Treasuring Christ PH
Baliwag Bible Christian Church [sermons]
Taglish gospel-centered sermons preached every Sunday at Baliwag Bible Christian Church in Baliwag City, Bulacan. Most of the sermons are preached by Ptr. Derick Parfan. For more Taglish gospel-centered resources like ebooks, study guides and articles, please visit our website, treasuringchristph.org.
Husk at besøge podcastens hjemmeside og støtte skaberen: www.spreaker.com
Forfatter
Treasuring Christ PH
Kategori
Podcastens hjemmeside
Seneste episode
11. okt. 2026
Hvor kan du lytte?
Podcasts i appen Replaio Radio Kommer snartPodcasts kommer snart til appen. Installer nu, og vær den første til at se en helt ny tilgang til podcasts
Episoder
Exodus 33 • Ang Walang Katumbas na Halaga ng Presensya ng Diyos 19.10.2024 1:03:20
Malaya ang Diyos na piliin kung sino ang kaaawaan niya at ililigtas. Bilang sovereign Lord and Ruler of all, hindi siya obligado na iligtas ang sinumang tao na nararapat lamang tumanggap ng makatarungang paghatol at parusa ng Diyos. Ang biyaya ng Diyos-mula simula hanggang katapusan- ang angkla ng kumpiyansa na kailangan natin para harapin ang mga hamon sa bawat araw.
Romans 10:1-4 • Renewed Minds, Zealous Hearts 04.10.2024 56:52
A devotion that is passionate & sincere yet without the knowledge of Christ is dangerous to God's people. Baliwag Bible Christian Church 38th Anniversary Preached by Ptr. Ramen Caliwag
Hebrews 3:7-14 • Ang Tunay na Kapahingahan Kay Cristo 26.09.2024 58:19
Ang tunay na kapahingahan ay matatagpuan lamang kay Cristo, at ang bawat mananampalataya ay pinaaaalalahanang mag-ingat laban sa kawalan ng pananampalataya. Sa pamamagitan ng mga babala ng Espiritu Santo, ng Kasulatan, at ng pangako ng lubos na kapahingahan, tayo ay hinihikayat na manatiling tapat at pumasok sa kapahingahang inaalok ng Diyos.
Exodus 32 • Ang Gintong Baka 19.09.2024 1:01:21
Ang Diyos ng Exodus 32 ay ang Diyos nating mga Kristiyano. At ang Diyos na ito, si Yahweh, ay committed at zealous para sa kanyang sariling karangalan. Hindi niya hahayaang ang puso natin ay magpatuloy na tumingin sa mga bagay na higit na mababa ang halaga kung ikukumpara sa Diyos. God is committed in exposing our idols—hangga’t meron pang natitirang diyos-diyosan sa puso natin. At ‘wag tayong mat...
Exodus 30-31 • Banal na Gawain, Banal na Kapahingahan 12.09.2024 59:06
Kay Cristo lang natin matatagpuan ang tunay na kapahingahan. Christ is “the Sabbath rest for the people of God” (Heb. 4:9). Kaya nga nagtitipon tayo every Sunday, hindi dahil isa itong obligasyon o kabigatan sa atin. Kundi dahil sa pagpapa-alala sa atin ng Diyos sa natapos nang ginawa ni Cristo para sa atin—sa gospel na inaawit natin, sa preaching na pinapakinggan natin, sa Lord’s Supper natin—nar...
Hebrews 3:1-6 • Worthy of Greater Glory 07.09.2024 1:01:09
Sa pagharap sa mga pagsubok at tukso, palagi tayong tumingin kay Cristo at mas mahigpit na kumapit sa kanyang mga pangako. Consider Jesus: with a desire, concentration, time, with other believers, and with confident hope. Fix your thoughts and turn your eyes to the one who is worthy of greater glory. Preached by Jowinik Bautista
Exodus 28-29 • Ang Kahalagahan ng Tungkulin ng mga Pari 28.08.2024 1:03:13
Jesus Christ is our great high priest. Sa sermon na ito ay muling ipinapakita sa atin ng Diyos ang kanyang kaningningan, kabanalan at kadakilaan mula sa exodus hanggang sa matupad ito kay Cristo, bilang Diyos na nagkatawang-tao, namuhay nang matuwid at walang kasalanan, namatay bilang kabayaran sa kasalanan ng sanlibutan, muling nabuhay, nananatiling tagapamagitan at representative ng tao sa Diyos...
