DZRH
Gabi ng Lagim
Mula sa isa sa mga longest radio drama, muling maghahasik ng kababalghan at mga nakakakilabot na tagalog Pinoy horror stories ang Gabi ng Lagim mula sa DZRH. Pinangungunahan ng mga batikang radio drama actors, abangan ang mga kwentong tiyak na magpapatindig ng inyong mga balahibo. Abangan ang mga bagong episodes tuwing Lunes, 6:00 p.m. (GMT +8).-------------Podcast survey: https://forms.office.com/r/nbvpgsESjk
Where to listen?
Podcasts in the app Replaio Radio Coming soonPodcasts are coming to the app soon. Install now and be the first to see a whole new take on podcasts
Episodes
Maskara ni Satanas 16.09.2025 50:32
Ang dating normal at pangkaraniwang pamumuhay nila Jodi ay mapapalitan ng pangamba at takot dulot ng maskara ni Satanas? Saan nagsimula at paano naging kontrolado ni Satanas ang buhay ni Jodi?#DZRHDrama #GabiNgLagim
Bukal 13.09.2025 47:55
Sa kagustuhang maibalik ang kabataan at kagandahang anyo ay may kapalit pala ito, at hindi biro ang magiging kabayaran nito. Paano mababago ang buhay ng mag asawa sa pagdating ng isang matanda sa kanilang buhay?#DZRHDrama #GabiNgLagim
Anito 13.09.2025 49:25
Ang akala mo’y simpleng antraso lang ay may kapalit palang ganti na hindi ka mapapatahimik sa gabi, anong klaseng ganti ang natatanggap ni Alma?#DZRHDrama #GabiNgLagim
Libingan 09.09.2025 47:55
Sa pagpasok ng bagong yugto ng buhay ng bagong kasal ay masusubok agad ang kanilang pagmamahalan at samahan. Lahat ng taong nagpapakasal ay normal lang magkaroon ng hinaharap na pagsubok, ngunit sa bagong kasal na ito ay iba, ibang klaseng problema ang kanilang kahaharapin. #DZRHDrama #GabiNgLagim
Matandang Lalaki sa Dilim 06.09.2025 50:01
Naputol ang katahimikan sa buhay ng binatang si Vic nang dumating ang matandang lalaki sa buhay niya, paano paniniwalaan si Vic ng mga taong nakapaligid sa kanya kung sabihin niyang wala siyang umanong kaalaman doon? #DZRHDrama #GabiNgLagim
Lagim ng Gaway 05.09.2025 50:56
Tila naging laganap ang “Gaway” sa isang Baranggay at maging si Frida na hindi naniniwala sa mga ganitong bagay ay nabiktima. Paano at saan nagmula ang gaway gaway na ito at gaano ito katotoo? #DZRHDrama #GabiNgLagim
Sa Mundo ni Penny 03.09.2025 47:22
Kung ang ibang tao ay may kakayahan mamuhay sa sarili nilang mundo at masaya sa kung anong mayroon ito. Bakit si Penny ay may kakaibang ninanais? Anong mayroon sa mundo ni Penny at bakit nais niyang makatakas dito?#DZRHDrama #GabiNgLagim
Ang Lihim ng Bahay na Pula 30.08.2025 55:05
Simpleng bahay lang kung ito ay titingnan ngunit ito ay may malalim na lihim. Nagtungo si Nancy sa isang lugar sa Monteverde para magsagawa ng pananaliksik ngunit paano kung ang kaniyang susuriin ay kusang lumapit sa kanya? Magdudulot ba ito ng kabutihan kay Nancy? O inilapit lang niya ang kanyang sarili sa kapahamakan? #DZRHDrama #GabiNgLagim
Malignong Ligaw na Kaluluwa 30.08.2025 1:04:11
Kung akala mo’y mababaon lamang sa limot ang mga kasalanan sa iyong nakaraan ay nagkakamali ka. Sa hindi maipaliwanag na pamamaraan ng isang kaluluwa ay naidadala niya ang mga nakaraang kasalanan ng mga tao. Para ba ito sa kabayaran? O para lang hindi magkaroon ng katahimikan ang mga makasalanan? #DZRHDrama #GabiNgLagim
Malignong Anyong Impakta 26.08.2025 50:18
