Barangay LS 97.1 Manila | GMA Network Inc.
Barangay Love Stories
These are the weekly stories of love, life and hope (ang mga kuwento ng buhay, pag-ibig at pag-asa) from the listeners of Barangay LS 97.1 FM. Listen to Papa Dudut as he reads the letters of our 'Kabarangays' heartfelt experiences. The dramatization will bring you closer in feeling the joy, pain and everything in between of love & life. Siguradong relate-much ka dito. Thank you for making this podcast NUMBER 1 in the Philippines.
Μην παραλείψεις να επισκεφτείς τη σελίδα του podcast και να στηρίξεις τον δημιουργό: www.gmanetwork.com
Δημιουργός
Barangay LS 97.1 Manila | GMA Network Inc.
Κατηγορία
Ιστοσελίδα του podcast
Τελευταίο επεισόδιο
2 Οκτ 2026
Πού να ακούσεις;
Podcast στην εφαρμογή Replaio Radio Έρχεται σύντομαΤα podcast έρχονται σύντομα στην εφαρμογή. Εγκατάστησέ την τώρα και δες πρώτος μια εντελώς νέα προσέγγιση στα podcast
Επεισόδια
Episode 334: "Hanggang sa Muli" 10.07.2023 1:01:43
Hindi raw pwedeng pagsabayin ang career at love life. Pero kung oo, siguradong mahihirapan ang isa maliban na lang kung malawak ang understanding ng partner mo. Katulad ni Noemi na sobra kung sumuporta sa pangarap ni Harvey habang sinusuportahan din ang sarili niyang mga pangarap. Pero paano pa tutulong si Noemi kung si Harvey mismo ay panghihinaan ng loob. Pakinggan ang kwento ni Harvey sa Barang...
Episode 333: "Pensyonadong Pulpol" 03.07.2023 1:01:33
Mahirap maulila nang maaga at mahirap din kung maipagkatiwala ka sa taong walang ibang ginawa kun'di ang ipaalala sa iyo na isa kang pabigat. Ganyan ang naging buhay ni Aira sa piling ng kanyang tiyahin. Buti na lang at nakilala niya si TJ, ang taong magiging karamay niya sa lupit ng buhay. Pakinggan ang kwento ni Aira sa Barangay Love Stories.
Episode 332: "Huling Tibok" 30.06.2023 1:04:02
Pagdating sa pag-ibig, mas gusto ng iba 'yung tipong sa simula pa lang ay may spark na. Katulad ni Laine, kahit matagal nang gusto manligaw ni Manuel - isang mabait, matipuno, mapagkakatiwalaan na lalaki, at financially stable pa, ay never itong binigyan ng chance ni Laine. Pakinggan ang kwento ni Laine sa Barangay Love Stories.
Episode 331: "Instant Noodles" 19.06.2023 1:28:38
Maraming bagay at pagkakataon ang maaaring panghinayangan ng mga tao. At isa sa mga pagkakataong iyun ay ang pag-iwas sa pagtulong kahit na kaya mo lalo pa kung ang taong nangangailangan ay ang kapatid mo. Pakinggan ang kwento ni Jake sa Barangay Love Stories.
Episode 330: "Identity" 13.06.2023 58:24
Minsan, nakakakilig isipin na may taong nagkakagusto sa iyo. Pero hindi ganun ang pakiramdam ni Arjo. Focused lang sa pag-aaral ang binata kaya kahit na araw-araw siyang kinukulit ni Arlene, mas gusto niyang iwasan ang dalaga. Pero mahirap layuan ang isang obsessed na taong katulad ni Arlene na may stalker vibe pa. Pakinggan ang kwento ni Arjo sa Barangay Love Stories.
Episode 329: "Right Time" 05.06.2023 1:21:14
Lahat ng bagay ay pinaghihirapan, lalo na ang pag-ibig. Ngunit nang ma-realize ni Allen na mukhang hindi siya ang tamang lalaki para sa pinakamamahal niyang si Ria, sinukuan niya na lang ito. Pakinggan ang kwento ni Allen sa Barangay Love Stories.
Episode 328: "Best Man" 29.05.2023 55:03
Hindi madali ang maghintay pero para makasigurado, pinili ni Stacy at Liam na mas kilalanin pa ang isa't-isa upang hindi nila pagsisihan ang pagpapakasal. Totoong sweet ang mga secret proposals, pero minsan naipapahamak nito ang ibang tao. Pakinggan ang kwento ni Stacy at Regie sa Barangay Love Stories.
