MOR Entertainment
Dear MOR
Sariwain natin ang nakakaiyak, nakakakilig, nakakatawa, at nakaka-inlove na mga kwentong pagibig, pagkasawi, at pagtatagumpay dito sa #DearMOR. Linggo-linggo tayong maantig sa mga kwento ng ating mga kaMORKada. Ikaw? Anong kwento mo?
Besuch unbedingt die Website des Podcasts und unterstütze die Macher: podcasters.spotify.com
Autor
MOR Entertainment
Kategorie
Podcast-Website
Neueste Folge
8. Okt 2026
Wo hören?
Podcasts in der App Replaio Radio Bald verfügbarPodcasts kommen bald in die App. Installiere sie jetzt und erlebe als Erster einen ganz neuen Blick auf Podcasts
Folgen
Episode 125: "Gunita" (The Roy Story) 07.04.2021 50:23
“Gagawin ko ang lahat para maging masaya ka sa piling ko. Hindi ko maipapangako na hindi ka masasaktan dahil ganon naman ang pagmamahal ‘di ba? Kapag natuto kang magmahal, dapat raw handa ka ring masaktan.” - The Roy Story #DearMORGunita
Episode 124: "Nasulot" (The JB Story) 05.04.2021 50:37
"Alam mo, wala kang karapatang magda-drama dyan. Paalala ko lang sa’yo ha, ikaw ‘tong nang-iwan, lalo nung panahon na kailangang kailangan ka niya. Kaya ‘wag kang umarte na ikaw ang biktima dito." - THE JB STORY #DearMORNasulot
Episode 123: "Kakayanin" (The Brent Story) 31.03.2021 50:09
"Alam ko naman eh. Ramdam ko naman. Sa pambabaliwala mo sa akin, sa panlalamig mo sa kin. Alam kong dito rin tayo papunta. At wag kang mag-alala. Hindi ko ipagdadamot sa iyo yung gusto mo." – THE BRENT STORY #DearMORKakayanin
Episode 122: "Package" (The Yelen Story) 29.03.2021 44:37
"Eh friend, ang akin lang naman, s’yempre paulit-ulit ka nang umaasa, napapaasa... baka mamaya n’yan pag dumating na yung right guy, wala na. Ubos na energy mo. Pagod at sawa ka na." – THE YELEN STORY #DearMORPackage
Episode 121: "Pinangarap" (The Mira Story) 23.03.2021 44:45
"Hanggang kelan niya po kikimkimin ang sakit na ‘yon? Hanggang sa iwan na siya ng lahat ng mga taong nagmamalasakit at nagmamahal sa kanya? Kasi ninang, nakakapagod na po ‘yung ginagawa niya sa akin." – MIRA STORY #DEARMORPinangarap
Episode 120: "Lost" (The Lady Story) 22.03.2021 49:05
"Magtiwala ka lang. Kasi kapag hindi ka nagtiwala, hindi kayo magtatagal. Parte ng pakikipagrelasyon ang pagtitiwala. Kasi kapag walang gano’n, parang kayong building na hindi matibay." – THE LADY STORY #DearMORLost
Episode 119: "Pinagplanuhan" (The Maggie Story) 19.03.2021 41:06
"Ikaw lang ‘tong paranoid. Nambibintang ng wala namang kwenta. Porket nagkamali lang ako ng isang beses, ‘yun na agad ang iisipin mo dahil sa nakita mo?? Pinatawad mo na ba talaga ako? O baka naman pilit lang ang pagpapatawad mo sa’kin." – THE MAGGIE STORY #DEARMORPinagplanuhan
Episode 19: "BL" (The Terrence Story) 17.03.2021 1:06:50
"Bakit ba? Ano ba'ng problema kung hindi na ako madalas sumasama sa inyo? Eh may Chrishna ka naman na. Bakit hindi mo ibuhos lahat ng oras mo sa kanya?" -- The Terrence Story -- #DearMORBL #TheTerrenceStory
Episode 118: "Mananatili" (The Nerissa Story) 15.03.2021 47:22
"Hindi porke’t wala tayo sa isang relasyon eh hindi ka na mahalaga sakin, na hindi na kita mahal. Gusto kong maintindihan mo na nandito pa rin ako lagi para sayo. Hindi naman ako mawawala." – THE NERISSA STORY #DEARMORMananatili
Episode 117: "Unahin" (The Roselle Story) 09.03.2021 54:06
"Hindi ko siya nilalako. Anak ko ‘rin ‘yan. Iniisip ko lang ang future ni Happy. Gusto ko, habang buhay pa tayo, makita natin na magiging okay siya. ‘Na makakahanap siya ng makakasama niya habang buhay." - THE ROSELLE STORY #DearMORUnahin
Episode 116: "Regret" (The Kristy Story) 01.03.2021 48:09
“Ayokong mahaluan ng awa ‘yang pagmamahal na binibigay mo sa’kin. Ayokong makita kang malungkot dahil sa nakikita mong kalagayan ko. (paiyak) Gusto kong masaya lang tayo. Walang halong takot, lungkot.” – THE NIKO STORY #DearMORRegrets
Episode 115: "Esdudyante" (The Chesca Story) 22.02.2021 57:24
"Kasi may signs na akong nakikita! Hindi naman ako bulag at tanga, Philip. Nakikita ko ang mga tinginan niyong dalawa at nararamdaman kong may kakaiba talaga eh!" - THE CHESCA STORY #DearMOREstudyante
Episode 114: "Ander de Saya" (The Ericson Story) 19.02.2021 39:42
