Treasuring Christ PH

Baliwag Bible Christian Church [sermons]

Taglish gospel-centered sermons preached every Sunday at Baliwag Bible Christian Church in Baliwag City, Bulacan. Most of the sermons are preached by Ptr. Derick Parfan. For more Taglish gospel-centered resources like ebooks, study guides and articles, please visit our website, treasuringchristph.org.

Mindenképp látogasd meg a podcast oldalát, és támogasd a készítőjét: www.spreaker.com

Szerző

Treasuring Christ PH

Kategória

Religion

A podcast weboldala

www.spreaker.com

Legutóbbi epizód

2026. okt. 11.

Hol hallgathatod?

Podcastok az alkalmazásban Replaio Radio Hamarosan

A podcastok hamarosan megérkeznek az alkalmazásba. Telepítsd most, és láss elsőként egy teljesen új megközelítést a podcastokhoz

Letöltés a Google Play-ről Telepítsd ingyen Android közel 10 M letöltés · 4,8-as értékelés iOS hamarosan

Epizódok

Psalm 34 • Taste And See that the LORD is Good 27.04.2024

“ Oh, taste and see that the LORD is good! ”. Sa MBB ang sinabi ay, “Tingnan mo at lasapin ang kabutihan ni Yahweh .” Pero ano nga ba ang ibig-sabihin para sa atin ng mga salitang ito? Paano ba natin magagawa na matingnan at malasap ang kabutihan ng Panginoon? Well for one, hindi natin magagawa ‘yun kung wala tayo sa Panginoon. At pangalawa, ang buong awit na ito ay tinuturuan tayo kung paano maka...

Psalm 2 • Ang Paghaharing Walang Katapusan At Hindi Matitinag 13.04.2024

Ang anumang masamang pagbabalak ng mga tao o kahit ang ginagawa na mismo ng tao para kalabanin ang nag-iisang hari na si Jesus, kailanman ay hindi magtatagumpay. Maaaring parang oo sa ngayon, pero kalaunan ay mauuwi sa balewala. At kung ang Panginoong Jesu-Cristo ang syang hari natin, walang duda, nasa tamang kampo tayo ng pinaka-makapangyarihang Hari.

John 10:10-11 • I Came That They May Have Life 08.04.2024

Jesus said, “I came”. Kahit alam kong people will reject me. I came, kahit alam kong people will disrespect me. I came, kahit alam kong humanity doesn’t deserve me, we don’t deserve the gift, we don’t deserve salvation… we don’t deserve Jesus. Still, Jesus came that we may have life

Psalm 32 • Repent, Restored, Rejoice 20.03.2024

Hindi appropriate na sabihin natin na bine-blessed ng Diyos yung isang tao, kung nakukuha ng isang tao ang mga gusto nya. Ang blessedness or true happiness ay hindi maibibigay ng mundo, it's a gift from the Lord na mararanasan lamang ng isang taong may tamang relasyon at pagkakilala sa Panginoon. At ang araw na ito ay araw ng pagsisisi at panunumbalik sa Diyos, kaya huwag mo nang ipag-pabukas kapa...

Philippians 1:28-30 • Para sa Gospel ang Laban na ito 06.03.2024

Ang buhay ng isang Kristiyano ay parang boxing. Sa boxing, oras na tumunog na yung bell, ito ay suntukan na or away na. Parang tayo, simula nung araw na tayo ay tumanggap sa ating Panginoong Hesu-Kristo at nag declare ng allegiance sa Panginoong Hesus, tumunog na ang bell nang ating pakikipaglaban sa mga kaaway ng mabuting balita ni Kristo. -Ptr. Robin

Psalm 103 • Bless the Lord, O My Soul 28.02.2024

Isa itong kakaibang uri ng panalangin habang kinakausap din niya ang sarili niyang kaluluwa. Kasi posible na sa pagkakataong ito, gusto mang magpuri ng kanyang katawan, pero hindi mahanap ng kanyang puso o kaluluwa ang mga dahilan para magpuri. dahil ang totoo ay walang silbi ang papuri ng ating mga labi, ng ating mga bibig, ‘yung ating mga awitin, kung ang mga puso natin ay malayo sa Panginoon.

Psalm 46 • Be Still and Know that I am God 16.02.2024

Maaaring dumaranas ka ngayon ng pagsubok o bagyo ng buhay, maaaring marami kang pinoproblema, maaaring dumaranas ka ng pagluha at kabigatan, maaaring nahihirapan ka sa pakikipaglaban against sa kasalanan, para bang kahit paanong gawin mong pagbalanse sa iyong bangka ng buhay ay parang tataob pa rin sa hirap ng iyong pinagdadaanan. Be still kapatid, sapagkat sinabi ni Yahweh "Be still and know that...

