Driven By The Gospel
Solid Joys Devotionals (Tagalog)
Solid Joys is a daily devotional written and read by John Piper. DBTG (Driven By The Gospel) partners with Desiring God to translate these devotionals to Tagalog. These short and substantive readings will feed your joy in Jesus. Discover more from Piper at desiringGod.org and to learn more about DBTG, go to drivenbythegospel.org.
Be sure to visit the podcast's website and support the creator: podcasters.spotify.com
Author
Driven By The Gospel
Category
Podcast website
Latest episode
Mar 4, 2025
Where to listen?
Podcasts in the app Replaio Radio Coming soonPodcasts are coming to the app soon. Install now and be the first to see a whole new take on podcasts
Episodes
7 Dahilan Upang Hindi Mag-alala 13.09.2021 6:23
“Kaya't huwag kayong mag-alala na baka kayo kapusin sa pagkain, inumin o damit. Hindi ba't ang mga Hentil ang nababahala tungkol sa mga bagay na ito? Alam na ng inyong Ama na nasa langit na kailangan ninyo ang lahat ng ito. Ngunit higit sa lahat ay bigyang-halaga ninyo ang kaharian [ng Diyos] at ang pamumuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ibibigay niya sa inyo ang lahat ng mga bagay na ito. Ka...
Ang Kasalukuyan at Makapangyarihang Pag-ibig 06.09.2021 5:16
Sino ang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Cristo? Ang kaguluhan kaya, ang kapighatian, pag-uusig, pagkagutom, kahirapan, panganib, o kamatayan? (Romans 8:35) Pansinin ang tatlong bagay sa Romans 8:35. 1. Iniibig tayo ni Cristo ngayon. Maaaring sabihin ng isang babae tungkol sa kanyang pumanaw na asawa: Walang makapaghihiwalay sa akin sa kanyang pagmamahal. Maaari niyang sabihin na ang alaal...
Paglago ng Church, Paraan ng Diyos 30.08.2021 4:33
Kaya nga, hindi lahat ng anak ni Abraham ay ibinibilang na anak ng Diyos, kundi iyon lamang mga ayon sa pangako ng Diyos. ( Roma 9:8 ) Tingnan si Abraham ng Lumang Tipan bilang isang pastor. Sabi ng Panginoon, “Pagpapalain kita at pauunlarin ko ang iyong ministry.” Ngunit ang church ay tigang at walang mga anak. Ano ang ginawa ni Abraham? Nagsimula siyang mawalan ng pag-asa para sa isang divine in...
Hindi Sumasamba sa Diyos-diyosan ang Diyos 23.08.2021 4:12
Mangyayari ito sa Araw ng kanyang pagparito upang tumanggap ng papuri mula sa kanyang mga hinirang at ng parangal ng lahat ng sumasampalataya sa kanya. Kabilang kayo roon sapagkat sinampalatayanan ninyo ang patotoong ipinahayag namin sa inyo. ( 2 Tesalonica 1:10 ) Sinasabi ni Pablo na paparito si Cristo upang maluwalhati at kamanghaan. Ito ang dahilan ng Kanyang pagbabalik. Natitisod ang mga tao d...
Bakit Ka Bumibigay sa Sexual Sin 16.08.2021 2:15
Sa galak at tuwa ako ay puspusin; butong nanghihina'y muling palakasin. . . . Ang galak na dulot ng iyong pagliligtas, ibalik at ako po'y gawin mong tapat. (Mga Awit 51:8,12) Bakit hindi umiiyak si David para sa sexual restraint? Bakit hindi niya ipinagdarasal na panagutin siya ng mga tao? Bakit hindi niya ipinagdarasal na protektahan ang kanyang mga mata at isip mula sa mga sekswal na kaisipan? S...
