Barangay LS 97.1 Manila | GMA Network Inc.
Barangay Love Stories
These are the weekly stories of love, life and hope (ang mga kuwento ng buhay, pag-ibig at pag-asa) from the listeners of Barangay LS 97.1 FM. Listen to Papa Dudut as he reads the letters of our 'Kabarangays' heartfelt experiences. The dramatization will bring you closer in feeling the joy, pain and everything in between of love & life. Siguradong relate-much ka dito. Thank you for making this podcast NUMBER 1 in the Philippines.
Author
Barangay LS 97.1 Manila | GMA Network Inc.
Category
Podcast website
Latest episode
Jul 10, 2026
Where to listen?
Podcasts in the app Replaio Radio Coming soonPodcasts are coming to the app soon. Install now and be the first to see a whole new take on podcasts
Episodes
EP 646: "Nabuong Lamat" with Papa Dudut 27.03.2026 43:40
Tulad ng kumukulong tubig, nagiging malabo ang lahat ng nasa iyong paligid kaya huwag muna magdesisyon kung ang ulo mo ay mainit. Pakinggan ang kwento ni Jim sa Barangay Love Stories.
EP 645: "Paninindigan" with Papa Dudut 26.03.2026 49:21
Sa parehong lugar lang nakatira sina Harvey at ang teacher ng pamangkin niya. At dahil sa kabutihang loob ng guro, sinasabay na niya pauwi ang bata pagkatapos ng klase. Kaso ang pamangkin ni Harvey, pinagseselosan ng kasintatan niya. At mas lalo pa itong naiinis sa tuwing nakikita niya ang teacher ng bata. Pakinggan ang kwento ni Harvey sa Barangay Love Stories.
EP 644: "Pagbigyan" with Papa Dudut 25.03.2026 46:41
Kahit pareho ng kinalakihan na tahanan ang magkakapatid, nagkakaiba-iba pa rin ang kanilang mga pananaw at plano sa buhay. Pakinggan ang kwento ni Topher sa Barangay Love Stories.
EP 643: "Bawi" with Papa Dudut 24.03.2026 43:09
Ang pagkakamaling hindi pinagsisihan ay maaaring magpahamak sa iyo kinabukasan. At baka kailanganin mo ng habang buhay upang ito ay pagbayaran. Pakinggan ang kwento ni JD sa Barangay Love Stories.
EP 642: "Mananatili" with Papa Dudut 23.03.2026 37:40
Sakit sa ulo ang unang karelasyon ni Nancy. Bukod sa mapanumbat, mapanakit din ito kaya isang matapang na desisyon ang kanyang ginawa - iniwan niya ito at sinama niya ang kanilang anak. Kahit nakalayo na, bagong problema naman ang kinaharap niya nang nakitira ulit siya sa bahay ng kanyang ina. Pero tinanggap niya lahat ang bunga ng kanyang pagkakamali hanggang sa muli siyang bigyan ng pangalawang...
EP 641: "Wagas" with Papa Dudut 20.03.2026 45:02
Hindi gamit ang mga anak na basta mo na lang iiwan kung ayaw mo na. At saka na lang babalikan kapag gusto mo nang magpaka-ina. Pakinggan ang kwento ni Alma sa Barangay Love Stories.
EP 640: "Pulbo" with Papa Dudut 19.03.2026 44:07
Sa masasakit na salita nabuhay at tumanda si Alvin. Kaya kahit tanggap na siya ng kanyang kasintahan dahil mabuti naman siyang tao, gusto niya pa ring baguhin ang kanyang itsura dahil hindi niya pa rin talaga matanggap ang kanyang sarili. Pakinggan ang kwento ni Alvin sa Barangay Love Stories.
EP 639: "Book Cover" with Papa Dudut 18.03.2026 48:13
Matuto ka sa iyong pagkakamali at huwag na itong ulit-ulitin pa dahil siguradong ang masasaktan mo ay darami pa. Pakinggan ang kwento ni Eros sa Barangay Love Stories.
EP 368: "Maagang Pasko" with Papa Dudut 17.03.2026 46:23
Hindi kailangang may okasyon para iparamdam sa mga mahal sa buhay na importante sila. Ang makasama sila sa araw-araw ay malaking biyaya. Pakinggan ang kwento ni Fatima sa Barangay Love Stories.
EP 637: "Kahapong Nagdaan" with Papa Dudut 16.03.2026 42:27
Nang makipaghiwalay ang long-term girlfriend ni James, nahirapan siyang magpatawad. Sobra siyang nasaktan pero kailangang magpatawad upang makapagpatuloy sa buhay. Kaya nang makilala niya si Melissa, muling natutong magmahal ang kanyang puso. Ngunit sa pagnanais ni Melissa na makabuo sila ng sariling pamilya, ito ang susubok sa kanilang pagsasama. Pakinggan ang kwento ni James sa Barangay Love Sto...
EP 636: "Magpaubaya" with Papa Dudut 13.03.2026 46:16
Ngayon lang ulit nagkaroon ng kaibigan si Hilda. Masaya naman kaso ang taong iyon ay nanay ng anak ng kanyang kinakasama. At may hiling ito sa kanya na hindi niya alam kung paano pagbibigyan. Pakinggan ang kwento ni Hilda sa Barangay Love Stories.
