Jeff and Rhea

Coffee Na Lang Dear

Society EN ↓ 128 episodes

The best pa din talaga ang magkaroon ng deep and meaningful conversations kasama ang mga taong mahalaga sa'yo, especially when you do it with a cup of coffee. Kaya't tara at magkwentuhan tayo habang humihigop ng mainit na kape!** A member of PIPE Network ** Facebook: Coffee Na Lang DearTwitter: @CNLDpodcastInstagram: @CNLDpodcastSupport us: Ko-fi.com/cnldpodcastFor partnership: cnldpodcast@gmail.com#PinoyPodcast #PodcastPH #PhilippinePodcast #FilipinoPodcast

Author

Jeff and Rhea

Category

Society

Latest episode

Sep 16, 2024

Where to listen?

Podcasts in the app Replaio Radio Coming soon

Podcasts are coming to the app soon. Install now and be the first to see a whole new take on podcasts

Get it on Google Play Install for free Android almost 10M downloads · 4.8 rating iOS soon

Episodes

28 - Goals This 2020, Totoo Ba Ang New Year's Resolution, Infinite Game (Simon Sinek) 11.01.2020

Happy new year! Unang podcast namin sa taong 2020 at sa bagong dekada. May mga New Year's resolution ba kayo ngayong taon? Pagda-diet ba 'yan? Pagiging punctual sa trabaho? Pag-iimpok ng pera? Idi-discuss din namin ang Infinite Game at pagkakaroon ng "infinite mindset" para mai-apply natin ito this 2020 at sa mga susunod pang taon. (FB: Coffee Na Lang Dear) (Blog: shadesofwanderer.com) (Credits: V...

27 - Pasko - Noon at Ngayon 09.12.2019

Christmas season na naman! Ito sa tingin ko ang much awaited season nating lahat. :) Kabi-kabila na naman ang mga reunion at party. Ang simoy ng hangin ay unti-unti na ding lumalamig. Pero ramdam niyo pa ba ang Kapaskuhan ngayon? Ano ba ang mga experiences niyo tuwing Disyembre noong kabataan niyo na tingin niyo di nyo na masyadong nagagawa o nararanasan ngayon? Sa episode na ito, samahan niyo kam...

26 - Marajaw Karajaw sa Siargao 17.11.2019

Kilala ang Siargao bilang The Surfing Capital of the Philippines. Pero ano nga ba noon ang Siargao bago pa ito sumikat? Ibabahagi ko ang ilan sa mga naaalala ko nung nabibisita ko ito noong kabataan ko pa. Maging ang naging experience namin ngayong isa na syang tourist destination. Gusto mo din ba i-try ang surfing? Ano pa nga ba ang pwedeng i-expect sa malaking isla na ito? Let's find out.. (FB:...

25 - Solo Traveler/Backpacker 13.11.2019

25th episode na natin mga ka-Kape! Hahah. Silver episode ba itong maituturing? LOL Anyway, sa episode na ito ay pag-uusapan natin ang pagiging isang solo traveler. Boring nga ba talaga 'yun? Nakakalungkot ba? Safe din ba magbyahe ng solo ang mga babae? Join us on this episode na ni-record pa namin outside Luzon. (FB: Coffee Na Lang Dear) (Blog: shadesofwanderer.com) (Credits: Vodovoz Music Product...

24 - All About Sahod ni Mister, Entrega, Pink ATM, atbp.. 03.11.2019

Laging topic sa opisina namin ang pag-eentrega ni mister ng sahod nya sa misis nya, gayun din ang pag surrender nila ng kanilang mga ATM (na nahahawakan lang daw nila tuwing kinsenas at katapusan lang, LOL). Since wala pa naman ako sa ganoong stage, curious ako kung paano nga ba dapat ang set-up ng mga mag-asawa pag dating sa mga sahod at iba pang usapang pinansyal. Join us in our biglaan-podcast...

23 - The Two (2) Minute Rule 21.10.2019

Mahilig ka ba mag-procrastinate? Ako mismo aminado na there are times na ang sarap mag-procrastinate. Ang hirap naman kase pigilan minsan eh, hahah. Pero may nabasa ako na pwedeng makatulong para ma-break 'yun - at ito ay ang "The Two Minute Rule". Ano nga ba ito? Let's find out.. ;)  (FB: Coffee Na Lang Dear) (Blog: shadesofwanderer.com) (Credits: Vodovoz Music Productions) #PinoyPodcast #Po...

22 - Social Media: The Good and The Bad 06.10.2019

FOMO ka ba? Or Fear of Missing Out? Masasabi mo bang addict ka na sa pag-gamit ng social media apps? Ang libro daw kapag binasa mo at nakarating ka na sa dulo, titigil ka na sa pagbabasa kase alam mong tapos na - meaning, may hangganan. Ang social media on the other hand ay may katangiang tinatawag na "endless" or "infinite scroll" - sa madaling salita, walang katapusan. Kaya 'wag ka magtaka kung...

