Barangay LS 97.1 Manila | GMA Network Inc.

Barangay Love Stories

Society FIL ↓ 723 episodes

These are the weekly stories of love, life and hope (ang mga kuwento ng buhay, pag-ibig at pag-asa) from the listeners of Barangay LS 97.1 FM. Listen to Papa Dudut as he reads the letters of our 'Kabarangays' heartfelt experiences. The dramatization will bring you closer in feeling the joy, pain and everything in between of love & life. Siguradong relate-much ka dito. Thank you for making this podcast NUMBER 1 in the Philippines.

Author

Barangay LS 97.1 Manila | GMA Network Inc.

Category

Society

Podcast website

www.gmanetwork.com

Latest episode

Jul 10, 2026

Where to listen?

Podcasts in the app Replaio Radio Coming soon

Podcasts are coming to the app soon. Install now and be the first to see a whole new take on podcasts

Get it on Google Play Install for free Android 5M+ downloads · 4.8 rating iOS soon

Episodes

Episode 174: "Lesson Plan" 10.02.2020

A newbie college professor in a bad marriage, mai-in love kaya sya sa kanyang estudyante kahit against sa rules ng university?

Episode 173: "Kapatid vs Asawa?" 03.02.2020

Kanino ka mas kakampi sa asawa mong arogante o sa mga kapatid mong walang bilib sa asawa mo?

Episode 172: "Gas Lighter" 28.01.2020

Anong gagawin mo kung seloso ang boyfriend mo? Tatagal ka ba sa pakikipag relasyon sa boyfriend mo na ubod ng seloso?

Episode 171: "Balik" 20.01.2020

Si Julio minsan nang nagmahal, minsan nang sinaktan, minsan nang iniwan. Babalik kaya s'ya sa babaeng naging dahilan kung bakit s'ya nagmahal, nasaktan at naiwan?

Episode 170: "Sugar Baby" 13.01.2020

Yung akala mong ginhawa ang dulot nya pero pasakit pala. Yung akala nilang may Sugar Daddy ka Sugar Baby pala. Pakinggan ang istorya ni Rhea sa Barangay Love Stories.

Episode 169: "Intoy" 05.01.2020

May mga taong naniniwala na dahil sa masaklap na kapalarang nangyari sa buhay nila, kailangang maki-simpatiya sa kanila ang mga tao at para sa kanila, makatwiran ang pananakit din sa iba, dahil sa mga masasakit nilang pinagdaanan.

Episode 168: "Toxic Ex" 30.12.2019

Sa buhay hinay-hinay ka dapat sa pagpapasya dahil baka sa bandang huli ay mapasubo ka. Pakinggan ang istorya ni Ferdie sa Barangay Love Stories

Episode 167: "Bilmoko" 23.12.2019

Pag mahal mo, magbibigay ka. Para sa ikakasaya nila, hindi ka magiging madamot. Minsan kahit hindi mo na kaya gagawa ka pa rin ng paraan para makapagbigay ka kasi kung masaya sya, masaya ka na rin.

Episode 166: "Martir BFF" 15.12.2019

Anong gagawin mo kung ang bff mo ang sisira pala sa buhay at kaligayahan mo? Forever ka ba na magiging martir bff? Pakinggan ang istorya ni Carol sa Barangay Love Stories.

Episode 165: "Madre De Pamilya" 08.12.2019

Anong gagawin mo kung sa'yo na naipasa ang lahat ng obligasyon sa pagtulong sa buong angkan ninyo? Kakayanin mo ba o susuko ka? Pakinggan ang kagitingin ni Aling Rosa sa forever na pagtulong nya sa kanyang pamilya.

Episode 164: "Obsession" 05.12.2019

Sa may mga asawang babaero mag ingat sa pambabae dahil baka makahanap ka ng babaeng mahirap takasan. Tulad nalang ng sinapit ni Lia at ng asawa nyang babaero si JP na nakahanap ng katapat.

Episode 163: "Magkano ka ba?" 25.11.2019

Ang isang ina, gagawin ang lahat para mapaganda ang buhay ng anak nya. Wala itong hinahangad na ibang masama para sa anak nya. Pero paano nga kung ang tanging nakikita ng isang ina na paraan para maging maganda ang kinabukasan nya ay sa maling paraan?

