Papa Dudut | TAGM Marketing Solutions Inc.
Papa Dudut Stories
Ang Papa Dudut Stories ay programa ni Papa Dudut na una nating minahal sa radyo, sumikat sa YouTube, at ngayon ay patuloy na umaabot sa mas maraming puso sa pamamagitan ng Spotify. Sa bawat episode, hatid nito ang mga kwentong puno ng pag-ibig, sakripisyo, at pag-asa na madaling makarelate ang kahit sino. Mga simpleng kwento, pero malalim ang tama sa puso mga kwentong magpapangiti, magpapaluha, at magpapaalala na kahit gaano kahirap ang buhay, laging may dahilan para magmahal at magpatuloy. For brand partnerships, advertisements, or other collaboration opportunities with our podcast, please co...
Author
Papa Dudut | TAGM Marketing Solutions Inc.
Category
Podcast website
Latest episode
Jul 10, 2026
Where to listen?
Podcasts in the app Replaio Radio Coming soonPodcasts are coming to the app soon. Install now and be the first to see a whole new take on podcasts
Episodes
EP01: Magmahal at Bumitaw | Papa Dudut POV Series 02.02.2026 3:16
Matuto kang mag mahal nang buo, pero mas matuto kang bumitaw kapag sarili mo na ang nawawala.
EP287: Minsay Nagkamali l Papa Dudut Stories 02.02.2026 34:13
Tunghayan natin ang kwento ni nova ang kwento ng buhay niya at ang mga pagkakamali niya sa buhay.
EP322: Threeway l Papa Dudut Stories 01.02.2026 25:08
Maraming bagay ang pwedeng ihatid sa atin ng kapusukan pwedeng panandaliang sarap pero pang matagalan na pagsisisi.
EP286: Madilim na Kahapon l Papa Dudut Stories 01.02.2026 32:19
Ang pamilyang kinamulatan ay palaging may hatid na lungkot at saya sa buhay ng isang tao, malaki rin ang epekto nito pagdating sa kaisipan lalo na sa isang kabataan.
EP285: Bridge l Papa Dudut Stories 31.01.2026 41:55
Minsan akala natin tayo at ng mga mahal natin ang bida sa isang kwento ng pag-iibigan, yon pala naging instrumento lamang tayo para pag tagpuin silang taong mahal niya at maging sila sa pang habang buhay.
EP283: Unwelcome l Papa Dudut Stories 30.01.2026 26:16
Kapag mahal mo ang isang tao, mamahalin mo rin ang mga taong mahalaga sa buhay niya kahit na may pagkakataon na dahil sa magkakaibang paniniwala ay may posibilidad na hindi mo sila makakasundo.
EP284: Sinumpa ang Diyos l Papa Dudut Stories 30.01.2026 39:22
Nawala na sa akin ang lahat, kinuha ng walang kaabog -abog ang lahat ng mahalaga sa buhay ko. tunghayan ang kwento ng ating sender kung bakit niya isinusumpa ang diyos
EP282: Surprises l Papa Dudut Stories 29.01.2026 37:11
Love is full of surprises, bigla bigla na lamang itong darating sayo at hindi mo alam kung sino ang iyong destiny or soulmate. Hanggang sa pagdating ng tamang panahon, may mga pagkakataon na hanap kapa ng hanap sa soulmate mo sa ibang lugar or ibang pagkakataon pero ang hindi mo alam ay kaharap mo na pala siya at kasa-kasama mo sa lahat ng pagkakataon. Makita kaya ng sender nating si Bea ang soulm...
EP281: Bad Influence l Papa Dudut Stories 28.01.2026 32:55
Kapag nakagawa tayo ng malaking kasalanan, minsan ay naghahanap tayo ng ibang tao na masisisi para gumaan ang loob natin, kahit ang totoo ay tayo lang din naman ang nag dedesisyon kung gagawin natin ang kasalanan na yon o hindi. Naniniwala ka ba dito?
EP280: Selos sa Ex l Papa Dudut Stories 27.01.2026 47:12
May mga nagsasabi na normal sa isang relasyon ang selos, dito mo raw malalaman kung mahal ka talaga ng isang tao kapag nakaramdam siya ng selos sa ibang tao na nagiging malapit sayo. Ngunit lahat ng sobra ay masama. Ikaw kaya mo bang magkontrol ng selos? Para di masabing sobra kana sa feeling na ito?
EP279: Traydor l Papa Dudut Stories 27.01.2026 31:44
Sa mundong mapag samantala, madalas na naaabuso ang kahinaan ng isang tao, lalo na kung siya ay takot at hindi marunong lumaban. Pero may hangganan kaya ang paghihirap ng ating sender? Pakinggan na sa Papa Dudut Stories Spotify.
EP278: Pabigat l Papa Dudut Stories 26.01.2026 39:14
Ang letter sender natin sa episode na ito ay si Budoy may kapansanan kung tawagin ay Cerebral Palsy pero tulad ng normal na tao may mga pangarap din sya sa buhay at nangangailangan ng kalinga, pag unawa at pagmamahal. Matapuan na kaya nya ang tunay na pag-ibig sa kabila ng kanyang karamdaman?
