Love Radio Manila

Raqi’s Secret Files with Titan Gelo

Fiction TL ↓ 362 Folgen

The program reflects various realities of the world that may create a sense of belonging, relatability, and controversies. Raqi’s Secret files was inspired by the trend “confession” pages on Facebook. We’ve seen that there is a huge buzz created by these confessions — from its contributors all the way to its community. We’ve thought of carrying that trend from online to on-air, retaining the same level of anonymity, giving the story a voice. Listeners who desire to relieve a bit of their burden are encouraged to send their stories, making the program, Raqi’s Secret Files a safe haven to tell t...

Besuch unbedingt die Website des Podcasts und unterstütze die Macher: www.loveradio.com.ph

Autor

Love Radio Manila

Kategorie

Fiction

Podcast-Website

www.loveradio.com.ph

Neueste Folge

11. Okt 2026

Wo hören?

Podcasts in der App Replaio Radio Bald verfügbar

Podcasts kommen bald in die App. Installiere sie jetzt und erlebe als Erster einen ganz neuen Blick auf Podcasts

Bei Google Play herunterladen Kostenlos installieren Android fast 10 Mio. Downloads · Bewertung 4,8 iOS bald

Folgen

Si Biyenan ang kontrabida sa buhay namin 08.09.2026

Ang letter sender ay isang inang handang gawin ang lahat para mailigtas at ipaglaban ang kanyang anak, kahit pa harapin niya ang takot, hirap sa pera, at masasakit na salita mula sa sariling pamilya ng kanyang asawa. Sa kabila ng lahat, pinatunayan niyang walang pagsubok ang kayang tumbasan ang lakas ng pagmamahal ng isang ina. Ito ang secret file ni Lei.

Pinagsabay ko ang tropa at girlfriend ko 07.09.2026

Ibinahagi ng letter sender ang pagdadalawang-isip niya habang pinagsasabay ang kanyang girlfriend niya at ang katrabaho niya na pareho niyang minamahal sa kabila ng mga kinakaharap na komplikasyon. Hanggang kailan kaya siya magiging two-timer? Ito ang secret file ni Alex.

Nabighani ako ng misteryosong babae sa ilog 06.09.2026

Ang sender ay hindi inaasahang nakahanap ng pag-ibig matapos siyang mailigtas ng isang babae sa ilog. Dahil sa simpleng pagkakataong iyon, nagsimula ang kanilang pagkakaibigan na nauwi sa isang magandang relasyon, kahit magkalayo sila at may kanya-kanyang responsibilidad sa pag-aaral. Ito ang secret file ni Ralph.

Pinapakain ako ng kamao ng Asawa ko 03.09.2026

Ibinahagi ng ating sender na nadali siya ng lalaking magaling lang sa umpisa. Habang tumatagal, ang taong pinakasalan niya ay nag-iibang anyo pala. Hanggang kailan niya papanindigan ang pagiging asawa sa isang taong hindi naman nirerespeto ang pagkatao niya? Ito ang secret file ni Lyka.

Nahuli siyang kumakanta sa mikropono ng ibang lalaki 03.09.2026

Ibinahagi ng ating sender ang kwento ng komplikadong sitwasyon niya—isa siyang kabit kahit alam niyang may asawa at pamilya na ang kinakabitan niya. Ang problema, ginawa lang siyang kabit para makaganti sa kasalanang 'di naman siya ang gumawa. Hanggang kailan niya titiisin ang pagiging backup? Ito ang secret file ni Lex.

Mahal ko ang Best Friend ko, pero pangit kasi ako 31.08.2026

Ibinahagi ng ating letter sender na mula noon at hanggang ngayon, mahal niya na ang best friend niya. Ang tanging problema niya lang ay pangit daw siya. Hanggang kailan siya magiging insecure at dapat nga ba niyang i-ruin ang friendship? Ito ang secret file ni Mark.

Tiniis ko ang pagloloko niya kasi binuntis niya ako 31.08.2026

Ibinahagi ng sender ang na kahit paulit-ulit siyang niloko, pinipilit niyang kumapit dahil takot siyang maranasan ng kanyang mga anak ang hirap ng lumaki sa broken family. Hanggang kailan pipiliin ni Elise ang pamilyang matagal nang sira?

Kabit lang ako, pero ako ang gusto niyang ibahay 26.08.2026

Ibinahagi ng sender ang kanyang karanasan nang makipagrelasyon siya sa isang lalaking pamilyado na. Aminado naman ang lalaki niya na mas masarap daw kapag silang dalawa ang magkasama, kaya inaalok niya ito ng mahigit Php 15,000 para manatili lang sa kaniya. Hanggang kailan kaya matitiis niya ang setup na nakakasakit 'di lang sa kaniya, kun'di sa pamilya rin ng iba? Ito ang secret file ni J...

