Tita Marian and Podcast Network Asia

Annyeong, Tita!

Tv EN ↓ 262 episodes

Annyeong! Welcome to the podcast born out of more than a decade of love for the world of Kdrama. Hosted by a Kdrama Tita (Aunt), she talks about the latest hit Kdramas in town and, of course, the classic ones she grew up with. She deep-dives on fan theories and occasionally shares her personal Kdrama picks. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Author

Tita Marian and Podcast Network Asia

Category

Tv

Podcast website

livemoremarian.com

Latest episode

Jan 9, 2024

Where to listen?

Podcasts in the app Replaio Radio Coming soon

Podcasts are coming to the app soon. Install now and be the first to see a whole new take on podcasts

Get it on Google Play Install for free Android 5M+ downloads · 4.8 rating iOS soon

Episodes

Ep107 KDrama Review: Flower of Evil 06.10.2020

Isa na namang episode na umuulan ng spoilers ang hatid sainyo ng inyong resident chismosang Tita. Pero binigyan nya na naman daw kayo ng one week para humabol so feeling nya okay lang na ikwento na nya halos lahat ng nangyari sa series na ito. Anyway, tuwang-tuwa sya noong simula sa Kdrama na ito, halata naman sa halftime review nya. Natuwa pa din kaya ang Tita nyo ngayong natapos na ang buong ser...

Ep106: The After College Chismisan 01.10.2020

Yes, tinamad na ako mag-isip ng panibagong topic kaya ni-record na lang namin yung pinagchismisan namin during the FB live. Pinag-usapan namin ng mga college friends ko ang mga kalokohan namin noon at mga pinagdaanan namin in terms of careers and ang naging buhay namin sa Maynila. Actually 80% chismisan talaga ito, 15% tawanan, and 5% lang ng buong episode ang kapupulutan nyo ng aral.  Lazada...

Ep105 KDrama Review: The Secret Life of My Secretary 29.09.2020

Itong episode na ito ang malaking patunay na may FOMO ang inyong Tita. Hindi nya talaga kayang hindi sya nakakasabay sa mga pinag-uusapan nyo kaya naman kahit last year pa itong series na ito eh pinanood pa din nya. Kung gusto nyo din malaman ang dahilan kung bakit bigla nyang pinanood ito, pwes pakinggan nyo na itong episode na ito na punong-puno na naman ng spoilers. LazadaxTitaTalks Affiliate L...

Ep104: It's Okay To Not Be Okay React with Cherry and Kit 22.09.2020

Yes. Yes. Yes. Apparently, di pa din nakaka-move on ang Tita nyo sa Kdrama na ito. At sa episode na ito nagtawag pa nga sya ng mga hindi pa din nakaka-move on sa series. Binalikan ng Tita nyo at ng kanyang mga guests na sina Cherry at Kit ang mga eksenang minahal nila at mga paborito sa Kdrama na talaga namang pinag-usapan at sinubaybayan. Gaya ng iba pang naunang react episodes, may tilian, kilig...

Ep103: Let's talk about Cancel Culture 17.09.2020

Late night thoughts about the infamous cancel culture. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Ep102 (super delayed) KDrama Review: Itaewon Class 15.09.2020

Makalipas ang mahigit anim na buwan, sa wakas ay nagawa na ng Tita nyo ang full review na ito bago pa man maubos ng gobyerno ang lahat ng mga letra sa alphabet para sa community quarantine sa Pinas. Gaya ng dati, ang episode na ito ay puno na naman ng spoilers at mahabang litanya tungkol sa mga tingin nya ay nagustuhan nya at hindi nya nagustuhan. Yes, may hindi sya nagustuhan kahit na ang "asawa"...

Ep101: Encantadia 2005 vs Encantadia 2016 (Part 2) 10.09.2020

So heto na nga ang part 2 ng Encantadia special ng Tita Talks. Nagsama nga ang dalawang certified #Encantadiks para sa mas matinding chismisan. Sa totoo lang, sa sobrang hard core ng usapan nila sa episode na ito, nangangamba na sila sa social media life nila. Di pa nga umaabot sa 200 ang followers ng Tita nyo, mukhang mababawasan pa lalo at maipapatawag pa sa baranggay. Tandaan, ito ay simpleng u...

Ep100: Encantadia 2005 VS Encantadia 2016 (Part 1) 08.09.2020

Since ika-100 episode na nga ng Tita Talks, ni-level up ng Tita nyo ang usapan. In short, mas mahaba ang chismisan niya at ng kanyang guest sa episode na ito. At dahil nga 100th episode ito, pinush talaga ng Tita nyo na tuparin ang matagal nya nang pangarap na topic. Dito sa unang part ng Enca vs Enca, pinasadahan nila ang mga likes and dislikes nila sa dalawang version ng show.  Paalala lang...

