Love Radio Manila

Raqi’s Secret Files with Titan Gelo

Fiction TL ↓ 309 episodes

The program reflects various realities of the world that may create a sense of belonging, relatability, and controversies. Raqi’s Secret files was inspired by the trend “confession” pages on Facebook. We’ve seen that there is a huge buzz created by these confessions — from its contributors all the way to its community. We’ve thought of carrying that trend from online to on-air, retaining the same level of anonymity, giving the story a voice. Listeners who desire to relieve a bit of their burden are encouraged to send their stories, making the program, Raqi’s Secret Files a safe haven to tell t...

Author

Love Radio Manila

Category

Fiction

Podcast website

www.loveradio.com.ph

Latest episode

Jul 10, 2026

Where to listen?

Podcasts in the app Replaio Radio Coming soon

Podcasts are coming to the app soon. Install now and be the first to see a whole new take on podcasts

Get it on Google Play Install for free Android 5M+ downloads · 4.8 rating iOS soon

Episodes

Sinira ni Team Leader ang pamilya ko 28.05.2026

Ibinahagi ng sender ang mabigat na pakiramdam ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) na walang ibang hinangad kundi ang magsakripisyo at kumayod sa ibang bansa para sa kinabukasan ng kanyang pamilya. Ngunit, sa kabila ng distansya at pangungulila, ang tiwalang buong puso niyang ibinigay ay binaligtad ng pagtataksil ng sarili niyang partner kasama ang team leader nito. Sa likod ng kanyang pagiging...

May pamilya ako, pero pakiramdam ko mag-isa ako 27.05.2026

Ibinahagi ng sender ang mabigat na pakiramdam ng isang taong lumaki na hinahanap ang pagmamahal ng pamilya, pero unti-unting nasanay na harapin ang lungkot nang mag-isa. Sa likod ng pagiging matatag at palangiti, may mga sugat, trauma, at laban na hanggang ngayon, hindi pa rin tuluyang naghihilom. Ito ang secret file ni Irish.

Boss ko ang kapatid ko at may tinatago siya sa asawa niya 26.05.2026

Ibinahagi ng sender kung paano niya nahuling may itinatago sa Asawa niya ang kapatid niyang Boss niya rin sa opisina. Bilang kapatid at empleyado, dala-dala niya ngayon ang bigat ng isang sikretong puwedeng sumira sa pamilya, trabaho, at lahat ng pinaghirapan nila.

Naligaw ako ng landas pagkatapos mawala ng mga magulang ko 22.05.2026

Ibinahagi ng sender ang masayang buhay nilang magkapatid bago tuluyang magbago ang lahat dahil sa pagkamatay ng kanilang Mommy sa breast cancer. Pagkatapos mawalan ng magulang, unti-unti na ring gumuho ang dati nilang pamilya. Lumayo ang loob ng Daddy nilang pulis at doon na rin siya naligaw ng landas habang nilalamon ng lungkot, depresyon, at masasamang impluwensya. Hanggang sa dumating siya sa p...

Ako ang babae at ako ang unang umamin 21.05.2026

Ibinahagi ng sender ang kwento niya bilang isang OFW sa Dubai na matagal na ring nakalimutang mahalin ang sarili matapos ang walong taong relasyon na puno ng sakit, pagdududa, at pananakit. Sa gitna ng pagod at lungkot sa ibang bansa, hindi niya inaasahang may isang lalaking unti-unting magpaparamdam sa kaniya ng halaga at pagmamahal na matagal niyang hinanap. Nagsimula sa simpleng chats at tawaga...

Nadala siya ng init ng katawan, pero hindi niya ako pinanindigan 20.05.2026

Ibinahagi ng sender nating ang halos siyam na taong relasyon na puno ng paulit-ulit na panloloko, pag-asa, at pagpapatawad. Nagsimula ang lahat sa simpleng usapan sa Instagram noong high school, hanggang sa nahulog siya nang todo sa lalaking ilang beses siyang ginawang second option. Sa kabila ng sakit at pagtataksil, pinili pa rin niyang manatili dahil sa pagmamahal. Pero, isang rebelasyon mula s...

