Barangay LS 97.1 Manila | GMA Network Inc.
Barangay Love Stories
These are the weekly stories of love, life and hope (ang mga kuwento ng buhay, pag-ibig at pag-asa) from the listeners of Barangay LS 97.1 FM. Listen to Papa Dudut as he reads the letters of our 'Kabarangays' heartfelt experiences. The dramatization will bring you closer in feeling the joy, pain and everything in between of love & life. Siguradong relate-much ka dito. Thank you for making this podcast NUMBER 1 in the Philippines.
Husk å besøke podkastens nettsted og støtte skaperen: www.gmanetwork.com
Forfatter
Barangay LS 97.1 Manila | GMA Network Inc.
Kategori
Podkastens nettsted
Siste episode
1. okt 2026
Hvor kan du lytte?
Podkaster i appen Replaio Radio Kommer snartPodkaster kommer snart til appen. Installer nå, og bli den første som ser en helt ny tilnærming til podkaster
Episoder
EP 580: "Dabogera" with Papa Dudut 25.12.2025 38:06
Kung ang isang tao'y mahalaga, disiplinahin siya't magpasensya sa ugali niyang nakakadismaya. Mahirap mang intindihin ito pero baka ikaw ang pag-asa niyang magbago. Pakinggan ang kwento ni Yara sa Barangay Love Stories.
EP 579: "Sabik" with Papa Dudut 24.12.2025 40:42
Nakakasabik nga namang gumawa ng bagay na kakaiba pero asahan ang pangit na resulta kapag alam nang mali pero ipipilit pa. Pakinggan ang kwento ni Marialyn sa Barangay Love Stories.
EP 578: "Luksa" with Papa Dudut 23.12.2025 50:42
Nakakalungkot isipin ang katotohanan na nagsasama-sama lang ang ibang tao kapag namatayan. Pakinggan ang kwento ni Maureen sa Barangay Love Stories.
EP 577: "Patuka" with Papa Dudut 22.12.2025 47:54
Walang babae ang gustong maging number two, pero minsan dahil magaling mambola ang ibang lalaki, hindi nila mapigilang umasa na balang araw, magigiging priority rin sila. Ganyan ang nangyari kay Jamie, sa hindi inaasahang pangyayari, ginawa siyang kabit ni Paolo na asawa pala ng bagong kaibigan niya. Ayaw ni Jamie makasira ng pamilya kaya sinimulan niyang layuan ang mag-asawa pero si Paolo, habol...
EP 576: "Premonition" with Papa Dudut 19.12.2025 45:04
Takot sa kamatayan ang jowa ni Mildred kaya sobra ito kung mag-alala kapag hindi siya nakakapag-update. Minsan, nakakalimutan ni Mildred ang takot na iyon ni Lulu at nagagawa niya pang magbiro tungkol sa mga disgrasya at kamatayan. Pero sa sobrang pangangamba ni Lulu, natatakot na rin ang mga tao sa paligid niya. Pakinggan ang kwento ni Mildred sa Barangay Love Stories.
EP 575: "Online Girlfriend" with Papa Dudut 18.12.2025 45:28
Sa panahon ngayon, madali na lang ang komunikasyon at madali na rin makahanap ng karelasyon. Kaya mas lalong ingatan ang puso, huwag agad bibigay sa konting pagsuyo. Pakinggan ang kwento ni Iboy sa Barangay Love Stories.
EP 574: "Carbonara" with Papa Dudut 17.12.2025 44:40
Ang tao na hindi marunong magpahalaga ay walang kasiyahan kahit anong putahe ang ihain sa kanila. May edad na si Imelda pero hindi niya pinigilan ang sarili niyang mahumaling sa katrabaho niyang mas bata sa kanya. At nakuha niya pang iwan sa nanay niya ang kanyang mga anak para lang makipag-live in sa bago niyang jowa. Pakinggan ang kwento ni Imelda sa Barangay Love Stories.
EP 573: "White Dress" with Papa Dudut 16.12.2025 42:39
Masakit sa puso kapag nagmahal ka ng tao na sa simula pa lang ay alam mong hindi na magiging iyo. Tulad ni Shaun na matagal nang gusto si Meredith pero kahit pa sinubukan niyang ligawan ang dalaga, may tinitibok na pala ang puso nito. Kaya wala na siyang nagawa kun'di ang pagmasdan si Meredith na maging masaya sa piling ng lalaking pinili nito. Pakinggan ang kwento ni Shaun sa Barangay Love St...