Psalm 1 • Ang Landas ng Matuwid at ng Masama 31.01.2024

Purihin ka o Dios sa katotohanan na mapalad ang taong binubulay, isinasapuso at ipinamumuhay ang Inyong Salita at mga kautusan. Hindi katulad ng taong masama, na walang pagpapahalaga sa iyong Salita. Kung kaya’t ang dulo ng kanyang buhay ay kapahamakan. Mapalad kami dahil ang Salita mo ay patuloy na mag reremind sa amin and the same time magbibigay warning sa amin, ito ay means of grace, at kung g...

Romans 8 • An offering for sin 25.01.2024

Alam nating walang nakasunod ng perpekto sa kautusan at wala ring maliligtas sa pamamagitan ng pagsunod sa kautusan o paggawa ng mabuti. Ginawa ng Diyos ang hindi kayang gawin ng Kautusan at ginawa ng Diyos ang hindi natin kayang gawin. Christ came down to earth in the likeness of sinful flesh, as an offering for your sin, as an offering for my sin, as an offering for the sin of the world. Preache...

Psalm 119:81-88 • Kapag Nanlulupaypay sa Paghihintay 04.01.2024

Isang pagbubulay sa bawat isang linya sa Psalm 119:81–88 bilang isang panalangin at pakikipag-usap sa Diyos na nagpapakita na anuman ang kalagayan mo sa buhay ngayon, gaano man kahirap, makakaasa ka na tapat ang salita ng Diyos, makakapitan ang tulong na galing sa Diyos, at sigurado ang pag-ibig ng Diyos sa atin.

Exodus 20:8-11 • Pahinga at Pag-asa para sa mga Anak ng Diyos 20.12.2023

Nasaan ang Kapahingahan at Pag-asang Kailangan Natin? ‌ Lahat tayo ay napapagod at naghahanap ng kapahingahan. Physically, yes. Pero ang puso rin natin ay napapagod. Pinanghihinaan tayo ng loob. Kaya kailangan natin ang kapahingahan at pag-asang kay Cristo lang matatagpuan. Bawat isa sa atin ay kailangan nating tanungin ang sarili natin kung nasaan nga ba ang kapahingahan at pag-asang kailangan na...

Exodus 20:1-21 • Ang Sampung Utos 20.12.2023

As we take a look at Exodus 20 , ang prayer ko ay mabago itong mga karaniwang attitude na meron tayo tungkol sa mga utos ng Diyos, particularly itong Sampung Utos. Mangyayari ito kung hindi lang tayo nakafocus sa bawat isa sa sampung utos (law) kundi maging sa konteksto o sa kuwentong kinapapalooban nito (narrative context). Hindi lang ito tungkol sa kung ano ang dapat nating gawin, kundi tungkol...

Exodus 19:1-25 • Ang Pagharap sa Diyos na Banal 03.12.2023

Ang isang Kristiyano ay isang anak ng Diyos. Meron tayong relasyon sa Diyos. Nagsasalita ang Diyos. Nakikinig tayo. Nag-uutos ang Diyos. Sumusunod tayo. Nilikha at iniligtas tayo ng Diyos. Sumasamba tayo. Meron tayong ugnayan sa Diyos. Pero naiintindihan ba talaga natin kung anong klaseng relasyon meron tayo sa Diyos? Take for example itong ginagawa natin every Sunday morning. Hindi lang ito pagti...

Exodus 17:8-18:27 • Ang Tulong na Kailangan sa Paglalakbay 21.11.2023

Saan manggagaling ang tulong na kailangan mo? Anong sagot mo? Kay Lord manggagaling ang tulong na kailangan ko. Hindi niya kailangan ang tulong natin. He is all-sufficient. Siya eksakto ang tulong na kailangan natin . Sa kaligtasan natin. Sa paglago natin sa kabanalan. Sa pakikipaglaban sa kasalanan. Sa desisyong kailangan natin sa araw-araw. Paano tayo makatitiyak na ibibigay niya ang lahat ng tu...

Exodus 15:22-17:7 • Pagkain at Pahinga para sa mga Reklamador 09.11.2023

‌Kapag may mga difficulties kasi, napakadali sa atin ang makalimutan ang dakilang kapangyarihan ng Diyos na nagligtas at magliligtas sa atin. Ang dali nating pagdududahan ang kanyang pagsama sa araw-araw, at ang kanyang katapatan na tuparin ang lahat ng kanyang pangako at layunin. Tulad ng nangyari sa mga Israelita sa sumunod na bahagi ng kuwento ng Exodus, mula 15:22 hanggang 17:7. Medyo mahaba i...

