung pag-uusapan sa hearing ng House of Honorables kasama sina Madam Cha at Mr. Buboy tuwing Sabado sa 'Your Honor!' For more 'Your Honor' Full Episodes, click the link below: https://www.youtube.com/playlist?list=PL_UmNDDvymmAh9yIHcNSWANk5hQpWyefW

EP 24: In Aid of Gay Love - Paano Magmahal ang Bakla? 24.05.2025

Nagmahal. Nasaktan. Nag-Grindr! #NoFilter sina DJ Onse at Inah Evans sa pagkuwento ng kanilang buhay pag-ibig. Alamin mula sa kanila kung paano nga ba lumandi, kiligin, at umibig ang mga bakla. #LoveWins #YourHonor #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals

EP 23: In Aid of Appeal - Funny is the New Pogi 17.05.2025

‘Di nga? Kasi kung si James Caraan ang tatanungin, lamang pa rin ang may histura. Pero si Ryan Rems, marami na raw ang napasagot gamit lang ang patawa. So, ano ba talaga? Nakakapogi nga ba ang sense of humor? Alamin ang mga nakakatawang hirit ng ating resource persons mula sa The Koolpals dito sa hearing ng 'Your Honor.'

EP 22: In Aid of Unfriendship - Mga Toxic Mong Friends 10.05.2025

Plastik. Backstabber. User friendly. BI. John Michael. May friend ka bang ganito? O inunfriend mo na? Maki-chika na sa no filter na session kasama ang besties na sina Christian Antolin at Kiray Celis. #YourHonor #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals

EP 21: In Aid of Childhood - Adventures ng Batang Kanal 03.05.2025

Kung si Vice Chair Buboy ay binansagang batang kanal, aminado naman si Boobsie na minsan siyang naging bakaw sa Navotas. Sumama na sa masayang kuwentuhan tungkol sa ating makukulit na childhood memories. Mga batang kalye, represent! #YourHonor #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals

EP 20: In Aid of Getting OIder - Tito and Tita Problems 26.04.2025

Ang bilis talaga ng panahon! 15 years na ang 'Pepito Manaloto.' At 15 years older na rin sina Mosang, Arthur Solinap, at Janna Dominguez kaya mas bet na nila ang early bedtime kaysa umagahin sa inuman. Relate ba, mga tito at tita? Ihanda na ang pamahid at sumama sa kuwentuhan tungkol sa mga legit tito at tita problems. #YourHonor #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals

EP 19: In Aid of Sibling Rivalry - Bangayan ng Fowler Sisters 12.04.2025

Bago pa nabuo ang ToRo family, mala-reality show na ang buhay ng Fowler sisters: mula sa agawan ng crush hanggang sa inggitan sa baon. Paano nga ba mag-away ang magkapatid na parehong palaban? Panoorin ang nakakaaliw at nakaka-inspire na session kasama sina Toni at Mari Fowler. #YourHonor #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals

EP 18: In Aid of Pasaway - Bakit Masarap Ang Bawal? 05.04.2025

Sa hearing na ito, marami ang guilty! Bawal tumawid, pero tatawid. Bawal umihi, pero iihi. Bawal magpaloko, pero kayo pa rin. Bawal bumoto ng korap, pero iboboto pa rin. Masarap daw kasi ang bawal. Bakit kaya? Alamin ‘yan sa laugh trip na kuwentuhan kasama si Pooh. #YourHonor #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals

EP 17: In Aid of Virginity - Big Deal Pa Ba Ito? 29.03.2025

Walang filter na usapan tungkol sa sex at virginity ang hearing na ito. Ang tanong ni Madam Chair, big deal pa ba kung hindi ka na virgin sa panahon ngayon? Sumama na sa mainit pero malaman na chikahan kasama ang sexy stars na sina Robb Guinto at Yen Durano. #YourHonor #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals

EP 16: Aid of Birthday - Girlfriend Reveal ni Buboy 22.03.2025

Birthday ni Mr. Vice Chair, kaya sinubpoena ni Madam Chair ang kanyang best friend na si Jelai Andres. Pero surprise! Hindi lang si Jelai ang dumating, nandito rin ang girlfriend ni Buboy. At ang surprise revelation ng birthday boy: may baby na sila! Alamin ang buong kuwento sa new session ng 'Your Honor.' #YourHonor #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals

EP 15: In Aid of Buhay Single: Keri Mo Ba Talaga? 15.03.2025

Choice daw ni Kakai Bautista na maging single at 47. Walang dating app, walang pinaglalaanan ng oras at pera, at higit sa lahat, walang stress! Just pure peace of mind! Pero talaga nga bang masaya maging single? O ineechos mo lang ang sarili mo? Pag-usapan natin ‘yan dito sa bagong hearing ng 'Your Honor'! #YourHonor #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals

EP 14: In Aid of Boy Talk: Secrets Revealed 08.03.2025

Ano ba ang mga pinag-uusapan ng mga lalaki kapag sila-sila lang? Mabubuking ang mga sekreto ng mga kalalakihan sa bagong session ng Your Honor. Walang lusot ang mga resource persons na sina Sef Cadayona at Jayson Gainza sa kamandag ni Madam Chair. Pati si Mr. Vice Chair nadamay pa!

