Spotify Studios
Hugot Marcelo
Iniwan, nasaktan, pinagpalit, pinaasa. Lahat ng bigat sa puso mo, lahat ng dinadala mo, lahat ng nangyari sa nakaraan mo pag-usapan natin, gusto mo? Sasamahan kita sa healing process mo. Pag-uusapan natin yan dito sa HUGOT MARCELO.
Be sure to visit the podcast's website and support the creator: podcasters.spotify.com
Author
Spotify Studios
Category
Podcast website
Latest episode
Sep 28, 2023
Where to listen?
Podcasts in the app Replaio Radio Coming soonPodcasts are coming to the app soon. Install now and be the first to see a whole new take on podcasts
Episodes
Akala ko siya na | Ep. 29 13.10.2022 6:51
Siya ang dahilan kung bakit ka masaya pero ngayon, siya na rin ang dahilan kung bakit ka lumuluha. Napakaraming nangyari - pagkabigo, mga pangakong napako, pagkawala ng tiwala, pagbabago ng nararamdaman, pero mahal ninyo pa rin ang isa't isa at deep inside, alam ninyong may pag-asa pa pero huli na ang lahat. Pareho na kayong napagod. Join this group: Kwentuhan with Marcelo Send your message to HUG...
Tama bang bumitaw ako? | Ep. 28 10.10.2022 6:50
Ito yung pinakamahirap sa lahat eh. Yung bibitawan mo yung kinasanayan mo araw-araw. Yung may nakakausap ka araw-araw, yung pakiramdam na may taong nandiyan para sa'yo. Minsan kasi kumakapit na lang tayo dahil sa pag-asa na bumalik siya sa dating siya, yung version ng sarili niya na nagustuhan mo, yung better version na pinakita niya noong umpisa... pero wala na eh. Nagbago na. Join this group: Kw...
Binuo kita pero ako ang nasira | Ep. 27 08.10.2022 8:09
Dahil sa kagustuhan mong maging masaya siya, (kasi nga mahal mo siya), alam mo na isa sa mga paraan para maging okay siya ay tinutulungan mo siya sa healing process niya pero hindi madali yun ha. Marami kang kailangang ibigay - oras, pag-iintindi, pasensiya, sarili, at minsan pa nga pera. Alam mo yung sa kagustuhan mong maging buo siya, kumukuha ka ng parte ng pagkatao mo para mapunan yung kulang...
Gaano ba kaimportante ang closure? | Ep. 26 29.09.2022 6:35
Hindi ko masasabi kung kailan ka magiging okay pero siguro, baka kailangan mo ng closure para matanggap ang mga nangyari noon para ma-let go mo na at umusad ka na ngayon. Hindi agad-agad. Pero kapag unti-unti mo nang natatanggap at tinatanggap, dahan-dahan na ring gagaling ng puso mo. Join Kwentuhan with Marcelo Follow this page and send your message to HUGOT MARCELO PODCAST
Alam mo namang walang kayo pero... | Ep. 25 19.09.2022 6:28
Okay ka na diyan e. Okay ka nang kasama siya. Masaya ka nang nakikita siyang nakatawa. Wala na, nasanay ka na. Pero alam mo naman sa sarili mo na walang kayo. Walang ikaw. Walang siya. Walang kayong dalawa. Wala naman talagang sigurado. Join Kwentuhan with Marcelo Follow this page and send your message to Hugot Marcelo Podcast Facebook Page
Kailan mo masasabing tama na? | Ep. 24 16.09.2022 7:59
Masasabi mong tama na kapag walang wala ka na. Pero sana, wag mo namang paabutin sa puntong magigising ka na lang kapag wala ka nang makapitan, na wala nang natira sa buhay mo. Pero at the end of the day, desisyon mo pa rin yan. It's up to you kung may ipanlalaban ka pa o kung kailan masasabi mong tama na. Ano man ang mapili mong desisyon, lagi mong iisipin na mahalaga ka, na dapat kang mahalin, n...