Ep99.5: Let's talk about life 05.09.2020

Late night bonus episode Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Ep99: Usapan ng mga Batang 90s na lumaki sa harap ng TV 02.09.2020

Mahaba talaga ang title kasi mahaba na naman ulit itong episode. Gaya ng dati, ang dapat ay simpleng topic ay nagsanga-sanga na naman sa kung anu-ano. Samahan nyo ulit ang inyong Tita at ang guest nyang si Dianne habang nagbabalik-tanaw sa mga panahon na pinapabayaan lang silang manood ng TV buong araw. Binalikan nila ang mga teleserye at sitcoms noong panahon na uso pa ang Kempee hair at Jolina d...

Trailer 01.09.2020

Mabilisang explanation lang kung ano nga ba ang Tita Talks at kung ano ang aabangan nyo. Syempre wala kayong makukuhang lessons sa buhay pero chismis ng buhay ng may buhay meron. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Ep98: Signs na nasa Teleserye ka 01.09.2020

Kung sinadya mong hindi manood ng kanyang first ever live podcast, pwes, wala ka pa ring kawala! Sa naganap ngang anniversary special, pinag-usapan ng Tita nyo at ng kanyang mga guest ang sa tingin nila ay mga signs na nasa Teleserye ka. Magmula sa biglaang ulan kapag umiiyak ka hanggang sa mga bidang hindi namamatay kahit ilang saksak o tama ng baril- lahat 'yan pinag-usapan nila. Iyan at marami...

Ep97: Let's talk about Tita Talks 27.08.2020

Bilang anniversary week na nga ng Tita Talks, sana daw mapagbigyan nyo ang Tita nyo na i-share ang kanyang naging podcast journey. Magmula sa kung ano sumagi sa utak nya at ginawa nya itong show, hanggang sa kung ano ang nag-mo-motivate sa kanya na ipagpatuloy ito- lahat yan na ikwento nya.  Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Ep96 KDrama Halftime Review: Flower of Evil 25.08.2020

Isa na namang episode kung saan hirap na hirap ang Tita nyong itawid dahil pinipigilan nyang magpaulan ng spoilers. But as expected, noong simula lang sya nagpigil but at the end bumigay din sya. So gaya nga ng dati, hwag kayong makinig kung ayaw nyo ng mga spoilers. Anyway, hinabol nya ang halftime review na ito dahil naniniwala talaga sya na itong series na ito ay something na di mo dapat palagp...

Ep95: Signs that you're a Tito/Tita 20.08.2020

Bilang maagang panimula sa selebrasyon ng unang taon ng Tita Talks, isang riot na episode ang kanyang hatid. Riot dahil nagsama-sama lang naman ang mga nasa noisy list noong elementary. So ayun na nga, kasama ang mga kaibigan nya na sinabayan din ang kanyang kabaliwan, pinag-usapan nila ang sa tingin nila ay iba pang signs na ikaw na nga ay isang certified tito o tita. Kaya samahan nyo ulit ang in...

Ep94 KDrama Review: It's Okay To Not Be Okay 18.08.2020

Isa na namang episode na punong-puno ng spoilers ang hatid sainyo ng inyong Tita. Dahil nga isang linggo na after the finale ng series na It's Okay To Not Be Okay, handang-handa na ang inyong Tita na itodo ang pagiging feelingera. Gaya ng mga nakaraang review episode, inilatag na naman nya ang sa tingin nya ay strengths ng series at ang mga hindi nya masyadong nagustuhan. Magmula sa mamahaling dam...

Ep93: Usapang Promdi with Je 13.08.2020

Anong mangyayari kapag nagsama ang dalawang matatabil na promdi? Eh di isang episode na kung saan-saan napunta at kung anu-ano ang naging kwentuhan. Mula sa usapan ng chicken skin hanggang sa mga gawaing hindi DOH approved. Umabot pa sa kwentong habulan ng pulis at pagpapanggap na buntis. Sinasabi ko sainyo, mahirap na magkasama itong Tita nyo at ang kanyang guest kasi ang haba ng chismisan. ...

