Barangay LS 97.1 Manila | GMA Network Inc.

Barangay Love Stories

Society FIL ↓ 723 episodes

These are the weekly stories of love, life and hope (ang mga kuwento ng buhay, pag-ibig at pag-asa) from the listeners of Barangay LS 97.1 FM. Listen to Papa Dudut as he reads the letters of our 'Kabarangays' heartfelt experiences. The dramatization will bring you closer in feeling the joy, pain and everything in between of love & life. Siguradong relate-much ka dito. Thank you for making this podcast NUMBER 1 in the Philippines.

Author

Barangay LS 97.1 Manila | GMA Network Inc.

Category

Society

Podcast website

www.gmanetwork.com

Latest episode

Jul 10, 2026

Where to listen?

Podcasts in the app Replaio Radio Coming soon

Podcasts are coming to the app soon. Install now and be the first to see a whole new take on podcasts

Get it on Google Play Install for free Android 5M+ downloads · 4.8 rating iOS soon

Episodes

Episode 49: "Yaman Sa Basura" 07.08.2017

Si Jenina ay lumaking mahirap pero hindi niya inakala na sa basurang kinakalkal niya araw-araw ay matatagpuan ang yaman na walang katumbas na halaga, ang pagmamahal.

Episode 48: "Saving Anton" 31.07.2017

Lahat ginawa ni Carabelle para maisalba ang buhay ni Anton na espesyal sa kanya. Pero paano na lang kung ang tao na gusto niyang masagip ay ayaw namang magpasagip?

Episode 47: "I Love You BF ni Ate" 24.07.2017

Anong gagawin mo kung isang araw naramdaman mo na lang na crush mo ang bf ng ate mo? Pakinggan ang blockbuster story ni Jena na pinag-usapan sa social media dito sa Barangay Love Stories Podcast.

Episode 46: "Salawahan si Misis" 12.07.2017

Madalas tayong makarinig ng kuwento ng pangangaliwa. Yung kwentong si Mister, niloko si Misis. Pero paano kung baliktad, si Misis...niloko si Mister. Sa kuwento ni Paul, niloko siya ng asawa niya noong nasa ibang bansa pa siya.

Episode 45: "My Pledge of Love" 03.07.2017

Sa kuwento ni Aling Cecilia, malalaman natin na may tao palang kayang maghintay ng forever sa taong pinakamamahal niya. Pero, paano kung ang hinihintay niyang si Mang Brando ay hindi na darating?

Episode 44: "Pangakong Napako" 21.06.2017

Paano mo haharapin ang katotohanan na ikinasal ka sa taong pina-ikot ka lang? Pakinggan ang kwento si Shirley a.k.a. Tisay sa Barangay Love Stories Podcast.

Episode 43: "Pagpapatawad" 06.06.2017

Sadyang kay hirap ang magpatawad lalo na kung sobrang dami na ng nagawang kasalanan sa 'yo ng isang tao. Pero may ilan na hindi napapagod na gawin ito, kahit sobrang sakit na, nagagawa pa ring magpatawad at isa dito si Lia.

Episode 42: "Babaeng Lalake" 30.05.2017

Hayaan mong sa ating kuwento ay maintindihan at maunawaan mo ang iyong totoong pagkatao sa kung sino ka, hindi base sa sinasabi ng iba, kundi sa idinidikta ng iyong puso. Pakinggan ang kontrobersyal na istorya ni Barbara.

Episode 41: "Gantimpala ni Tatay" 11.05.2017

Sa kabila ng kahirapang hinaharap natin, mahalagang hindi tayo nagsasawang magpakita ng kabutihan sa kapwa. Dahil hindi natin alam, kung anung magandang maidudulot nito sa atin balang araw.

Episode 40: "Iniwan" 01.05.2017

Paano kung ang taong gusto mong kasama sa panahong tinatamasa mo ang tagumpay ay wala na? Paano mo mararamdaman na magpatuloy at maging masaya ngayong wala na sya? Yung taong dati mong kasamang nangangarap?

Episode 38: "Ampon" 17.04.2017

“Poverty is not a hindrance to success.” Sa mga kabarangay nating mahihirap, ito ang mga katagang pinanghahawakan nila para magtagumpay sa buhay. Tulad ni Grey na lahat ay gagawin para sa mga taong mahal nya.

Episode 37: "Rebelasyon ni Tanya" 30.03.2017

Paano kung ang inakala mong nag-ampon sa 'yo ay tunay mo palang ama? Paano kung ang minahal mo ay iiwan ka din pala? Maraming sakit at rebelasyon ang matutuklasan ni Tanya sa Barangay Love Stories.