21 - Pareto Principle (80/20 Rule) 02.10.2019

Pareto? Hindi ito yung pagpapa-reto 'pag may liligawan ah? Isa itong principle or yung tinatawag na 80/20 rule. Paano ba natin ito maa-apply sa pang araw-araw nating pamumuhay? Let's find out. (FB: Coffee Na Lang Dear) (Blog: shadesofwanderer.com) (Credits: Vodovoz Music Productions)

20 - Parkinson's Law 28.09.2019

Hindi po. Hindi po ito yung Parkinson's disease, iba 'yun. At lalung hindi rin ito klase ng batas. So ano nga ba 'yan? Di ko na ilalagay sa description. Pakinggan na lang natin ng sabay-sabay sa panibagong episode na namang muli ng Coffee Na Lang Dear Podcast. :) (FB: Coffee Na Lang Dear) (Blog: shadesofwanderer.com) (Credits: Vodovoz Music Productions) #PinoyPodcast #PodcastPH #CoffeeNaLangDear #...

19 - Seven (7) Habits of Highly Effective People (Summary) 21.09.2019

Halos tatlong dekada na mula ng mailathala ang librong ito ni Steven Covey, pero hanggang ngayon ay napaka epektibo pa din itong i-apply sa ating buhay. Sa episode na ito, idi-discuss namin ang maikling kahulugan at halimbawa ng bawat-isang "habit" na nabanggit sa aklat na ito. (FB: Coffee Na Lang Dear) (Blog: shadesofwanderer.com) (Credits: Vodovoz Music Productions) #PinoyPodcast #PodcastPH #Cof...

18 - Buhay Corporate (Job Hopping, Tsismis, Office Affairs, Retirement) 15.09.2019

Matagal ka na bang nasa corporate world o mahilig ka magpalipat-lipat ng company? Mas prefer mo ba mag settle ng matagal sa company na pinagtatrabahuan mo or mas gusto mo mag explore ng iba't-ibang opportunities? Pag-usapan natin ang mga 'yan sa episode na ito at ang iba pang nangyayari sa opisina gaya ng mga tuksuhan, mga reklamo sa asawa, atbp.. #PinoyPodcast #PodcastPH #CoffeeNaLangDear #CNLD

17 - (Conspiracy: Part 2) Area 51, Stonehenge, Easter Island, Nazca Lines, Pyramids 09.09.2019

Ito na ang part 2 ng ating episode for conspiracy therories. Bakit nga ba ipinagbabawal ang paglapit sa Area 51? Dito ba talaga ginagawa ang mga flying saucers or yung madalas nakikita nating UFO? Paano nga ba nabuo ang Nazca lines? Paano naitayo ang mga bato sa Stonehenge, Easter Island at ang mga Pyramids? Alien nga ba ang may gawa nito? #PinoyPodcast #PodcastPH #CoffeeNaLangDear #CNLD

16 - (Conspiracy: Part 1) Time Traveler, Secret Society, The Simpsons, US Presidents 08.09.2019

Ang assasination plot ba ng mga US Presidents ay nataon lang or naka-pattern at planado na talaga noon pa? Totoo nga bang may time traveler? At ano bang misteryo ang meron sa The Simpsons na marami silang nape-predict na mangyayari sa future? Talakayin natin yan sa Part 1 ng episode natin patungkol sa mga conspiracy theories. #PinoyPodcast #PodcastPH #CoffeeNaLangDear #CNLD

15 - All About Books, Reading & MIBF 07.09.2019

Mahilig ka ba magbasa ng libro? Hindi ako bookworm pero nagbabasa pa din naman ako ng mga libro from time to time. On this episode pag-uusapan natin ang mga bagay patungkol sa libro, pagbabasa at ang gaganaping Manila International Book Fair (MIBF) next week. #PinoyPodcast #PodcastPH #CoffeeNaLangDear #CNLD #Libro #Aklat #MIBF

14 - From Working In A Corporate To Being A Stay At Home Mom 27.08.2019

Ano bang mga adjustments ang nararanasan ng mga stay at home moms na dati'y galing sa corporate world? What are the things to consider kung dapat na nga bang i-give up ang working career sa pagiging isang full-time na Nanay? Pag-usapan natin 'yan sa episode na ito kasama si Mommy blogger Jhem (adbontures.wordpress.com). PinoyPodcast #PodcastPH #CoffeeNaLangDear #CNLD

13 - Cinemalaya and Pinoy Indie Films 10.08.2019

As of today (Aug 10, 2019), on-going pa din ang showing (sa CCP Complex) ng mga pelikulang kalahok sa Cinemalaya. Pero ano nga ba ang Cinemalaya? At ano ba ang magandang naidudulot nito sa mga baguhan nating film makers and producers? Idi-discuss din namin sa episode na ito ang experience namin sa pag-attend ng gala night, sa pagnood sa CCP Main Theather (Tanghalang Nicanor Abelardo), at sa pagtat...