Ang Dulo ng Ebanghelyo 09.08.2021 3:21
Yamang sa pamamagitan ng kanyang dugo, tayo ngayon ay napawalang-sala, lalong tiyak na maliligtas tayo sa poot ng Diyos. Dati, tayo'y mga kaaway ng Diyos, ngunit tinanggap na niya tayo bilang mga kaibigan sa pamamagitan ng pagkamatay ng kanyang Anak. At dahil dito, tiyak na maliligtas tayo sapagkat si Cristo ay buháy. At hindi lamang iyan! Tayo'y nagagalak dahil sa ginawa ng Diyos sa pamamagitan n...
Hindi Na Takot sa Kamatayan 02.08.2021 5:01
At yamang ang mga anak ng Dios na binanggit niya ay mga taong may laman at dugo, naging tao rin si Jesus upang sa pamamagitan ng kanyang kamatayan ay malupig niya ang diyablo na siyang may kapangyarihan sa kamatayan. Sa ganitong paraan, pinalaya niya sila na naging alipin ng takot sa kamatayan sa buong buhay nila. (Hebreo 2:14–15 , ASND) Paano tayo pinalaya ni Cristo sa takot sa kamatayan at...
Ang Ibig Sabihin ng Pag-ibig sa Salapi 26.07.2021 3:50
Sapagkat ang pag-ibig sa salapi ay ugat ng lahat ng kasamaan. (1 Timoteo 6:10) Ano ang ibig sabihin ni Pablo nang sinulat niya ito? Hindi ito tungkol sa palaging pag-iisip ng salapi habang nagkakasala ka. Maraming kasalanan ang nangyayari kapag hindi natin iniisip ang salapi. Ito ang aking suggestion: Ibig sabihin ni Pablo, lahat ng kasamaan sa mundo ay nagmumula sa isang uri ng puso, isang pusong...
Ang Kanyang Timing ay Eksakto 19.07.2021 4:25
Kaya't huwag tayong mag-atubiling lumapit sa trono ng mahabaging Diyos upang mahanap natin ang kalinga para sa napapanahong pangangailangan. (Mga Hebreo 4:16, sariling salin) Alam kong madalas isalin ang mahalagang talatang ito na, “Kaya't huwag tayong mag-atubiling lumapit sa trono ng mahabaging Diyos upang makamtan natin ang habag at kalinga sa panahon ng ating pangangailangan.” Ngunit isa itong...
Tinatanggal ng Pananampalataya ang Kasalanan, Kasakiman, at Takot 12.07.2021 5:29
Ang layunin ng tagubiling ito ay upang magkaroon kayo ng pag-ibig na nagmumula sa pusong dalisay, malinis na budhi at tapat na pananampalataya. (1 Timoteo 1:5) Pag-ibig ang layunin ni Pablo. At isa sa mahalagang pinagkukunan nito ay ang tapat na pananampalataya. Ang dahilan kung bakit ang pananampalataya ay isang siguradong pinagkukunan ng pag-ibig ay ito: Tinatanggal ng pananampalataya sa grace n...
Ibigay sa Diyos ang Iyong Paghihiganti 05.07.2021 4:40
Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon sa Diyos. Sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.” (Roma 12:19) Bakit napakahalaga ng pangakong ito sa pagtatagumpay natin laban sa pagkiling sa poot at paghihiganti? Ang dahilan ay ito: Sinasagot ng pangakong ito ang isa sa pinakamatinding udyok sa likod ng galit — isang udyok na hindi naman tala...
Pagpapakatatag Kapag Masakit ang Pagsunod 28.06.2021 4:23
Ituon natin ang ating paningin kay Jesus. Sa kanya nakasalalay ang ating pananampalataya mula simula hanggang katapusan. Dahil sa kagalakang naghihintay sa kanya, hindi niya inalintana ang kahihiyan ng pagkamatay sa krus. (Hebreo 12:2) Minsan, mahirap ipaliwanag ang layon ng pananampalataya. Sa kanyang librong Miracle on the River Kwai, kinuwento ni Ernest Gordon ang tunay na istorya ng isang grup...
