Jason Steele | Papa Dudut | TAGM Marketing Solutions Inc.
Ka Istorya Horror
Sa Ka Istorya Horror, Ihanda mo ang sarili mo na kilabutan, ma-curious, at ma-hook habang sumasabak ka sa mundo ng Ka Istorya. Sa bawat episode, dadalhin ka namin sa mga kwentong hango sa ibat ibang karanasan, kung saan ang mga nakakatakot na pangyayari ay tahimik na nag-aabang sa dilim. Narrated by Jason Steele and produced by Papa Dudut. For brand partnerships, advertisements, or other collaboration opportunities with our podcast, please contact our marketing at jairuzricafrente@gmail.com and TAGM Marketing Solutions Inc.
Author
Jason Steele | Papa Dudut | TAGM Marketing Solutions Inc.
Category
Podcast website
Latest episode
Jul 11, 2026
Where to listen?
Podcasts in the app Replaio Radio Coming soonPodcasts are coming to the app soon. Install now and be the first to see a whole new take on podcasts
Episodes
Episode 17: MOTHER’S JOURNEY 22.08.2024 34:13
Walang makakapantay sa pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak ngunit hanggang saan nga ba aabot ito, sadya nga bang silay nagiging gabay maging hanggang sa kabilang buhay? Kilalanin si Tilde sa bagong episode ng Ka-Istorya: The Horror Podcast #Kaistorya #newepisode #horrorpodcast #BingoPlus #BingoSaSayaPlusSaPanalo BingoPlus is the first live-streaming bingo in the Philippines. With only 1 peso t...
Episode 16: THE MAID 19.08.2024 51:15
Malaking bagay para sa atin ang magkaroon ng kasambahay at sa panahon ngayon maswerte ka kung ang mapunta sa bahay niyo ay parang pamilya na ang turing sa inyo, ngunit paano kung sa pamamahay niyo pala ay may kaluluwa ng isang kasambahay na hindi mo malaman ang pakay sa inyong buhay? Sabay sabay nating pakinggan ang nakakapangilabot na kwento ni Keisha sa bagong episode ng Ka-Istorya: The Horror P...
Episode 15: JAPAN SURPLUS 15.08.2024 49:54
Mahilig ka bang mangolekta ng mga second hand na bagay, isa ka ba sa mga taong kaligayahan na ang bumili ng mga ito dahil sa murang halaga? Subalit paano kung ang mga bagay na palang iyon ay maaaring magdala ng takot at kakaibang panyayare sa buhay mo at sa ng pamilya mo. Halina at pakinggan ang nakakatindig balahibong kwento ni Miley sa bagong episode ng Ka-Istorya Horror Podcast sa Spotify! #KaI...
Episode 14: KARAYOM 12.08.2024 50:20
Naniniwala ka ba sa kulam? May iba’t ibang opinyon at paniniwala ang mga tao sa bagay na ito, subalit paano kung isang araw maging biktima ka nito. Kanino ka nga ba lalapit o sigurado ka ba sa taong nalapitan? Halina at pakinggan natin ang makatindig balahibong kwento ni Eunice sa panibgaong episode ng Ka-Istorya Horror Podcast! #KaIstoryaOnSpotify #KaIstorya #HorrorPodcast #NewEpisode #Spotify En...
Episode 13: CREEPY ROOMMATE 08.08.2024 47:09
Kaibigan o kaaway? May dadating sa buhay natin na mga taong hindi natin basta basta nalalaman ang intensyon sa atin, ngunit paano kung yung taong matagal mo ng nakakasama ang may tinatago palang lihim, isang lihim na maaaring ikapahamak pala ng buhay mo? Pakinggan ang nakakakilabot na kwento ni Naomi sa bagong episode ng Ka-Istorya Horror Podcast! #KaIstoryaOnSpotify #KaIstorya #HorrorPodcast #New...