Si Papa ang nakauna sa‘kin imbes na asawa ko 25.08.2026

Ibinahagi ng sender ang madilim niyang nakaraan at kung paano ito patuloy na nanggugulo sa buhay-mag-asawa nila ngayon. Nahihirapan pa rin siyang magtiwala nang lubusan dahil sa mga sugat na iniwan ng kanyang pamilya at dating karelasyon. Hanggang kailan kaya bibitbitin ng sender ang masakit na katotohanang nauna ang papa niya imbes na asawa niya? Ito ang secret file ni Diva.

May kabit at pamilya na pala ang asawa kong OFW 24.08.2026

Ibinahagi ng sender ang masakit na karanasan niya bilang isang asawa ng OFW. Sa isang simpleng Facebook notification lang, nasira ang pamilyang inalagaan niya ng mahigit 11 years. Hanggang kailan titiisin ni Mae ang lahat ngayong nahuli niyang may kabit at pamilya na pala ang asawa niyang OFW? Ito ang secret file ni Mae.

Nahuli ko ang Girlfriend ko at ang Boy Best friend niya 20.08.2026

Ibinahagi ng sender ang isang masakit na katotohanan sa likod ng kanilang relasyon ng kaniyang girlfriend at ang boy best friend nito. Hanggang kailan niya kayang magbulag-bulagan sa harap ng katotohanang mas pinili ng girlfriend niya ang iba kaysa sa kanilang relasyon? Ito ang secret file ni Andy.

Inahas ko ang Boyfriend ng kumupkop sa‘kin at proud ako 19.08.2026

Ibinahagi ng Secret File Sender na ang pag-ibig ay nakakahibang talaga. Matapos siyang kupkupin ng isang pamilya abroad, nagawa niya pa rin silang suklian ng pagtataksil na ikakasira ng relasyon nila sa isa't isa. Hanggang kailan kaya magiging proud si Lia na inahas niya ang boyfriend ng kumupkop sa kaniya? Ito ang secret file ni Lia.

Ginagawa akong katulong ng pamilya ng partner ko 18.08.2026

Ibinahagi ng sender ang hirap na nararamdaman niya sa loob ng 13 taong pagsasama. Akala niya ay matitiis niya pa, pero habang siya ay naghihintay ng kasal at sariling tahanan, ang taong mahal niya ay parang walang balak ibigay ang mga ito. Hanggang kailan siya mananatiling sunud-sunuran sa relasyon nila? Ito ang secret files ni Glory.

Ginawa kong ATM ang mga kabit ko 17.08.2026

Ibinahagi ng Secret File sender ang sikretong matagal niya nang itinatago sa asawa niya. Sa likod ng kanilang pagsasama, may katotohanan na unti-unting nabubunyag sa bawat pagkakataong siya ay gipit sa pera. Hanggang kailan kaya niya mapagtatakpan na ginagawa niyang ATM ang mga kabit niya? Ito ang secret file ni Albert.

Iba ang nakabuntis sa Girlfriend ko, pero ako ang nag-alaga 12.08.2026

Ibinahagi ng sender ang isinakripisyo niya para sa maling tao. Sa kabila ng paulit-ulit na panloloko, sinubukan niya pa ring kumapit hanggang sa unti-unting mabunyag ang isang mas malalim at mas masakit na katotohanan. Ito ang secret file ni Kim.

Ka-eyeball ko kanina, ka-bullseye ko mamaya 10.08.2026

Ibinahagi ng sender ang kanyang kakaibang love story na nagsimula sa isang textmate at clan meetup noong 2006, kung saan nakilala niya si Jenny at agad nabuo ang kanilang koneksyon. Makalipas ang dalawampung taon, ang kanilang hindi pangkaraniwang simula ay nauwi sa habambuhay na pagmamahalan. Ito ang secret file ni Tukoy.

Nagbigay ako ng pera sa babaeng hindi ko pa nakikita 31.07.2026

Ibinahagi ng sender kung paano siya unti-unting nahulog sa isang babaeng nakilala lamang niya sa isang dating app. Dahil sa tiwala at pagmamahal na nabuo sa pagitan nila, hindi siya nagdalawang-isip na tulungan ito sa oras ng pangangailangan. Ngunit sa unang pagkakataong nagkita sila nang personal, isang nakakagulat na katotohanan ang tuluyang nagpabago sa lahat. Ito ang secret file ni Jason.