Makakamit ba ang hustisya kung isang maligno ang may kasalanan? Sa isang bayan ay may pagala-galang malignong anyong impakta na nakakapanakit sa mga tao, may kakayahan bang makakuha ng hustisya ang mga pulis? O ang isang Faith healer ang dapat kumilos para mawakasan ang pamimiligro nito? #DZRHDrama #GabiNgLagim
Malignong Aso 23.08.2025 46:54
Nagulantang ang isang Barangay nang makatuklas sila ng isang nakakatakot na itsura ng aso, hindi tulad ng pangkaraniwang aso, ito ay malaki, itim, nanlilisik ang mga mata, at nagsasalita? Magiging resulta ba ito ng kapakahamakan? Paano nangyari na ang aso ay may kakayahang manakit at magsalita? #DZRHDrama #GabiNgLagim
Mga Mata ng Kamatayan 21.08.2025 47:05
Nagmula ang lahat dahil sa mga mata ni Ramil, na donasyon mula kay Eva na pumanaw na. Itinuring na utang na loob ito ni Ramil kay Eva, hanggang sa kabilang buhay ay dala-dala itong utang na loob. Hanggang kailan ito dapat bayaran? At may karapatan pa ba ang taong pumanaw na siya pa rin ang dapat mahalin ng taong mahal niya? #DZRHDrama #GabiNgLagim
Ang Balon 19.08.2025 58:40
Simpleng balon lang kung titingnan ang matandang balon sa bayan ng Fernandez, ngunit nakakapagpabago ito ng anyo para sa magkapatid na Kiana at Amy. Ano ang magiging papel ng dalawang babaeng ito sa bayan ng Fernandez? Ikadudulot ba ito ng kasamaan para sa kanilang pansariling interes? #DZRHDrama #GabiNgLagim
Tatlong Kandila 16.08.2025 47:51
Binigyan ng tatlong tyansa si Lally para maibalik mula sa kamatayan ang kanyang nobyo. Mayroon bang kapalit ang kasunduan na ito mula kay kamatayan? At mapipigilan ba ang bagay na nakatadhana na? O sadyang posible lang magkaroon ng tyansa na mabago ang mga pangyayari sa buhay? #DZRHDrama #GabiNgLagim
Istatwa ng Duwende 14.08.2025 56:00
Swerte daw sa negosyo ang nabiling Istatwa ng Duwende ni Anita, kung titingnan ay simpleng istatwa lamang ito ngunit kung titingnan ito sa mga mata, kapalit na kamalasan ba ang dulot nito? #DZRHDrama #GabiNgLagim
Masamang Biro 12.08.2025 58:01
Pilyong bata si Benjo ngunit minsan hindi nagiging maganda ang kinakalabasan ng kaniyang biro, nailagay pa sa peligro ang buhay ng kaniyang Lolo. Dumating sa punto na sinasaktan na ng pisikal ni Anita ang kaniyang anak pero wala pa ring pagbabago sa ugali ni Benjo. Hanggang si Lolo Manuel na ang magtuturo ng leksyon sa kaniya. #DZRHDrama #GabiNgLagim
Lumang Kahon 12.08.2025 48:39
Isang simpleng Lumang kahon lamang pero naging malaki ang epekto nito sa pamilya ni Em dala-dala na pala niya ang bagay na makakapagpabago ng buhay nila. Lumang Kahon nga lang ba ang naiuwi ni Em? #DZRHDrama #GabiNgLagim
Lahi ng Aswang 07.08.2025 49:51
Madalas makaranas ng masamang panaginip si Jocelyn. Humingi ito ng payo at pinaalalahanan sa isang Estrangherong lalaki na makakapagpapahamak sa kanila ni Claire na kaniyang kaibigan. Sa pagtatagpo ng landas nila Jocelyn at Marco ay patungo ba ito sa isang masaya at magandang kwento? Ano ang magiging epekto ni Marco sa mga hindi magandang nararanasan ni Jocelyn? #DZRHDrama #GabiNgLagim
Silindro ni Lazaro 05.08.2025 52:24
Masayang namumuhay ng normal sila Lazaro at Lola Epang kahit dalawa lamang sila. Sa hindi maipaliwanag na pangyayari, ang dating sinto-sintong batang si Lazaro ay ngayon ay naghihimala sa baryo sa pamamagitan ng pagtugtog ng silindro na nakakapagpagaling raw ng karamdaman. Ito ba ay kabutihan mula sa langit o kababalaghan mula sa kasamaan?
