Barangay LS 97.1 Manila | GMA Network Inc.

Barangay Love Stories

Society FIL ↓ 783 episoder

These are the weekly stories of love, life and hope (ang mga kuwento ng buhay, pag-ibig at pag-asa) from the listeners of Barangay LS 97.1 FM. Listen to Papa Dudut as he reads the letters of our 'Kabarangays' heartfelt experiences. The dramatization will bring you closer in feeling the joy, pain and everything in between of love & life. Siguradong relate-much ka dito. Thank you for making this podcast NUMBER 1 in the Philippines.

Husk å besøke podkastens nettsted og støtte skaperen: www.gmanetwork.com

Forfatter

Barangay LS 97.1 Manila | GMA Network Inc.

Kategori

Society

Podkastens nettsted

www.gmanetwork.com

Siste episode

2. okt 2026

Hvor kan du lytte?

Podkaster i appen Replaio Radio Kommer snart

Podkaster kommer snart til appen. Installer nå, og bli den første som ser en helt ny tilnærming til podkaster

Last ned på Google Play Installer gratis Android nesten 10 mill. nedlastinger · 4,8 i vurdering iOS snart

Episoder

EP 456: "Manila Girl" with Papa Dudut 24.03.2025

Nagkaroon ng anak sa labas ang tatay ni Kayla. Nagtago ang tatay niya sa mga tsismoso at tsismosa ng probinsiya nila pero ang kabit at ang anak nito, araw-araw pa rin nilang nakikita. Never pinatawad ni Kayla ang kapatid niya sa labas pero nang lumuwas siya sa Maynila para magsimula ulit, doon siya nakahanap ng lalaking nagpabago ng pananaw niya sa buhay. Pakinggan ang kwento ni Kayla sa Barangay...

EP 455: "3 AM" with Papa Dudut 21.03.2025

Ang lahat ng bagay ay may tamang oras at panahon. Maaaring ang akala mong sa'yo kahapon ay hindi na pala iyo ngayon. Pakinggan ang kwento ni Eron sa Barangay Love Stories.

EP 454: "Magiting" with Papa Dudut 19.03.2025

Ang kagitingan ay hindi lang tungkol sa pagharap sa kalaban. Isa itong mahalagang katangian pero dapat may takot ka pa ring gumawa ng kamalian, hindi 'yong sugod nang sugod ka lang. Pakinggan ang kwento ni Felix sa Barangay Love Stories.

EP 453: "Pares" with Papa Dudut 17.03.2025

Matagal nang nawawala ang nanay ni Roselie. Perokahit matagal nang panahon nang huli silang magkasama, ramdam niya na buhay pa ang kanyang nanay at naghihintay lang ito na mahanap siya ng kanyang anak. Pakinggan ang kwento ni Roselie sa Barangay Love Stories. 

EP 452: "Band-Aid" with Papa Dudut 14.03.2025

Ang sugat ay pwedeng takpan para ang sakit ay mabawasan. Pero huwag gawing panakip-butas ang isang tao dahil madudurog ang kanyang puso kung ang iyong pag-ibig ay hindi naman pala totoo. Pakinggan ang kwento ni Raiza sa Barangay Love Stories.

EP 451: "Mystery Caller" with Papa Dudut 12.03.2025

Mananatiling misteryo ang mga bagay na isinisikreto. Kaya kung ayaw masira ang iniingatang relasyon, huwag pumasok sa katago-tagong sitwasyon. Pakinggan ang kwento ni Aurora sa Barangay Love Stories. 

EP 450: "Eskandalosong Puso" with Papa Dudut 10.03.2025

May mga pagnanasa na hindi nakakaapekto sa iba pero mayroon din namang pwedeng makasira at makapanakit sa kanila. Ganyan ang gawain ni Eros, alam na nga niyang mali pero nasisiyahan pa rin siya habang nagpapakasarap sa paggawa ng mga bagay na makasalanan. Pakinggan ang kwento ni Eros sa Barangay Love Stories.