Nahahanap din pala ang pag-ibig sa gasolinahan 19.05.2026

Ibinahagi ng sender ang kwento niya bilang gasoline boy sa Tacloban. Biglang nagkaroon ng kulay ang araw-araw niyang trabaho nang dumating si Donna. Dito siya napaisip na nahahanap din pala ang pag-ibig sa gasolinahan. Pero, isang simpleng reply sa text ang hindi niya inaasahan at doon biglang nag-iba ang lahat. Ito ang secret file ni Bob.

Iniwan ko ang partner ko para alagaan ang Ex kong may sakit 15.05.2026

Ibinahagi ng sender nating ang mabigat na desisyong kinaharap niya matapos niyang iwananan ang partner para alagaan ang ex na may sakit na siya ring ama ng anak. Unti-unting nasubok ang puso niya sa pagitan ng nakaraan na puno ng sugat at kasalukuyang ayaw siyang mawala. Ito ang secret file ni Sam.

Nabuntis ako ng lalaking may girlfriend na pala 14.05.2026

Ibinahagi ng sender ang masakit niyang karanasan nang siya ay nabuntis ng lalaking may girlfriend na pala. Sa likod ng mga pangako at pagmamahal, lumabas ang matinding katotohanan na nagdala sa kanya sa isang emosyonal na krisis at mabigat na desisyon sa buhay. Ito ang secret file ni Zian.

Isa akong bakla na nahulog sa best friend kong straight 13.05.2026

Ibinahagi ng sender na unti-unting nahulog sa best friend niyang straight kahit bakla siya. Unti-unti ring lumaki ang tanong kung may pag-asa ba ang nararamdaman niya o hanggang kaibigan lang talaga. Ito ang secret file ni Axell.

Nilait ako ng asawa ko sa kabit niya 12.05.2026

Ibinahagi ng sender ang masakit niyang kwento kung paano siya nilait ng Asawa niya sa kabit nito habang pilit niyang binubuo ang kanilang pamilya. Hanggang saan kaya kayang magtiis ng isang babaeng paulit-ulit nasasaktan pero patuloy pa ring lumalaban para sa anak at pagmamahal? Ito ang secret file ni Sapphire.

Masakit ang kapalit ng pagsasakripisyo ko 07.05.2026

Isang teenage mom ang napilitang mag-abroad para mabigyan ng mas magandang buhay ang kaniyang mga anak matapos malugmok sa problema ang kanyang partner. Sa ibang bansa, naranasan niya ang matinding hirap. Nang makauwi, imbes na guminhawa ang buhay, hinarap niya ang mas masakit na realidad, isang relasyong puno ng selos at pananakit. Sa kabila ng lahat, patuloy siyang lumalaban para sa mga anak.

Isa akong Ama na natutong maging Nanay na rin 06.05.2026

Isang ama ang naiwan upang alagaan ang kanyang anak habang nasa abroad ang asawa. Sa gitna ng mga pagsubok, natuklasan niyang may iba nang buhay ang kanyang asawa. Sa kabila ng sakit, pinili niyang maging matatag at gampanan ang papel ng parehong ama at ina.

May lihim ang asawa ko na hindi dapat malaman ng pamilya ko 05.05.2026

Ibinahagi ng sender ang kwento kung paano niya unti-unting nabunyag ang lihim ng asawa niya na yayanig sa matagal na nilang pagsasama. Sa bawat rebelasyon, mas lalong bumibigat ang tanong kung hanggang saan ang kaya niyang tanggapin sa likod ng lahat ng ito lalo na at hindi raw dapat ito malaman ng pamilya niya. Ito ang secret file ni Cecilia.

Hindi ako ang nakikita niya sa future niya 01.05.2026

Ibabahagi ng ating sender ang kaniyang kwento tungkol sa kanyang pagbangon mula sa depresyon matapos siyang may makilalang babae na naging dahilan ng kaniyang muling pag-asa. Ngunit, sa kabila ng kaniyang pagmamahal at pagsisikap, nanatili lamang siyang kaibigan sa paningin nito. Ito ang secret file ni Yoshi.

Kinamkam ng tatay ko ang death benefit ni Mama 30.04.2026

Ibabahagi ng ating sender ang kaniyang kwento kung saan siya ay lumaki sa pamilyang puno ng away at pananakit mula sa kanilang Ama, hanggang sa tuluyan itong umalis at hindi na nagparamdam. Sa paglipas ng mga taon, ang kanilang Ina na lamang ang nagsumikap para sa kanilang pamilya. Ngunit, noong ma-diagnose ang kanilang Ina ng breast cancer, muling bumalik ang sakit ng nakaraan at ang sugat na ini...