Ang Satisfaction na Tumatalo sa Kasalanan 21.06.2021 4:25
Sinabi ni Jesus, “Ako ang tinapay ng buhay. Ang lumalapit sa akin ay hindi na magugutom kailanman, at ang sumasampalataya sa akin ay hindi na mauuhaw kailanman. (Juan 6:35) Ang kailangan nating makita ay ito: Ang esensya ng pananampalataya ay pagiging satisfied sa kung sino para sa atin ang Diyos nang dahil kay Cristo . Ang pagbibigay-kahulugan sa pananampalataya sa ganitong paraan ay nagbibigay-d...
Gaano Tayong Gustong Pagpalain ng Diyos 14.06.2021 4:29
“Muli siyang malulugod sa inyo at pagpapalain niya kayo.” (Deuteronomio 30:9) Hindi naiinis ang Diyos kapag binibigyan Niya tayo ng pagpapala. May kasabikan ang kabutihan ng Diyos. Hindi Niya tayo hinihintay na lumapit sa Kanya. Hinahanap Niya tayo, dahil nagagalak Siyang gumawa ng mabuti para sa atin. Hindi tayo hinihintay ng Diyos; sinusundan Niya tayo. Ito ang literal na salin ng Mga Awit 23:6...
Nabubuhay Tayo sa Pananampalataya 07.06.2021 3:57
Ipinapamuhay ko ang buhay kong ito sa pamamagitan ng pananampalataya sa Anak ng Dios na nagmahal sa akin at nag-alay ng buhay niya para sa akin. (Galacia 2:20, ASND) Tugmang-tugma ang pananampalataya sa future grace ng Diyos. Naaayon ito sa kalayaan at kasarinlan ng biyaya. At itinuturo nito ang maluwalhating katapatan ng Diyos. Isa sa mahahalagang implikasyon ng konklusyong ito ay ito: Magkaiba a...
Ang Makakamit sa Paglilingkod sa Diyos 31.05.2021 5:04
Gayunman, sila'y masasakop nito upang malaman nila kung alin ang higit na mabuti: ang maglingkod sa akin o ang maglingkod sa mga hari sa lupa. (2 Cronica 12:8) Ibang-iba ang paglilingkod sa Diyos kumpara sa paglilingkod sa ibang tao. Talagang nais ng Diyos na maunawaan at ma-enjoy natin ito. Halimbawa, utos niya, “Paglingkuran ninyo nang may kagalakan ang Panginoon” (Awit 100:2, ASND). May dahilan...
Ang Pundasyon ng Iyong Kasiguruhan 24.05.2021 4:35
Kabilang kayo sa mga unang pinili [ng Diyos] upang pagkalooban ng kaligtasan sa pamamagitan ng Espiritu Santo. (2 Tesalonica 2:13) Binanggit ng Biblia ang ating eleksyon — ang pagpili ng Diyos sa atin — kay Cristo bago ang pundasyon ng sanlibutan (Efeso 1:4), bago pa tayo makagawa ng anumang mabuti o masama (Roma 9:11). Samakatuwid, ang ating eleksyon ay unconditional sa pinakadalisay na kahulugan...
Limang Digital na Panganib 17.05.2021 5:51
Gawin ninyo ang Panginoong Jesu-Cristo bilang sandata at huwag ninyong pagbigyan ang laman upang masunod ang mga hilig nito. (Roma 13:14) Hindi nabubuhay ang mga Cristiano na parang mga dikya, palutang-lutang lang sa mga alon ng kasalukuyang kultura. Nabubuhay tayo ayon sa kapangyarihan ng Espiritu at nahahanap natin ang ating dadaanan sa pamamagitan ng Salita ng Diyos. Lumalangoy tayo — tulad ng...
Mapabilang sa Kanyang Bayan 10.05.2021 4:11
“Katatapos pa lamang isalaysay ni Simon kung paano unang ipinamalas ng Diyos ang kanyang pagkalinga sa mga Hentil upang mula sa kanila ay may mga mapabilang sa kanyang bayan.” (Mga Gawa 15:14) Talagang hindi posibleng labis nating bigyan-diin ang kahalagahan ng pangalan ng Diyos, ang Kanyang karangalan, upang maging dahilan ng misyon ng church. Nang nabaligtad ang mundo ni Pedro ng pangitain ng ma...