12 - Managing Your Finances 27.07.2019

"Pare, may problema ako eh." - Ano yun? "Financial.." Lagi na lang daw si Financial ang nasisisi. Critical wallet day. Broke. Butas na ang bulsa. Pitaka de peligro. Pamilyar ba yung mga term? Sa episode na ito tatalakayin natin kung paano ba i-manage ang ating mga finances. Ano nga ba ang emergency fund? Importante ba ang pagkuha ng insurance? Needs ba o wants? At iba pang mga bagay patungkol sa k...

11 - Working in Retail Industry 19.07.2019

Ang topic natin sa episode na ito ay about retail industry. Ano ba ang retailing? Ang sabi ni Mr. Webster, retailing means all activities involved in selling goods or services directly to the final consumers.. Ang guest natin ay nagtrabaho sa isang malaki at sikat na RTW store. Dito daw sa trabaho na ito nasubok ang kanyang pasensya at pagkatao. Kung bakit, halina't samahan niyo kami sa episode na...

10 - Tipid Travel Tips & Tricks 13.07.2019

Sinong nagsabi na kailangan mong maging mayaman para makapag-travel? Sa panahon ngayon, kahit sino pwede nang makapag-byahe basta marunong ka lang dumiskarte.. Paano ba makaiskor ng piso fare? Mas okay ba mag-avail ng package tour or mag-DIY? Sa episode na ito isi-share ko ang ilan sa mga diskarte ko para makapag travel on a budget.. Note: Salamat nga pala kay Chams (chamsicles.wordpress.com) sa p...

09 - Buhay Call Center at Graveyard Shift 10.07.2019

Eksperto sa power nap. Hindi na daw kilala ng mga aso nila. Mga naka ID kahit nasa jeep. Or naka jacket kahit may araw na. Ilan lang ‘yan sa mga senyales o side effects daw ng pagiging isang call center agent. Pero ano nga ba talaga ang buhay call center?  On this episode, we will discuss what it’s like to work in a graveyard shift and as a call center agent. My friend, Meg, (who works in BPO...

08 - Q & A portion feat. Rhea Angeline 06.07.2019

Paano ba i-describe ang masarap na ice cream? How to handle stress? Ideal man/woman? At iba pang mga random questions ang isa-isa naming sasagutin sa Q & A portion ng podcast na ito, kasama si Rhea Angeline (ang pagbabalik, hahah). Gawin ko na ba syang co-host? Tell us what you think.. PinoyPodcast #PodcastPH #CoffeeNaLangDear #CNLD

07 - Japan Trip: My 17 Observations 29.06.2019

Voltes V, Astro Boy, Gundam, Dragon Ball Z, Ghost Fighter, Flame of Rekka, Hunter X Hunter, Time Quest, Lupin III, Detective Conan, Mojako, Doraemon - ito ay ilan lamang sa mga Japanese cartoons na kinalakihan ko.. Pero hindi 'yan ang tatalakayin natin ngayon, kundi ang labimpitong obserbasyon ko nung nagtravel ako sa Tokyo, Japan.. Masunurin nga ba talaga sila sa pedestrian? Bakit maraming lasing...

06 - On-the-spot Interview Sa Akin Ng Previous Guest Ko (All about podcast) 27.06.2019

Sa last episode ko, ininterview ko ang kaibigan kong si Jas na mahigit sampung taon na sa larangan ng recruitment. Siya ang inilagay ko sa hot seat sa episode na 'yun. Pero mukhang nasa dugo na talaga niya ang pagtatanong at pag-iinterview, kaya hindi na niya natiis na ako naman ang i-counter interview. And as usual, si Rhea ay nandoon din pero hindi para magtanong, kundi para tumawa.. Sa episode...

05 - Mga Dapat Tandaan Kapag Sasabak Ka Sa Isang Job Interview 26.06.2019

Isa sa mga proseso na dapat nating pagdaanan kapag tayo ay mag-aapply ng trabaho ay ang interview.. Sa episode na ito kakapanayamin natin ang aking kaibigang si Jas na mahigit isang dekada na sa mundo ng recruitment.. Iba't-ibang klase na ng tao ang mga nainterview nya, at may araw din na umabot ng 400+ ang ininterview nya sa isang shift lang. Halina't talakayin natin ang mundo ng recruitment at i...

04 - Pamumundok, Facebook Mountaineer, Harkor, atbp.. 20.06.2019

Mahilig ka ba mamundok? Or nagpa-plano pa lang sa una mong climb? Sa episode na ito inimbitahan ko ang aking blogger friend na si James Canilao (nostalgicquest.wordpress.com) upang pag-usapan ang kabundukan, facebook mountaineer, harkor "kuno", at marami pang iba.. (Mt. Apo, Pinatubo, G2, Halcon, at Dulang Dulang ay ilan lamang sa maraming bundok na naakyat na ni James) #PinoyPodcast #PodcastPH #C...

Listen to the Coffee Na Lang Dear podcast in Replaio

Radio and podcasts in one app - free, with no sign-up. Install today and do not miss the launch

Get it on Google Play

Replaio is not a podcast publisher; show names, artwork and audio belong to their authors and are distributed through public RSS feeds.