Barangay LS 97.1 Manila | GMA Network Inc.
Barangay Love Stories
These are the weekly stories of love, life and hope (ang mga kuwento ng buhay, pag-ibig at pag-asa) from the listeners of Barangay LS 97.1 FM. Listen to Papa Dudut as he reads the letters of our 'Kabarangays' heartfelt experiences. The dramatization will bring you closer in feeling the joy, pain and everything in between of love & life. Siguradong relate-much ka dito. Thank you for making this podcast NUMBER 1 in the Philippines.
Μην παραλείψεις να επισκεφτείς τη σελίδα του podcast και να στηρίξεις τον δημιουργό: www.gmanetwork.com
Δημιουργός
Barangay LS 97.1 Manila | GMA Network Inc.
Κατηγορία
Ιστοσελίδα του podcast
Τελευταίο επεισόδιο
1 Οκτ 2026
Πού να ακούσεις;
Podcast στην εφαρμογή Replaio Radio Έρχεται σύντομαΤα podcast έρχονται σύντομα στην εφαρμογή. Εγκατάστησέ την τώρα και δες πρώτος μια εντελώς νέα προσέγγιση στα podcast
Επεισόδια
EP 705: "Limitasyon" with Papa Dudut 18.06.2026 41:02
Mahirap masanay sa mga bagay na walang kasiguraduhan kung hanggang kailan mo mararanasan. Pakinggan ang kwento ni Maileen sa Barangay Love Stories.
EP 704: "Wala sa Kalingkingan" with Papa Dudut 17.06.2026 39:47
Ang bawat anak ay obra maestra kaya hindi sila dapat ikumpara sa iba dahil walang sinuman ang may kagaya. Totoong dapat galangin ng anak ang mga magulang ngunit dapat rin namang respetuhin at alagaan ng magulang ang anak na ipinagkaloob sa kanila. Pakinggan ang kwento ni Ronnie sa Barangay Love Stories.
EP 703: "Girl Code" with Papa Dudut 16.06.2026 40:15
Mainam pa ang taong harap-harapan kang pinagsasabihan kaysa sa taong kaibigan daw pero niloloko ka rin naman. Pakinggan ang kwento ni Krishna sa Barangay Love Stories.
EP 702: "Malagim" with Papa Dudut 15.06.2026 36:40
Para sa mag-asawang sina Topeng at Alma, kahit mahirap ay sinisikap talaga nilang matulungan ang mga kaibigan at kapitbahay nila. Kahit ang patapon na si Waldo, nakuha pa rin nilang pagkatiwalaan sa paniniwalang makakaahon din ito sa mga problemang kinasasadlakan. Pero hindi lang si Waldo ang nangangailangan ng tulong, kun'di pati ang asawa at anak nito. Pakinggan ang kwento ni Alma sa Baranga...
EP 701: "Pulang Bandera" with Papa Dudut 12.06.2026 39:04
May freeloader boyfriend ni Nezza. Nang dumating ang panahon na hindi na nito mabuhay ang sarili niya, nakitira siya kay Nezza kaso sinama pa nito ang bratinelang kapatid niya. Pakinggan ang kwento ni Nezza sa Barangay Love Stories.
EP 700: "Eroplanong Papel" with Papa Dudut 11.06.2026 41:13
Sa buhay, ikaw ay masasaktan at mabibigo pero ang mga ito ang magpapatibay sa iyong puso. Pakinggan ang kwento ni Jimboy sa Barangay Love Stories.
EP 699: "Ihaw-Ihaw" with Papa Dudut 10.06.2026 43:12
Para magkaroon ng pangtustos sa araw-araw, sinubukan ni Jenina na magtayo ng munting negosyo kaso may mga taong humahadlang sa mga pangarap niya para sa kanyang pamilya. At ang mas masakit, iyon ay walang iba kun'di ang kanyang kinakasama. Pakinggan ang kwento ni Jenina sa Barangay Love Stories.
EP 698: "Isda sa Dagat" with Papa Dudut 09.06.2026 45:02
Sa iyong pagmamadali, minsan ikaw ay nagkakamali. Pero tumayo kang muli dahil pwede ka naman ulit bumawi. Pakinggan ang kwento ni Greta sa Barangay Love Stories.
EP 697: "Pinagpala" with Papa Dudut 08.06.2026 36:58
Sa panahon ngayon, mahirap talaga kung isa lang ang nagtatrabaho sa pamilya. Kaya nang mawala ang haligi ng tahanan nina Remy, nawalan din sila ng taong magtataguyod sa kanila. Mahirap para sa nanay ni Remy ang magtrabaho nang mag-isa para pag-aralin at pakainin silang magkakapatid pero pinilit ito ng kanilang ina kahit pa magkasakit siya. Kaya bilang panganay, si Remy na rin mismo ang nagdesisyon...
EP 696: "Extra Service" with Papa Dudut 05.06.2026 38:17
Kahit gaano pa kalalim ang pagmamahal mo sa isang tao, makakaramdam ka rin ng pagod kapag siya ay umabuso. Kaya kung paulit-ulit na itong ginagawa, turuan mo ng leksyon para magtanda. Pakinggan ang kwento ni Annabelle sa Barangay Love Stories.
EP 695: "Self Worth" with Papa Dudut 04.06.2026 42:50
Irespeto ang iyong sarili at matutong dumistansiya sa mga taong hindi nakikita ang iyong halaga. Pakinggan ang kwento ni Ni-An sa Barangay Love Stories.
