Edgar Calabia Samar
Mga Teorya ng Pagkahulog
"Mahal pa rin kita kahit may mga araw na parang hindi iyon ang pinakamahalaga. Ang totoong kalungkutan ay araw-araw na pagkaligaw at gabi-gabing pananahanan sa kung saan-saan. Hindi namamatay ang pagsusulat hanggang kaya nitong magsilang ng mga bagong pangarap at paninindigan."
Where to listen?
Podcasts in the app Replaio Radio Coming soonPodcasts are coming to the app soon. Install now and be the first to see a whole new take on podcasts
Episodes
S02E13: Kailangang Wasakin ang Isang Bagay Upang Makilala Ito 02.04.2021 29:04
Tampok sa episode na ito ang ika-16 na kabanata ng WALONG DIWATA NG PAGKAHULOG ("11. Arcangel Tayo") na available din sa http://edgarcsamar.com/santinakpan. Binasa ko rin dito ang tulang "Hindi Ako Masusugatan" mula sa libro kong PAG-AABANG SA KUNDIMAN: ISANG TULAMBUHAY. ✨ Kung gusto ninyong dumalo sa aking live na online class tungkol sa Panitikan at live online workshop sa pagsusulat ng nobela...
S02E12: Kung Nabuhay Tayo sa Ibang Mundo 26.03.2021 29:24
Tampok sa episode na ito ang ika-15 na kabanata ng WALONG DIWATA NG PAGKAHULOG ("Pinalaki Tayo") na available din sa http://edgarcsamar.com/santinakpan. Binasa ko rin dito ang ikalawang walang pamagat na tula tungkol sa makata ("May iba pang Daigdig! Nang matuklasan") sa libro kong PAG-AABANG SA KUNDIMAN: ISANG TULAMBUHAY. ✨ Kung gusto ninyong dumalo sa aking live na online class tungkol sa Panit...
S02E11: Napakatiyak ng Langit Nila Noon 20.03.2021 29:59
Tampok sa episode na ito ang ika-14 na kabanata ng WALONG DIWATA NG PAGKAHULOG ("10. Banahaw") na available din sa http://edgarcsamar.com/santinakpan . Binasa ko rin dito ang tulang "Ang Nagdaan" mula sa libro kong PAG-AABANG SA KUNDIMAN: ISANG TULAMBUHAY. ✨ Kung gusto ninyong dumalo sa aking live na online class tungkol sa Panitikan at live online workshop sa pagsusulat ng nobela via Zoom at mag...
S02E10: Alam Niyang Mabilis Din Siyang Basta Mawala 12.03.2021 36:09
Hindi ko alam kung nakakatuwa o nakakatakot na parang ang daming nagbago mula noon pero parang wala rin naman talagang nagbago. Nagsusulat hindi dahil may lumilisan. Nagsusulat dahil may mga hindi tayo iniiwan. May mga nagdaang di man lang nagpaalam na lilisan kaya para tayong laging naiiwang nakalutang sa kawalang-katiyakan. Kaya kung minsan, parang nag-aalangan ako sa mismong laya ko na makapags...
S02E09: Hindi Sana Nagbago ang Pagtingin Ko sa Kanya 05.03.2021 32:04
Tampok sa episode na ito ang ika-12 kabanata ng WALONG DIWATA NG PAGKAHULOG ("8. Orange") na available din sa http://edgarcsamar.com/santinakpan . Binasa ko rin dito ang pag-aalay na patula mula sa libro kong PAG-AABANG SA KUNDIMAN: ISANG TULAMBUHAY. Kung gusto ninyong dumalo sa aking live na online class tungkol sa Panitikan at live online workshop sa pagsusulat ng nobela via Zoom at magka...
S02E08: Nakikita Kahit Mga Sariling Takot 26.02.2021 33:16
Tampok sa episode na ito ang ika-10 at ika-11 kabanata ng WALONG DIWATA NG PAGKAHULOG ("6. Nuno"). Binasa ko rin dito ang tulang "Abas sa Wakas" mula sa librong ISA NA NAMANG PAGTINGALA SA BUWAN na available din sa http://edgarcsamar.com/santinakpan. Kung gusto ninyong dumalo sa aking live na online class tungkol sa Panitikan at live online workshop sa pagsusulat ng nobela via Zoom, bisitahin lang...