EP 572: "Savior" with Papa Dudut 15.12.2025 45:21
Dahil sa bugso ng damdamin, madaling napapayag si Menggay na makipag live-in kay Jason. Pero huli na nang ma-realize niya na mali pala ang napasukan niyang relasyon dahil imbes na magtulungan sila ni Jason, siya lahat ang sumasagot sa kanilang mga gastusin bahay. Sa kabila ng napakaraming red flags ng kanyang jowa, hindi agad umalis si Menggay hanggang isang araw, si Jason pa mismo ang nagpaalis s...
EP 571: "Malas" with Papa Dudut 12.12.2025 42:11
Walang may gustong makaranas ng pagpapasakit lalo pa kung magulang mo mismo ang magpapahirap sa'yo. Sa kasamaang palad, ang pamilya nina Dionna ay dumanas ng pagmamalupit sa kanilang padre de pamilya. Dumating ang panahon na dinemanda nila ito at nilayasan. Pero nang pinagdudusa na ng panahon ang tatay nila, nagawa pa rin siyang tulungan nina Dionna. Kaso ang kanilang ama, parang hindi pa rin tala...
EP 570: "Tagahugas" with Papa Dudut 11.12.2025 42:14
Nasanay na talaga ang iba sa ating mga kababayan na iasa sa kanilang mga anak ang pag-ahon nila sa kahirapan. Kaya nagkaroon ng hinanakit si tiya Luz kina Carissa dahil ito ang nagsakripisyo para iahon ang kanilang mag-anak noon. At bilang kapalit, si tiya Luz naman ngayon ang sa kanila'y magpapasakit. Pakinggan ang kwento ni Ito sa Barangay Love Stories.
EP 569: "Bantay na Pagtingin" with Papa Dudut 10.12.2025 48:13
Minsan, hindi naiiwasan ang pagkakaroon ng tampuhan at alitan sa pinagtatrabahuhan. Buti na lang ay may Desirey sina Dina at Domeng na handang makinig at umintindi sa kanilang kwento. Pero mahirap pagbatiin ang mga taong naubos na ang tiwala sa iba. Pakinggan ang kwento ni Desirey sa Barangay Love Stories.
EP 568: "Hintayan" with Papa Dudut 09.12.2025 45:07
Konduktor ang mag-asawang si Ito at Nene. Tulad ng iba, nahihirapan man sila sa buhay ay masaya naman sila kapag nagsasama-sama lalo pa't nakakilala sila ng anghel sa lupa sa katauhan ni lola Gertrude. Pakinggan ang kwento ni Ito sa Barangay Love Stories.
EP 567: "Kutis" with Papa Dudut 08.12.2025 51:50
Marami sa ating mga kababayan ang umibig sa banyaga at nagkaanak ng mga mestizo o mix-blood na tinatawag ng iba na foreignoy. Bagama’t foreigner ang kanilang hitsura, marami sa kanila ang lumaking may pusong Pinoy tulad ni Alejandro. At tulad ng inaasahan, nang mag-aral siya sa Pilipinas, nagi siyang usap-usapan lalo’t artistahin talaga ang itsura niya. Hindi nagtagal at niligawan siya ng kaklase...
EP 566: "Payaso" with Papa Dudut 05.12.2025 38:13
Isusubo na lang sa sarili, ibibigay pa sa mga anak dahil gawain 'yan ng magulang para mapanatili ang ngiti at maibsan man lamang ang kanyang pag-iyak. Pakinggan ang kwento ni Manny sa Barangay Love Stories.
EP 565: "Ginagampanang Papel" with Papa Dudut 03.12.2025 42:31
Ang buhay mo ay parang isang pelikula na ikaw ang bida. Maaaring alam mo ang bawat kabanata nito pero hindi mo pa hawak ang wakas ng istorya. Kaya huwag magpagapos, maaari pang mairaos ang karanasang masalimuot. Pakinggan ang kwento ni Brent sa Barangay Love Stories.