Episode 162: "Engkanto" (Halloween Special 2019) 19.11.2019

Anong gagawin mo kung may kakaibang nilalang ang nagkakagusto sa asawa mo? Lalaban ka ba o magtatago ka na? Pakinggan ang istorya ni Dennis at Lady sa Barangay Love Stories.

Episode 161: "Grace" 05.11.2019

Galing sa pamilyang Chinese si Grace kaya naman hirap syang ipaglaban ang lalaking napili nya. Hindi kasi ito tanggap ng kanyang mga magulang. Sundin kaya ni Grace ang mga magulang nya o ang kanyang puso?

Episode 160: "Anak na Kinatulong" 27.10.2019

Ano ang gagawin mo kung malaman mo na may ibang pamilya na ang tatay mo? Ang malupit kinatulong ka pa sa bahay nila, matitiis mo pa ba? Lahat nang yan sa Barangay Love Stories ni Rommel.

Episode 159: "Kinawawang Ama" 20.10.2019

Ako si Jessie, pero ang totoong pangalan ko ay Jesus. At dahil sa sinapit ko sa buhay, hindi ko maalis sa isip ko na parang may dahilan ang tadhana kung bakit ako pinangalanan nang katulad kay Hesukristo dahil sa mga sakripisyo ko para sa pamilya.

Episode 158: "Suko na?" 08.10.2019

Makakaya mo bang sukuan ang laban na matagal mo ring pinaghirapan? Magagawa mo ba itong sukuan habang nakatingin sa mga mata nya at sinasabing ayaw mo na? Pakinggan ang istorya ni Noel sa Barangay Love Stories.

Episode 157: "Lata" 03.10.2019

Sana hindi n’yo maranasan ang mga naranasan namin noong araw, nung panahon ng Hapon. Pero iniisip ko, kung hindi nangyari ‘yon, hindi kami magiging mabuting halimbawa sa inyong mga kabataan kung ano ang mga bagay na dapat nating pinahahalag

Episode 156: "Save Her" 25.09.2019

Yung akala mo na ililigtas mo sya sa matinding problema pero sa bandang huli ikaw pala ang masisira sa pagliligtas mo sa kanya? Pakinggan ang istorya ni Ernie sa Barangay Love Stories Podcast.

Episode 155: "Mag-Ama, Magka-Away" 17.09.2019

Paano ba natin malalaman kung ano ang tama at mali sa bawat liko ng buhay? Malalaman lang ba natin ito pag tapos na? Paano kaya natin malalaman ang gagawin bago pa natin gawin ito?

Episode 154: "Manugang Na Hilaw" 10.09.2019

Kapag mahal mo, ilalaban mo kahit 'di nila gustong makita kayong magkasama. Ilalaban mo at gagawin mo ang lahat para manatili kayong magkasama. Pero paano kung ang mga taong nasa paligid nyo ang syang nagpupumilit na maghiwalay kayo?

Episode 153: "Kadugong, Kinatulong" 02.09.2019

May mga pangarap ang mga magulang natin na gusto nilang matupad. Pero paano nga ba kung ang pangarap nilang ito ang syang magiging daan para sa ikakapahamak mo?

Episode 152: "Solo" 26.08.2019

Paano kung nasanay ka nang mag-isa, nasanay ka nang akuin ang mga responsibilidad? Magkakaroon pa ba ng puwang ang ibang tao sa buhay mo? Mabibigyan mo pa ba s’ya ng pagkakataon ng maging kahati sa mga pinapasan at pinagdaraanan mo?

Episode 151: "Takipsilim" 22.08.2019

Para sa mga nasaktan, naiwanan at natutong bumangon, ang kuwentong ito ay para sa mga natutong umibig muli. Sa mga nagturo sa iyo kung paano magmahal sa pangalawang pagkakataon. Sa mga nagpatuloy. Sa mga nawala at sa mga nagbabalik.

Episode 150: "Kabit to GF" 13.08.2019

Kung magiging totoo tayo sa mga sarili natin, ilan kaya sa atin ang magkakaroon ng pagkakamali na tulad ng letter sender natin ngayon? Sino ba ang nasa tama? Sino ba ang mali? At sa huli sino ba ang dapat isipin sa sitwasyon na ito? Pakinggan ang kwento ni Joyce sa Barangay Love Stories.

Listen to the Barangay Love Stories podcast in Replaio

Radio and podcasts in one app - free, with no sign-up. Install today and do not miss the launch

Get it on Google Play

Replaio is not a podcast publisher; show names, artwork and audio belong to their authors and are distributed through public RSS feeds.