S02E07: Hindi Mahina ang Puso Nila 19.02.2021 37:03
Tampok sa episode na ito ang ikasiyam na kabanata ng WALONG DIWATA NG PAGKAHULOG ("6. Nuno"). Binasa ko rin dito ang tulang "Liham ni Elias" mula sa librong ISA NA NAMANG PAGTINGALA SA BUWAN na available din sa http://edgarcsamar.com/santinakpan. ✨ Kung gusto ninyong dumalo sa aking live na online class tungkol sa Panitikan at live online workshop sa pagsusulat ng nobela via Zoom, bisitahin lang...
S02E06: Napakabilis Yakapin ng Lungkot Kahit sa Gitna ng Kasiyahan 12.02.2021 38:27
Tampok sa episode na ito ang ikawalong kabanata ng WALONG DIWATA NG PAGKAHULOG ("5. Tiyanak"). Binasa ko rin dito ang tulang "Huling Awit Kay Mariang Makiling" mula sa librong ISA NA NAMANG PAGTINGALA SA BUWAN na available din sa http://edgarcsamar.com/santinakpan. Kung gusto ninyong dumalo sa aking live na online class tungkol sa Panitikan at live online workshop sa pagsusulat ng nobela via Zoom,...
S02E05: Paano Kung Dumating Na Pala Pero Hindi Mo Nalaman? 05.02.2021 42:35
Tampok sa episode na ito ang ikaanim at ikapitong kabanata ng WALONG DIWATA NG PAGKAHULOG ("Sabi Nila" at "4. Orange"). Binasa ko rin dito ang tulang "Kababata" mula sa librong ISA NA NAMANG PAGTINGALA SA BUWAN na available din sa http://edgarcsamar.com/santinakpan. Kung gusto ninyong dumalo sa aking live na online class tungkol sa Panitikan at live online workshop sa pagsusulat ng nobela via Zoom...
S02E04: Tagasalo ng mga Nahuhulog 29.01.2021 41:28
Tampok sa episode na ito ang ikalimang kabanata ng WALONG DIWATA NG PAGKAHULOG ("3. Daniel"). Binasa ko rin dito ang tulang "Matapos Magbasa" mula sa librong ISA NA NAMANG PAGTINGALA SA BUWAN na available din sa http://edgarcsamar.com/santinakpan. ✨ Kung gusto ninyong dumalo sa aking live na online class tungkol sa Panitikan at live online workshop sa pagsusulat ng nobela via Zoom, bisitahin lang...
S02E03: Maraming Mundo ang Bawat Tao 22.01.2021 39:23
Tampok sa episode na ito ang ikaapat kabanata ng WALONG DIWATA NG PAGKAHULOG ("2. Atisan"). Binasa ko rin dito ang tulang "Paskong-Pasko" mula sa librong ISA NA NAMANG PAGTINGALA SA BUWAN na available din sa http://edgarcsamar.com/santinakpan. Kung gusto ninyong dumalo sa aking live na online class tungkol sa Panitikan at live online workshop sa pagsusulat via Zoom, bisitahin lang ang http://www.p...
S02E02: Mas Madalas Na Mag-isa Lang Siya 15.01.2021 29:08
Tampok sa episode na ito ang ikatlong kabanata ng WALONG DIWATA NG PAGKAHULOG ("1. Delka Linar") at ikalawang bahagi ng aking MGA TALA SA PAGSUSULAT NG NOBELA na makatulong sana sa mga naghahanap ng inspirasyon at direksiyon para makapagsulat din. Binasa ko rin dito ang tulang "Isang Dekada ang Pagitan" mula sa librong ISA NA NAMANG PAGTINGALA SA BUWAN na available din sa http://edgarcsamar.com/sa...