Parang wala siyang pakialam, kaya ako nakipaghiwalay 29.04.2026

Ibinahagi ng sender nating na parang wala raw pakialam ang Boyfriend niya sa importanteng araw para sa kaniya. Sa sobrang inis at tampo, muntik na siyang nakipaghiwalay, hanggang sa may nangyaring hindi niya inaasahan.

Modus nila ang arranged marriage para magkapera 28.04.2026

Gustong ikwento ng ating sender na isang ina sa Australia ang kaniyang kwento kung saan siya ay muling umibig matapos ang magulong pagsasama nila ng asawa. Pero, ang akala niyang tunay na pag-ibig ay may itinatagong lihim, isang katotohanang sisira sa kaniyang tiwala at magtuturo sa kaniya ng mahalagang aral tungkol sa pag-ibig at panlilinlang.

Pinagsabay niya kami ng Mama ko 24.04.2026

Ibinahagi ng ating sender ang mapait na karanasan nang malaman niyang pinagsabay siya at ang mama niya ng isang lalaki sa relasyon. Ang masakit na ugnayang ito ay nagdulot ng matinding pagkawasak ng kanilang pamilya na nauwi pa sa isang hindi inaasahang trahedya. Ito ang secret file ni Luna.

Bestfriend ko ang greatest love ko 23.04.2026

Ibibahagi ng ating sender kung paano nagsimula sa pagkakaibigan ang relasyon nila ng kanyang bestfriend na kalaunan ay naging greatest love niya. Dumaan muna sila sa hiwalayan at pananahimik bago muling nagtagpo. Ito ang secret file ni Ninya.

Naibigay ko ang sarili ko sa lalaking may Girlfriend na 22.04.2026

Ibabahagi ng ating sender ang kwento tungkol sa kaniyang relasyon. Iniwan siya ng kaniyang partner matapos niyang piliin na magtrabaho sa Davao at sila ay maging LDR. Nang magkaroon ng reunion kasama ang mga dati nilang kaklase, dito nangyari ang isang desisyon na hindi dapat.

Kumapit ako sa patalim para dugtungan ang buhay ng mahal ko 21.04.2026

Ibabahagi ng ating sender ang kanyang kwento tungkol sa karanasan niya sa buhay. Nagkaroon ng malubhang karamdaman ang kanyang asawa na sumubok sa kanilang pang araw-araw. Hanggang sa dumating ang araw na kung saan siya ay nakagawa ng isang malaking kasalanan para sa madugtungan ang buhay ng kanyang asawa.

Pinagpalit niya ako sa mas matanda 17.04.2026

Ibabahagi ng ating sender ang kuwento ng hindi na nila pagkakaunawaan ng kaniyang longterm girlfriend dahil nahihilig ito sa casino at online games. Bukod dito, may iba pa pala ito pinagkakaabalahan. May nakakausap na rin pala itong lalaki na doble ang edad sa kaniya. Ito ang secret file ni Emong.

May Dementia si Nanay at may Leukemia naman ako 16.04.2026

Ibabahagi ng ating sender ang kanyang kwento tungkol sa walang sawa niyang pag-aalaga sa Nanay niya na nagkaroon ng sakit na Dementia, ngunit habang tumatagal ay nakakaramdam na rin ito ng pagod sa sarili niya. Ito ang secret file ni Niño.

Mahal ko siya, pero hindi ko maiwan 'yung isa 15.04.2026

Ibabahagi ng ating sender ang kaniyang kwento na kung saan siya ay nakakaranas ngayon ng isang matinding pagdadalawang-isip, dahil bumalik ang dati niyang manliligaw habang siya ay may Boyfriend na pareho niyang katrabaho. Ito ang secret file ni Shaina.

Listen to the Raqi’s Secret Files with Titan Gelo podcast in Replaio

Radio and podcasts in one app - free, with no sign-up. Install today and do not miss the launch

Get it on Google Play

Replaio is not a podcast publisher; show names, artwork and audio belong to their authors and are distributed through public RSS feeds.