Paano Humingi ng Tawad 03.05.2021 4:27
Maaasahan nating patatawarin niya ang ating mga kasalanan at lilinisin tayo sa lahat ng uri ng kasamaan dahil matuwid siya. (1 John 1:9, ASND) Naaalala kong sinabi ng isa sa mga propesor ko sa seminaryo na isa sa pinakamahusay na sukatan ng teolohiya ng isang tao ay ang epekto nito sa kanyang mga panalangin. Tinuring ko itong totoo dahil nangyari ito sa aking buhay. Bagong kasal lang kami ni Noël...
Nilikha Ka Para sa Diyos 26.04.2021 5:05
“Sapagkat hindi itatakuwil ng Panginoon ang kanyang bayan alang-alang sa kanyang dakilang pangalan, sapagkat kinalugdan ng Panginoon na gawin kayong bayan para sa kanya.” (1 Samuel 12:22, ABTAG) Madalas, ang pangalan ng Diyos ay tumutukoy sa Kanyang reputasyon, karangalan, at kabantugan. Ganito natin ginagamit ang salitang “pangalan” kapag sinasabi nating gumagawa siya ng pangalan para sa kanyang...
Ang Bukas Na Puro Kabiguan 19.04.2021 4:37
“Huwag kayong matakot, tunay na inyong ginawa ang buong kasamaang ito; gayunma’y huwag kayong lumihis mula sa pagsunod sa Panginoon, kundi kayo’y maglingkod nang buong puso sa Panginoon. Huwag kayong bumaling sa pagsunod sa mga bagay na walang kabuluhan na hindi magbibigay ng pakinabang o makapagliligtas, sapagkat ang mga iyon ay walang kabuluhan. Sapagkat hindi itatakuwil ng Panginoon ang kanyang...
Hindi Ka Matatalo sa Huli 12.04.2021 4:30
“Kumuha kayo ng mga kawal at pabantayan ninyong mabuti ang libingan.” (Mateo 27:65) Nang si Jesus ay patay na’t nakalibing, at may malaking batong iginulong sa pintuan ng libingan, pumunta ang mga Pariseo kay Pilato at humingi ng pahintulot na lagyan ng seal ang batong panakip sa libingan at pabantayan ito sa kawal. Ginawa nila ang lahat ng kanilang makakaya — ngunit nauwi ito sa wala. Wala silang...
Ang Mga Aklat sa Hukuman 05.04.2021 5:27
Sasamba sa kanya ang lahat ng nabubuhay sa ibabaw ng lupa, maliban sa mga taong ang mga pangalan ay nakasulat sa aklat ng buhay bago pa likhain ang sanlibutan. Ang aklat na ito'y pag-aari ng Korderong pinatay. (Pahayag 13:8) Sigurado na ang kaligtasan para sa mga nakasulat sa aklat ng buhay. Sinisigurado ng pagkakasulat sa aklat ng buhay ang ating kaligtasan dahil ang aklat na ito ay tinatawag na...
Tiyak Tulad ng Pag-ibig ng Diyos sa Kanyang Anak 29.03.2021 4:23
Kung ang sarili niyang Anak ay hindi niya ipinagkait, sa halip ay ibinigay para sa ating lahat, hindi kaya niya ibibigay nang masagana sa atin ang lahat ng bagay? (Roma 8:32) Tinatanggal ng Diyos ang destructive power ng bawat sakit. Kailangan mo itong paniwalaan o hindi ka lalago, o mabubuhay, bilang Cristiano, sa gitna ng mga pagsubok at tukso ng modernong buhay. Napakaraming sakit, kabiguan at...
Similar podcasts
Replaio is not a podcast publisher; show names, artwork and audio belong to their authors and are distributed through public RSS feeds.