Episode 36: "Visa" 21.03.2017

Si Laura, tulad ng marami sa atin ay maraming pangarap. Isa roon ay ang maiahon sa hirap ng buhay ang ina. At ang paraan na naisip nya ay magpakasal sa isang foreigner. Matagpuan kaya nya ang tunay na kaligayahan kung papatol sya sa fix marriage?

Episode 35: "Video Call" 09.03.2017

Mahirap man ang long distance relationship, mayroon nang mga paraan ngayon para mapalapit sa taong mahal mo. Ang tanong, matagalan kaya nila Janette at PJ ang pangakong maghihintay at magmamahalan sa kabila ng malayong distansya?

Episode 34: “Panaginip” 01.03.2017

Sabi ng karamihan kabaligtaran sa totoong buhay ang ibig sabihin ng mga panaginip, pero paano kung dito mo din pala mahahanap ang kasagutan sa mga katanungang matagal ng gumugulo sa isipan mo?

Episode 33: "The Mistress" 16.02.2017

"Mistress," sa tuwing maririnig natin ang salitang yan ay isa lang ang pumapasok sa ating isipan, masama silang tao. Sila yung mga babaeng sumisira ng pamilya. Paano nga ba matatakasan ng isang lalaki ang tuksong hatid ng mga katulad nila?

Episode 32: "Artista" 01.02.2017

Nakalimot na ba sya? Yung taong minsan ay nangako sa'yo na kahit anong mangyari ay walang magbabago sa pagsasama ninyong dalawa? Si Yasi kasi hindi alam kung nakalimutan na ba sya o natatandaan pa ng kaibigan at minahal nya na ngayon ay artista na.

Episode 31: "Chicharong Bulaklak" 25.01.2017

Sa pag-ibig hindi sapat ang salita lang para malaman nyang mahal mo sya, kapag mahal mo ang isang tao kalakip nito ang pagtanggap sa kung sino sya at kung hanggang saan lang ang kaya nyang ibigay sa'yo.

Episode 30: "Widow" 19.01.2017

Sabi nga nila habang may buhay may pag-asa, pero paano kung laging nawawala ang mga taong minamahal mo? Pakinggan ang istorya na nag viral at tumabo ng comments sa Facebook ng Barangay Love Stories.

Episode 29: "Insomnia" 12.01.2017

Bakit nababagabag si Vina at hindi makatulog? Alamin ang dahilan kung bakit tila may insomnia siya sa kanyang Barangay Love Story.

Episode 28: "Ang Disyembre ko ay malungkot" 06.01.2017

Sa tuwing sasapit ang Pasko, sarado ang puso ni Lira. Bakit kaya? Oras na nga ba para patawarin ni Lira ang sarili sa pagtalikod sa isang araw na dati naman ay masaya? Masaya habang kasama siya.

Episode 27: "Sakit Sa Likod Ng Tagumpay" 22.12.2016

Habang may pagkakataon, ipadama mo sa mga taong nagmamahal sa 'yo ang halaga nila sa buhay mo. Dahil hindi natin alam kung kailan ang huling sandali na makakasama natin sila.

Episode 26: "Single Mom" 06.12.2016

Maraming pagkakamali sa takbo ng buhay ni Olimae pero nagpapasalamat pa rin siya sa Diyos dahil nanatili siyang matatag. Kung may lalaki mang tatanggap sa kanya kahit na single mom siya, handa siyang buksan ang puso muli.

Episode 25: "Pag-ibig ko na ayaw mo" 24.11.2016

"Ikaw na nga ang minamahal, ikaw pa ang may ayaw." Para yan sa lalaking lubos na minahal ni Kylie. Si Sam na kahit minsan ay hindi man lang lang umano napansin ang pag-ibig na alay niya. Ikaw anong gagawin mo, susuko o patuloy na maghihintay?

Episode 24: “Bayad sa Utang na Loob" 16.11.2016

Nalilito si Joana kung sino ang pipiliin nya si Jaime o si Zoren... Ngunit sa pagtagal ng araw, isa sa kanila ay susuko dahil sa pagtanaw ng utang na loob? Sino kaya sa kanilang tatlo ang susuko at anong klaseng utang na loob i

Listen to the Barangay Love Stories podcast in Replaio

Radio and podcasts in one app - free, with no sign-up. Install today and do not miss the launch

Get it on Google Play

Replaio is not a podcast publisher; show names, artwork and audio belong to their authors and are distributed through public RSS feeds.