EP 635: "Ahente" with Papa Dudut 12.03.2026 43:06
Kapag mahal mo ang iyong pamilya, gagawin mo talaga ang lahat para masuportahan sila. Ganyan nga si Stacey sa mga mahal niya pero may malaki siyang problema, hindi sila marunong magpahalaga sa mga pagsisikap niya. Pakinggan ang kwento ni Stacey sa Barangay Love Stories.
EP 634: "Dasurv" with Papa Dudut 11.03.2026 43:04
Pagsikapan ang mga bagay na nais mong mabili ngunit huwag ipilit kung hindi naman talaga kaya lalo kung ang solusyon mo ay mangutang na sa iba. Pakinggan ang kwento ni Janet sa Barangay Love Stories.
EP 633: "Coffee Shop" with Papa Dudut 10.03.2026 42:34
Mahirap sumugal at aminin ang iyong tunay na nararamdaman. Pero mas mahirap magsisi dahil hindi ka man lang nagpakatotoo hanggang sa huli. Pakinggan ang kwento ni Arnold sa Barangay Love Stories.
EP 632: "Furdad" with Papa Dudut 09.03.2026 39:08
May iba-ibang priorities ang bawat tao sa kanilang buhay. Para kay Alicia, nais niyang tapusin muna ang kanyang postgraduate studies. Kaya nang makilala niya ang aspiring lawyer na si Desmond, kahit gusto niya ang binata, pinigilan niya muna ang nadarama niya. Wala namang balak si Desmond na guluhin ang mga plano ni Alicia pero gusto na niyang siguraduhin na may kinabukasan silang magkasama. Pakin...
EP 631: "Pinagkaloob" with Papa Dudut 06.03.2026 43:47
May mga panalangin tayong hindi agad ipinagkakaloob sa atin. Kaya habang naghihintay tayo, ihanda natin ang ating sarili sa hamon na kaakibat nito. Pakinggan ang kwento ni Maricon sa Barangay Love Stories.
EP 630: "Pakawala" with Papa Dudut 05.03.2026 43:59
Minsan, ang magkaibang paniniwala ay gulo ang dala. Pero pakinggan din ang panig nila dahil baka sila pala talaga ang tama. Pakinggan ang kwento ni Bea sa Barangay Love Stories.
EP 529: "Sorbetes at Labada" with Papa Dudut 04.03.2026 45:54
At sa dami ng iyong pinagdaanan na sakit, sana sa dulo ay sarili mo pa rin ang iyong piliin. Pakinggan ang kwento ni Nathan sa Barangay Love Stories.
EP 628: "Golden Rule" with Papa Dudut 03.03.2026 40:19
Kung sakaling nahanap mo na ang makakasama mo sa habang buhay, tandaan na sa hirap man o sa ginhawa kailangang kayo ang magkakampi sa lahat ng hamon ng buhay. Pakinggan ang kwento ni Tonio sa Barangay Love Stories.
EP 627: "Hindi na Sana" with Papa Dudut 02.03.2026 36:41
Ang pagiging magulang ay isang napakalaking responsibilidad kaya dapat pagplanuhan nang maigi ang pagbuo ng pamilya. Mahirap magpalaki ng anak kaya dapat maging handa upang walang bata ang lumaking tulad ni Manny na bukod sa barumbado na, nagtanim pa ng galit sa kanyang ina dahil ito ang sinisisi niya kung bakit sila iniwan ng babaero nilang tatay. Pakinggan ang kwento ni Manny sa Barangay Love St...
EP 626: "Kintsugi" with Papa Dudut 27.02.2026 49:42
Walang masama sa pagtulong pero alamin mo rin kung hanggang saan lang ang kaya mong ibigay dahil baka ikaw naman ang maupos at bumigay sa buhay. Pakinggan ang kwento ni Mabelle sa Barangay Love Stories.
EP 625: "Sa Muling Pagkikita" with Papa Dudut 26.02.2026 36:06
Ang pagpapatawad ay hindi lang para sa taong nagkasala sa iyo kun'di mas lalo para sa sarili mo. Pakinggan ang kwento ni Millet sa Barangay Love Stories.
EP 624: "Cassava" with Papa Dudut 25.02.2026 43:54
Ang unang hakbang sa tunay na pag-ibig ay ang pagiging matapat muna sa iyong sarili. Pakinggan ang kwento ni Cassandra sa Barangay Love Stories.
EP 623: "Kunsinte" with Papa Dudut 24.02.2026 48:58
Walang masama kung susundin mo ang nagpapasaya sa iyo. Pero dapat ay wala kang tinatapakang tao sa pag-abot ng mga ito. Pakinggan ang kwento ni Niro sa Barangay Love Stories.
EP 622: "Patong-Patong" with Papa Dudut 23.02.2026 40:25
Pagtanggap mula sa kanyang ama ang hinahanap-hanap sana ni Jerico. Kaso dahil homophobic ang kanyang tatay, mukhang malabo niyang makamit ang pangarap na iyon. Buti na lang ay nandyan ang kanyang ina na kahit kailan, hindi nagbago ang pagtrato sa kanya. Pakinggan ang kwento ni Jerico sa Barangay Love Stories.
Similar podcasts
Replaio is not a podcast publisher; show names, artwork and audio belong to their authors and are distributed through public RSS feeds.