EP 694: "Lingkis" with Papa Dudut 03.06.2026 44:48
Huwag bigyan ng malisya ang mabuting bagay na ipinapakita ng iba. Bigyan din ng limitasyon ang iyong pakikisama dahil baka nalilito mo na pala sila. Pakinggan ang kwento ni Anji sa Barangay Love Stories.
EP 693: "Atabs" with Papa Dudut 02.06.2026 44:54
Sa pagitan ng pag-ibig na may kahati, ang puso ay siguradong malilito pero ang katotohanan ay hinding-hindi maitatago. Pakinggan ang kwento ni Menggay sa Barangay Love Stories.
EP 692: "Love is Blind" with Papa Dudut 01.06.2026 37:48
Walang mali sa pagmamahal nang masidhi pero kung ang taong naalayan ng ganitong klase ng pag-ibig ay tuso, taksil, at hindi makuntento, ang sisi ay hindi dapat sa iyo. Sinayang man ni Jane ang pagmamahal ni Brent, hindi ito naging dahilan para kamuhian siya ni Brent. Kaya nang magkita silang muli sa pangalawang pagkakataon, nararapat bang pagbigyang muli ang mga puso. Pakinggan ang kwento ni Brent...
EP 691: "Sundo't Hatid" with Papa Dudut 29.05.2026 39:35
Kung lumampas ang nais mong pagkakataon, baka may mas magandang plano para sa iyo ang Panginoon. Pakinggan ang kwento ni Tuti sa Barangay Love Stories.
EP 690: "Paalam Mahal" with Papa Dudut 28.05.2026 48:50
Parang isang kislap ng bituin ang pagdating ng isang tao sa buhay. Ngunit kumupas man ang kanilang ilaw, ang ningning ng kanilang alaala’y hindi malilimutan. Pakinggan ang kwento ni Apollo sa Barangay Love Stories.
EP 689: "Abuloy" with Papa Dudut 27.05.2026 46:04
Kumayod nang marangal at patas. Mag-iwan ng malinis na pangalan at gawa dahil ang masasamang gawi kapag nagpatong-patong na, babalikan ka talaga. Pakinggan ang kwento ni Junnie sa Barangay Love Stories.
EP 688: "Transient House" with Papa Dudut 26.05.2026 45:23
Ang alaala ng isang tao ay hindi nawawala kahit pa siya’y lumisan na. Nararapat lang na gumawa tayo ng magagandang alaala habang tayo ay nandito pa. Pakinggan ang kwento ni Aldred sa Barangay Love Stories.
EP 687: "Humalinghing" with Papa Dudut 25.05.2026 36:17
Kung papasok sa isang relasyon dapat handa kang maging tapat sa lahat ng pagkakataon. Pero nang magbago na ang itsura ng misis ni Jonathan, nagsimula siyang maghanap ng mas kaaya-aya sa paningin niya. Ngunit malupit ang tadhana, ang mga manloloko sa huli ay makakaranas din ng parusa. Pakinggan ang kwento ni Jonathan sa Barangay Love Stories.
EP 686: "Humaling" with Papa Dudut 22.05.2026 43:28
Hindi kahinaan ang pagpapatawad nang paulit-ulit. Pero kung sila na ay mapang-abuso, dapat ipaglaban mo na rin ang sarili mo. Pakinggan ang kwento ni Ram sa Barangay Love Stories.
EP 685: "Yema" with Papa Dudut 21.05.2026 47:47
Ang pag-ibig ay ligtas na kanlungan at hindi kulungan. Dapat ay malaya mong magawa ang mga gusto mo sa buhay habang nasa tabi mo siya at nakaalalay. Pakinggan ang kwento ni Harold sa Barangay Love Stories.
EP 684: "Good Provider" with Papa Dudut 20.05.2026 45:06
Minsan, hindi sapat na nagbibigay ka lang. Dapat din itong pag-isipan kaysa malunod sa mga bagay na sinisira na pala ang inyong buhay. Pakinggan ang kwento ni Socorro sa Barangay Love Stories.
EP 683: "Online Longganisa" with Papa Dudut 19.05.2026 44:03
Mahirap itago ang katotohanan, kaya mas mabuting aminin ang iyong pagkakamali kaysa mabuhay sa kadiliman ng kasalanan. Dahil sa bawat gawang masama, may hatol na talagang nakaantabay. Pakinggan ang kwento ni Miyu sa Barangay Love Stories.
EP 682: "Talunan" with Papa Dudut 18.05.2026 36:31
Ang tiwala sa sarili ay unang nahuhubog sa loob ng tahanan. Kaya sa tulad ni Wesley na hindi nakakuha ng sapat na suporta sa kanyang magulang at kapatid, lumaki siyang mahina ang loob. Pero imbes na alalayan, mas pinagdiinan pa nila ang pagiging nitong lampa lalo na ng kanyang kuya na magaling sa halos lahat ng aspeto ng buhay. Pakinggan ang kwento ni Wesley sa Barangay Love Stories.
EP 681: "Tuyo nang Damdamin" with Papa Dudut 15.05.2026 46:58
Wala nang mas bibigat pa sa pagbuhat sa relasyon na ikaw na lang ang masaya. Pag-aralan ang pagbitaw sa nakaraan at unahin ang sariling kapakanan. Pakinggan ang kwento ni Helga sa Barangay Love Stories.
Παρόμοια podcast
Το Replaio δεν είναι εκδότης podcast - τα ονόματα των εκπομπών, τα εξώφυλλα και ο ήχος ανήκουν στους δημιουργούς τους και διανέμονται μέσω δημόσιων ροών RSS