S02E01: Kailan Ka Pa Ba Huling Umuwi? 08.01.2021 37:32
Tampok sa episode na ito ang unang dalawang kabanata ng Walong Diwata ng Pagkahulog ("Ilang Saglit" at "Atisan Boy!") at unang bahagi ng aking Mga Tala sa Pagsusulat ng Nobela na makatulong sana sa mga naghahanap ng inspirasyon at direksiyon para makapagsulat din. Binasa ko rin dito ang tulang "Sapagkat Lagi'y Tinatanong Mo Ako" mula sa librong Isa Na Namang Pagtingala sa Buwan na available din sa...
S01E12: May Totoo sa Nararamdaman Ko 27.12.2020 34:20
Hindi ko alam kung bakit parang nawawala ang tuon ko. Minsan, lumilipas ang mga oras sa maghapon na ang mismong pinag-iisipan ko na lang, itong pagkawala ng tuon na ito. O kung ano ba ang ibig sabihin ng tuon. Kung anong ibig sabihin ng nawawala. O ng parang. O ng kung bakit. At kung bakit hindi ko alam. Ano ba talaga ang alam ko? Kailan hindi ang mga bagay-bagay. Kailan hindi ang hindi. Kung mas...
S01E11: Magkabilang Kanto ng Kalungkutan at Pananagutan 26.12.2020 35:12
Ang araw na pinakamahalaga para makapagsulat ay laging ngayon. Parang ang dali-daling sabihin nito kung hindi natin kailangang isipin muna kung buhay pa ba tayo maya-maya sa harap ng iba’t ibang anyo ng karahasan na ipinapataw sa mga naghihirap na nga at pinaghihirap pang lalo ng patong-patong na kawalang-katiyakan. Kung minsan, parang nag-aalangan ako sa mismong laya ko na makapagsulat pa rin sa...
S01E10: Minamahal ang Dinadala Mo sa Paglisan 25.12.2020 35:10
Ang katakatayak, sukat / Makapagkati ng dagat. Mahalagang paalala ito mula sa isang matandang salawikain na walang dambuhalang anuman, kahit pa isang halimaw na pamahalaan, na di kayang pangibabawan ng hindi sumusukong mga mumunting paglaban. Kaya tuloy ang laban! Para saan ang lahat ng pagmamahal kung winawasak ang bayan ng mga halimaw na dambuhala at wala tayong ginagawa? Ikaw, hanggang ngayon,...
S01E09: Hindi Na Niya Tayo Magagawang Saktan 20.12.2020 33:58
May isang uri ng kahibangan na natatanaw mo pa lang siya sa malayo, ni hindi mo pa nalalaman ang pangalan niya, ang nasa isip mo na agad, mahal ko na siya, siya na ang gusto mong makasama habambuhay. May ganitong kahibangan at may ganitong katotohanan. Subalit napakadali nating laging mahulog sa ganitong bitag, gayuma ng maganda at pag-asa na hindi natin nakikitang magwawakas sapagkat nasa sandali...
S01E08: Lagi Tayong Nasa Panahon ng Kawalang-Katiyakan 19.12.2020 32:51
Sa halip na kalungkutan, katatagan sana ang ihatid sa iyo ng mga salita ko. Hindi kailangang pilitin at madaliin ang paghilom. Humugot ng lakas sa lahat ng dako. Wala ako sa tabi mo ngayon, pero laging narito lang ako. Nagsusulat dahil kailangang maligaw paminsan-minsan para matuklasang may mga ibang daan pauwi. Araw-araw tayong itinutulak ng paghahangad ng katotohanan na pakiramdam natin, di pa d...
S01E07: Ilusyon na Maisasalba ng Panitikan ang Tao 18.12.2020 37:16
Minsan, iniisip ko kung ang pinakamasayang nangyari ba sa buhay ko ay iyung minahal mo ako dati. Nasa Pinas dapat ako ngayon dahil bakasyon dito sa Japan. Golden Week. Pero alam na natin ang dahilan kung bakit imposibleng magbiyahe, hindi lang dahil wala na tayo. Labing-isang taon na pala mula noong iniwan mo ako kahit di ka lumayo at sinabi kong imposibleng lumipas ang isang dekada na iniisip pa...
