MOR Entertainment
Dear MOR
Sariwain natin ang nakakaiyak, nakakakilig, nakakatawa, at nakaka-inlove na mga kwentong pagibig, pagkasawi, at pagtatagumpay dito sa #DearMOR. Linggo-linggo tayong maantig sa mga kwento ng ating mga kaMORKada. Ikaw? Anong kwento mo?
Author
MOR Entertainment
Category
Podcast website
Latest episode
Jul 8, 2026
Where to listen?
Podcasts in the app Replaio Radio Coming soonPodcasts are coming to the app soon. Install now and be the first to see a whole new take on podcasts
Episodes
Episode 81: "Akuin" The Ricky Story 21.10.2020 50:16
"Hindi ako selosong boyfriend. Pero kapag ako, may nakitang mali, ibig sabihin, may mali talaga. Kaya ‘wag na ‘wag mo akong masasabihan na ‘wag akong magselos sa kanya dahil may nakikita akong mali." – The Ricky Story – #DearMORAkuin
Episode 80: "Pakawalan" (The Eula Story) 02.10.2020 48:32
"Ang gusto ko, maayos kung ano man yung meron sa’tin! Kahit yung friendship lang Eula, kahit yun man lang matira. Hindi yung ganito na parang hindi natin kilala yung isa’t isa!"
Episode 79: "Memories" (The Jon Story) 01.10.2020 44:25
"Anong gusto niya? Mag-take advantage ako sa kanya? Di naman ako ganoong lalaki. Hindi ko ugaling gumamit ng babae dahil lang sa alam kong kaya kong utuin at maging sunud-sunuran sakin para maramdaman kong lalaking-lalaki ako." - The Jon Story - #DEARMORMemories
Episode 78: "Mare" (The Ronnie Story) 30.09.2020 42:22
"Wala naman masamang umasa ‘di ba? Paano kung sa mga darating na araw, matauhan siya at ma-realize niya na ako pa rin pala talaga ang mahal niya? Na ako pa rin pala ang gusto niyang makasama sa binubuo niyang pamilya?" - The Ronnie Story - #DearMORMare
Episode 77: "Hatakan" (The Denice Story) 29.09.2020 45:07
"Hindi ka nga nambababae, wala ka ngang bisyo, pero matuto ka namang sumeryoso sa buhay! ‘Yun lang naman ang wala sayo eh. ‘Yung determinasyon! Kaseryosohan! Sa madaling salita, ‘yung pagiging lalaki!" – THE DENICE STORY #DearMORHatakan
Episode 76: "Panindigan" (The Tanya Story) 28.09.2020 51:41
“Oo… malaki ang kasalanan ko sa’yo at kahit anuman ang gawin hindi ko na mababalik o mababago yung mga desisyon na nagawa ko noon. Hindi mo alam yung mga pinagdaanan ko kaya humantong ako sa ganung desisyon. Nagawa ko lang rin yun kasi mahal kita.”
Episode 75: "Caregiver" (The Mimi Story) 25.09.2020 52:08
"Wag ka muna magsorry, Hindi ko pa naman sinasabi na gusto nga kita. Confuse pa lang ako. Kaya nga sinasabi ko sayo, maghiwalay na tayo ng landas habang hindi ko pa alam kung may feelings nga ba ako sayo." - The Mimi Story - #DearMORCaregiver
Episode 74: "Love Life" (The Lily Story) 24.09.2020 39:46
"Hmp! Hindi naman totoo ‘yan eh. Nakakailang salo na ako ng bulaklak sa kasal, konting-konti na lang, pwede na akong magpatayo ng flower shop, hindi pa ‘rin naman ako kinakasal. Paasa lang ‘yan!" - The Lily Story - #DearMORLovelife
Episode 73: "Saktan" (The Dennis Story) 18.09.2020 44:01
"Kapag lalaki ang may nagawang kalokohan, kulang na lang putulin ang kaligayahan natin tapos magsasama sama pa silang mga babae na kesyo tama lang ‘yun sa’tin. Pero pag babae ang huling huli mo na nag loloko at nasapak mo sa galit, ikaw pa rin masama!" -The Dennis Story- #DearMORSaktan
Episode 72: "Kulay" (The Ace Story) 17.09.2020 40:17
“Di ba nga, kapag napagod ka, hindi sagot ang sumuko. Magpahinga ka at pagkatapos harapin ulit ang laban ng buhay.” - The Ace Story - DearMORKulay
Episode: 71: "True Colors" (The Benjie Story) 16.09.2020 59:58
Naalala ko lang ‘yung sinabi mo no’n na gusto mong tuparin ang pangako mo sa Mama mo na mag-aasawa ka at bubuo ng pamilya? Kaya mo lang ba niliigawan mo si Marga dahil sa pangako mo sa Mama mo?" -The Benjie Story- #DearMORTrueColors
Episode 70: "No Thanks" (The Marina Story) 15.09.2020 46:16
"MU. Kayo ay nasa magulong usapan. At delikado yang ginagawa nyo, kung umarte kayo para kayong mag jowa pero wala naman kayong karapatan sa isa’t isa..nakikita ko na ang ending nyan, pareho kayong masasaktan." – THE MARINA STORY #DearMORNoThanks
Episode 69: "Bayolente" (The Miko Story) 14.09.2020 51:42
"Wag kang mag-alala Pa, kahit anong mangyari, hinding-hindi ako gagaya sayo. Hinding-hindi ako mananakit ng babae, dahil kapag ginawa ko yun, para narin akong naging katulad mo, hindi alam ang salita respeto!" -The Miko Story- #DearMORBayolente
Episode 68: "Kambal" (The Aliah Story) 11.09.2020 44:55
"Pero ma, aminin mo, mas mahal mo talaga si Allana kesa sakin. Mas iniintindi mo si Allana kesa sakin. Mas gusto mong kasama si Allana kesa sakin. Si Allana, kahit walang okasyon, may regalo yan galing sayo. Pero ako, kahit may okasyon Si papa lang yung nakakaalala magregalo."