Umaasa na lang ako sa himala para sa paggaling ng anak ko 30.07.2026

Ibinahagi ng sender ang masakit na paglalakbay nila bilang mga magulang matapos mapansing nahuhuli sa development ang kanilang anak na si Jim. Mula sa pag-asang normal lang ang lahat, isang diagnosis ang tuluyang nagpabago sa kanilang buhay at nagtulak sa kanilang kumapit sa pag-asa at himala para sa kinabukasan ng kanilang anak.

Hindi lang pera ang nawala kundi pati kapatid ko 29.07.2026

Isang retiradong ina ang buong pusong ipinagkatiwala ang kanyang retirement fund sa investment na ipinakilala ng sarili niyang anak. Ngunit nang mawala ang pera, kasabay rin nitong naglaho ang kanyang anak, na tuluyang umiwas at pinutol ang lahat ng komunikasyon. Sa huli, napilitan silang magsampa ng reklamo hindi dahil sa paghihiganti, kundi para ipaglaban ang tama. Isang masakit na kuwento ng pa...

Secretary ako ng Boss ko at kabit niya ako 28.07.2026

Ibinahagi ng ating sender kung paanong ang trabahong nakuha niya para tulungan ang pamilya ay naging dahilan para maging kabit siya. Ito ang secret file ni Lily. 

Naglakas-loob lang ako noong ikakasal na siya sa iba 24.07.2026

Matagal nang lihim na minahal ng sender ang matalik niyang kaibigang, ngunit pinili niyang manahimik sa takot na masira ang kanilang pagkakaibigan. Habang hinihintay niya ang tamang panahon para umamin, may ibang lalaking dumating, minahal ng kaniyang iniibig, at nauwi pa sa kasalan. Bilang best friend, ang sender pa mismo ang naging saksi sa bawat hakbang ng babaeng mahal niya papalayo sa kanya....

Natatakot akong matulog sa tabi ng Asawa ko 23.07.2026

Ibinahagi ng sender ang takot na bumabalot sa kanya matapos siyang saktan ng sariling asawa sa kanilang honeymoon. Bagama't humihingi ito ng tawad at nagsisikap magbago, aminado siyang hanggang ngayon ay natatakot pa rin siyang matulog sa tabi ng lalaking minsang nagparamdam sa kanya ng panganib. Ito ang secret file ni Erica.

Nanloko ako ng iba para sa sugal 22.07.2026

Ibinahagi ng ating sender kung paano siya nalulong sa sugal hanggang sa naloko niya ang mga katrabaho at maging ang sarili niyang mga magulang para lamang may maipangtaya. Nang mawala ang lahat at mawalan na rin siya ng pag-asang mabawi ang kanyang buhay, isang tawag mula sa kanyang ina ang nagpabago sa kanyang isip at nagbigay sa kanya ng dahilan upang muling lumaban. Ito ang secret file ni Denni...

Isang pagkakamali ang sumira sa kasal na pinapangarap ko 21.07.2026

Ibinahagi ng ating sender kung paano nasira ang pangarap nilang kasal matapos siyang magkamali sa isang gabing nalasing at nagtaksil sa kanyang fiancée. Nang magpositibo siya sa isang sexually transmitted infection, pinili niyang umamin sa lahat. Sa halip na galit, katahimikan at luha ang isinukli ng babaeng mahal niya kasabay ng desisyong tuluyan nang kanselahin ang kasal nilang matagal nilang pi...

Hindi natuloy ang kasal namin sa simbahan dahil sa pamilya ko 17.07.2026

Ibinahagi ng ating sender kung paano nauwi sa secret civil wedding ang pangarap nilang church wedding matapos makialam ang kanyang pamilya sa halos bawat detalye ng kasal. Sa halip na hayaan ang iba ang magdikta sa kanilang buhay, pinili nila ng fiancé niyang si Warren na unahin ang kanilang kapayapaan kahit pa nauwi ito sa sama ng loob at galit ng sarili niyang ina. Ito ang secret file ni Candy.

Höre den Podcast Raqi’s Secret Files with Titan Gelo in Replaio

Radio und Podcasts in einer App - kostenlos und ohne Anmeldung. Installiere sie noch heute und verpasse den Start nicht

Bei Google Play herunterladen

Replaio ist kein Herausgeber von Podcasts; die Namen der Sendungen, Cover und Audioinhalte gehören ihren Autoren und werden über öffentliche RSS-Feeds verbreitet