Mans

GPS (Geographical Podcast Show)

Society FIL ↓ 124 episodes

Geography and history of every street, city, town, and province in the Philippines and abroad.

Author

Mans

Category

Society

Podcast website

redcircle.com

Latest episode

Apr 1, 2026

Where to listen?

Podcasts in the app Replaio Radio Coming soon

Podcasts are coming to the app soon. Install now and be the first to see a whole new take on podcasts

Get it on Google Play Install for free Android 5M+ downloads · 4.8 rating iOS soon

Episodes

GPS Podcast | Sino si GenSan? 12.03.2021

General Santos City - nakilala bilang "Tuna Capital" ng bansa dahil sa mga nahuhuli at ibinabagsak na mga tuna. Bukod pa riyan, kilala rin ang lungsod na ito na pinagmulan ng mga nangangarap maging boksingero, katulad ng 8-Division World Champion at taga-dito rin na si Sen. Manny Pacquiao. Pero ang tanong... Sino nga ba ang taong nakapangalan sa lungsod na ito? ---------- Ang episode na it...

GPS Podcast | The City of Seven Lakes 05.03.2021

Ano ang meron sa lungsod ng San Pablo sa Laguna at ito ay tinaguriang "City of Seven Lakes"? ---------- Ang episode na ito ay in ihahatid sa inyo ng Lazada. Get up to 3x more free shipping vouchers ngayong last day ng 3.3 Free Shipping Sale. Dahil lahat ng hanap mo, nasa Lazada yan!

GPS Podcast | Epifanio de los Santos Avenue (Ochenta y Sais Series) 26.02.2021

Ang kalyeng alam natin ngayon na palaging mabigat ang daloy ng trapiko, pero dito rin kung saan nagtipon ang milyon-milyong Pilipino upang patalsikin ang diktador at ibalik muli ang demokrasya. At sino nga ba ang taong pinagmulan ng pangalan ng kalyeng ito? ---------- Ang episode na ito ay inihahatid sa inyo ng Lazada. Find what you're looking for. Free shipping, plus sales, lahat ng hinahanap...

GPS Podcast | The City of Love 19.02.2021

Ang episode na ito ay inihahatid sa inyo ng Lazada. Find what you're looking for. Free shipping, plus sales, lahat ng hinahanap mo nasa Lazada 'yan! LINK: podlink.co/ka6 Alamin ang kasaysayan at mga magagandang puntahan sa isang lungsod sa Visayas na tinaguriang "The City of Love".

GPS Podcast | The Dragon Trail 12.02.2021

Saang parte kaya ng Metro Manila matatagpuan ang sinasabing "dragon trail", na ayon sa mga Chinese at mga Tsinoy ay may dala raw itong swerte sa mga magtatayo ng negosyo sa kanilang komunidad?

GPS Podcast | Dangwa 05.02.2021

Alamin ang kasaysayan ng pinakadinarayong pamilihan ng mga bulaklak sa Pilipinas - ang Dangwa.

GPS Podcast | A Tale of 13 Martyrs 29.01.2021

Trece Martires - isang lungsod na matatagpuan sa lalawigan ng Cavite. Alamin ang maiksing kasaysayan ng lungsod at kung kanino hinango ang pangalan nito.

GPS Podcast | Malolos: Ang Duyan ng Republika 22.01.2021

Malolos - ang kabisera ng lalawigan ng Bulacan. Ano-ano nga ba ang mga mahahalagang papel ng lungsod na ito sa kasaysayan ng Pilipinas?

GPS Podcast | Butas sa Ortigas 15.01.2021

Ano kaya ang meron sa napakalaking butas sa kanto ng EDSA at Ortigas Avenue?

GPS Podcast | Quiapo: The Center of Black Nazarene 08.01.2021

Sa ikalawa at huling bahagi ng "Nazareno Series" ng Podcast ni Mans, isang distrito sa lungsod ng Maynila ang papasyalan natin, na kung saan kapag narinig natin ang pangalan ng lugar na ito ay unang maiisip natin ay ang simbahan nito at ang Itim na Nazareno - ang Quiapo.

GPS Podcast | Firecracker Capital 01.01.2021

Isang bayan sa lalawigan ng Bulacan ang tinaguriang "Firecracker Capital" ng bansa dahil sa lawak ng industriya nito ng mga paputok at pailaw tuwing bagong taon. HAPPY NEW YEAR, MGA KA-PODCAST!

