Barangay LS 97.1 Manila | GMA Network Inc.

Barangay Love Stories

Society FIL ↓ 723 episodes

These are the weekly stories of love, life and hope (ang mga kuwento ng buhay, pag-ibig at pag-asa) from the listeners of Barangay LS 97.1 FM. Listen to Papa Dudut as he reads the letters of our 'Kabarangays' heartfelt experiences. The dramatization will bring you closer in feeling the joy, pain and everything in between of love & life. Siguradong relate-much ka dito. Thank you for making this podcast NUMBER 1 in the Philippines.

Author

Barangay LS 97.1 Manila | GMA Network Inc.

Category

Society

Podcast website

www.gmanetwork.com

Latest episode

Jul 10, 2026

Where to listen?

Podcasts in the app Replaio Radio Coming soon

Podcasts are coming to the app soon. Install now and be the first to see a whole new take on podcasts

Get it on Google Play Install for free Android 5M+ downloads · 4.8 rating iOS soon

Episodes

Episode 99: "Pait ng kahapon" 23.07.2018

May bahagi ba ang iyong nakaraan na kinamumuhian mo nang balikan? Si Melanie nagkaroon ng hindi matatawarang tapang para i-share ang kanyang masakit na nakaraan sa Barangay Love Stories.

Episode 98: "Fight for love" 16.07.2018

Naniniwala ka ba na ang pag-ibig na ipinaglaban ay pwedeng magtapos sa happy ending?

Episode 97: "Sugal" 11.07.2018

?Para saan ba ang pagibig? Sapat na ba na mahal nyo ang isa't isa? Sa classic story na ito ay susugal daw si Jane para kay GB.

Episode 96: "Nag-iisang Pamilya" 02.07.2018

Ano nga ba ang basehan ng isang tao para masabing mayroon syang isang pamilya? Sa ating kuwento ngayong araw na ito, bibigyan ng ating bida ng ibang depinisyon ang salitang PAMILYA.

Episode 95: "Fangirl" 25.06.2018

Hanggang saan mo kayang maging fan sa taong sasaktan ka lang?

Episode 94: "Mother's Love" 18.06.2018

Kahit kailan ay hindi matutumbasan ng kahit na anong yaman sa mundo ang pagmamahal ng ating mga Ina. Ngunit ang ating mga Ina ay tao rin na minsan ay nagkakamali. Paano kung ang ating ina mismo ang maglagay sa atin sa alanganin?

Episode 93: "Knight in Shining Armor" 11.06.2018

Sa buhay posibleng maranasan mo ang lahat ng sakit, paghihirap at kabiguan, pero ang mahalaga ay kung paano nagsilbing inspirasyon ang kabiguang yun para patuloy kang magsumikap para marating ang tuktok ng tagumpay---kasama ang mga mahal mo sa buhay.

Episode 92: "Chubby is the new Sexy" 04.06.2018

Si Angge aminadong mataba at aminadong di naging madali sa kanya ang araw-araw dahil panay puna sa kanyang pangangatawan ang mga taong nakapaligid sa kanya. Damayan natin sya sa kanyang kwento. Pakinggan ang mga lihim sa ilalim ng bilbil ni Angge.

Episode 91: "Relationship Goals" 28.05.2018

Yung mamahalin ka kahit na hindi ka karapatdapat mahalin? Pero hanggang kelan? Alamin sa kuwento ni Lendel.

Episode 90: "Beautiful Heart" 21.05.2018

Ang pisikal na anyo ba talaga ang tamang basehan ng totoong kagandahan? Paano na lang ang sinasabi ng kalooban mo, kung sa pisikal na anyo mo palang eh nahusgahan ka na ng ibang tao?

Episode 89: "Long Distance Relationship" 14.05.2018

Long Distance Relationship o LDR, marami ang nagsasabi na ang isang relasyong malayo ka sa taong mahal mo ay imposibleng magtagal pero bakit nga ba? Pwede kayang dahil sa tukso? O sa simpleng pangungulila lamang ng puso?

Episode 88: "Poot vs. Kapatawaran" 07.05.2018

Lahat tayo ay may kamaliang nagagawa sa buhay. Kapag nagkataon ba, handa ka pa ring patawarin ang mga mahal mo sa buhay kahit sobrang sakit na ng nagawa nila? Sapat na bang dahilan ang galit sa nakaraan para magkasira na ng tuluyan?