Episode 327: "Ehemplo" 22.05.2023 1:00:56
Ulirang anak sa kanyang sakiting ina at ama sa batang hindi niya kadugo, iyan si Vincent. Naging masalimuot ang kanyang buhay pag-ibig nang magmahal siya ng babaeng hindi itinadhana ng langit para sa kanya. Pakinggan ang kwento ni Vincent sa Barangay Love Stories.
Episode 326: "Walang Bola" 15.05.2023 51:45
May mga taong umiibig nang maaga at may iba naman na sa huli na ito nakikita. Hindi takot umibig si Prince pero matapos ang maraming break-ups, na-realize niya na kailangang paghandaan nang maigi ang pakikipagrelasyon lalo na nang malaman niyang gusto pala siya ng kaibigan niya. Pakinggan ang kwento ni Prince sa Barangay Love Stories.
Episode 325: "Karnal" 08.05.2023 1:01:10
Normal na magkaroon ng tukso sa mundo pero ibang usapan na kapag bumigay ka rito. Katulad na lamang ni Angie na sobrang mahal ang kanyang asawa at anak ngunit bumigay pa rin sa tawag ng laman nang dahil sa pangungulila sa kanyang mister na isang seaman. Pakinggan ang kwento ni Angie sa Barangay Love Stories.
Episode 324: "Salamat, Ate" 01.05.2023 1:42:56
Likas sa magulang na alagaan ang anak na kanilang dinala sa mundong ito. Pero may iba talaga na katulad ng nanay ni Rina at Raine na walang pake sa kanilang responsibilidad bilang magulang. Maagang namulat sa hirap ng buhay si Rina dahil siya ang tumayong nanay at tatay ng nakababatang kapatid na si Raine. Dahil kita niya ang hirap ni Rina, sinigurado rin ni Raine na hindi masasayang ang pagod ng...
Episode 323: "Ikalawang Tagpo" 24.04.2023 1:03:48
Isang babae na nahulog sa tamang lalake, 'yan si Liza. At kahit hindi pa matagal ang kanilang pagsasama ay naibigay na ni Tim sa kanya ang lahat ng ikaliligaya na nararapat sa isang magiging kaisang-dibdib. Hindi dumaan sa kung anong mga balakid ang kanilang pagmamahalan pero ang perpekto nilang kaligayahan na nagsisimula pa lang ay biglang puputulin ng pagkakataon. Pakinggan ang kwento ni Liz...
Episode 322: "Ipinagkasundo" 17.04.2023 55:03
May mga magulang talaga na pinagkakasundo ang kanilang mga anak para masiguro ang maayos nilang pamumuhay. Katulad na lamang ni Aldrin at Charlotte na nais paglapitin ng mga parents nila. Pero imbes na ma-fall sa isa't-isa, nauwi sa pagiging mag-best friend ang dalawa. Pakinggan ang kwento ni Aldrin sa Barangay Love Stories.
Episode 321: "Sagip" 08.04.2023 40:37
Kahit na bawal, nakipagrelasyon pa rin si Jean sa taong hindi niya ka-religion. Mas pinili niya ang poging si Emman kaysa kay Julius na matagal na siyang mahal. Dahil sigurado daw si Jean na nagbago na ang babaerong si Emman at magpapa-convert ito sa religion nila para sa kanilang kasal. Pakinggan ang kwento ni Jean sa Barangay Love Stories.
Episode 320: "Bahaghari" 07.04.2023 43:05
Takot man si Edz na malaman ng iba ang katotohanan sa kasarian niya, importante sa kanya na matanggap siya ng taong mahal niya. At sa pagpasok ni Jane sa buhay niya, mas malilinawan siya kung ano talaga ang gusto niyang future partner. Pakinggan ang kwento ni Edz sa Barangay Love Stories.
Episode 319: "Buo" 06.04.2023 38:46
Kahit labis na nagmamahalan ang mag-asawang sina Bettina at Marcelito, hindi iyon sapat para makabuo sila ng anak. Hirap talaga ang mga babae sa pamilya ni Bettina na magkaanak. Pero hindi naman ito problema kay Marcelito dahil kung hindi man daw sila magka-anak, pwede naman silang mag-ampon. Pakinggan ang kwento ni Bettina sa Barangay Love Stories.
Episode 318: "Cutie" 03.04.2023 55:44
Lahat gusto ng buo, masaya, at maginhawang pamilya. Kaya naman kahit kapalit nito ang sariling kaligtasan ni Alross, mas pinili niyang manahimik kahit patuloy ang pang-aabuso sa kanya ng kanyang stepfather. At mas lalo pang lumalim ang hirap na nadarama niya nang pati ang kanyang sariling ina ay pinagdudahan siya. Pakinggan ang kwento ni Alross sa Barangay Love Stories.