"Wala ka ba talagang tiwala sa akin? Alam ko naman na mahirap ang pinagdadaanan mo ngayon sa pagbubuntis mo, pero sana namang bigyan mo ako kahit konting tiwala lang. Kasi kahit kelan, hinding-hindi ko magagawang lokohin ka." - THE ERICSON STORY #DEARMORAnderDeSaya
Episode 113: "Pagkukulang" (The Lilia Story) 17.02.2021 56:12
"Bakit mo kasi pinapasan lahat? Ba’t sinosolo mo? Hindi ba pwedeng ibigay mo naman sakin yung iba? Hindi ba pwedeng magtiwala ka naman sakin? Ayaw mo bang labanan natin to ng magkasama?" – THE LILIA STORY #DearMORPagkukulang
Episode 112: "Katulong" (The Darwin Story) 15.02.2021 39:28
"Ang problema kasi Darwin, hindi na kita maasahan dito sa bahay. Ako na lang ang lahat ng gumagawa dito. ‘Yung totoo, inasawa mo lang ba talaga ako para magkaroon ka ng katulong sa bahay at taga-alaga ng anak mo?" – THE DARWIN STORY #DearMORKatulong
Episode 111: "Kontrolado" (The Jepoy Story) 12.02.2021 47:15
"Ipinapaalala ko lang sa'yo. Kasi baka mamaya, makakita ka lang ng maganda at nakapalda, eh makalimutan mo na lahat ng pinag usapan natin. Baka kapag kumabog na ng malakas 'yang dibdib mo, mabingi ka na at hindi ka makinig sa'kin." -The Jepoy Story #DearMORKontrolado
Episode 110: "Role Model" (The Yara Story) 05.02.2021 48:29
"Basta love, kailangan maging maingat tayong dalawa ah. Alam mo naman yung lagay ng pamilya ko ngayon. Ako lang yung inaasahan. Ayoko nang dumagdag sa pasanin ng Tatay ko. Kaya sana maintindihan mo kung may mga limitasyon ako sa relasyon natin. Para satin din naman to eh." – THE YARA STORY #DearMORRoleModel
Episode 109: "Sinamantala" (The Wilson Story) 03.02.2021 44:01
"Matagal ko nang sinabi sa’yo, hindi normal ‘tong anak ko. May diperensya siya. Wala kang aasahan sa kanya bilang asawa o ina ng anak niyo. Kasi maski siya, nangangailangan pa ng pag-aalaga at pag-alalay." – THE WILSON STORY #DearMORSinamantala
Episode 108: "Kasosyo" (The Anjo Story) 01.02.2021 1:01:07
"Matuto ka ring humingi ng tawad! Nag-sorry ka na ba sa ginawa mo sa’kin? Ha?! Sa lahat lahat? Hindi ‘di ba? Kasi ‘yung mga sorry na sinabi mo, eh dahil lang nahuli ka, dahil totoo ‘yung naging hinala ko!" – THE ANJO STORY #DearMORKasosyo
Episode 107: "Tampuhan" (The Aldrin Story) 18.01.2021 47:24
"Oo, limitado lang ang pera pero mabilis ‘yun kitain. Ang oras at buhay ng mga mahal natin, limitado rin pero hindi na pwedeng ibalik pa kapag nawala." - THE ALDRIN STORY
Episode 106: "Pasan" (The Bella Story) 15.01.2021 51:18
"Gusto kitang tulungan. Pero tulungan mo ‘rin naman ang sarili mo. Hindi ‘yung parati ka na lang nagpapabitbit sa’kin. Nakakapagod. Kaya hindi mo magawang magpakatino eh, kasi alam mong may sasalo sayo. May tutulong sayo." – THE BELLA STORY #DearMORPasan
Episode 105: "Raket" (The Marife Story) 13.01.2021 49:39
"Tumigil-tigil ka na sa pag-iyak sa walang kwentang dahilan. Naghanap siya ng iba? Eh ‘di ihatid mo siya do’n sa kabit niya. Magsama silang dalawa. Gano’n lang kasimple ‘yun." – THE MARIFE STORY #DearMORRaket
Episode 104: "Love Again" (The Shirley Story) 11.01.2021 46:23
"Eh ‘di ba nagawa mo na ‘rin naman ‘yun dati? ‘Yung nagkunwaring masaya ka? ‘Na mahal mo pa ako? Pero ang totoo, hinihiling mo na sana mawala na ako sa buhay mo? Napaniwala mo nga ako eh, ibig sabihin, maliit na bagay na lang ‘to sayo." – THE SHIRLEY STORY #DearMORLoveAgain
Episode 103: "Tanggapin" (The James Story) 08.01.2021 50:16
"Hindi, Ivy! Hinding hindi ko makakalimutan lahat ng sakit na binigay mo sa akin nun. Ipapa-alala ko sa iyo na pareho tayong marumi dito! Kaya wag na wag mo kong pagsasalitaan na akala mo ang linis-linis mo." - The James Story - #DEARMORTanggapin
Episode 102: "Pasaway" (The Rosie Story) 06.01.2021 46:40
"Hindi lahat ng gusto mo Rosie makukuha mo. Kailangan mong magtiis, mag-tiyaga. At kailangan mong makinig samin kung gusto mong magkaroon ka ng magandang buhay. Dahil ngayon, hindi mo pa alam ang gusto mo. Kaya wala kang magagawa kundi ang sumunod nalang nang hindi nagrereklamo." - The Rosie Story - #DEARMORPasaway
Ähnliche Podcasts
Replaio ist kein Herausgeber von Podcasts; die Namen der Sendungen, Cover und Audioinhalte gehören ihren Autoren und werden über öffentliche RSS-Feeds verbreitet