Biktima 05.08.2025 1:04:59
Nagbago ang takbo ng buhay ni Ellie nang dahil sa isang gabing paglalakad pauwi, nasaksihan niya ang brutal na sinapit ng biktima sa kamay nila Alvin at Dado. Simula ng gabi na iyon hindi na siya tinantanan ng kaluluwa ni Red. Tutulungan niya bang makakuha ng hustisya si Red? O poprotektahan niya ang kasintahang si Alvin mula sa batas?
Malignong Itim 16.12.2024 57:44
Nababahala ang bayan kung saan ninirahan sina Eduardo at Eloisa dahil sa balitang may malignong itim na kumikitil ng buhay ng mga babaeng buntis. Bagama’t hindi naman nagdadalang-tao, lubos pa rin ang kaba at takot ni Eloisa sa balitang kumakalat sa kanilang bayan. | Sagutan ang maikling Gabi ng Lagim survey para ma-improve ang podcast: https://forms.office.com/r/nbvpgsESjk
Orasan ng Buhay 09.12.2024 50:47
Kapit sa patalim ang kinahantungan ni Franko upang may perang pangtustos sa kaniyang pamilya. Sa kasamaang palad ay napuruhan ito matapos mahuli ng awtoridad. Laking gulat ng asawa nitong si Magda nang biglang mabuhay ang inaakalang wala nang buhay na asawa. | Nais naming marining ang iyong feedback tungkol sa Gabi ng Lagim podcast, sagutan ang aming survey: https://forms.office.com/r/nbvpgsESjk
Ang Paghihiganti 02.12.2024 55:18
Madalas na magpakita kay Isabela at sa manliligaw nitong si Adrian ang isang babaeng multo. Plano ng ina ni Isabela na si Aling Maring na umuwi sa Sta. Nympha, nakiusap din ang binatang si Adrian na sumabay dahil matagal na itong hindi nakakauwi sa bayang kinalakihan. Ano ang pakay ng multong madalas magpakita kay Isabela at Adrian? Masusundan kaya sila hanggang sa Sta. Nympha? | Sagutan ang maikl...
Samyo ng Bangkay 25.11.2024 54:00
Pinapatakbo ni Eddie ang isang punerarya na kung saan namamasukan sina Nympha, Poldo, at Japhet bilang mga embalsamador. Sa hindi maipaliwanag na kadahilanan, napansin ni Poldo at ni Japhet na laging si Nympha ang nauutusan ni Eddie sa tuwing may dumarating na bangkay para i-embalsamo. Madalas itong nangyayari sa tuwing bangkay ng isang magandang babae ang inihahatid sa kanilang punerarya. | Para...
Ang Kabayaran 18.11.2024 59:01
Dahil sa kakapusan, namasukan bilang isang kasambahay si Ronalyn sa mansyon nina Don Leonardo at Señora Lotgarda. Bagamat sa una ay pinagbawalan na ito ng ama na si Mang Elmo, ngunit desidido ang disisyete anyos na dalaga na mamasukan upang makatulong sa gastusin sa bahay. Subabayan kung ano ang magiging kapalaran ni Ronalyn sa isa na namang kwento ng Gabi ng Lagim na pinamagatang “Ang Kabayaran.”...
Similar podcasts
Replaio is not a podcast publisher; show names, artwork and audio belong to their authors and are distributed through public RSS feeds.