Ep92 KDrama Review: Dinner Mate 11.08.2020

Nakahanap na naman ng series ang Tita nyo na nagpakilig sa puso nyang uhaw sa pagmamahal. Sa episode na ito, as usual, puno na naman sya ng spoilers so kung hindi mo pa napapanood itong series na ito at ayaw mo sa mga spoilers, please, hwag kang makinig sa episode na ito. Gaya ng dati naglitanya na naman ang Tita nyo tungkol sa mga likes and dislikes nya about sa series. In short, feeling expert n...

Ep91: CHismis Of the Nation Address (ChONA 2020) 06.08.2020

Mahirap talaga kapag wala kang magawa, kung anu-ano nagagawa mo. So ayun na nga! Isang mapayapang Sabado, napagtripan ng Tita nyo gumawa ng SONA version para sa mga chismosa. Syempre walang kwenta ang resulta, pero tawang-tawa sya sa kalokohan nya. Nagulat pa ba kayo na naisip pa nyang gumawa nito imbes maglaba kasi two weeks na syang di naglalaba? Minsan di ko na din alam kung gutom, puyat, o bor...

Ep90: Hospital Playlist React with Belle 04.08.2020

Day 68 na makatapos ang finale ng Hospital Playlist, pero ang Tita nyo at ang guest nyang si Belle, mula sa podcast show na Drama Queens, ay hindi pa rin nakaka-move on. Pero good news, yung Tita nyo hindi na maya't maya sumisigaw ng "lonely nightssss!!!". Samahan nyo silang dalawa habang nagbalik-tanaw sa isa sa mga series na talaga namang minahal ng lahat sa taong ito. Usapang fave scenes, fave...

Ep89: Clint Bondad and The Art of Moving On 30.07.2020

Dahil nga nagbagong bihis na naman ang inyong Tita, muli na naman nyang ibinabalik ang mga serye na ginagawa nya noon. Isa na nga sa mga nagbabalik galing sa hukay ay itong serye na "Chismisan sa Batis". Gaya ng mga naunang episode ng Chismisan sa Batis, ipinatawag na naman ng inyong Tita ang kanyang mga kapwa chismoso't chismosa para sa isa na namang episode na hindi naman makakatulong sa ekonomi...

Ep88 KDrama Review: Cheese in the Trap 28.07.2020

After 4 years, sa wakas pinanood na din ng Tita nyo ang series na matagal din nyang iniwasan dahil sa mga chismis na malungkot ang ending. Sa dami na naman ng gusto nyang sabihin about sa series, tatlong beses syang nag-record pero lagi pa din may nakakalimutang ichika. Kung hindi pa sumakit lalamunan nya di pa sana titigil. Itinituring ng Tita nyo na most challenging KDrama ang series na ito and...

Ep87 Part 2: Top 5 Hong Sisters' KDrama Series (feat. Sherwin of Sher Mo Lang) 23.07.2020

Heto na nga ang part 2 ng pagkahabang chismisan ng Tita nyo at ni Sherwin from the podcast show Sher Mo Lang. Sa episode na ito, finally na reveal na nga ang Number 1 Hong Sister Kdrama series according kay Sherwin. Pero bago yun, mahabang chikahan muna at pagbalik-tanaw sa mga illegal na gawain nila noon ang pinag-usapan ng dalawa. Sa episode na ito din lalong na confirm na mga dinosaurs ang kapi...

Ep87 Part 1: Top 5 Hong Sisters' KDrama Series (feat. Sherwin of Sher Mo Lang) 21.07.2020

So nagsimula ang episode na ito na simple lang ang topic- Top 5 Hong Sisters' KDrama Series. Pero dahil likas na chikadora, na-scam ng Tita nyo ang guest nyang si Sherwin, mula sa podcast show na Sher Mo Lang, na makipagchismisan sa kanya ng almost 2 hours. Kaya ang sana ay isang collab episode lang eh naging dalawa dahil kung saan-saan na nagsanga-sanga ang kwentuhan nila. So heto na nga first pa...

Ep86.5: Let's talk about ABS-CBN 18.07.2020

At nagbabalik ngang muli ang Let's Talk series ng Tita nyo. Muli nyang inilabas ito sa baul dahil na-trigger sya sa isang post all about "ambag". At gaya nga ng mga dating episodes, wala na naman syang filter at edit sa episode na ito. Well, except nung kinailangan nyang i-pause dahil nabulunan sya sa sarili nyang laway. Anywayyyyy... sa episode na ito all out na naman ang galit ng Tita nyo so goo...

Listen to the Annyeong, Tita! podcast in Replaio

Radio and podcasts in one app - free, with no sign-up. Install today and do not miss the launch

Get it on Google Play

Replaio is not a podcast publisher; show names, artwork and audio belong to their authors and are distributed through public RSS feeds.