Episode 12: ESKINITA 05.08.2024 49:23
Palagiang pag iingat ang paalala sa atin lalo na pagkagat ng dilim dahil hindi naman talaga maiiwasan ang mga masasamang tao sa panahon ngayon, subalit paano kung kasabay ng takot na iyon ay ang pagbalot din ng nakakakilabot na pagpapakita ng mga di matahimik na kaluluwa sa isang eskinita. Pakinggan ang nakakatakot na kwento ni Iana sa bagong episode ng #KaIstorya #HorrorPodcast
Episode 11: FILM PROJECT 02.08.2024 27:43
Hindi mo gugustuhing maistorbo lalo na sa oras ng pamamahinga mo kung kaya pag nagawa ninyo ito sa isang lugar na di ninyo kabisado siguraduhing humingi ng permiso upang wala tayong magambalang mga nananahimik na espiritu. Pakinggan ang nakakakilabot na kwento ni Divine sa bagong episode ng #KaIstorya #HorrorPodcast
Episode 10: SIMBANG GABI 01.08.2024 46:51
Paniniwala na sa atin na kapag nakumpleto mo ang siyam na gabi ng Misa De Gallo ay may tyansang matupad ang bagay ng hinihiling mo subalit paano kung nasa kalagitnaan ka ng pagkumpleto nito ay mabalot ng nakakatakot na karanasan ito. Kilalanin si Athena ang pakinggan ang nakakakilabot nyang kwento sa bagong episode ng #KaIstorya #HorrorPodcast
Episode 9: WAILING WOMAN 29.07.2024 47:30
Ang pag iyak ay hindi pagpapakita ng kahinaan bilang isang tao, ito’y senyales ng katapangang ipadama ang tunay na nararamdaman mo, ngunit paano kung hindi mo nakikita kung saan nanggagaling ang ang pag iyak na maririnig mo, awa ba ang mararamdaman mo o takot? Kilalanin si Marga sa bagong episode ng #KaIstorya #Wailingwoman
Episode 8: MGA NAKIKITA NI TITO 27.07.2024 45:32
Naniniwala ka ba sa mga taong bukas ang Third Eye o isa ka sa mga taong ito? Maaaring hindi lahat ay naniniwala subalit paano kung sa iyo mismo mangyari ang mga bagay na ito ng hindi mo inaasahan? Pakinggan ang nakakakilabot na kwento ni Lyka dito sa bagong episode ng #KaIstorya #Mganakikitanitito #PodcastHorror
Episode 7: BABAENG UMIIYAK 25.07.2024 43:47
Ang kaibigan ay kasangga natin sa ating buhay sa hirap o ligaya man nito ngunit paano kung ang kaibigan pa lang iyon din ang maghahatid sa takot sa iyo. Pakinggan ang kwento ni Caina sa Ikapitong Episode ng #KaIstorya #BabaengUmiiyak #PodcastHorror
Episode 6: THE ARTIST 22.07.2024 30:16
Magsumikap upang maabot ang pangarap kahit pa hadlang minsan ang mga magulang natin dito dahil iba ang pangarap nila para sa atin subalit paano kung dalhin ka ng pangarap na iyon sa mundo ng kababalaghan at katatakutan. Kilalanin ang artist na si Kassandra sa bagong episode ng #KaIstorya #PodcastHorror
Episode 5: YOSI 20.07.2024 44:49
Mahirap alisin ang bisyo lalo na kung sigarilyo, na kahit mga mahal natin sa buhay ay hindi tayo kayangpigilan. Ngunit paano kung isang araw magkaroon ka ng nakakatakot na karanasan upang ang yosi ay tuluyan mo ng tigilan. Pakinggan ang Storya ni Kiefer sa Ka-Istorya #kaistoryayosi #horror
Episode 4: THE WOMAN WHO WANTS MY BABY 18.07.2024 44:55
Walang hindi kayang gawin ang isang magulang para sa kanyang anak. Pakinggan ang storya ni Aileen kung paano niya pinrotektahan bilang isang ina ang kanyang anak sa isang nilalang na hindi tao. #KaistoryaTheWomanWhoWantsMyBaby #Kaistorya #Horror
Episode 3: UNBORN 15.07.2024 17:53
Maituturing na malaking biyaya ang mga sanggol sa buhay natin, ngunit minsan ang kapusukan ang siyang nagbibigay daan sa mga maling desisyon na maaring makaapekto sa ating hinaharap. Alamin ang makatindig balahibong karanasan ni Jackie sa Ka-Istorya. #KaistoyaUnborn #Kaistorya #Horror
Episode 2: OLD APARTMENT 13.07.2024 46:51
May mga bagay o lugar na importante sa iyo na mahirap iwan at pakawalan. Hindi mo maaring kalimutan ang mahalagang papel nito sa iyong buhay. Pero papaano kung ito ang magkukulong sa iyo sa mga nakapanghihilakbot na pangyayari na hindi mo matatakasan. Kilalanin si Jona Mae sa #KaistoryaOldApartment #Kaistorya #Horror
Episode 1: GIFTED 11.07.2024 17:23
Makapangyarihan ang isip ng isang tao, magugulat ka sa kakayanan nito. Pero mag-ingat ka sa mga bagay na hindi mo pa gamay, baka ito ang maghatid sa iyo ng karanasan na hindi mo na pwedeng matakasan. Kilalanin si Angela at alamin ang kanyang makapanindig balahibong istorya dito sa Ka-Istorya. #KaistoryaGifted #Kaistorya #Horror
Similar podcasts
Replaio is not a podcast publisher; show names, artwork and audio belong to their authors and are distributed through public RSS feeds.