MOR Entertainment

Dear MOR

Society EN ↓ 632 episodes

Sariwain natin ang nakakaiyak, nakakakilig, nakakatawa, at nakaka-inlove na mga kwentong pagibig, pagkasawi, at pagtatagumpay dito sa #DearMOR. Linggo-linggo tayong maantig sa mga kwento ng ating mga kaMORKada. Ikaw? Anong kwento mo?

Author

MOR Entertainment

Category

Society

Podcast website

podcasters.spotify.com

Latest episode

Jul 8, 2026

Where to listen?

Podcasts in the app Replaio Radio Coming soon

Podcasts are coming to the app soon. Install now and be the first to see a whole new take on podcasts

Get it on Google Play Install for free Android 5M+ downloads · 4.8 rating iOS soon

Episodes

Episode 201: "No Choice" (The Erin Story) 27.09.2021

"Huh? Anong issue? Walang issue, kasi friends lang naman kami. Nagiging issue lang naman ang isang bagay, dahil sa mga taong judgemental at mahilig maglagay ng malisya. Uulitin ko, friends lang kami. Yun lang at wala nang iba." – THE ERIN STORY #DearMORNoChoice

Episode 200: "Bumalik" (The Gelo Story) 24.09.2021

"Sa ilang naging boyfriend ko, lagi namang nasa isip ko na sa ‘siya na’. Sabi nga nila, hindi mo naman papatuluyin sa buhay mo ang isang tao kung wala kang balak na pagtagalin siya ‘di ba? Ayokong nagbo-boyfriend para lang masabing boyfriend. Sinasagot ko ‘yung tao, kasi kahit hindi tayo sigurado sa mangyayari bukas, sigurado naman ako sa isang bagay – ‘yun eh willing ako makasama siya panghabangb...

Episode 199: "Natagpuan" (The Beth Story) 22.09.2021

"Sa totoo lang, wala talaga akong alam sa simbahan. Kahit nga sa Diyos mismo. Ang tagal ko nang hindi nakakapagsimba o nakakapasok manlang sa loob ng simbahan. Hindi na rin ata ako marunong magdasal eh." – THE  BETH STORY #DearMORNatagpuan

Episode 198: "Isang Dekada" (The Cindy Story) 20.09.2021

"Eh para saan pang nalaman ko?! Tingin mo ba, kapag nalaman ko automatic na magiging sweet ako sa’yo? Na gusto kita agad?! Pakiramdam ko ngayon naiipit ako eh! Na parang kailangan may feelings rin ako para sa’yo para maging ayos lang ang lahat!" – THE CINDY STORY #DearMORIsangDekada

Episode 197: "Kadugo" (The Susan Story) 17.09.2021

"Pero ayoko na hanggang dito lang ako. Ayokong pantayan ‘yung expectation nila.. gusto kong higitan ‘yun. Kaya walang sukuan at mas lalong wala akong dapat distraction. Saka na ako magjo-jowa kapag mayaman na ako. ‘Yung tipong humihiga na ako sa pera."  – THE SUSAN STORY #DearMORKadugo

Episode 196: "Quarantine" (The Lemuel Story) 15.09.2021

"Anong ayaw!? Kung alam mo lang, gustong gusto ko ng umuwi dyan! Mag dadalawang buwan na ako dito, walang trabaho! Walang makain! Ni hindi ko man lang nakikita sina mama, kapatid ko, ikaw. Tapos ganyan ka pa sakin ha!" #DearMORQuarantine

Episode 195: "Babaero" (The Troy Story) 13.09.2021

"Naduwag kang sabihin sakin na may babae ka? Pero ang tapang tapang mong makipag landian sa iba? Ang galing mo rin eh no!" #DearMORBabaero

Episode 194: "True Love" (The Yvet Story) 10.09.2021

"Nagdasal ako bago pa tayo nagkakilala na sana ibigay niya sa akin ang karapat-dapat na tao. At ikaw yun." -The Yvet Story #DearMORTrueLove

Episode 193: "Nagmamakaawa" (The Carlos Story) 08.09.2021

"Gano’n ang nagmamahal ‘di ba? Hindi madamot. Hindi namimilit. At higit sa lahat, kapag mahal mo, alam mo kung kailan siya dapat ipaglaban o bitawan. Kaya tatanungin kita ngayon... mahal mo ba talaga ako?" - THE CARLOS STORY #DearMORNagmamakaawa

Episode 192: "Mapagpanggap" (The Sandra Story) 06.09.2021

"Basta h’wag mo lang kakalimutan lagi ang bilin ko. Dapat alam mo kung paano pangalagaan at ingatan ang sarili mo, dahil hindi sa lahat ng oras, kasama mo ako. Pumili ka ng tao na marunong mag-alaga at remespeto ng isang babae." – THE  SANDRA STORY #DearMORMapagpanggap

Episode 191: "Himas" (The Susan Story) 05.09.2021

“Buti pa yung mga manok mo pinapakain mo, eh ako ni tanungin kung kumain na ba ‘ko di mo man lang ako tinatanong. Mas gugustuhin ko pa yatang ipagpalit mo ‘ko sa ibang babae kesa dyan sa mga manok mo. Tonyo naman! Manok lang yan! Ako, asawa mo ‘ko!” #DearMORHimas

Episode 190: "Check-In" (The Josh Story) 04.09.2021

“Ganito talaga kasi ‘ko magmahal eh. Lahat gagawin ko, ‘wag lang maagaw sa’kin ‘yung babaeng gusto ko. Gusto ko akin ka lang. At pangako, hinding-hindi ka magsisisi sa desisyon mo. Mahalin mo lang ako, lahat gagawin ko para sa’yo.” #DearMORCheckIn