Episode 317: "Friendship" 27.03.2023 1:08:31
Masarap magkaroon ng kaibigan lalo pa kung handa ka nitong ipaglaban sa lahat ng panahon. Pero pakiramdamdam ni Selina, naaalala lang siya ng bestfriend niyang si Tristan tuwing may problema ito. At kahit anong paalala ang ibigay niya kay Tristan, dahil paulit-ulit itong niloloko ng isang babae, ay ayaw nitong makinig. Sa huli, si Selina na naman ang dadamay sa brokenhearted na si Tristan. Pakingg...
Episode 316: "Hugas-Kamay" 20.03.2023 1:04:02
Wala nga ba talagang choice ang iba kaya nasasaktan nila ang taong malapit sa kanila? Nang ligawan ni Radge ang kababata niyang si Mylene, hindi agad siya sinagot ng dalaga pero nagsisi si Mylene nang malaman niyang may nililigawan nang iba si Radge. Ngunit babalikan ng binata si Mylene nang malaman niyang nabuntis ito matapos itong mapagsamantalahan. Pakinggan ang kwento ni Mylene sa Ba...
Episode 315: "Hawak Kamay" 13.03.2023 1:04:14
Isang ate na tumayong magulang sa kanyang nakababatang kapatid - 'yan si Jenna. Bumuo siya ng mga plano at sinuportahan lahat ng pangarap ni Jane. Wala siyang ibang hinangad kung hindi ang mapabuti ang buhay nito. Pero sa huli, may iba pa palang plano at pangarap si Jane at mukhang hindi siya doon kasama. Pakinggan ang kwento ni Jenna sa Barangay Love Stories.
Episode 314: "Pandesal" 06.03.2023 1:04:19
Hindi lahat ng kumakatok ay dapat pinapapasok pero pwede silang pagbuksan ng pinto. Mas gusto ni Pedro mamuhay mag-isa, 'yung walang inaalala at iniisip na iba. Kahit pa umibig at nagkaroon din ng dalawang anak, tumanda pa rin mag-isa si Pedro. Kaya nang makilala niya si Ningning, may parte kay Pedro na nais niyang alagaan ang bata pero mas nangingibabaw ang takot niya. Pakinggan ang kwento ni&nbs...
Episode 313: "Sangang-Daan" 27.02.2023 1:06:04
Hindi madaling magpatuloy pagkatapos madapa nang paulit-ulit - tulad ni Dezza na napapatanong na lang sa Maykapal kung bakit siya pinaparusahan nang ganun. At kahit ilang taon na siyang nagsisi, hindi pa rin siya magawang patahimikin ng nakaraan. Pakinggan ang kwento ni Dezza sa Barangay Love Stories.
Episode 312: "Love Letter" (Valentine Special) 20.02.2023 57:21
LOVE WINS. Isa itong sikat na pahayag sa henerasyon ngayon kung saan mas tanggap na ng karamihan ang mga relasyon sa parehong kasarian. Pero matatawag pa rin bang 'love wins' kung isa sa kanila ay nagtatago ng isang malaking sikreto? Pakinggan ang kwento ni Julian sa Barangay Love Stories.
Episode 311: "Halik Sa Kamao" 13.02.2023 1:17:10
Maraming kayang gawin ang isang tao para sa pag-ibig. Kagaya na lamang ni Girlie na na-convince ng kanyang boyfriend na iwan ang kanyang pamilya. Pero nang siya ay mabuntis, imbes na mas tumatag ang kanilang pagmamahalan, nagsimulang maging impyerno ang buhay ni Girlie. Pakinggan ang kwento ni Girlie sa Barangay Love Stories.
Episode 310: "Sustento" 06.02.2023 1:11:29
Manggagamit. Ganyan ang tatay ni Jared. Kayang magpaikot ng mga tao at gagamitin kahit mismong anak niya makuha lamang ang mga luho niya. Pero dahil nga mahal siya ng nanay ni Jared, wala siyang magawa kun'di ang mamuhay kasama ang manggagamit nilang padre de pamilya. Pakinggan ang kwento ni Jared sa Barangay Love Stories.
Παρόμοια podcast
Το Replaio δεν είναι εκδότης podcast - τα ονόματα των εκπομπών, τα εξώφυλλα και ο ήχος ανήκουν στους δημιουργούς τους και διανέμονται μέσω δημόσιων ροών RSS