Exodus 25–27 • Ang Tirahan ni Yahweh 23.08.2024 1:05:45
Kung ang glorious presence ng Diyos ang end goal ng gospel, ang layunin ng existence ng church, ito rin ang end goal ng history. Kung diyan pala patungo lahat ang kasaysayan ng mundo, ‘yan din dapat ang nasa sentro ng buhay mo ngayon. Hindi pera, hindi trabaho, hindi pamilya, hindi sarili mong ambisyon, hindi ang misyon na baguhin ang mundo. Kundi ang makapiling ang Diyos, manirahan sa bahay ng Di...
Hebrews 2:10–18 • Ang Paghihirap ni Cristo ay Isang Regalo para Sa 'Yo 15.08.2024 1:00:44
Ang paghihirap ni Cristo ay isang regalo para sa'yo. Christ gift of salvation is not just a one time gift but an active participation of God sa buhay ng bawat isang sumasampalataya sa kanya. Preached by Aldrin Capili
Mateo 19:13–15 • Usapang Pamilya: Mga Anak 07.08.2024 1:04:25
Tandaan nating ang success ng parenting ay hindi nakasalalay sa gawa at sipag natin. Oo, may gagawin tayo. At gagawin natin ang lahat ng magagawa natin para mailapit sila sa Panginoon. Magpatuloy tayo sa pagsunod kay Jesus at akayin silang sumunod kay Jesus. Mangarap ka para sa kanila. Ituro mo sila patungo kay Jesus. Ipaglaban mo sila. Ipanalangin mo sila, at kasama ng church ay sama-sama tayong...
Mateo 19:10–12 • Usapang Pamilya: Walang Asawa 01.08.2024 1:00:03
Umaasa ako sa Panginoon na gagamitin niya ang sermon series nating ito ng usapang pamilya —para magkaroon ka ng bagong pananaw at gawing pinakalayunin ng buhay mo ang maituring na yaman si Cristo—treasuring Christ—at tulungan ang iba na ituring na yaman si Cristo.
Mateo 19:7–9 • Usapang Pamilya: Paghihiwalay 17.07.2024 55:53
May ilang mga pagkakataon sa relasyon ng mag-asawa na talagang nasusubok ang commitment sa isa’t isa. walang perfect marriage. Ang kumpiyansa dapat ng bawat kristiyano ay sa Diyos sa pagpreserve ng relasyon, wala sayo, wala sa asawa mo, kundi nasa Diyos. Kaya mas kumapit pa tayo sa Diyos at humingi ng tulong sa kanya para panatilihing kapit-kamay ang mga mag-asawa, lalo na ang mga nasa bingit ng p...
Mateo 19:3–6 • Usapang Pamilya: Pag-aasawa 10.07.2024 58:50
Ang usaping pamilya patungkol sa pag-aasawa ay isang bagay na dapat maunawaan nating mabuti dahil sa kagandahan at hiwaga ng disenyo ng Diyos sa pag-aasawa, kung paano ito sumasalamin sa Diyos na meron tayo, kung paano nito sinasalamin ang mabuting balita ni Cristo at kung paanong ang gospel ay bumabago at dapat na bumago sa relasyon natin sa pamilya. Let us bring the gospel home.
Hebrews 2:1–4 • Babala sa Pagpapabaya 06.07.2024 1:00:54
Makinig ka at maniwala ka sa pahayag ng Diyos, itabi mo ang lahat ng kabigatan at kasalanang bumibitag sayo, remember that you are forgiven, tumakbo ka at magtiis knowing that Jesus is for you, and with your local church remind each other na sapat si Cristo. Patuloy nating pagmasdan si Jesus for His infinite glory and for our eternal good.
Exodus 24 • Paano Makakalapit sa Diyos 25.06.2024 59:21
Ang Diyos ang lumikha sa atin, nag-imbita at tumawag sa atin para lumapit sa kanya. Siya rin ang bumaba at nagligtas sa atin, para ilapit ang sarili niya sa atin. Patuloy din tayong binabago ng Espiritu for God himself. Ang Diyos ang punto ng lahat. Siya ang ending ng kuwento ng buhay natin. He is our highest good, our greatest joy, our everlasting treasure.
Exodus 23:20–33 • Paano Makakarating sa Destinasyon 18.06.2024 1:12:56
Sino ang dapat mong pakinggan kung saan ka pupunta o kung paano tayo dapat mamuhay? Kung ano dapat ang misyon at ambisyon mo sa buhay? Hindi ikaw siyempre. Kundi si Cristo. Ang makita natin siya nang mukhaan ang pinaka-destinasyon na patutunguhan nating lahat na nakay Cristo. Si Cristo ang pinakapunto ng lahat ng paglilingkod at pagpapagal na ginagawa natin. Christ alone—hindi ang mga idols sa pus...