Baka kailangan niyo nang pag-usapan | Ep. 23 13.09.2022 6:53
Dito ako naniniwala, na kayang madaan sa maayos na usapan ang kung ano man ang hindi pagkakaunawaan. Minsan kasi, choice na lang nating hindi i-confront yung issue kasi natatakot tayong magmukhang mali. Alam mo yung ayaw mong masaktan yung pride mo kaya pinili mo na lang na wag na lang pag-usapan yung issue na mayroon sa inyo. Join Kwentuhan with Marcelo Follow Hugot Marcelo Podcast Facebook Page
Ginawa mo naman ang lahat pero wala pa rin | Ep. 22 30.08.2022 7:58
Mahirap magmahal ng taong hindi open sa pagbabago, na kahit ibigay mo ang lahat - pagkakataon para magbago, pagpapatawad sa mga kamaliang nagawa, pag-intindi at pakikinig, mapapagod ka lang kasi bale wala lang ang lahat. Siya lang ang laging tama. Sarili lang niya ang naririnig niya. Hindi mo deserve yun. Nakakapagod yun. Nakakaubos. Join Kwentuhan with Marcelo Send your love problems to Hugot Mar...
Hindi ganon kadali | Ep. 21 26.08.2022 7:14
Hindi madali ang matigil yung lahat ng nakasanayan. Alam mo yung wala kang gana sa lahat - sa trabaho mo, o sa pag-aaral mo, sa career, sa sarili, sa pag-ibig. Yung lahat naapektuhan na kasi napakaraming nangyari. Yung ginawa mo naman yung best mo pero wala pa rin. Yung nagmahal ka lang naman pero nakuha ka pa ring saktan. Yung nagpursige ka lang sa mga bagay na mahalaga sa'yo pero di nila maintin...
Hanggang talking stage lang lagi | Ep. 20 22.08.2022 9:50
Pero bakit kaya kapag ginawa mo naman ang lahat, naging open ka naman sa kanya, yung nagspend ka ng oras para mas makilala ang tao na yun, bakit one day, gigising ka na lang na wala na siya, na ayaw na niya, na friends lang daw kayo? Yun bang naudlot yung mga nabuong feelings mo sa kanya na inaasahan mong tutuloy sa next level ng relationship niyo? Join this group: Kwentuhan with Marcelo Send your...
Bibitaw ka ba agad? | Ep. 19 17.08.2022 7:07
Isang pagsisinungaling lang, bitaw na. Isang masakit na salita lang ang nasabi sa'yo dahil sa galit, alis na. Isang beses na pagkakamali sa mga desisyon, i-break na agad. Yan ang paniniwala ko noon. Pero sa paglipas ng panahon, doon ko narerealize na wala naman talagang perpektong tao. Walang perpektong boyfriend o girlfriend. Walang perpektong relationship. Join Kwentuhan with Marcelo
Bakit apektado ka pa rin? | Ep. 18 10.08.2022 8:09
Isa sa mga rason kung bakit apektado ka pa rin kapag nakikita siya o naaalala siya kasi after ng lahat ng nangyari sa inyong dalawa, parang hindi siya affected sa hiwalayan ninyo. Alam mo yung parang hindi siya nasaktan. Parang ikaw lang yung nakaramdam ng pain noong naghiwalay kayo at kahit hanggang ngayon, nakatatak pa rin sa isip mo yung thought na parang ikaw lang yung tunay na nagmahal sa rel...
Paano ba magsimula ulit? | Ep. 17 05.08.2022 7:00
Gawin mo yung mga makapagpapasaya sa'yo kahit ikaw lang mag isa. I-remind mo yung sarili mo, na kaya mo namang magpatuloy kahit wala na siya. Na gamitin mo yung happiness and peace of mind sa mga bagong bagay o experience na magagawa mo kasi dahil don, you are not just discovering new things, you also rediscovering yourself. Join Kwentuhan with Marcelo
Kumusta raw sabi ng ex mo. | Ep. 16 03.08.2022 8:56
Ano ba yung dapat gawin kapag after ng matagal na panahon, kung kailan okay ka na, kung kailan masaya ka na, biglang makakatanggap ka ng notification mula sa taong matagal mo nang kinalimutan tapos ang bungad niya, kumusta? Join this group: Kwentuhan with Marcelo Send your message to HUGOT MARCELO PODCAST
Bakit nagparamdam siya ulit? | Ep. 15 27.07.2022 6:58
Bakit ba may mga taong aalis sa buhay natin, iiwanan tayo sa ere at kapag nasa payapang kalagayan na tayo, doon pa sila magpaparamdam ulit? Join this group: Kwentuhan with Marcelo Send your message to HUGOT MARCELO PODCAST
Bakit mabilis kang ma-fall? | Ep. 14 22.07.2022 8:13