S01E06: Hindi Kalungkutan ang Kaligtasan Kahit Ito Kung Minsan ang Daan 13.12.2020 34:12
Buhay pa ba tayo? Matatawag pa bang búhay itong binabata natin sa araw-araw na ni hindi natin magawang makita’t mahawakan ang isa’t isa? Parang ang hirap itanong nito kung may mga totoong kamatayan sa paligid, araw-araw, at hindi na tayo makahabol sa pagbibilang. Gusto kong kumustahin ka, ang mga mahal mo, pero natatakot na ako sa magiging sagot mo. Wala naman talagang katiyakan ang buhay pero tin...
S01E05: Panahong Mukhang Hindi Kailangan ng Manunulat 12.12.2020 34:57
Napakabilis natapos ng Pebrero, parang kung gaano kabilis matapos ang mga totoong nagpapasaya sa atin. Sa sobrang dami ng nangyayari, hindi ko na alam kung pagod ako pero masaya, o masaya ako pero pagod. May mga araw na hindi ko rin talaga alam kung ano na nga bang pagkakaiba ng takot at pagod. Nasa panahon tayo na ang mga puwede ay hindi na laging puwede, o hindi na talaga puwede, pero mabuti na...
S01E04: Lagim at Lalim ng mga Pagmamahal Natin 11.12.2020 34:11
Nag-Pasko at nag-Bagong Taon nang hindi namin piniling makita ang isa’t isa. Hindi ko alam kung mas iniisip kong natiis niya ako kaysa iniisip niyang natiis ko siya, pero nangyari na ang mga hindi nangyari. Sabi ko, mabuti na rin ang mga ganoong hindi pagkikita, baka nga mas madaling makausad sa bagong taong haharapin. Mahal ko pa rin siya, hindi naman basta-basta mawawala iyon nang dahil lang wal...
S01E03: Hindi Mo Pa Alam ang Totoong Kalungkutan 06.12.2020 24:03
Hindi naging madali ang pagtatapos at pagsisimula ng taon para sa akin. Habang may dalawang pagtanaw kung nagtapos na rin ba ang isang dekada nitong 2019 o magtatapos pa lang sa dulo nitong 2020, tinapos ko na ang ilang bagay na nasa mga kamay ko ang kapangyarihang tapusin. Pero madalas, napapaisip ako kung ano nga ba ang mga totoong nasa palad natin, kung mayroon ba talaga tayong kayang pagpasyah...
S01E02: Sa Pagitan ng Pagsusulat at Pag-iisa 05.12.2020 34:50
Nagtapos ang maraming bagay nitong nagdaang buwan. Natapos ko, halimbawa, ang nobelang TEORYA NG UNANG PANAHON, na sigurado na akong ang ikatlong nobela ng aking noon pa pinapangarap na Trilohiya ng mga Bílang. Utang ko ang pagtatapos ng nobela sa isang taong nakilala ko nitong taon lang na nagpaalala sa akin kung anong totoong mahalaga sa mundo at kung bakit ko ginagawa ang mga bagay-bagay. Naipa...
S01E01: Mahirap Akong Maging Kaibigan 04.12.2020 24:17
Minsan, sa unang pagkikita pa lang, ramdam mo na kung makakasundo mo ang isang tao. Parang lukso ng dugo. Parang nakikilala ng loob mo ang hindi maipaliwanag basta-basta ng katwiran. Parang matagal nang kaibigan, nakalaro’t nakaiyakan noong bata, at ngayon lang ulit nakita. Sa loob mo, nalulusaw ang mga taon ng matagal na pagkakahiwalay. Puwedeng maupo uli’t mag-usap na parang kahapon lang na...
Similar podcasts
Replaio is not a podcast publisher; show names, artwork and audio belong to their authors and are distributed through public RSS feeds.