GPS Podcast | VisMin Christmas Invasion 25.12.2020

Mga Christmas destinations sa Visayas at Mindanao ang ating dadayuhin ngayong araw ng Pasko. Merry Christmas, mga ka-podcast!

GPS Podcast | DV 18.12.2020

Pasok, mga suki... Tara na sa Divisoria! Alamin natin ang kasaysayan ng lugar na ito na sentro ng komersyo ng lungsod ng Maynila.

GPS Podcast | The Christmas Capital 11.12.2020

Alin sa mga bayan at/o lungsod sa lalawigan ng Pampanga ang tinaguriang "Christmas Capital" hindi lang dito sa Pilipinas, kundi sa buong Asya, ayon sa international news organization na CNN?

GPS Podcast | Calle Policarpio 04.12.2020

Policarpio Street - isang kalye na matatagpuan sa lungsod ng Mandaluyong. Sa tuwing sasapit ang panahon ng kapaskuhan taon-taon, dinadagsa ang kalyeng ito ng mga turista upang masilayan ang mga nagniningning at makukulay na mga Christmas lights at magagarang palamuti.

GPS Podcast | Marawi: Then and Now 27.11.2020

Ang maiksing kasaysayan, geography, at demographics ng Islamic City of Marawi sa lalawigan ng Lanao Del Sur sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao. Kumusta na nga ba ang lungsod makalipas ang tatlong taon mula nang ito ay mawasak bunsod ng krisis na dinulot ng teroristang grupong Maute-ISIS?

GPS Podcast | Timog Katagalugan 20.11.2020

Region IV - Southern Tagalog o Timog Katagalugan - ang pinakamalaking rehiyon sa Pilipinas. Subalit noong 2002, nahati na ang isang buong rehiyon sa dalawa at ang isa sa mga lalawigang sakop nito noon ay nalipat sa ibang rehiyon.

GPS Podcast | Quezon City Districts 06.11.2020

Ang Quezon City ang pinakamalaking lungsod sa Metro Manila. Binubuo ito ng 142 na mga barangay na grinupo sa 15 distrito. Ang mga distrito sa Quezon City ang siyang pag-uusapan natin ngayon. Ano ba ang naiisip natin sa lugar na iyon? Ano ba ang kilalang puntahan doon?

GPS Podcast | Ms. Balete Drive 2020 30.10.2020

Isa sa pinakinatatakuyang kalsada sa Metro Manila ay ang Balete Drive na matatagpuan sa lungsod ng Quezon. Sa kalyeng ito sinasabing may nagpapakitang white lady sa lugar na iyon. Alamin natin ang kasaysayang ng kalyeng iyon at ang kuwento sa likod ng pagpaparamdam ng nasabing multo.

GPS Podcast | Haunted Haybol 23.10.2020

Ang Bahay na Tisa sa Pasig, ang Bahay na Pula sa Bulacan, at ang Laperal White House sa Baguio - ilan sa mga kinatatakutang mga abandonadong bahay sa Pilipinas. Alamin natin ang kasaysayan ng mga bahay na ito at bakit nga ba siya kinatatakutan?

GPS Podcast | Monumentong Pugot 16.10.2020

May isang monumento sa Legazpi City, Albay, na walang ulo? Bakit kaya?

GPS Podcast | Si Francisco Bangoy at ang Davao Airport 09.10.2020

Pag-usapan natin ang kasaysayan ng Francisco Bangoy International Airport, kung saan lumalapag ang mga domestic and international flights na papuntang Davao. Pag-usapan rin natin kung sino nga ba ang mamang nakapangalan sa paliparang iyon.

GPS Podcast | Makati Eagle Statues 02.10.2020

Noon ay may apat na eagle statues na matatagpuan sa mga borders ng lungsod ng Makati. Subalit sa paglipas ng panahon at dala na rin ng modernisasyon, may makikita pa ba kayang eagle statues sa tinaguriang "Wall Street" ng Pilipinas?

GPS Podcast | Two Caloocans 25.09.2020

Paanong nangyaring may dalawang Caloocan sa mapa ng Kamaynilaan? May North at South Caloocan? Totoo ba na isang buo ito dati bago mabuo ang lungsod ng Quezon? Let's find out here.

Listen to the GPS (Geographical Podcast Show) podcast in Replaio

Radio and podcasts in one app - free, with no sign-up. Install today and do not miss the launch

Get it on Google Play

Replaio is not a podcast publisher; show names, artwork and audio belong to their authors and are distributed through public RSS feeds.