Totoo na ba ang nararamdaman mo, o naeexcite ka lang kasi baka pwedeng maging kayo? Pag-usapan natin yan dito. Join this group: Kwentuhan with Marcelo Send your message to HUGOT MARCELO PODCAST
Bakit kaya siya pa rin? | Ep. 13 15.07.2022 6:30
Pero bakit nga ba siya pa rin hanggang ngayon? Kasi nasasayangan ka pa rin? Na sana inayos mo noon, sana kumapit ka pa, sana lumaban ka pa. Tara, Pag-usapan natin yan dito. Join this group: Kwentuhan with Marcelo Send your message to HUGOT MARCELO PODCAST
Bakit ba nila tayo iniiwan? | Ep. 12 08.07.2022 9:34
Lahat tayo nasaktan. Ikaw man yung rason kung bakit hindi na nagwork yung relationship ninyo o hindi. Siya man yung nang-iwan o bumitaw sa inyong dalawa. Kayong dalawa, at some point, nasaktan . Pero bakit ba dumarating sa point na iniiwan tayo ng mga taong mahal natin? Join this group: Kwentuhan with Marcelo Send your message to HUGOT MARCELO PODCAST
Bakit mahirap ang magpaubaya? | Ep. 11 01.07.2022 8:47
Nakakatakot sumugal sa isang bagay na hindi mo sigurado kung makukuha mo ba siya, kung babalik ba siya ulit o kung magigising siya isang araw na mahal ka na niya ulit. Sobrang hirap kasi marami na kayong napagdaanan eh. Marami nang panahon ang lumipas na magkasama kayo, na nasanay na kayo sa isa't-isa.... tapos pakakawalan mo pa. Join this group: Kwentuhan with Marcelo Send your message to H...
Bakit okay lang maging single? | Ep. 10 24.06.2022 9:10
Darating yung point na maiisip mong 'Bakit yung mga kakilala mo, may lovelife na? Bakit yung mga ka-batch mo may asawa't anak na tapos ikaw, nandito sa podcast ni Marcelo, nakikinig lang." Maiisip mo yan kasi deep inside naiinggit ka. Kahit naman ako, naiinggit ako sa mga nakikita kong may love life na. Part of me, alam ko, napepressure na kasi parang ang tagal ko nang single pero bakit ganon, par...
Napagod ka na | Ep. 9 17.06.2022 7:12
Kahit saang relasyon naman, kapag isa na lang yung lumalaban, for sure, darating ang araw na kahit gaano ka kalakas, mapapagod at mapapagod ka. Na kahit gaano mo siya kamahal o gaano mo siya iniingatan pero kapag hindi niya binibigay yung same energy ng pagmamahal at pagpapahalagang binibigay mo, gigising ka na lang isang araw na pagod ka na, na mas mahal mo na ang sarili mo, na kailangan mo nang...
Bakit biglang ayaw mo na? | Ep. 8 15.06.2022 8:24
Sa episode na 'to, pag-usapan natin yung dalawang perspective sa isang nasirang relasyon, yung naiwan at yung nang-iwan. Unahin muna natin yung mga taong iniwan. Join this group: Kwentuhan with Marcelo Send your message to HUGOT MARCELO PODCAST
Sana iningatan ko siya | Ep. 7 10.06.2022 6:08
Nasasayangan lang naman tayo sa mga bagay na makakapagbigay sa atin ng happiness, contentment and love tapos biglang nawala dahil na rin sa atin. Pero hindi naman lahat, mayroon din namang mga tao na nasayangan dahil hindi sila iningatan. Sila yung mga taong nagmahal lang, nagpatawad, umintindi nang paulit-ulit and for some reason, parang biglang nagbago ang lahat - hindi ka na niya naaappreciate,...
Bakit bigla kang nanghinayang? | Ep. 6 08.06.2022 8:19
Naalala mo ulit siya tapos naisip mo, what if, naging okay kayo, what if walang sumuko? Pag-usapan natin yan dito. Join this group: Kwentuhan with Marcelo Send your message to HUGOT MARCELO PODCAST
Bakit ka ba nagtitiis? | Ep. 5 03.06.2022 8:33
Sabi nila, kapag sobra ka raw magmahal, sobra ka rin daw masaktan. Pero bakit may mga taong katulad mo na nagtitiis pa rin kahit paulit-ulit ka nang sinasaktan ng taong pinili mo namang mahalin, patawarin at intindihin? Pag-usapan natin yan dito. Join this group: Kwentuhan with Marcelo Send your message to HUGOT MARCELO PODCAST
Similar podcasts
Replaio is not a podcast publisher; show names, artwork and audio belong to their authors and are distributed through public RSS feeds.