Episode 87: "Anghel ni Angie" 30.04.2018

“Maliwanag na bukas,” may pag-asa pa kayang makamtam ng isang taong nakaranas ng madilim na kahapon? Pakinggan ang istorya ni Angie nasaktan, naglayas, nadapa at muling bumangon.

Episode 86: "Online Pag-ibig" 25.04.2018

Magaling daw sa online business si Mary Joy, sa katunayan lahat nabebenta nya online. Sa pagkakataong ito hindi lang daw item ang magiging mabenta sa kanya kundi pati puso at pag-ibig nya. Kilalanin din ang loyal lover/costumer nyang si Jayson sa BLS.

Episode 85: "Forgive and Forget" 16.04.2018

“Forgive so that you will be forgiven," Pero yung totoo? Gaano nga ba kadali ang magpatawad sa taong lubos kang nasaktan? Paano kung yun lang ang tanging paraan para makamit mo ang peace of mind? Magpapatawad ka ba?

Episode 84: "Suplado si Crush" 09.04.2018

Makulit at masayahin si Jessie at lahat daw ginawa nya mapansin lang ng kababata/super crush nya. Ang tanong bakit di pa rin sya mapansin? Ikaw gagayahin mo ba si Jessie sa mga pacute at pacharm nya?

Episode 83: "Kaibigan ko ang kaaway ko" 02.04.2018

Paano kung ang kaibigan mo ay inagaw ang asawa mo? May chance pa kaya na magkaayos kayo? Eh si mister mapatawad mo pa kaya?

Episode 82: "Sins of the father" 28.03.2018

Kung ikaw si Rico mapatawad at mamahalin mo pa rin ba ang anak ng taong nag-alis sa 'yo ng karapatan na magkaroon ng kumpletong pamilya?

Episode 81: "Mother's Love" 19.03.2018

Isa sa pinakadakilang pag-ibig ay ang pag-ibig ng isang ina sa kanyang anak dahil wala itong katulad at walang hanggan. Pero paano kung binaliwala mo? Makabawi ka pa ba?

Episode 80: "Manggagamit" 12.03.2018

Sa gulong ng buhay may mga pagkakataon talaga na mararamdaman mong tila lagi ka na lang nasa ibaba, yung parang naiinip ka na sa bagal ng pag-ahon nyo. Pero sapat na bang dahilan yun para gumamit ka ng ibang tao para ang kaginhawaan ay makamit mo?

Episode 79: "Depressed Heart" 05.03.2018

Sabi nila, kapag minamahal mo, mauunawaan mo ang sitwasyon at pinagdaraanan nito. Ikaw ba, gaano mo ba kakilala ang iyong karelasyon para malaman kung ano ang nangyayari sa kanya?

Episode 78: "Crush ko si Best" 26.02.2018

Paano kung ipinanganak kang may kakulangan sa pisikal na ganda? May pag-asa pa rin ba na magkagusto sayo ang gwapo mong best friend? Kiligin sa istorya ni Leng sa Barangay Love Stories.

Episode 77: "My Sister Is My Enemy" 19.02.2018

Paano kung ang mahal mo ay mahal din ng kapatid mo? Magpaparaya ka ba o ipaglalaban mo ang pagmamahal mo? Pakinggan sa kwento ni Hoshi sa Barangay Love Stories.

Episode 76: "Makasarili" 12.02.2018

Likas na sa tao ang maging makasarili. Mas nanaisin pa nilang maging pusong bato para lang maprotektahan ang sarili… kaya nga nandiyan ang salitang pagsisi, katagang sa huli na lamang darating dahil nauna na ang pagkakamali.

Episode 75: "Si Tito ay si Daddy" 05.02.2018

Sabi nila kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay dahil walang naidudulot na kabutihan ang paghihiganti sa sino mang nakagawa ng masama sayo. Paano na lang kung sumagad ka na sa pagpapakita ng kabutihan sa taong nagpakita ng kasamaan sa'yo?&

Listen to the Barangay Love Stories podcast in Replaio

Radio and podcasts in one app - free, with no sign-up. Install today and do not miss the launch

Get it on Google Play

Replaio is not a podcast publisher; show names, artwork and audio belong to their authors and are distributed through public RSS feeds.