EP 449: "Kambal" with Papa Dudut 07.03.2025

Bago ka pumili ng iibigin, baka mas mainam kung ang relasyon sa pamilya ang iyong unahin. Ngunit may mga pamilya din naman talaga na hindi ka pasasayahin pero sana maging sandalan mo pa rin sila lalo kung nahihirapan ka na. Pakinggan ang kwento ni JP sa Barangay Love Stories. 

EP 448: "Ikalawang Pagdating" with Papa Dudut 05.03.2025

Laging bigyang halaga yung mga tao na ang nais lang ay mapabuti ka. Pambihira ang mga ganyan lalo na sa mundong makasarili ang karamihan. Pakinggan ang kwento ni Samara sa Barangay Love Stories.

EP 447: "Almusal" with Papa Dudut 03.03.2025

Sabik nang bumuo ng sariling pamilya si Aika. Excited na rin naman ang asawa niya kaso habang nag-iipon pa, nakitira muna sila sa family house ng mister niya. Mabait naman ang mommy ni Ponsi kaso hindi mapigilang ma-frustrate ni Aika sa tuwing gumagawa ng desisyon si Ponsi. Dahil imbes na ipaalam muna sa ito kanya, nagiging final na ang usapan basta ang nag-suggest ay ang kaniyang byenan. Pakingga...

EP 446: "Prediksyon" with Papa Dudut 28.02.2025

Madaling mahulaan ang ugali ng iba lalo na kung ang pinag-uusapan ay pamana. Nakakalungkot lang isipin na lumalabas ang katotohanan kapag pera na ang pinag-usapan. Pakinggan ang kwento ni Regina sa Barangay Love Stories.

EP 445: "Pusong Tumibok" with Papa Dudut 26.02.2025

Hindi naman pwedeng puro puso ang pairalin pagdating sa taong mamahalin. Dapat pinag-iisipan din dahil kailangan ng utak kapag tuyo na ang damdamin. Pakinggan ang kwento ni Gregorio sa Barangay Love Stories.

EP 444: "Naligaw na Gabay" with Papa Dudut 24.02.2025

Pamilya. Mahirap pabayaan ang pamilya kahit pa konsumisyon sila. Likas na sa mga pinoy ang unahin ang kanilang pamilya. Pero para kay Ralph, bilang siya lang ang may maayos-ayos na pamumuhay sa kanilang mag-anak, oo tutulong siya katulad ng turo sa kanya pero may hangganan pa rin dapat ang kabutihan niya. Pakinggan ang kwento ni Ralph sa Barangay Love Stories.

EP 443: "Gummy Bear" with Papa Dudut 21.02.2025

Kapag binigyan ka ng iyong pamilya ng isang maayos na buhay, huwag mo itong sirain dahil lang sa kapusukan. Pero buti na lang at nakalaya si Nerissa sa magulong pag-ibig na pinasukan niya. Pakinggan ang kwento ni Nerissa sa Barangay Love Stories.

EP 442: "Gunita" with Papa Dudut 19.02.2025

Si Jasmin ay batang lumaki sa isang masaya at pamilyang puno ng pagmamahalan. Hanggang sa magkaproblema ang kanyang ama. Kahit bata pa, hindi naglihim sa kanya ang kanyang mama bagkus ay lagi niyang pinapaliwanag kay Jasmin kung ano ang nangyayari sa kanilang tahanan. Kaya nang dumating ang panahon na hindi na talaga kaya ng kanyang mama, suporta pa rin ang kanyang ipinakita. Pakinggan ang kwento...

EP 441: "Nakatagong Bahaghari" with Papa Dudut (Valentine Special) 17.02.2025

Paano nga ba talaga umibig? Minsan hindi rin talaga ito maipaliwanag ng iba tulad na lang nang muling ma in-love si Shauna. Noong unang beses pa lang na makita niya si Luis, parang alam na niya agad na ito na ang lalaking para sa kanya. Pero kahit gaano pa katapang ang isang tao, kapag nagduda ka sa taong mahal mo, baka manghina ang buo mong pagkatao. Pakinggan ang kwento ni Shauna sa Barangay Lov...