EP 564: "Litong-Lito" with Papa Dudut 01.12.2025 44:45
Matagal nang magkarelasyon si Patrice at Jay, nasa punto na rin sila kung saan gusto na nilang magpakasal pagbalik ni Jay galing ibang bansa. At kahit pa nagkaroon sila ng malaking pagtatalo, napatawad pa rin nila ang isa’t-isa. Hanggang sa magkaalaman na ng mga sikreto. Sa kasalanang nagawa ni Patrice, napatawad siya ni Jay. Pero ang sikreto ni Jay, hindi sigurado si Patrice kung mapapalampas niy...
EP 563: "Palda" with Papa Dudut 28.11.2025 39:29
Si Jaq ay isang babae na may pusong lalaki. At nang makilala na niya si Krissa - ang babaeng gusto niyang ligawan, problema naman ang dala ni Inno na kuya ni Krissa. Wala namang kaso kay Krissa ang kasarian ni Jaq pero hindi niya rin talaga bet si Jaq. Lalo’t hindi rin naman boto si Inno kay Jaq dahil si Inno, nagugustuhan na rin pala ni Jaq. Pakinggan ang kwento ni Jaq sa Barangay Love Stories.
EP 562: "Vacancy" with Papa Dudut 26.11.2025 40:35
Iwanang bakante ang puso para sa taong karapat-dapat at huwag sa tao na hindi alam kung paano maging tapat. Pakinggan ang kwento ni Laarni sa Barangay Love Stories.
EP 561: "Panimdim" with Papa Dudut 24.11.2025 53:52
Walang tao ang gustong maghirap sa buhay lalo na ang nanay ni Coleen. Kaso imbes na magulang ang magtaguyod sa malaki nilang pamilya, kay Coleen nila nakita ang pag-asa. At para sa batang Coleen na nais lang makitang masaya ang kanyang nanay, napilitan siyang gayahin ang ginagawa ng kanyang pinsan na sustentado na dahil sa pakikipag-video call sa mga banyaga. Guminhawa nga ang kanilang buhay kahit...
EP 560: "Karma ni Bes" with Papa Dudut 21.11.2025 45:13
Ang work bestie ni Frances, super galing gumawa ng kwento kaya kahit mga bagay na hindi niya ginagawa naibibintang sa kanya ng mga katrabaho nila. At pati ang lalaking bet sana ni Frances, nagbago bigla ang pagtingin sa kanya. Pero maniwala ka man o hindi sa karma, asahang babalik ang lahat ng ginagawa, mabuti man o masama. Pakinggan ang kwento ni Frances sa Barangay Love Stories.
EP 559: "Miyerkules" with Papa Dudut 19.11.2025 1:00:37
Misis, hinihintay pa rin si mister na matagal nang hindi umuuwi. Matagal na panahon na pero ang landlady ni Innana, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa na uuwi pa rin ang mister niya. Kaya sariwain ang bawat araw na nabubuhay ka sa mundo dahil walang oras ang pareho sa pagtakbo ng bawat segundo. Pakinggan ang kwento ni Innana sa Barangay Love Stories.
EP 558: "Alinlangan ng Puso" with Papa Dudut 17.11.2025 44:27
Kinailangan magsipag ni Ara para maging maayos ang kanyang buhay at syempre idadamay niya ang kanyang pamilya roon. Kaya kahit na nakuha na niya ang mga gusto niya, hindi niya tinigil ang paghangad pa nang mas mataas at malawak na pangarap. Kaso dahil sa pagiging workaholic niya, naging matamlay ang relasyon niya sa kanyang longtime boyfriend na si Ryan. Kasabay noon ang paghiling pa ni Ryan na ma...
EP 557: "Pagpapanggap na Pagtanggap" with Papa Dudut 14.11.2025 39:25
Kapag tanggap mo ang isang bagay, hindi ito kailangang pagtiisan nang sobra kaya maging tapat dahil panloloko lang sa sarili kung nagkukunwari ka lang pala. Pakinggan ang kwento ni Roda sa Barangay Love Stories.
EP 556: "Tribute" with Papa Dudut 12.11.2025 54:31
Huwag mong pansinin ang sinasabi ng iba dahil ikaw lang ang nakakakilala kung sino ka talaga. Pakinggan ang kwento ni Lorie sa Barangay Love Stories.
Lignende podkaster
Replaio er ikke podkastutgiver; programnavn, omslag og lyd tilhører opphavspersonene og distribueres via offentlige RSS-feeder.