EP 13: In Aid of Beauty: Ang Sumpa ng Babaeng Maganda 01.03.2025

Sabi ni Andrea Brillantes, may sumpa raw ang mga magaganda. Dahil nakaka-relate dito si Madam Chair, sinubpoena niya sina Faith da Silva at Herlene Budol para pag-usapan ang problema nilang magaganda. Pero ang hindi niya inasahan ay ang mauwi ang hearing sa aminan ng feelings. Ang big revelation: sina Vice Chair Buboy at Faith, may past!? #YourHonor #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals New session dr...

EP 12: In Aid of Boundaries: Couple Tattoo with a Friend 22.02.2025

Ano ang gagawin mo kung magpa-matching tattoo ang jowa mo at ang best friend niya? Iimbestigahan sa Your Honor ang hot issue na ito! Samahan ang resource persons na sina Ashley Rivera at Hershey sa usaping boundaries and red flags sa relasyon. #YourHonor #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals New session drops every Saturday night, 8:15 PM. This vodcast is produced by GMA Network’s YouLOL Originals. Fo...

EP 11: In Aid of Kainan: Walang Basagan ng Food Trip 15.02.2025

May nalaglag na kutsara! May babaeng bisita na darating dahil makikisalo sa hearing si Lumpia Queen Abi Marquez para pag-usapan ang mga kakaibang food trip ng mga Pinoy. Mula sa kape sa kanin at dinuguan sa ice cream tub hanggang sa pagtatanong ng number habang nabubulunan, walang tatalo sa ating food trip! #YourHonor #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals New session drops every Saturday night, 8:15 P...

EP 10: In Aid of Utang: Ang Tigas Mo Magbayad! 08.02.2025

Na-seen mode ka na ba ng friend mong may utang sa’yo? Naku! Andaming ganito. Sila na nga ang may utang, sila pa ang galit. Kasama si Boss Toyo, imbestigahan natin ang iba’t-ibang mga nakaka-trigger na bagay tungkol sa utang. Libre ito, hindi mo kailangang bayaran! #YourHonor #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals New session drops every Saturday night, 8:15 PM. This vodcast is produced by GMA Network’s...

EP9: In Aid of Love: Bakit Nakakabaliw ang Pag-ibig? 01.02.2025

Nagmahal, nakipag-break, nakipagbalikan – lahat ito ay ginawa ni Madam Chair Tuesday Vargas habang nasa biyahe siya papuntang Zambales. Samantalang si Mr. Vice Chair Buboy Villar naman ay kinababaliwan “daw” ng mga babae. At si resource person Alex Calleja, sinugod ng isang batalyon ng militar dahil nabuntis niya ang anak ng heneral. Alamin ang mga nakakabaliw na kuwentong pag-ibig dito sa bagong...

EP 8: In Aid of Work-Life Balance: Kaya Pa Ba Teh? 25.01.2025

Ayon sa study (legit ito, i-Google niyo pa), kulelat ang Pilipinas pagdating sa work-life balance. Pero sa dami ng ating mga bayarin araw-araw, kaya ba talagang ma-achieve ang work-life balance? Imbestigahan natin ‘yan kasama ang raket queen na si Boobay. #YourHonor #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals New session drops every Saturday night, 8:15 PM. This vodcast is produced by GMA Network’s YouLOL O...

EP 7: In Aid of Marites: Chismis 101 with Boy Abunda 18.01.2025

Pahiram ng 44 minutes ng inyong oras dahil resource person natin si Tito Boy! May perfect na paliwanag ang King of Talk kung bakit napakahilig nating mga Pinoy sa chismis. Alamin din kung anong klaseng chismosa ka – First Honor Marites, Low Key Marites, o Good Samarites? #YourHonor #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals New session drops every Saturday night, 8:15 PM. This vodcast is produced by GMA Ne...

EP 6: In Aid of Intimacy - Tips from Aubrey and Troy 11.01.2025

Lumalamlam na ba ang sex life mo? Boring na ba o zero na talaga? Pakinggan ang tips ng sexy couple na sina Aubrey Miles at Troy Montero kung paano mapanatiling exciting at mainit ang inyong sexual life. Babala: hindi ito pambata. #YourHonor #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals New session drops every Saturday night, 8:15 PM. This vodcast is produced by GMA Network’s YouLOL Originals. Follow us on: Yo...

Listen to the Your Honor podcast in Replaio

Radio and podcasts in one app - free, with no sign-up. Install today and do not miss the launch

Get it on Google Play

Replaio is not a podcast publisher; show names, artwork and audio belong to their authors and are distributed through public RSS feeds.