EP 440: "Damay" with Papa Dudut 14.02.2025

Kung hindi makausad mula sa anino ng kahapon, siguradong damay sa pagdurusa ang kasalukuyang relasyon. Pakinggan ang kwento ni Drew sa Barangay Love Stories.

EP 439: "Sawadee Ka" with Papa Dudut 12.02.2025

Maaabot ang pangarap 'pag sinabayan ng tiyaga at sikap. Dahil ang mga bagay na pinaghirapan ay sulit kapag nahawakan. Pakinggan ang kwento ni Hubert sa Barangay Love Stories.

EP 438: "Keychain" with Papa Dudut 10.02.2025

Bago pa ipinanganak ang pamangkin ni Rina, excited na siya sa mga gagawin nilang mag-tita. Pero sa hindi inaasahang pangyayari, naunang namaalam ang kanyang hipag at kinailangan namang mag-abroad ng kuya niya para magtrabaho. Masayang tinanggap ni Rina ang obligasyon na alagaan ang pamangkin niyang si Joy. At nang ibalita ng kuya niyang babalik na siya ng Pilipinas, hindi na makapaghintay ang mag-...

EP 437: "Studio Type" with Papa Dudut 07.02.2025

Kapag kulang ang paninindigan, maaaring gumuho ang isang relasyon kahit gaano pa ito pinagtibay ng panahon. Walang magagawa ang tagal ng pagsasama kung ang isa ay gusto nang lumaya. Pakinggan ang kwento ni Lyza sa Barangay Love Stories.

EP 436: "Arinola" with Papa Dudut 05.02.2025

Minsan, ang direksyon ng mga pangarap ay nag-iiba kapag mayroon kang kasama. Maaaring ito'y matupad niyong dalawa o makakamit mo lang kung ikaw ay mag-isa na. Pakinggan ang kwento ni PJ sa Barangay Love Stories.

EP 435: "Pasa-Pasa" with Papa Dudut 03.02.2025

Ang pag-aampon ay isang dakilang bagay, minsan maituturing din itong biyaya sa batang nangungulila. Pero sa tulad ni Clarissa, imbes na magkaroon ng mga magulang na aalagaan siya hanggang sa huli, maagang nawasak ang munting pangarap niya. Kaya wala siyang choice kun'di itaguyod ang kanyang sarili. Pakinggan ang kwento ni Clarissa sa Barangay Love Stories. 

EP 434: "Recovery" with Papa Dudut 31.01.2025

Ang ikot ng mundo ay hindi naman hihinto kahit gaano pa kawasak ang iyong puso. Maghihilom din 'yan sa tamang panahon kaya sana piliin mo pa ring magpatuloy. Pakinggan ang kwento ni Thel sa Barangay Love Stories. 

EP 433: "Malasakit" with Papa Dudut 30.01.2025

Kung may malasakit lang sana ang mga tao sa lahat ng uri ng buhay sa mundo, siguradong malaya ang bawat isa sa anumang uri ng gulo.  Pakinggan ang kwento ni Cedes sa Barangay Love Stories. 

EP 432: "Puzzle Piece" with Papa Dudut 27.01.2025

Ang pagiging magulang ay dapat talagang pinaghahandaan. Pero sa tulad ni Adela na nagulat sa balitang buntis siya, malaking bagay na may kaibigan at tatay siyang umalalay sa kanya. Mahirap maging single mother para kay Adela na lumaking walang ina pero ginawa niya ang makakaya niya para alagaan ang anak niyang may Autism Spectrum Disorder din pala. Pakinggan ang kwento ni Adela sa Barangay Love St...

Hør på podkasten Barangay Love Stories i Replaio

Radio og podkaster i én app - gratis og uten registrering. Installer i dag, og ikke gå glipp av lanseringen

Last ned på Google Play

Replaio er ikke podkastutgiver; programnavn, omslag og lyd tilhører opphavspersonene og distribueres via offentlige RSS-feeder.