EP277: More of You l Papa Dudut Stories 24.01.2026 35:31
Kwento ni Ka Analyn "Ka" for short or Kapatid yon kasi ang tawagan nila sa kanilang relihiyon. Sa kanyang pagiging active sa kapatiran may makilala nga ba syang tao na magiging match para sa kanya? pero paano kung bestfriend nya? Pwde ba nyang mahalin?
EP276: Pagod na akong mahalin ka l Papa Dudut Stories 24.01.2026 45:29
Ang pagmamahal ng isang tao ay parang enerhiya na pwedeng maubos, lalo na kung hindi naman ito nasusuklian ng tama at lahat tayo ay marunong mapagod kahit gaano pa natin kamahal ang isang tao. Mapagod kaya o magpatuloy sa pagmamahal ang ating sender? Pakinggan sa Papa Dudut Stories.
PAPA DUDUT STORIES / SAKIN KA LAMANG | Episode 275 20.01.2026 36:02
Isang kwento ng pagmamahal na unti-unting nauuwi sa pagkakakulong. Kailan nagiging sobra ang pag-aaruga at nauuwi sa pag-angkin? Sa episode na ito, masisilayan ang manipis na linya sa pagitan ng pag-ibig at pagiging mapang-angkin. Isang paalala na ang tunay na pagmamahal ay marunong magpalaya.
PAPA DUDUT STORIES / PAANONG SASABIHIN NA MAHAL KITA | Episode 274 19.01.2026 36:53
Hindi lahat ng pagmamahal ay madaling ipahayag. Sa kwentong ito, matutunghayan kung paano nagiging komplikado ang simpleng salitang “mahal kita” kapag may takot, alinlangan, at mga sugat mula sa nakaraan. Isang banayad at makabagbag-damdaming kwento ng pag-amin at tapang.
PAPA DUDUT STORIES / CHOOSE | Episode 273 18.01.2026 44:51
Sa episode na ito, haharap ang isang puso sa pinakamahirap na desisyon sa pag-ibig. Kapag dumating ang sandaling kailangan mong pumili, alin ang uunahin mo — ang sarili mong kaligayahan o ang kapakanan ng mahal mo? Isang kwento ng pagpili, pagsisisi, at pagtanggap.
PAPA DUDUT STORIES / LUHAAN | Episode 272 15.01.2026 35:05
May mga pag-ibig na hindi nauuwi sa saya, kundi sa luha. Ito ang kwento ng isang pusong paulit-ulit nasaktan, ngunit patuloy pa ring umaasa. Isang masakit ngunit makatotohanang kwento ng pagmamahal, pagtitiis, at paghilom.
PAPA DUDUT STORIES / LIHIM NI GIRLFRIEND | Episode 271 14.01.2026 30:47
Sa likod ng matatamis na ngiti at pangakong binitawan, may lihim na matagal nang itinatago. Nang unti-unting mabunyag ang katotohanan, nasubok ang tiwala at pagmamahal na akala’y matibay. Isang kwento ng sikreto, pagtataksil, at mga tanong na mahirap sagutin.
PAPA DUDUT STORIES / MS. THIRD WHEEL | Episode 270 13.01.2026 46:17
Palaging nariyan, palaging handang umunawa—pero kailanman ay hindi pinili. Isang kwento ng isang babaeng natutong magmahal sa maling lugar, at sa huli, kailangang piliin ang sarili bago tuluyang masaktan.
PAPA DUDUT STORIES / NAKAW | Episode 269 12.01.2026 46:07
Hindi lahat ng ninanakaw ay materyal na bagay. May mga pagkakataong oras, tiwala, at pagmamahal ang unti-unting nawawala. Isang kwento ng pagkakanulo, pagsisisi, at aral na may mga bagay na hindi na kailanman maibabalik.
PAPA DUDUT STORIES / TAKUZA | Episode 268 11.01.2026 37:05
Mula sa simpleng pagkakamali, napasok siya sa mundong puno ng panlilinlang at pananakit. Isang kwento ng isang taong nalunod sa maling desisyon at unti-unting nawala sa tamang landas. Hanggang saan siya dadalhin ng kanyang mga pinili?
PAPA DUDUT STORIES / MY BROTHERS WIFE | Episode 267 08.01.2026 46:20
Isang maling damdamin na hindi kailanman dapat umusbong. Sa pagitan ng pamilya at puso, alin ang pipiliin? Isang kwento ng bawal na pag-ibig, konsensya, at pagsubok na kayang wasakin ang isang pamilya.
PAPA DUDUT STORIES / FIRST LOVE | Episode 266 07.01.2026 35:30
Ang unang pag-ibig ay laging espesyal—punô ng kilig, pangarap, at alaala. Ngunit hindi lahat ng first love ay nagtatagal. Isang kwento ng inosenteng pagmamahal, masakit na pamamaalam, at pag-alalang mananatili kahit lumipas ang panahon.
PAPA DUDUT STORIES / BITTERSWEET | Episode 265 06.01.2026 34:52
Matapos ang maraming taon ng pagsasama, kailangan harapin ng mag-kasintahan ang desisyon na lumayo sa isa’t isa. Ang paalam ay puno ng alaala—at hindi nila inaasahan ang biglang pagkawala ng isa sa kanila kinagabihan.
Similar podcasts
Replaio is not a podcast publisher; show names, artwork and audio belong to their authors and are distributed through public RSS feeds.