Hebrews 1:4–14 • Ang Dakilang Anak at mga Anghel 13.06.2024 58:49
Dito sa Hebrews chapter 1 nakita natin yung assurance sa ginawa ng Panginoong Hesus at pinatibay nito ang katagaumpayan kanyang sakripisyo, ang kanyang pagkamatay para sa ikapag-papatawad ng ating mga kasalanan at yung pagiging Diyos ni Cristo na may kakayahan at authority na gawin lahat ng iyon, dahil Siya ay higit sa lahat, at higit maging sa mga anghel.
Psalm 139:1-24 • Ang Kadakilaan at Kapangyarihan ng Diyos 06.06.2024 47:13
God knows all things, God is everywhere at all time, and God is supremely powerful. Sama-sama natin itong pagbulayan sa ating puso, pagtiwalaan ang mga katotohanang ito at patuloy nawang maitanghal ang Diyos sa ating buhay bilang mga taong tinubos ni Cristo not individually but as a church.
Hebrews 1:1-6 • Ang Walang Katulad na Kadakilaan ni Cristo 05.06.2024 52:43
Si Cristo ay higit sa lahat. Sobrang laking katotohanan nito, na ang ating Panginoong Jesu-Cristo ang katuparan ng lumang tipan. Si Cristo ang anak ng Diyos ay dakila sa lahat, ang kapahayagan ng kapangyarihan at kaluwalhatian ng Diyos.
Exodus 22:21-23:19 • Katarungan, Kapahingahan, at Pagdiriwang 30.05.2024 56:26
Remember the two greatest commandments, love God and love your neighbor. ‘Yan ang summary ng mga utos ng Diyos. Hindi natin pwedeng paghiwalayin ang relasyon natin sa Diyos sa relasyon sa ibang tao na nilikha rin sa larawan ng Diyos. Hindi natin pwedeng paghiwalayin ang ginagawa natin kapag Linggo sa ginagawa natin mula Lunes hanggang Sabado. Ang mga utos ng Diyos na nakapaloob dito ay may kinalam...
Exodus 20:22-22:20 • Ang Kabayaran ng Pagsuway 22.05.2024 58:15
Mahalaga ang Old Testament law para sa ating mga Christians ngayon, hindi by way of direct application. Siyempre hindi ganun. Kundi dapat makita natin na ito ay tungkol unang-una sa relasyon ng Diyos sa kanyang redeemed people, kung ano ang gusto niyang gawin nila in response sa pagliligtas na ginawa sa kanila ng Diyos, kung paano sila mamumuhay para sila’y maging “kingdom of priests” at “holy nat...
Exodus 20:17 • You Shall Not Covet 18.05.2024 51:02
Ang ika-10 utos ang huli sa sampung utos ng Diyos—last, but not the least. Mabigat. Bakit? Dahil ito ay kasalanan laban sa Diyos, kasalanan laban sa ibang tao na nilikha rin tulad natin sa larawan ng Diyos, nagbubunga ng marami pang kasalanan, at may parusang kamatayan. So, ang kasunod na tanong, paanong ang ika-10 utos ay nagtuturo sa atin patungo kay Cristo? Christ is our Savior, and…he is also...
1 John 4:7-12 • Beloved, Let Us Love One Another 06.05.2024 59:35
Heto ang tatlong dahilan kung bakit hindi lang tayo inaanyayahang magmahalan kundi obligado tayong magmahalan: una, ang pagmamahalan ay nagpapatunay na tayo nga ay mga tunay na anak ng Diyos; ikalawa, ang pagmamahalan ay bunga ng magandang balita ng kaligtasang tinanggap natin; ikatlo, ang pagmamahalan ay nagpapatotoo na ang presensiya ng Diyos ay nasa church natin. At lahat ng ito ay may kinalama...
Psalm 42 • Looking Up, When Feeling Down 03.05.2024 53:37
Kahit ang Diyos na ang nangako kadalasan naiinip pa din tayo at nag dududa. Madalas nakakahiya tayo. Nakakahiya yung pag awit natin, nakakahiya yung pagsamba natin, nakakahiya sa Diyos kung makikita niya yung laman ng puso natin habang nagpupuri tayo sa kanya, nakakahiya na nga yung pagpupuri natin, nakakahiya pa yung pamumuhay natin na katulad na tayo ng mundo. God deserves more than empty songs,...
Lignende podcasts
Replaio er ikke podcastudgiver; programmernes navne, coverbilleder og lyd tilhører deres ophavsmænd og distribueres via offentlige RSS-feeds.