Episode 189: "Lesson" (The Nicole Story) 02.09.2021

“Magkaiba 'yong gusto sa mahal, Nicole. At siguro? Siguro mahal ka? Siguro lang? Hindi ka pa sigurado? Umayos ka nga.  Iwasan mo 'yan kung hindi, ako ang mawawala sa buhay mo.  Hindi ako natutuwa sa mga ginagawa mo.”   #DearMORLesson  

Episode 188: "Sabik" (The Charlene Story) 31.08.2021

"Hindi kita papakasalan kung alam ko rin sa sarili ko na hindi ako fully committed sa’yo. Simula nang araw na sumagot akong ‘yes’ sa tanong mo, ipinangako na sa sarili ko na sa’yo lang ako." #DearMORSabik

Episode 187: "Labas Masok" (The Tisay Story) 30.08.2021

"Hindi magiging mahirap para sa sating dalawa na gawin yun ng parang wala lang kasi di natin gusto ang isa't-isa... hindi natin kailangan ma conscious sa katawan natin kasi magkaibigan lang naman tayo" #DearMORLabasMasok

Dear MOR Special: “Panghuhusga” (The Reese Story) 27.08.2021

Sabi nila, you can't please everybody, might as well do what will make you happy. Ang daling sabihin pero mahirap gawin. Pero pakinggan natin ang inspiring story ng multi-talented artist na si Reese Lansangan kung papaano mo ito magagawa sa kabila ng panghuhusga ng ibang tao. Dito lang sa special episode ng Dear MOR in partnership with Dove.

Episode 186: "Pangangailangan" (The Trisha Story) Hotness Overload 24.08.2021

  "Eh kasi, iba pa ‘rin kasi talaga ‘yung nagagawa na’tin magkasama’ yung mga bagay na ginagawa ng mga mag-asawa. ‘Yung tipong nararamdaman na’tin yung bawat halik, yakap at ‘lalo na ‘yung init ng isat-isa. Nakakamiss lang kasi talaga hon na kasama kita." #DearMORPangangailangan - The Trisha Story 

Episode 185: "Tukso" (The Jeanne Story) 22.08.2021

"Wala kang dapat ikatakot kasi kakayanin natin ‘to. Malalagpasan natin ang sitwasyon na ‘to at gusto ko, kapag naging maayos na ang lahat... magkasama pa rin tayong dalawa." #DearMORTukso - The Jeanne Story

Dear MOR Special: “Imahe” (The Leanne and Naara Story) 20.08.2021

In a world where everybody is looking and judging, ang hirap kumawala sa imahe na binuo ng ibang tao tungkol sayo. Yung imaheng akala nilang ikaw kahit hindi naman, at minsan, galing pa mismo sa sariling mong kapamilya. Pakinggan natin ang story ng indie pop duo Leanne and Naara kung papaano nila nalagpasan ang mga challenges na ito. Dito lang sa Dear MOR special episode in partnership with Dove.

Episode 184: "First Time" (The Teresa Story) 20.08.2021

"Baka lang kasi dumating ka sa puntong mapagod ka sa akin, tapos ako naman, nasanay na palagi kitang kasama. Kaya kapag nawala ka, baka hindi ko kayanin." #DearMORFirstTime - The Teresa Story

Episode 183: "Kabit" (The Angelie Story) 18.08.2021

"Dahil sa ginagawa mo, ako yung mas nasasaktan. Ako yung nahihirapan. Bitawan mo na lang ako kung hindi mo ako kayang panindigan. Huwag ka ng mangako kung hindi mo kayang tuparin." #DearMORKabit

Episode 182: "Pasimple" (The Gelo Story) 16.08.2021

“Hindi kita yayakapin dahil pinagseselos natin si Aljay. Yayakapin kita kasi concern ako sayo. Kaibigan mo pa rin naman ako kahit na kunwrian lang tong ligawan natin”  -THE GELO STORY #DearMORPasimple

Dear MOR Special: “Standards” (The FANA Story) 13.08.2021

s a young rising artist in the music industry, naging mahirap para kay Fana na tapatan ang expectations at standards ng ibang tao. Lalo na pagdating sa itsura niya, pananamit at kahit pagkilos. So in this episode, let's listen kung papaano hinarap ni Fana ang mga challenges in finding herself and her unique style. Only here at Dear MOR special episode in partnership with Dove.

Episode 181: "Mabilisan" (The Kenneth Story) 11.08.2021

"Ikaw ba, masaya ka pa ba sa relasyon natin? Masaya ka pa ba kapag kasama mo ko? Kinikilig ka pa ba kapag magkachat tayo? Inaabangan mo pa ba yung bawat tawag ko? O okay na sa’yo kahit lumipas yung araw na hindi tayo nagkakausap?" – THE KENNETH STORY #DearMORMabilisan

Episode 180: "Pasarap" (The Roan Story) 09.08.2021

Kahit nakuha mo na ngayon ang lahat ng pinagdasal mo noon, dapat tuloy ka pa ‘rin sa pakikipag-usap sa Diyos. Hindi ‘yung parang hindi mo na Siya kilala dahil maayos ka na ngayon. Kayang-kaya Niyang bawiin ang lahat ng meron ka ngayon. #DearMORPasarap #TheRoanStory

Listen to the Dear MOR podcast in Replaio

Radio and podcasts in one app - free, with no sign-up. Install today and do not miss the launch

Get it on Google Play

Replaio is not a podcast publisher; show names, artwork and audio belong to their authors and are distributed through public RSS feeds.