Episode 67: "Makisama" (The Camille Story) 10.09.2020 45:07
"Tingin mo ba gugustuhin kong awayin ka kasi trip ko lang? Na bored lang ako sa relasyon natin, ganoon?! Hindi eh! Nagkakaganito ako, kasi ganyan ka! Pwede ba, kung may problema ka sa’kin o sa relasyon natin, sabihin mo! Hindi ‘yung bigla ka na lang manlalamig d’yan na parang wala na lang ako!"
Episode 66: "Lalakero" (The Susan Story) 09.09.2020 46:59
"Kaya ko naman eh. At kaya kong magtiis. Iniisip ko na lang na hindi naman ‘to panghabambuhay. ‘Na balang araw, magiging maayos na ang buhay namin. Tiis-tiis lang muna sa ngayon. Saka na ‘yung pagpapasarap sa buhay." -The Susan Story- #DearMORLalakero
Episode 65: "Ako Sana" (The Jayden Story) 08.09.2020 56:25
"Hindi ka naman niya iniwan dahil may iba siya, iniwan ka lang niya kasi kailangan niyang magpahinga at kailangan niyo ng space sa isa’t isa. Hindi naman porket nasaktan ka niya eh masama na siya at walang kwenta, iniwan ka niya kasi tingin niya, ‘yun ang makakabuti para sa inyong dalawa at para rin sa relasyon niyo." -The Jayden Story - #DearMORAkoSana
Episode 64: "True Friend" (The Raymond Story) 07.09.2020 46:46
“Ang sarap sa pakiramdam na nangyayari na ‘yung mga pangarap ko, pero ang mas nagpapasaya sa’kin eh ‘yung magkasama pa rin tayo habang natutupad lahat ng ‘to.” - The Raymond Story - #DearMORTrueFriend
Episode 63: "Antayin" (The Joselyn Story) 04.09.2020 41:34
"Masarap magmahal, Joselyn. Pero huwag mo ‘ring kakalimutan na masakit ang umasa. Masakit ang maghintay sa wala. Hindi lang dapat puro saya ang iniisip mo, pati na ‘rin ‘yung mga pagsubok na pwede niyong pagdaanan dalawa."
Episode 62: "Iwanan" (The Eli Story) 03.09.2020 43:37
“Oo alam ako hindi ako gwapo, hindi mayaman. At hindi tulad kong taga-deliver lang ng mineral water ang mga tipo mo. Pero sana lang Venna, bigyan mo pa ‘rin ako ng pagkakataon para patunayan sa’yo na kahit mahirap lang ako, mayaman naman ang puso ko sa pagmamahal.”
Episode 61: "Perfect Fit" (The Jimmy Story) 02.09.2020 44:50
"Ayokong magdesisyon tayo ng basta-basta. Dahil ang pagpapakasal, pinag-iisipan ‘yan ng isandaang beses. Hindi naman kasi ‘yan parang sa school, ‘na kapag tinamad kang pumasok, hindi ka na talaga papasok. It’s all about commitment. Ready sa lahat." - The Jimmy Story - #DearMORPerfectFit
Episode 60: "Manager" (The Chaddy Story) 02.09.2020 52:29
"Pagod na pagod na pagod na ako! Alam mo kung gaano karami yung iniisip ko, yung iniintindi ko. Tapos dadagdag ka pa? Sukong-suko na ko eh. Pinipilit ko na lang yung sarili ko na magpatuloy sa araw-araw kasi may mga taong umaasa sa akin!" - The Chaddy Story - #DearMORManager
Episode 59: "Waiting For You" (The Kimberly Story) 02.09.2020 43:20
"Magpasalamat ka kasi may mga magulang kang ganyan kayo kamahal. ‘Yung titiisin na malayo sa inyo, para lang mabigyan kayo ng magandang buhay. May mga magulang ka diyan na walang pakealam sa mga anak nila." -The Kimberly Story- #DearMORWaitingForYou
Episode 58: "Maskulada" (The Jellaine Story) 21.08.2020 45:14
"Sa totoo lang, nahihirapan na ako eh. Kasi kahit anong gawin ko para patunayan sa iyo na ikaw yung gusto ko, na ikaw yung pinipili ko, wala eh. Hindi mo nakikita eh. Ano, kulang pa ba? Meron pa ba akong hindi nagagawa? Sabihin mo lang."
Episode 57: "Pansamantala" (The Jojo Story) 20.08.2020 49:57
"Lahat sa mundong ito pansamantala lang. ‘Yung presensya at pagmamahal na nararamdaman natin? Lahat ‘yun pwedeng maglaho anytime. Kaya dapat alam natin kung paano magtira ng kahit konti lang para sa sarili natin."
Similar podcasts
Replaio is not a podcast publisher; show names, artwork and audio belong to their authors and are distributed through public RSS feeds.