Hebrews 10:19-25 • Lumapit sa Diyos nang may Buong Tiwala 03.11.2023

Ang katiyakan ng pagtanggap ng Diyos sa paglapit natin sa Kanya ay sa pamamagitan lamang ng Panginoong Jesu-Cristo. Kung gayon, tayo ay lumapit na may ganitong katiyakan ng pananampalataya, tapat na puso, at malinis na budhi, habang nagsisikap na mahalin ang iba at gumawa ng mabuti.-preached by Ptr. Marlon Santos

John 14:12-14 • Greater Works and Answered Prayers 16.10.2023

 “Truly, truly, I say to you, whoever believes in me will also do the works that I do; and greater works than these will he do, because I am going to the Father. Whatever you ask in my name, this I will do, that the Father may be glorified in the Son. If you ask me anything in my name, I will do it. -preached by Ptr. Aldrin Capili

Part 12: Pananatili at Pag-alis sa Church 09.10.2023

#10: Kung tayo man ay tawagin ng Diyos sa ibang lugar, sa lalo’t madaling panahon ay sisikapin nating makipag-isa sa ibang iglesiya kung saan ay maipamumuhay natin ang damdamin ng tipang ito at ang mga prinsipyo ng Salita ng Diyos.

1 Peter 2:9-10 • Our special status in Christ and our mission 25.09.2023

Ngunit kayo ay isang lahing pinili, mga maharlikang pari, isang bansang hinirang, bayang pag-aari ng Diyos, pinili upang magpahayag ng mga kahanga-hangang ginawa niya. Siya ang tumawag sa inyo mula sa kadiliman patungo sa kanyang kahanga-hangang kaliwanagan. Kayo'y hindi bayan ng Diyos noon; ngunit ngayon, kayo'y bayang hinirang niya. Noon ay hindi kayo nakatanggap ng habag, ngunit ngayo'y tumangg...

Part 11: Tulung-tulong sa Misyon 18.09.2023

#9: Patuloy tayong magbibigay nang masaya at naaayon sa pagpapala sa atin ng Diyos para makatulong sa ministeryo ng iglesya at mga gastusin nito, sa mga mahihirap at mga nangangailangan, at sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita sa lahat ng mga bansa ( Matt. 28:19 ; Acts 2:44-45 ; 4:34-35 ; 1 Cor. 16:1-2 ; 2 Cor. 9:7 ; 1 Pet. 4:10-11 ).

Part 10: Tulung-tulong sa Ministeryo 11.09.2023

#8: Pagtutulungan natin ang pagpapatuloy ng mga ministeryo sa iglesyang ito na nakasentro sa Mabuting Balita ni Cristo, sa pagpapanatili ng sama-samang pagsamba, mga ordinansa, pagdidisiplina, at pagtuturo ng mga tamang doktrina, nang may mapagpakumbaba at masayang pagpapasakop sa mga itinalaga ng Diyos na mga tagapanguna ( Gal. 1:6–9 ; 1 Cor. 5:1–13 ; 11:17–34 ; Heb. 13:17 ; 1 Pet. 5:1–5 )

Part 9: Sama-sama sa Paglaban sa Kasalanan 04.09.2023

#7: Sisikapin natin, sa tulong ng biyaya ng Diyos, na mamuhay nang maingat sa mundong ito, tumalikod sa mga makamundong mga hangarin at mga gawain, at ipamuhay ang isang bago at banal na pamumuhay, ayon sa inilalarawan ng bautismo na tayo’y namatay na, inilibing, at muling nabuhay kasama ni Cristo ( Rom. 6:1-4 ; 12:1-2 ; Eph. 5:15-18 ; Col. 3:12-13 ; 1 Pet. 1:14-16 ; 2:11-12 ).

Part 8: Pagmamalasakit sa Isa't Isa 28.08.2023

#6: Makikigalak tayo sa kasiyahan ng bawat isa, at sisikaping makatulong sa pagdadala ng mga kabigatan, at makiramay sa kapighatian ng bawat isa bilang bahagi ng iisang Katawan at sa paraang mararamdaman ang pagpapahalaga natin sa bawat isa ( Rom. 12:15 ; 1 Cor. 15:25-26 )

Part 7: Pagdadala ng Ibang Tao kay Cristo 21.08.2023

#5: Sisikapin nating palakihin sa disiplina at aral ng Panginoon ang sinumang inilagay Niya sa ating pangangalaga, at hahangaring madala sa Panginoon ang ating mga kapamilya at mga kaibigan sa pamamagitan ng mabuting halimbawa at pagbabahagi ng Mabuting Balita sa kanila ( Eph. 6:4 ; 1 Thess. 2:1-12 ; Col. 4:3-6 ).

Part 6: Sama-samang Panalangin 07.08.2023

Hindi natin pababayaan ang pananalangin para sa ating mga sarili at para sa iba (Jas. 5:16).

Hallgasd a(z) Baliwag Bible Christian Church [sermons] podcastot a Replaióban

Rádió és podcastok egy alkalmazásban - ingyen és regisztráció nélkül. Telepítsd még ma, és ne maradj le a premierről

Letöltés a Google Play-ről

A Replaio nem podcastkiadó; a műsorok nevei, borítóképei és hanganyagai a szerzőiket illetik, és nyilvános RSS-csatornákon keresztül terjednek.